Chapter 30
WARNING: May pagka SPG ito. Patnubay ni Supremo ang kailangan. lol
Chapter 30: Hard
Matthew's Point of View
Nakatingin lang kami kay Zein habang nagkukwento sya. Kahit papaano ay nauunawaan ko na ang biglaang pagkawala ni Dave.
"That's it." pinitik ni Vanessa ang kanyang daliri. "Kaya pala parang nakita ko na sya dati ngunit pinagsawalang bahala ko lang." sabi nito.
"May balita na ba tungkol sa kanila?" Jerome asked. "Baka kung ano ng nangyari sa kanila. I know Tito Yuan, 'pag sinabi nya ay kailangang masunod." nag-aalalang sabi pa nito.
Napasandal na lang ako dahil nag-aalala rin ako. Si Tito Yuan, na tatay ni Mia ay isang striktong ama. Saksi kami sa kung gaano sya kahigpit sa kanyang nag-iisang anak. Mahihirapan si Dave na makipag-usap sa kanya.
"Wala. Hindi ko alam kung anong nangyari." malungkot na paliwanag ni Zein. "But, we have to trust them. Hindi nila hahayaang mabuwag sila." pilit na ngumiti ito para patahanin ang nararamdaman.
Alam kong pinatatag na sila ng mga pinagdaanan namin. Pero, hindi lang basta-basta ang kalaban nila. Pamilya ni Mia. Tama si Zein, kailangan na lang naming magtiwala sa kanila. Sana lang ay maging maayos na ang lahat.
"Saan ka galing?" nagulat kami sa tanong ni Jerome kay Zein.
Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ni Vanessa kay Jerome dahil sa sinabi nito. Mukhang nahimasmasan si Jerome kaya nakita ko ang pagdaan ng guilt sa kanyang mukha.
Napatingin ako kay Zein na kalmado lang. Wala kang mababakas na pagkabigla sa kanya.
"I mean... Bago ka pumunta rito sa café. Saan ka muna nanggaling?" bawi nito.
Napangisi ako sa mga inaasta nila.
Hindi ko na pinansin ang mga ito nang magvibrate ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at tumambad sa akin ang isang text message.
From: Anghel ng buhay ko
"Babe. Where are you? Susunduin kita."
Mabilis na nagtipa ako ng isasagot sa kanya.
"Ako na ang pupunta. Saan ka?"
Sent
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Nakikipaglaro lang ba ako sa kanya? Hindi ko rin alam kung seryoso talaga sya sa akin o trip nya lang. Kung ako ang tatanungin ay wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi ang kaibigan lang.
Ilang beses kong sinabi sa kanya 'yon ngunit tinatawanan nya lang ako.
Tumayo na ako nang mareceived na ang reply nya. Napatingin sila sa akin.
"May lakad ka?" tanong ni Vanessa.
Nakita ko naman ang pasimpleng pagngisi ni Jerome. "Lagi namang may laka---" siniko ko ito na ikinatawa nya.
Naningkit ang mata ni Zein kaya alam kong magdududa na ito. "May inililihim ka sa amin?" she asked.
"Ako ba?" turo ko sa sarili ko.
Napatingin ako kay Vanessa bago tuluyang lumabas ng café na 'yon. Hindi pala ako pumasok kanina kaya malamang na makikibalita na lang ako kay Ace.
Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa lugar na sinasabi ni Angel. Ano ba kasing ginagawa nya sa Baguio? Anong trip nya at doon na naman ang nais nya.
Muling nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
"Faster, babe. Excited to see you."
Napailing na lang ako bago muling ibinalik sa bulsa ang aking cellphone nang hindi nagrereply.
Is she just flirting with me? Imposibleng magustuhan nya ako. I mean, yes gwapo ako, given na 'yon pero ano pa ba? Naiinis ako 'pag nagugustuhan lang ako dahil sa itsura ko.
Ayokong magmayabang kaso sila na mismo ang nagsasabi.
Mejo hapon na nang makapunta ako sa sinasabing lugar ni Angel. Itinabi ko ang sasakyan ko at kinuha ang jacket sa likod.
'Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang tumambad sa akin. Humigpit ang yakap ko sa aking sarili habang tinatahak ang isang puno hindi kalayuan. Sa taas non ay may maliit na kubo. Kung hindi ako nagkakamali ay tree house ang tawag roon.
Natanaw ko agad ang ilaw na nanggagaling doon.
Ano bang trip nang babaeng 'yon at dito nya naisipang pumunta? Anong meron sa lugar na ito?
Tumingala ako sa itaas. May hagdan para makaakyat doon kaya ginamit ko 'yon. Nang makapunta ako sa taas ay agad na nahagilap ko si Angel na nasa sulok. Yakap-yakap nya ang kanyang sarili habang mahinang humihikbi.
Sandali akong natigilan dahil parang kinurot ang dibdib ko nang makita sta sa ganong position. Ang hikbi nya ay nagpapasikip sa aking dibdib.
"A-Angel?"
Shit. Bakit nauutal ako? Nanginginig din ako.
Tumingin ito sa akin. Puno nang luha ang kanyang mukhang namumula at gulo-gulo na ang kanyang buhok. Nakikita ko rin ang panginginig ng kanyang katawan.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong nya. "Nambabae ka ba?" pangalawang tanong nya kung saan mababakas ang pagkairita.
"No. Malayo lang masyado ang lugar na ito."
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Gusto ko syang pakalmahin.
"Saan kayo nagdate? Saan ka nya hinalikan? Saan ka nya hinawakan?"
"Wait--- Sabing hindi ako nambabae eh!" iritang sagot ko.
Tumango ito at pinunasan ang kanyang mata. "S-Sorry. Akala ko kasi hindi mo na naman ako pupuntahan gaya ng madalas mong ginagawa." natatawa nyang sambit.
Natigilan ako kasi hindi 'yong totoo. Lagi akong naroon kung nasan sya. Akala nya hindi ako pumupunta pero lagi akong naroon. Nakamasid ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay kailangan kong pumunta sa kung nasan sya.
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko bago sya iginayang makaupo sa isang pangdalawanhang upuan na gawa sa kawayan.
Maliit lang ang tree house na ito. Parang ginawa lang talaga para sa dalawang tao. May isang ilaw sa itaas. Kitang-kita ang kabuuan ng lugar dito. Ang mga ilaw galing sa mga bahay.
"K-Kasi nakakita ako ng multo."
Natigilan ako sa sinabi nya. "W-Walang multo." pagpapaalala ko.
Tangina.
"M-Meron. Nakaupo sya rito kani---"
"Magtatakutan lang ba tayo?!" inis na sambit ko.
Namilog ang kanyang mata. Mukang mali ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.
"Ano bang gusto mong gawin natin?"
"Ano bang maganda?" ngumisi ako.
Napalunok ito at gumawa ng maliit na puwang sa pagitan namin.
"Gusto kita, oo. Pero, subukan mo lang akong gahasain Matt... Naku lang.... Dream come true na 'yon."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Ngumisi sya at maya-maya ay humalakhak na. Napatingin ako sa suot nyang manipis.
Oh. Ghad.
"Joke lang." natatawa nyang sambit bago muling lumapit sa akin. "I missed you." natigilan ako nang yakapin nya ako.
Nag-init ang buo kong katawan at hindi ko 'yon mapigilan. "A-Angel..." nauutal kong sambit.
Nakiliti ako nang ilapit nya ang bibig nya sa aking tainga. "Can you feel me, babe?" she asked in a seductive voice.
Now... My entire body was on fire. My heart was trembling. My voice was shaking. And she's pressing herself and it gives me goosebumps.
"Hard, babe?"
"Shit!" mabilis na itinulak ko sya palayo sa akin. Ngumisi ito sa naging reaksyon ko.
The hell it was already hard and now it becomes harder. "I'm turn on, Angel." Bulong ko dahil parang nauubusan ako ng hangin sa katawan.
She's seducing me and it's damn effective.
"Harder than before?" tanong nya.
Ngumiwi ako nang maalala ang ginawa nya dati. "Really harder than before." I answered honestly.
Hinubad ko ang jacket ko at isinuot ito sa kanya. Nilalamig din ako ngunit alam kong mas kailangan nya ito.
"Bulge..."
"ANGELICA!"
"Uh, sorry." humalakhak itong muli.
Tumalikod ako sa kanya para takpan ang aking sarili. Masyado syang mainit at ayokong mapaso. Ayokong makipaglaro sa apoy dahil baka matupok ako. Mahina ako pagdating sa ganito.
Naramdaman kong niyakap nya ako sa likod at ibinaon nya ang kanyang mukha sa aking balikat. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Matt. If you can't love me back. Babe, let's just stay like this. Please, babe."
Shit!
I think... I can. You can. We can. We'll get there.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro