Chapter 37
Chapter 37: It's me
Zein's Point of View
Nagising ako nang maramdamang may tumapik sa aking pisngi. Mahina lang 'yon pero ang lakas ng epekto sa akin.
"Zein, wake up."
Sa una ay hindi ko gaanong makita ang mukha nya ngunit ilang segundo lang ay naging malinaw na. Nakatingin sa akin ang malamig nyang mata. Halata sa kanyang mata ang pagod.
Inalalayan nya akong makaupo. Saglit kong iginala ang mata ko sa kabuuan ng kwartong ito. Hindi familiar sa akin at hindi ko alam kung nasan ako.
Ngunit alam kong may malaking ginampanan ang lugar na ito sa nakaraan. Dahil gaya ng sinabi ni Hanz, ibabalik nya ang lahat sa nakaraan at tatapusin 'yon.
Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin.
"Alam mo bang nagseselos ako?" Tanong nya. "Iniisip ko pa lang na kasama mo sila nung mga panahong iniwan mo ako ay nasasaktan na ako." sambit pa nito.
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya.
"Nag-alala ako..."
"Hindi sila ang kalaban," wika ko na ikinatiklop nya. "Hindi si Hell ang kalaban, Ace." sambit ko pa.
Nung mga panahong muntik na akong mahulog sa bangin, na akala ko katapusan ko na ay may humila sa akin palabas.
Nakakatawa na ang may pakana kung bakit ako muntik nang mamatay ay sya pang magliligtas sa akin. Sa mga pagkakataong 'yon ay napagtanto kong hindi sila kalaban. Sinisindak lang nila kami at wala sa plano nila ang mapahamak kami.
Hindi sila ang tunay na kalaban...
Ngumiti ito at nagpakawala ng buntong-hininga. "Ang tanga ko para hindi 'yon mapansin." Sagot nito. "Sa sobrang katangahan ko ay hindi ko napansin na nawalan na ako ng oras sa'yo." Naramdaman ko ang panginginig ng boses nya.
"Do I still deserve you?" Tanong nya sa akin. "Do you still deserve me in your life?" Nangilid ang luha sa kanyang mata.
Gusto ko syang yakapin at iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kailangan ngunit hindi ko na rin alam kung kaya ko pa. Malaki na ang puwang sa pagitan namin at natatakpan na non ang pagmamahal namin.
"Sino ba ang may kasalanan nito, Ace?" hindi ko napigilan ang pagpait ng boses ko. "Bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa'yo. Pinaramdam mo sa akin na mahina ako, na hindi kita kayang sabayan. Pinaramdam mo sa akin na kaya mong lumaban na hindi ako kasama. Pinaramdam mo sa akin na wala akong kwenta." Hindi ko na alam kung saan ko nahugot 'yon.
Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko at alam kong imposibleng mailabas lahat ng iyon nang hindi sya nasasaktan.
"Ikaw ang unang bumigay, Ace. Ikaw ang unang kumawala."
"Nagawa kong itago sa'yo lahat kasi maging ako ay hindi ko maintindihan." Naging matigas ang kanyang tono. "Paano ko ipapaintindi ang isang bagay na ako mismo ay hindi maintindihan." madiin nitong sambit.
Natawa ako kasi kailanman ay hindi 'yon magiging rason. Ang mga rason nya ay sumasaksak sa akin. Ipinaparamdam no'n na mahina talaga ako at sobrang sakit no'n.
"Ace. Alam mo ba 'yong salitang tiwala?" Tanong ko. "Kasi kung oo ay dapat sinabi mo sa akin lahat. Naghintay ako, Ace. Naghintay akong maging bukas ka ngunit hindi mo 'yon ginawa." Nag-init ang mata ko.
"Ako lang ba ang may kasalanan, Zein?" Natigilan ako sa sinabi nya kasabay nang pagbagsak ng luha sa kanyang mata. "Ni minsan... Tinangka mo ba akong tanungin? Ni minsan... Nilapitan mo ba ako para hikayatin akong sabihin sa'yo ang lahat?" Isang tanong na nagpatigil sa akin.
"Natakot akong 'pag sinabi ko sa'yo ay kamuhian mo ako. Naghintay din ako, Zein... Naghintay akong magtanong ka."
Isang katotohanan ang bumagsak sa akin ngayon. Pareho kaming natakot at naghintay. Walang kumilos sa aming dalawa. Si Ace na naghintay na magtanong ako, at ako na naghintay na magsabi sya. Nakakatawa na sinisisi ko sya gayong may kasalanan din ako.
Tama nga si Matt nung tinanong nya sa akin na kailan ba ako magkakalakas ng loob... Magkakalakas ng loob na magtanong at kausapin si Ace. Ngayon ay magulo na at hindi na matatapos sa isang usapan lang.
Nung mga panahong natuklasan ko ang sikretong unit ni Ace sa baba ng unit namin. 'Yong nakita ko sa bintana nyang hagdan pababa sa unit na 'yon para siguro hindi ako maghinala na lagi syang lumalabas. Kinimkim ko ang lahat ng 'yon kasi naghintay ako na nagmasabi sya. Ni hindi ko man lang nagawang magtanong.
Ako ang sumunog sa unit na 'yon kasi hangga't naroon 'yon ay nasasaktan ako at wala namang kwenta 'yon. Lahat ng nakalap nyang impormasyon ay mali at may kulang.
"Zein, alam mo ba 'yong masakit?" Tanong nya. "Ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin ay 'yong pinagdudahan mo ang nararamdaman ko sa'yo." pumait ang boses nito.
Umiling ako kasi hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.
"Mahal kita higit sa pagmamahal na naibigay ko sa kanya."
"Ace, please..." Umiling ako. "Huwag muna ngayon." Hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Raze na pumupungay pa ang mata. Halatang kakagising lang nya. Mabilis na pinahid ko ang luha sa aking pisngi.
"Nasan ba tayo?" Tanong nya sa amin.
Tumayo si Ace at lumapit sa kanya. "Hindi mo ba talaga naaalala?" Tanong nito bago lumabas.
Naiwan kami ni Raze. Nakita ko sa kanyang mata ang pagkagulo.
Nasan nga ba kami at dito kami dinala nila Hanz at Winzy? Ano ang ginampanan nang lugar na ito sa nakaraan?
Nanlaki ang mata ni Raze at mabilis na lumabas. Tumayo rin ako at sumunod.
Hindi familiar sa akin ang bahay na ito. Ang alam ko lang ay nasa loob pa rin kami ng Hell University ngunit hindi ko pa ito nakikita o napupuntahan.
May dalawang kwarto ito. Halata na rin ang kalumaan nito dahil halos yari sa kahoy ang lahat. Mga materyal na kahoy din ang mga upuan.
Tumingin sa nakakandadong bintana si Ace na sinubukan pa 'yong buksan ngunit hindi nabuksan.
Ito na ba ang plano nila? Hindi nila kami papakawalan hanggat hindi natatapos ang lahat. Walang makakalabas sa apat na sulok ng bahay na ito nang hindi natatapos ang lahat at alam kong hindi matatapos ang lahat nang hindi dumadanak ang dugo... Dugo mula sa mga mata at puso.
Napatingin ako kay Ate Allison na nakatayo sa pinto nang kabilang kwarto. Katulad ni Raze ay halata din ang gulat sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang lugar na ito.
Anong nangyari sa lugar na ito at dito nila kami dinala?
"Namiss ko ang bahay na ito." Wika ni Raze na sinusuri pa ang bawat parte. May ngiti sa kanyang labi at alam kong galak na galak syang makitang muli ito. "Hindi ba, Ace? Dito ka rin tumira nung Supremo ka pa?" tanong nya kay Ace na nasa tabi ko na.
Kumunot ang noo ko at alam kong napansin 'yon ni Ace.
"Dito tumitira ang Supreme Student Government President, Vice at Secretary. Nakahiwalay ito sa dorm nyo kaya hindi nyo napupuntahan." Pagpapaliwanag sa akin ni Ace.
"Bakit, ako? Hindi ako dito tumira nung secretary pa ako?" Hindi ko naiwasang magtanong.
Humalakhak si Raze. "Baka kasi magkaroon ng hima----"
"Kuya..." putol ni Ace kay Raze na pumunta sa kusina. Umupo si ate sa gawang kahoy na upuan at tumingin sa kusina kung saan pumunta si Raze.
Tumingin akong muli kay Ace.
"Bakit, Ace? Ayaw mo ba akong makasama no'n?"
Ngumiti ito. "Alam kong mas komportable ka sa mga kaibigan mo." wika nito.
"Sa una pa lang ay winasak mo na agad ang batas." Napatingin kami kay Ate Allison. "Isa sa mga batas na 'pag kasapi ka ng SSG ay dito ang titirhan nyo. Hindi ka maaaring makihalubilo sa iba." pagpapaliwanag nya.
Alam na alam mo talaga... Sabagay, bago ako ay ikaw muna... Kayo muna.
"Paano mo nalaman 'yon?" Natigilan kami nang makita si Raze sa bungad ng kusina. May hawak itong baso. Nakakunot ang kanyang kilay. "Paano mo nalaman ang tungkol sa batas na 'yon?" ulit na tanong nya.
Kinabahan ako para kay ate at nakita ko rin sa kanyang mata ang takot.
"L-Lux..."
Mas lalong kumunot ang noo ni Raze. "Ganon ka ba talaga kagaling para maging ang ibinaon kong pangalan ay malaman mo pa?" Alam kong sarkastiko 'yon.
Naghihinala na sya ngunit ayaw nyang tanggapin. May nabubuo na sa kanyang utak ngunit hindi nya kayang tanggapin.
Napatingin ako kay Ace na nakatingin sa akin. Umiling ito sa akin na animo'y binabalaan akong huwag makialam.
Gustuhin ko man ay hindi ko rin gagawin. Kailangang mangyari ito, ito ang plano at ito ang kailangang matupad. Kahit na anong mangyari... Hindi kami lalabas hanggat hindi nabubunyag ang mga sikreto.
Bubuhos ang luha at sa pagtatapos ay may maghihinalo. May sasaya at malulugmok. Ang nakaraan ay ibabalik sa kasalukuyan. Ang mga ibinaon ay muling huhukayin.
***
Allison's Point of View
Paano ko ba uumpisahan? Saan ba ako dapat mag-umpisang magpaliwanag? Paano nila ako maiintindihan kung ayokong ipaintindi sa kanila.
Nanatiling nakatulala ako kay Raze na naghihintay ng sagot ko.
"How did you know, Allison?" Nakita ko ang paghigpit ng hawak nya sa kanyang baso.
Pumikit ako bago tumayo. Tumingin ako sa kanila. Akala ko handa na ako para dito, ngunit akala ko lang pala. Handa man ako o hindi, kailangan nang matapos ito ngayon.
"Because... I was once a secretary of Hell University."
"W-What?" Naguluhan si Lux sa sinabi ko. It breaks my heart seeing him like this.
Buong buhay ko ay tinanggap ko. Ibinaon ko sa hukay ang mga nangyari sa akin. Binura ko sa aking isipan ang madilim na bahaging 'yon ng aking nakaraan.
"Paano ka naging secretary? Hindi kita kilala."
Parang sinaksak ang aking puso ng mga sinabi nya. "Kilala mo ako, Lux. Hindi bilang Allison." Huminga ako nang malalim at parang may bumara sa lalamunan ko.
"Wait..." Tumawa ito nang mapakla. "Naguguluhan ako." Mas lalong humigpit ang hawak nya sa kanyang babasagin na baso.
Ang pinaka tinatago kong sikreto ay ngayo'y mabubunyag na. At ako... Ako mismo ang magbubunyag ng mga 'yon. Sa bibig ko mismo manggagaling.
"Baby, it's me... Samantha..."
Napapikit ako nang marinig ang pagkabasag ng basong hawak nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro