Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31: Tired

Zein's Point of View

Buong hapon ata kaming hindi nagkita ni Ace. Finals na at kailangan ng matapos lahat ng requirements.

"Zein, I'm hungry..." kumapit sa braso ko si Vanessa na nakanguso.

Maging ako ay nagugutom na rin dahil tanghali na at hindi pa kami kumakain. Hindi naman kami maaaring umalis sa laboratory dahil walang magbabantay ng presentation namin at busy ang mga kaklase namin sa kani-kanilang trabaho.

"Mamaya na lang."

Tinanggal ko ang pagkakakapit nya sa aking braso at kinuha ko na lang ang notes ko para magreview para sa next subject.

"Okay..." kinuha nito ang kanyang cellphone at nagtipa roon kaya binalik ko na lang muli sa notes ang aking atensyon.

Pakiramdam ko ay mas pinapahirapan kami ng mga minor subjects namin. Mas nahihirapan kami sa subjects na 'yon e.

Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may padabog na bumagsak sa lamesa sa gilid ko.

"Nagpapalipas ka ng gutom."

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Ace. Halata ang inis doon. Basa ang kanyang buhok kaya malamang na naghilamos sya na lagi naman nyang ginagawa.

Napatingin ako kay Vanessa na hindi makatingin sa akin. Sumbungera talaga ang gaga'ng ito.

"I'm talking to you, Zein." inis na sambit nya habang nakangiwi. "Sumagot ka." matigas na sambit nito.

"Maram---"

"Nangangatwiran ka pa talaga?"

Napanganga ako dahil sinabi nyang sumagot ako na ginawa ko naman. Aba! Ang sungit ng lalaking 'to. Para namang mamamatay ako pag hindi naglunch.

"Zein. Kung mamamatay ka rin naman dahil sa ginagawa m---"

"Whoa." Napataas ang dalawa kong kamay dahil sa mga sinasabi nya. "Easy, daddy Ace. Kakain na nga e." kinuha ko ang plastic na may pagkain na dala nya.

Bumuntong-hininga ito at tinulungan akong mag-ayos. Tumulong din si Vanessa na tinitikman lahat ng ulam.

"Huwag ka kasing magpagutom. Nag-aaral ako nang mabuti para sa kinabukasan natin. Paano kung mamatay ka? Para saan pa ang lahat?"

"Oa nito..." bulong ko.

"Aalis na ako." wika nito kaya humarap ako sa kanya. "Yakapin mo na ako." nahihiyang sambit nito.

Napahalukipkip ako sa harapan nya.

"Aba! Matapos mo akong sermonan nanghihingi ka ng ya---" natigilan ako nang yakapin nya ako.

"Shut up. I need energy for my exam later."

Hinayaan ko syang yakapin ako kahit na namumula na ako dahil sa hiya at sa katotohanang nakatingin sa amin ang mga kaklase ko.

"Take care, darling. Ako na ang bahala sa kinabukasan natin." bulong nito.

"Ako na ang bahala sa magandang lahi." bulong ko na ikinatawa nya.

Kumalas ito sa pagkakayakap at hinalikan ako sa noo bago lumabas.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Vanessa. Nakataas ang kilay nito at mabilis ding umiwas ng tingin.

Problema nito?

"Zein Shion..." napatingin ako kay Vanessa nang banggitin nya ang buo kong pangalan.

Hindi ito lumingon sa akin at nanatili ang kanyang mata sa kanyang kinakain. Parang may bumara sa aking lalamunan. Ano bang problema nya?

"Mahal na mahal mo talaga si Ace." wika ni Vanessa nang papunta na kami sa next subject.

Hindi ako nagsalita dahil alam kong alam na nya ang sagot ko sa tanong nya. Hindi ako magkakaganito kung hindi.

'Pag kapasok namin sa room ay maya-maya'y dumating na rin ang prof namin.

Hindi rin nagtagal 'yon. Napagpasyahan naming maglakad-lakad sa campus dahil mamaya pa matatapos si Ace at ayokong maburo sa waiting shed.

"Paano kaya, Zein?"

Napatingin ako kay Vanessa.

"Ano?" tanong ko.

Ngumiti ito at inayos ang kumawalang hibla ng kanyang buhok.

"Paano kaya Zein kung hindi tayo napadpad sa Hell University?" tanong ni Vanessa na nagpabalik sa milyong alaala ng kahapon.

Naisip ko rin 'yon minsan. Paano kung hindi ko nakilala si Ace? Paano kung walang Supremo ang dumating sa buhay ko? Ano kaya ako?

"Inaamin kong takot na takot din ako no'n, Zein." bakas sa boses nya ang lungkot. "Kasi akala ko mabubuwag tayo." mapaklang dugtong nito.

Pareho pala kami ng kinakatakutan don. Hindi kami takot sa mga demonyo at mga sikreto. Takot kaming dumating ang araw na baka kami rin mismo ang magpatayan.

"Paano kung nagkagon nga." wala sa sariling sambit ko.

Napatingin kami sa isa't-isa. Tumigil kami sa paglalakad at umupo sa damuhan. Hapon na kaya palubog na ang araw. Marami-rami rin kaming mga estudyante rito na nakatambay.

"Anong klaseng kamatayan ang gusto mo, Van?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Gusto mo ba 'yong unti-unti? I mean. Isa-isang tatanggalin ang hibla ng buhok, kilay at pilik-mata mo? 'Yon bang babalatan ka gamit ang kutsilyo? Bubuhusan ng kumukulong tubig at papahiran ng siling labuyo?"

"Gaga. Mas gugustuhin ko na lang na gahasain ako kesa sa ganon."

Pareho kaming natawa sa mga sinasabi namin. Malaki ang impact sa amin ng Hell University. Maipagmamalaki nga namin ito sa iba. Ito ang karanasan na hindi basta-basta mararanasan ng ibang tao.

"Para namang may gagahasa sa'y---Aray!" ngumuso ako nang batukan nya ako.

"Feeling ko nga may gusto sa akin si Francisco eh."

"What th--- Eww."

Sabay kaming muling natawa. Namiss ko ang ganito. Malimit naming gawin ito nila Mia. 'Yon bang mag-isip ng mga nakakadiring bagay tapos sabay-sabay kaming mandidiri. Minsan nga, nagkakagalit kami dahil sa mga banat namin e. Meron 'yong halos isang buwan kaming hindi nag-uusap tatlo. Tinatawanan na lang kami ng mga boys.

"What if walang Ace Craige ang dumating sa buhay mo?" tanong nya.

"Walang Ace Craige." ulit ko habang nakatingin sa mga estudyanteng dumadaan. "Siguro, gagawa ang tadhana ng paraan para magkalapit kami." wika ko.

Napatingin ako kay Vanessa nung tumahimik sya. Diretsong nakatingin sa akin ang dalawa nyang mata. Kinakabahan ako dahil kanina pa sya nagiging weird.

"Mahal na mahal mo talaga si Ace."

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Nagkibit-balikat ito. Tumayo na kami at napagpasyahang bumalik na.

"Aalis na ako, Zein." pagpapaalam ni Vanessa. "Wait..." pigil nya sa akin nang aktong aalis na ako.

Napatingin akong muli sa kanya. Nakangisi ito at ito na naman ang kakaibang pakiramdam.

"Zein, isa lang ah..." natigilan ako nang sampalin nya ako.

Napanganga ako at hindi agad nakakilos sa kinatayayuan. Nanatili ang ngisi sa kanyang labi.

"I missed you... Pwede ka na bang bumalik?" tanong nya bago muling tumalikod at naglakad palayo.

Inis na pinahid ko ang pisngi ko.

"Bitch..." bulong ko.

***

Ace's Point of View

Nakakapanibago ang katahimikan ni Zein buong byahe. Nagtanong ako ngunit hindi sya sumagot. Halatang malalim ang kanyang iniisip. She's just tired.

"Zein, kumain ka muna." pigil ko sa kanya nang aktong papasok na sya sa kanyang kwarto.

"Pagod ako, Ace."

"Pagod na rin ako." bulong ko.

Napatingin sya sa akin. Hindi ako lumingon. Dumiretso lang ako sa aking kwarto.

Muli kong binuksan ang laptop ko para tignan ang mga litrato nya. Kumakalma ako 'pag nakikita ang kanyang ngiti sa labi. Nawawala ang pagkabahala ko 'pag naririnig ko ang kanyang tawa. Hindi ko alam pero hindi 'yon umuubra ngayon.

Kahit nakangiti sya ay nanghihina pa rin ako. Lumalakas ang pagkabahala ko 'pag humahalakhak sya. Baliktad na ang epekto no'n sa akin.

Nanginig ang kamay ko nang makita ang pagkawala ng lahat ng kanyang litrato sa aking laptop. Parang kusang gumalaw ang aking kamay para burahin ang mga 'yon.

Simikip ang dibdib ko nang marinig ang hikbi sa kabilang kwarto. Parang pinupunit ang puso ko sa bawat hikbing naririnig ko.

Patawad, mahal ko.

Napatingin ako sa video na ngayon ay nakaplay sa aking laptop. Kitang-kita ko ang nagbabaga nyang mata. Nakakapangilabot.

Paulit-ulit 'yon na nagplay. Hindi ko man lang magawang ihinto ang paggalaw no'n. Gusto kong ibato ang laptop ko. Gusto kong alisin ang galit sa puso nya.

Shit.

"Zein, hanggang kailan ba tayo magpapanggap? Pagod na ako."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro