Chapter 35
Chapter 35: Run away
Raze's Point of View
Tahimik na nagbi-byahe kami sa kung saan man ako dadalhin ng dalawang ito. Nasa likod ako habang si Winzy ang nagda- drive, katabi si Zein na diretso lang ang tingin.
Naguguluhan ako.
"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko mapigilang magtanong.
Baka naman i-gang rape ako ng dalawang 'to o kung ano mang binabalak nila.
Walang sumagot sa kanila. "Basta, manahimik ka na lang, Sexy Raze." sagot ko sa sarili ko dahil hindi talaga sila sumasagot.
Naka mute ba sila? Hindi naman siguro horror ang nangyayari sa amin, 'di ba? May tatapusin lang kaming problema.
Tatapusin? May inumpisahan ba kaming hindi natapos? O kung meron man, ang tagal na no'n at hindi na dapat binabalikan. Pwede naman naming iwan na lang 'yon dahil matagal na.
"Zein, alam mo ba 'yong kanta ni Bruno Mars? 'Yong versace on the floor?" tanong ko.
Tumahimik ako at naghintay ng sagot ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala pa rin akong nakuhang sagot.
"Oo. Alam ko 'yon, Sexy Raze. Ang angas! Nakakadala ang lyrics!" sagot kong muli sa sarili ko bago ngumuso.
Humalukipkip ako at ibinalin na lang sa labas ang aking atensyon. Hindi familiar sa akin ang daan at hindi ko rin gaanong makita ang view dahil gabi na.
"Nagkita na ba kayo ni Hanz?" Tanong ko.
"Y-Yes."
Sa wakas ay may nakuha na rin akong sagot. Hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong itatanong.
Namiss ko ang dalawang 'to. Sila ang gumulo sa buhay ko sa Hell University. Sila 'yong sumira sa pagkatao ko at gumising sa pagkakahimhing.
Si Winzy na laging nakatago sa likod ni Samantha. 'Yon bang halos hindi sila magkahiwalay. Baby na nga ang tawag sa kanya ni Sam e.
Si Hanz na laging nariyan para sagipin si Sam. Ang angas ng lalaking 'yon e. Tahimik lang syang nakamasid sa malayo. Malalim ang iniisip. Minsan nakakatakot sya.
Si Samantha... Sya 'yong babaeng laging nakangiti. Huwag na huwag mong sasaktan ang isa sa kanyang kaibigan kung ayaw mong mabato ng sapatos. Naalala ko dati ang ginawa nya sa isang nambastos sa kanya. Kinadena nya ang dalawang binti at kamay sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Walang tumulong sa lalaki dahil takot sila sa kanya.
Si Samantha na lagi akong pinapangiti. Si Samantha na hahampasin ka ng sapatos 'pag umiyak ka sa harap nya. Si Samantha na galit sa mahina. Matalas ang dila nyang hindi nya napapansin na nakakasakit na sya.
Si Samantha na halos maging ang aking ama ay hambalusin ng sapatos dahil sa pagkainis. Si Samantha na kinakatakutan. Si Samantha... Na minahal ko.
"You miss her?" Napatingin ako sa rear mirror kung saan nagtagpo ang mata namin ni Winzy.
Hindi ako nakasagot dahil alam kong totoo.
"What if she's alive?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Paano kung buhay nga sya? Paano kung hindi sya bumalik sa akin nung gabing pinalaya ko na sila para balikan ang kapatid ko? Paano kung sinunod nya na lang ako na magpakalayo na at huwag ng babalik sa loob?
Damn!
Sana... I wish... Samantha...
"Hindi ka ba nagtataka?" sunod na tanong nya sa akin. "Bakit nagkagulo nung gabing 'yon?" natatawa nyang dugtong.
"Shut the fuck up." malamig na sambit sa kanya ni Zein. Humalakhak ito. "Just drive." Isang nagbabantang tinig ni Zein ang nagpatahimik sa kanya.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Hindi na ito sumagot at naiwan na naman akong may tanong. Bakit nga ba ako sumama sa kanila?
Kung hindi ako sumama sa kanila ay baka natutulog na ako ngayon. Pero may parte sa akin na nagtutulak para sumunod. Isang malaking bahagi sa loob ko na wala akong magagawa kundi sundin.
"Nasan si Ghost?" Sunod na tanong nya sa akin.
"Winzy!" pasigaw na banta ko.
Humalakhak ito. "Okay. Oo na. Nasan si Dark?" Pagbabago nya sa kanyang tanong.
Muli akong napansadal sa upuan. Naalala ko na naman ang itinawag ni Samantha kay Dark. Ghost... Sabi nya sa akin na multo raw ang itim na pusa. Nagpapanggap lang daw ito na pusa at sa gabi ay nagiging multo.
Damn... Samantha na naman.
"Iniwan na nya ako. Nakabuntis. May pamilya na."
Ngumuso ako nung humalakhak siya. Pinaghahampas nya pa ang busina sa sobrang kakatawa. Si Zein naman ay nakangisi lang na umiiling.
Teka... Anong nakakatawa?
Nakakatawa na iniwan nya ako?
"Still Luxury Valdez here! Kuya, hindi ka na ba magbabago?" Natatawa nyang tanong.
See? Kahit wala na si Samantha ngunit patuloy pa rin sya sa pang-aasar sa akin. Paano kung narito pa si Samantha? Magwa-walk out na naman ako gaya ng madalas kung ginagawa 'pag napipikon na ako sa kanilang dalawa?
"Magbago?" Ako na naman ang natawa sa kanya. "Hindi ako magbabago at kung magbabago man ako. Hindi na ako babalik sa dating ako.... Hindi na." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sagot na 'yon.
Natigilan sya sa pagtawa. Lumingon sa akin si Zein na nakataas ang kilay.
"Hindi ka magbabago, Raze. Please..."
"Huh?" Naguguluhan na talaga ako.
Umiling ito at muling umayos ng upo.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "Come on, girls. Hindi ako tanga para hindi makahalata sa kinikilos nyo. Tell me... What the hell is going on?" Tumabang ang boses ko.
Kaya kong tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto ngunit ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang ginagago ako. Ayokong pinagmumukhang tanga. Ayoko ng mga sikreto dahil kailanman ay hindi ako nagsikreto sa kanila.
"Maglalaro tayo ngunit sa pagkakataong ito, tatapusin na natin."
Magsasalita pa sana ako nang makita na ang bungad ng isang familiar na lugar sa akin. Kahit na marami ng nagbago, ganito pa rin ang pakiramdam ko.
Hell University...
Hininto na nya ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas. Napapikit ako nang malanghap na naman ang hangin sa loob nito. Nakakatawa na ang lugar na halos mamatay kami para makalabas ay kusa naming binalikan.
Wala pa ring pinagbago. Napakaraming memorya ang nagbabalik.
'Yong dating hatid-sundo ako ng driver namin palabas at papasok ng unibersidad na ito. Nung mga panahong bigla na lang nagsara ang buong unibersidad. Nung mga panahong ipinakilala sa akin ni daddy si Ace.... Dito lahat nangyari.
Damn! I miss this hell!
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.
Tumingin sa kanyang wrist watch si Winzy. "May hinihintay lang tayo." sagot nito.
Tumango na lang ako dahil kahit naman magtanong ako ay wala akong makukuhang sagot sa kanila at kung meron man ay malabo.
Maya-maya ay may tatlong tao ang dumating. Lahat sila ay kilalang-kilala ko.
"Hanz..." Ngumiti ito sa akin. "Damn... Alas!" Napangiti ako nang makita sya. Namiss ko ang loko. Napatingin ako sa isa pang kasama nila. "A-Allison?" Ngayon ay naguluhan na naman ako.
"Reunion ba 'to?" Tanong ko.
Hindi sila nagsalita.
"R-Raze..."
Aktong yayakapin ako ni Allison nang pumagitna sa amin si Zein kasabay nang pagsampal niya sa kanyang ate.
Natigilan ako. Bakit nya ginawa 'yon?
"Mahiya ka, ate. Kahit na hindi na kay ate Sam... Please... Mahiya ka naman sa sarili mo."
"Zein!" Madiing wika ni Ace.
Humalakhak ito.
Wala akong maintindihan.
"Ready?" Tanong sa amin ni Winzy.
Wala akong maintindihan. Sumisikip ang dibdib ko at kinakapos ako sa hangin. Walang ideya ang pumapasok sa aking isipan.
Ngunit may isang pakiramdam akong hindi maipaliwanag...
I just want to run away...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro