Chapter 32
Chapter 32: Shoot
Ace's Point of View
Alam kong may nagbago. Pilit kong itinago at ipinagsawalang bahala ang lahat. Iwinaksi ko ang lahat ng pangamba dahil ang mahalaga lang sa akin ay ang nagbalik ka. Nagbalik ka sa akin.
Nagbalik ka nang hindi buo. Bumalik ka at nagpanggap na walang nangyari. Nakakatawa na sinabayan ko ang pagpapanggap na ginawa mo. Nagpanggap ako gaya nang ginawa mo kasi alam kong 'yon ang nais mo.
Zein. Nakakapagod din pala. Nakakapagod ang ginagawa natin. Napapagod na ako at ang nag-iisang babaeng pinagkukunan ko ng lakas ang siyang nagpapahina sa akin ngayon. Kailan ba natin 'to tatapusin?
Nanatili akong nakatulala sa mga bituin sa labas nang nakabukas na bintana sa kwarto ko.
Sa lahat ng bituin, ikaw ang nahawakan ko. Sa lahat ng pangarap ko, ikaw ang naabot ko. Sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko, ikaw ang pinakaminahal ko. Hindi ko alam na ikaw din pala ang makakapanakit sa akin nang ganito.
Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Zein na namumugto ang mata.
Gusto kong iiwas ang aking mata dahil nasasaktan akong nakikita syang gano'n. Gusto kitang yakapin pero ikaw ang gumagawa ng puwang sa pagitan natin.
"I'm sorry..." 'yon ang dalawang salitang lumabas sa kanyang bibig.
Ngumiti ako dahil pakiramdam ko ay kailangan ko na namang magpanggap.
Heto na naman tayo.
Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. "Nagugutom na ako, Ace." wika nito.
Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig para sumagot man lang o ipakita na naririnig ko ang mga sinasabi nya.
Napatingin ito sa aking laptop kung saan nakita ko ang panlalaki ng kanyang dalawang mata. Patuloy pa rin ang paggalaw no'n.
"Sorry? Para sa akin ba 'yon?" Sa wakas ay nagawa ko ng magsalita.
Hindi ito sumagot at nanatili ang kanyang malamig na mata sa laptop ko.
Napangiti ako nang muling bumalik sa una ang video. Tumatakbo si Allison palabas ng kanilang bahay na lumuluha. Bakas sa kanya ang labis na lungkot at pagsisisi. Ang mga sumunod na pangyayari ay ang pinakamasakit na nakita ko. Nakita kong lumabas din si Zein sa bahay at tinutukan ng baril si Allison. Pinaputukan nya ang kanyang ate sa binti dahilan nang pagbagsak nito sa sahig. Lumapit sa kanya si Zein na nagbabaga ang mata at mabilis na tinakpan ang mata at bibig nito.
"H-Hindi ko kilala ang babaeng 'yon, Zein." natatawa kong sambit kay Zein na hindi kumikibo. "Ikaw, kilala mo ba sya?" tanong ko.
Tumayo ito at kinuha ang laptop ko.
"Kayo ang pumatay sa akin. Kaya ang bumago sa akin. Ang kasakiman nyo ang dahilan kung bakit ko nagagawa ito."
Itinapon nya ang laptop ko sa pader dahilan nang pagkabasag nito. Hindi ako kumibo. Nanatili ang mata ko kay Zein. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang... Awa.
Naaawa ako kay Zein.
"Naiintindihan ko, Zein."
"Ganon?" natatawa nyang tanong. "Buti ka pa naiintindihan kasi ako? Gulong-gulo ako at walang maintindihan." mapaklang sambit nito.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Sa sobrang tahimik ay nakakabingi na ito. Tanging ang mabibigat na paghinga lang ni Zein ang naririnig ko.
"Mr. Craige... Enlighten me... Please."
Lumabas ito ng kwarto ko at naiwan akong tulala.
Sa wakas. Tapos na ang pagpapanggap namin. Malapit ng matapos lahat. Hindi ko na hawak ang mga susunod na mangyayari 'pagkatapos nito at nanganga na ako. Sana 'pagtapos ng lahat... Tayo pa rin at mahal pa rin natin ang isa't-isa.
Sinundan ko sya kasi kailangan na naming tapusin lahat. Sinundan ko sya at nadatnan ko sya sa park sa likod ng building namin. Nakaupo ito sa swing at tinutulak ang sarili para gumalaw.
Malalim na ang gabi kaya wala ng tao rito at tanging ang mga lamp post na lang sa paligid ang nagbibigay liwanag sa paligid. Tahimik na binabalutan kami ng malamig na hangin ng gabi.
Nakatingin lang ako kay Zein na nakaupo sa swing at nakayuko. Nakatingin ito sa lupa. Hindi ko alam kung anong iniisip mo. Hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan.
"Ace. Mahal na mahal kita. Alam kong alam mo 'yan. Wala akong pakialam sa madilim mong nakaraan dahil ang importante sa akin ay kung sino ka ngayon at kung anong meron tayo."
Hindi ako nagsalita at nanatili ang mata ko sa kanya. Umangat ang tingin nito sa akin. Sumilay sa kanyang labi ang malungkot na ngiti. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok.
It hurts. Parang pinipiraso ang buo kong pagkatao.
"Sabi mo pagod ka na." sinenyasan nya akong maupo sa kabilang swing na sya namang ginagawa ko. Tumayo sya at pumunta sa aking likuran. "Hayaan mong ako na naman ang gumalaw para sa'yo." wika nito bago ako itinulak para gumalaw.
Para akong puppet na hindi man lang makapagsalita at nagiging sunud-sunuran sa akung anong gustong mangyari ng aking amo.
"Ako ang kikilos 'pag napagod ka na."
"Ako ang gagawa ng mga bagay na hindi mo na magawa."
"Mamahalin kita higit sa kaya mong ibigay sa akin."
"Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan?"
"Higit pa sa iniisip mo. Kasi alam mo kung bakit?"
"Kasi hindi ako kayang pagkatiwalaan ng taong mahal ko. Ang baba ng tingin nya sa akin."
Gamit ang dalawa kong paa ay pinigilan ko ang pag-ugoy ng swing. Gamit ang dalawa kong paa ay tumayo ako para harapin sya.
"Hindi 'yan totoo..." Sa wakas ay nagawa kong idepensa ang aking sarili.
Sa tanang ng buhay ko. Ngayon lang ako natutop. Ngayon ko lang nagawang hindi magsalita para i-angat ang sarili ko.
'Pag dating sa babaeng ito ay lumulubog ako.
"Ace... Kung totoong pinagtitiwalaan mo ako ay dapat sinabi mo na sa akin lahat. Kasi kahit na gaano ka pa kademonyo... Iintindihin kita. Kahit na gaano ka pa kasama, mamahalin parin kita."
"Itinago ko kasi gusto kitang protektahan. Zein, ayokong mawasak ka dahil sa akin."
Natawa ito at naglakad palayo sa akin bago huminto. Pinanatili nito ang malayong distansya sa aming dalawa at hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit no'n.
"Hindi 'yon, Ace. Mababa kasi ang tingin mo sa akin." mapait na wika nito. "Kasabay ng pagmamahal ko sa'yo ay ang pagtanggap ko sa buo mong pagkatao." bulong nito sa hangin na sapat lang para marinig ko.
Sa mga sandaling ito ay tuluyan na akong bumigay. Sa mga pagkakataong ito ay inaamin kong natalo ako. Natalo nya ako. Sumusuko na ako. Isinusuko ko na sa kanya ang buong ako.
Ngumiti ako.
"Patawad? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, Zein. Sapat ba ang mga salitang... Mahal kita?" Natatawa kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga lumalabas na salita sa bibig ko. Sa kagustuhan kong mailigtas siya sa sakit ay mas lalong nasaktan sya.
"Naguguluhan ako. Sino ang mahal mo, Ace?"
"Zein Shion!"
"Sino?"
"Please... Huwag namang ganito. Ang sakit e." Halos lumuhod na ako sa harapan nya para magmakaawa.
Ang pinakamasakit sa akin ay ang pinagdududahan nya ang nararamdaman ko.
"Sinong mas minahal mo sa amin?"
Shit!
"Ako o si Ate Samantha?"
Hindi na ako tuluyang nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Hindi ko kailangang idepensa ang nararamdaman ko kasi alam ko ang sagot don.
"Papatayin mo rin ba ako gaya ng ginawa mo sa kanya?"
"What the hell, Zein?! May baril ka ba dyan? Just shoot me here, darling." itinuro ko ang dibdib ko.
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at may kinuha sa kanyang likod. Nakita ko ang pagkislap nang bibig ng baril nyang nakatutok sa akin.
"Alam mong hindi ko kaya ang sinasabi mo, Ace. Mahal ko." itinutok nito ang kanyang baril sa kanyang ulo. "Parang mas maganda 'pag ako na lang ang mawala." bulong nito.
Napangisi ako. Pakiramdam ko ay namatay na ako nang hindi ko namamalayan. Namatay ako nang humihinga.
"Sa lahat ng kasinungaling ipinakita mo sa akin, Ace. Alin ba don ang totoo?" Tanong nya. "Gusto kong malaman." dugtong nito.
"M-Mahal kita."
Ngumiti ito at humigpit ang pagkakahawak nya sa kanyang baril.
Hindi ko nakayanan at bigla na lang akong napaluhod kasabay nang pagputok ng baril.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro