
Chapter 33
Chapter 33: The Past
Ace's Point of View
In my arms, you are safe. I love you and I don't doubt it. You gave me reasons and you gave me life. In you, I'll always be happy. Without you, I am in misery.
Isang putok ng baril...
My heart skips a beat.
I thought it was the end. Tumalsik ang baril ni Zein sa malayo nang patamaan ito ng isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin.
Ang tindig nito. Mapait akong napangiti. Ang isang taong naging karamay ko sa loob ng impyerno na nagkaroon ng poot sa akin ay ngayon'y nakatingin sa akin. Malamig ang mga mata nito.
Nanatiling tahimik ang paligid. Tanging ang pag-ihip ng hangin at ang mga mabibigat na paghinga ni Zein ang aking naririnig. Hindi ko alam kung kaya ko pang makatayo dahil nanatili akong bagsak sa lupa.
"It's been a long time, Ace."
Nanatiling tikom ang aking bibig. Naglakad ito palapit kay Zein. Wala akong magawa kundi sandan ito ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita ko sya ngayon. Sa loob ng napakaraming taon... Nagkita rin kaming muli.
"Wala sa usapan natin ang magpakamatay ka." malamig na sambit nito kay Zein na nakatingin lang sa akin.
Ang kaninang malamig nyang mata ay napalitan ng lungkot. Sa isang iglap ay muling nagbalik ang babaeng minahal at patuloy kong minamahal. Parang nahimasmasan ito at nagising sa pagkakahimbing.
"A-Ace... Ayos ka lang?" tanong nito sa akin.
Napangiti ako bago tumango. Sa wakas ay nagbalik na sya. Maging ako ay nabuhayan kaya nagawa kong tumango.
"Welcome back, Zein."
Napatingin ito sa lalaking katabi nya. "B-Bakit nandito ka?" tanong nito.
Ngumisi ito at hinawakan ang mukha ni Zein. Tumagilid ang ulo ko dahil sa ginawa nya. Ayokong may humahawak sa babaeng ito.
"Kasi hindi mo kaya..." Nakangising wika nito. "Kaya ako na ang kikilos." dugtong pa nito.
Nanatiling umiikot sa akin ang mga pangyayari at unti-unting nawawala ang pagkabuhol ng lubid sa aking isipan. Kaya pala... Kaya pala nalaman lahat ni Zein.
"Tara na, Zein."
Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin. Nakangiti ito at hindi man lang makatingin sa akin. Nawala ang tinik sa aking lalamunan. Akala ko namatay sya...
Buhay sya...
Sa mga panahong ito ay naging kampante ako. Nawala lahat ng pagdududa sa akin. Nawala lahat ng pangamba. Nakahinga ako ng maluwag.
"Sumama ka sa kanya, Zein." nagulat sya sa sinabi ko kaya ginantihan ko ito ng matamis na ngiti. "Susunod ako." bulong ko.
"Maghihintay ako..." sabi nito bago naglakad papunta sa babaeng 'yon at sabay silang nawala sa dilim.
Sobrang lalim na ng gabi. Dapat ay inaantok na ako ngunit hindi ko ito maramdaman ngayon. Umaapaw ang nararamdaman ko at pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng ilang gabi.
Nakakabaliw na sa lahat ng pait na nararamdaman ko kanina ay napalitan ito ng saya ngayon. Yes, I'm happy.
Ngayon ay napatingin na lang ako sa nag-iisang taong kasama ko.
"Hanz..." bulong ko. "Or should I say... Hell?" natatawa kong sambit.
Tama nga si Nicky. Malaki ang hinala ko na sila ang may pakana ng lahat ngunit hindi ko lang kayang tanggapin. Ngunit ngayon ay tinatanggap ko na...
"Mr. Craige..."
"The past newbies..."
Humalakhak ito. May halong pait 'yon. Akala ko kakatakutan ko ang kalaban ngunit hindi ko inaasahan na kakaawaan ko pala. Nagbabalik ang nakaraan sa kasalukuyan.
Hanz Sierge... Ang lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan.
Winzy Deon... Ang babaeng kasama ni Zein na inakala naming patay na.
The past newbies. Ang mga naunang newbies kina Zein, Matt, Jerome, Mia, Dave, at Vanessa.
Alam ko kung bakit nila ginagawa ito at hindi ko sila masisisi. Kasalanan ko.... Namin at handa akong tanggapin ang kaparusahan ko.
"Hindi ko inakalang mahuhulog ka rin sa kapatid nya."
"I'm sorry..."
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata dahil sa mga binitawan kong salita. Alam kong hindi sapat 'yon at kailanman ay hindi magiging sapat.
"Minahal mo ba talaga si Zein?" tanong nito. "O baka naman minahal mo sya kasi nakikita mo sa kanya si Samantha?" ngumisi ito.
"Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?" balik na tanong ko. "Hindi ko kailanman paglalaruan ang damdamin ng babae. Mahal ko sya at totoo 'yon." dugtong ko pa.
Alam kong pagdududahan nila ang nararamdaman ko ngunit wala akong panahong ipaliwanag ang sarili ko. Hindi ko idedepensa ang nararamdaman ko dahil wala akong pagdududa roon.
"Sino bang mas minahal mo sa kanila?"
"Stop asking you asshole."
Naiirita ako sa pagkukumpara ng mga bagay-bagay. Bakit ba ang hilig nilang magkumpara? Lahat ng bagay ay may kakaiba. Kakaiba na hindi mo maiikumpara sa iba. Ano bang mahirap intindihin don?
"Hindi mo ako masisisi." natatawa nyang sambit. "May kwento ako sa'yo." umupo ito sa damuhan na ginawa ko rin. May malaking pagitan sa aming dalawa.
Inaamin kong namiss ko rin ang mokong na ito. Siya ang nag-iisang naging kaibigan ko sa loob ng impyerno. Isang kaibigang sinayang ko.
"May tatlong estudyante ang pumasok sa isang unibersidad. Isang unibersidad na walang patakarang sinusunod." Natatawa nyang sambit. Nanatiling tikom ang aking bibig kahit na alam ko na ang kahihinatnan ng kwento nya. "May rason ang pagpasok nila sa loob. Hindi aksidente. Planado ang lahat." dugtong nya.
"Hindi patayan ang nangyari sa loob. Higit pa sa madugo dahil lahat ng plano ay nasira. Nasira ng pag-ibig. Nakulong kami at nawala ang lahat ng plano. Alam mo ba ang masakit na naranasan nila? Trinaydor sila ng isang kaibigan."
Nakatingin lang ako sa kanyang matang malungkot. Hindi ko alam kung paano sya patatahanin. Paano nga ba kung ako mismo ang dahilan ng kanilang pagdurusa?
"Pangalanan natin ang traydor. Gusto mo?" natatawa nyang sambit.
"I am." Bulong ko.
Humalakhak ito at lumapit sa akin. Napahiga ako nang sapakin nya ako. Naramdaman ko ang pagdugo ng labi ko dahil doon ngunit hindi ako lumaban.
I deserve more than that. Alam kong kulang pa ang buhay ko dahil sa nagawa ko. Isang malaking kasalanan ang pagtatraydor sa mga taong naging sandalan mo sa lahat ng oras.
Muli akong bumangon.
"Ace. Hindi ko inakalang magagawa mo sa amin 'yon."
"Natakot ako." pag-amin ko. "Maiiwan akong mag-isa!" hindi ko na rin maiwasang hindi maglabas ng pagkadismaya.
Nakita kong natigilan sya dahil sa sinabi ko.
"Hindi ako kasama sa plano nyo, 'di ba?" mapait na tanong ko. "Wala na si daddy no'n. Tanging kayo na lang ang meron ako pero anong ginawa nyo? Tinalikuran nyo rin ako." hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
Hindi nila ako masisisi. Wala akong pagpipilian nung mga panahong 'yon. Si Kuya, Si Samantha... Sila. Iiwan nila ako sa loob ng impyerno. Kung hindi ko ginawa 'yon ay baka namatay na ako sa loob... Namatay sa lungkot.
"Kaya ba nagawa mo 'yon? Kaya ba nagawa mong traydurin kami?"
Bumigat ang paghinga ko dahil nararamdaman ko na naman ang mga naramdaman ko noon. Bumalik ang sakit. Bumalik? Hindi. Dahil hindi ito nawala. Lagi kong nararamdaman ang sakit na 'yon at tanging si Zein lang ang gumamot do'n.
"Maswerte ka kay Zein." natigilan ako sa sinabi nya. "Alam na nya ang lahat ngunit hindi nya man lang magawang magalit sa'yo. May karapatan sya ngunit hindi nya ginawa. Hindi ko alam kung gaano sya kalakas para magawa 'yon." Bakas sa kanyang tono ang pagkamangha.
Zein Shion...
"Galit sya..."
Natigilan sya sa sinabi ko.
"Kilala ko si Zein at alam kong galit sya sa akin. Malakas? No. She's weak inside." dugtong ko.
Handa akong saluhin lahat ng 'yon. Handa akong makatikim ng mga masasakit na salita mula sa kanya. Gagawin ko ang lahat para sumabog sya. Gagawin ko ang lahat para mailabas nya lahat ng kanyang hinanakit... Kahit na ipamukha ko sa kanya na maling lalaki ang minahal nya.
"Handa ka na bang harapin ang galit nya? May lakas ka na ba ng loob ngayon?"
Tumayo ako gaya ng ginawa nya.
Sa tagal ng panahon na itinago ko ang lahat. Handa na akong masaktan. Kahit na sa huli ay mawala ang pagmamahal nya sa akin. Tatanggapin ko. Gagawin ko ang lahat para wala lahat ng kinikimkim nya. Even if I have to sacrifice what we have... Damn, I will.
"Bago ang lahat, may gusto akong sabihin sa'yo." wika nya.
Natigilan ako.
"Hindi ka iiwan ni Lux. Babalikan ka nya at sinabi nya sa aming... Ililigtas nya muna kami at babalikan nya ang kapatid nya. Kahit na mahuli sya at muling makulong sa loob ng impyerno... Hindi nya iiwan ang kapatid nya... Ikaw 'yon, Ace."
Damn... Mali ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro