Chapter 36
Chapter 36: Afraid
Zein's Point of View
Nawawala ako sa aking sarili. Galit ako? Sobra. Hindi ko alam kung kaya ko silang patawarin sa ginawa nila. Pinaikot nila kami sa mga kasinungalingang pinagtakpan nila.
Pero, ba't ganon? Kahit na anong galit ko kay Ace, nawawala ang lahat 'pag nakikita ko na sya. Gusto kong magalit ngunit taksil ang nararamdaman ko. Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.
Ate Sam... Alam kong hindi mo gusto ang nangyayari sa amin ngayon pero lahat ng ito ay para sa iyo. Gusto naming ituwid lahat ng pagkakamali. Hindi lahat ng lihim ay ibinabaon sa limot, kailangan itong ibunyag para maharap mo ang kinabukasan nang buo ka. Hindi 'yong nangangamba ka sa loob mo.
Nakita ko ang luha sa mata ni Ate Allison dahil sa ginawa ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko na animo'y nasasabik pa itong muling dumapo sa pisngi ni ate. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang isang sampal.
"Z-Zein, hindi ko kaya."
"Kayanin mo." Pumait ang boses ko dahil ibang-iba na sya ngayon. Nawala 'yong palaban na babaeng hindi marunong masindak. "Tatapusin natin lahat, ate." pumiyok ang boses ko.
Ibinalin ko sa iba ang tingin ko dahil hindi ko sya kayang tignan. Naiinis ako na sa tuwing nakikita ko sya ay ibang babae ang nakikita ko. Malayong-malayo sa kinagisnan kong kapatid.
"Ganito na ba ang reunion? Sampalan?" Mahinang tumawa si Raze ngunit sa pagkakataong 'yon ay alam kong pilit na.
God. Masyado akong nasaktan sa mga nalaman ko at hindi ko alam kung paano 'yon kakayanin ni Raze. Natatakot ako. Ayokong magkagulo ang lahat, ang relasyon ng magkuya ngunit ito ang pinaka mainam sa lahat at ito lang ang tanging paraan.
"Inaantok na ako," sabi ni Raze na humikab pa. "Uuwi na ako." Pagpapaalam nito ngunit pinigilan sya ni Hanz.
"Heto na naman ba tayo? Tatakasan mo na naman ba ang problema?"
"Problema?" Natawa si Raze sa tinuran ni Hanz. "Kayo lang ang may problema. Hindi ako kasali." Naging malamig ang boses nito.
Umihip ang malamig na hangin. Nangatog ang tuhod ko. Halos mapatalon ako nang maramdaman ang pagbalot sa akin ng tela.
"Wala akong pakialam kung galit ka o kinasusuklaman mo na ako. Ayokong magkasakit ka." Wika nito nang aktong aalisin ko 'yon.
Sinabayan 'yon nang muling pag-ihip ng hangin na gumulo sa kanyang buhok. Nakakatunaw ang malamig nyang mata na agad kong iniwasan.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Masyadong magulo at hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagbuhos ng mga emosyon kong nagkabuhol-buhol sa loob ko.
Hindi ko alam na ganito pala kalala ang lahat. Akala ko wala nang mas sasaklap pa sa pagkakakulong namin sa impyerno. Pero mas masakit pala na ang kalaban mo ay ang mga malapit sayo at... Ang sarili mo.
"Raze..."
"Tangina! Ayoko sa mga inaasta nyo." Natahimik kami nang sumigaw ito. "Kasi... Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit." Naging halos pabulong 'yon.
Napatingin ako kay ate. Nakatakip ang dalawa nyang kamay sa kanyang bibig na parang pinipigilan nyang marinig namin ang hikbi nito.
Siguro, inaakala mo ngayong kinasusuklaman na kita. Pero, hindi ate. Lahat ng sinabi ko sa'yo ay totoo. Walang kasinungalingan doon. Mahal kita, sobra. Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo. Sana maintindihan mo ako. Ginagawa ko lang ito para sa'yo... Para sa atin.
Hindi tayo makakausad sa hinaharap kung may bahagi tayong naiwan sa nakaraan.
"H-Hayaan nyo na sya." Sambit ni Ate. "Ako na lang ang parusahan nyo. Pakiusap, huwag na sya." Lumuhod ito.
Sumikip ang dibdib ko at hindi ko nagawang ialis ang aking mata sa kanya.
Humalakhak si Winzy sa ginawa nya. Yumuko ito sa harap ni Ate Allison.
"Matatanggap ko pa ang ginawa mo sa akin. 'Yong kasinungalingan mo pero kailanman man ay hindi ko matatanggap ang pang-iiwan mo sa amin. Kasalanan mo ang lahat."
Aktong magsasalita pa sana si ate ngunit hindi nya tinuloy. May gusto syang sabihin ngunit natakot sya. Sa halip ay yumuko na lang ito.
"Whoa. Nasa drama na ba tayo?" Mapaklang tanong ni Raze. "Gusto kong maging artista ngunit ayoko sa drama." Dugtong nito.
'Yong mga salita mo, Raze. 'Yong mga biro mo at kalokohan mo... Makikita ko pa kaya? Maririnig pa ba namin? I want you to stay that way.
"Alam mo bang may kasalanan ang babaeng 'to," turo ni Winzy kay Ate Allison bago tumingin kay Ace. "At ang kapatid mo sa pagkamatay ni Samantha?" tanong nya.
Damn... Nag-uumpisa na.
Humalakhak si Raze. Napatingin ako kay Ace na nakatingin lang kay Ate Allison.
"Hindi." Mapaklang sagot ni Raze. "Hindi ko alam at wala akong panahon sa mga pagbibintang. Ayoko na. Kung ganito lang naman ang dahilan ng pagbalik nyo, siguro... Mas mabuting hindi ba lang kayo bumalik." Tumalim ang tinig nito.
Mabilis na niyakap ko si Ace nang sikmuraan ni Hanz si Raze na mabilis na bumagsak sa lupa.
"D-Don't look..." Bulong ko kay Ace na sa likod ko nakatingin. Nanatili kaming magkayakap. "Just don't look, darling." dugtong ko.
Ayokong masaksihan nya ito. Kapatid nya pa rin si Raze at ayokong makita nya ang gagawin nila sa kanya.
"Oh, shit! Hurt him again and I'll fucking kill you!" Sigaw ni Allison na hindi makagalaw dahil sa nakatutok na kutsilyo ni Winzy sa kanya. Ngumiti ito na nagpatayo sa balahibo ko. "Wala akong pakialam kung madadagdagan na naman ang kasalanan ko at masunog ang pagkatao ko sa impyerno. Saktan nyo sya, mapapatay ko kayo." malamig na pagbabanta nito.
Badass... Ate.
Nanatiling nakahiga sa lupa si Raze at hawak ang kanyang sikmura.
"Gusto kong tumingin Zein ngunit ayokong suwayin ang utos mo."
"Shut up, Ace."
Huwag ka na lang tumingin, masasaktan ka lang. Mag-ipon ka ng lakas kasi mas masmalala pa rito ang kakaharapin mo.
Napaluhod si Ate nang may itusok si Winzy sa kanyang binti dahilan ng pagkawala nito ng lakas.
"Shit... Para saan 'yon?" Nagawang magsalita ni Raze. May dugo ang bibig nito habang nakatingin kay Allison. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mata dahil sa ginawa ni Winzy.
Ngayon ay mas nagiging malinaw ang lahat. Ang namagitan kita Ate Allison, Lux, at Ate Samantha. Ang mga nararamdaman nila ay mali at magulo.
"Matulog ka muna," wika ni Hanz bago tinurukan nang pampatulog si Raze.
"Pampatulog ba 'yon?" Tanong nya nang pumungay ang kanyang mata. "Sa wakas ay makakatulog na rin ako. Gabi na e." Sa huling pagkakataon ay tumingin syang muli kay Ate Allison na bagsak din sa lupa. "Don't hurt her... Just don't." sabi nito bago tuluyang bumagsak at nakatulog.
Tama nga sila. Hindi basta-basta sasang-ayon si Raze. Kaya hinanda namin ito. Kailangang maganap lahat ng plano kasi ito na ang huling baraha namin. Ito ang tanging daan para makausap at ito rin ang pinaka masakit.
"Sana ganito na lang tayo, Zein." bulong sa akin ni Ace. Nakaharap pa rin sya sa likod at nakayakap sa akin.
Gusto kong isipin na mahal mo talaga ako ngunit 'pag naiisip ko si Ate Samantha... Nagdududa ako.
"Masakit?" Tanong ni Winzy kay Ate. "Ganito ang naramdaman namin nung mga panahong tinalikuran mo kami." dugtong nito.
Bakit nga ba, Ate Allison? Bakit mo sila nagawang talikuran?
"Hindi nyo ako maiintindihan."
"Paano namin maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi?"
Natikom ang bibig ni Ate Allison. Pakiramdam ko ay may mali sa kanya. May gusto syang sabihin na hindi nya masabi. Kung ano 'yon ay wala akong ideya.
Tanging kami na lang nila Ace, Hanz at Winzy ang nakatayo. Wala ng malay si Raze na ngayon ay mahimbing na ang tulog.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang maamo ngunit matapang nyang mukha. Gulo-gulo na ang blonde nyang buhok.
Ngayon... Alam kong may magbabago sa kanya 'pagtapos ng lahat nang ito. Magbabago sya at hindi ko sya masisisi. Pero, umaasa pa rin ako na maiintindihan nya.
"Paano 'pag nalaman ni Lux na ikaw..." Wika nya kay Ate Allison . "Ay nagpanggap din bilang Samantha." wika nito.
"He'll understand... Kilala ko si Kuya. Maiintindihan nya si Allison."
"Ace, shut up."
Hindi na ito nagsalita matapos kong sambitin 'yon. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakayakap sa isa't-isa.
"Paano kung malaman nya na traydor ka. Na ang kapatid nya ay ang pumatay sa kanyang kasintahan."
"Hindi si Ace ang pumatay kay Ate Samantha." Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Hindi nyo sya naiintindihan kasi hindi kayo si Ace." Hindi ko napigilan ang pagpait ng boses ko.
Ayoko sa lahat ay ang sinisisi nila si Ace, na parang si Ace lang ang may kasalanan. May kasalanan si Ace, oo alam ko. Pero, may rason. Lahat ng bagay ay may rason. May kasalanan din sila.
"Ipaunawa nyo lahat kay Lux." Malamig na sambit ni Hanz. "Nasaktan na sya at masasaktan nyo pa. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" tanong niya.
Natahimik kami sa sinabi nya.
"Pinagkaisahan nyo sya."
Humalakhak si Ate Allison.
"Kaya ko syang paamuhin, tandaan nyo. Hindi ko kayo basta-basta iniwan." Tumulo ang luha sa kanyang mata. "May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon. Dahilan na hindi ko kailanman sasabihin sa inyo." Sigaw nito.
Nanlaki ang mata ko nang may ilabas na device si Winzy. Alam ko 'yon dahil ginamit na sa akin 'yon ni Madame Violet. Kuryente na magpapahina sa katawan ng isang tao at alam ko kung gaano kasakit 'yon.
"Hindi nyo gagamitin sa kanya 'yan." Malamig kong sambit.
Napatingin ako kay Ate Allison na nakangiti sa akin. Binitawan ko si Ace para sana pigilan si Winzy ngunit naunahan na nya ako.
Napasigaw si Ate Allison dahil sa sakit no'n kasabay nang pagbagsak nya sa lupa.
Naramdaman kong rumupok ang binti ko kasabay nang pagbagsak ko sa lupa. Mabilis palang nakalapit sa akin si Hanz na tinurukan din ako nang pampatulog.
Bumagsak ako sa lupa at hindi ko man lang naramdaman 'yon. Nanlabo ang mata ko nang makitang tumakbo papunta sa akin si Ace ngunit naunahan na sya ni Winzy.
Gaya nang ginawa nya kay Ate ay ginamit nya rin kay Ace ang device na 'yon. Tinangkang abutin ni Ace ang kamay ko ngunit hindi na 'yon umabot at bumagsak na sya sa sahig.
Nabitawan ni Winzy ang device at bago ako tuluyang nawalan nang malay ay nakita kong niyakap sya ni Hanz.
Matutupad na lahat ng plano. The most painful ending is soon to come... I'm afraid.... Scared.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro