Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29: Not again

Raze's Point of View

Bumuga ako ng hangin bago muling sinulyapan ang wall clock. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa rito sa loob ng opisina ko at naghihintay ng oras para makausap ang isang tao. Maraming sumasagi sa isipan ko. Mga baka na mas nagpapadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"Anong problema ang pinasok mo, Dark?" Naiinis na sambit ko kay Dark na kasalukuyang nakahiga sa aking tabi.

Hindi ba nya alam na nakabuntis sya? Hindi ba nya alam na may responsibilidad na syang kakaharapin? Naaawa ako sa kanya. Dapat ay nakapagpigil sya para maranasan nya ang buhay binata, 'yon bang wala kang poproblemahing asawa o anak.

"Fuck boy kasi. Psh. Gumising ka nga! Hays."

Napasabunot na lang ako sa inis at sa katotohanang ako ang namomroblema sa ginawa ng aking alagang mahimbing na natutulog.

Sumandal ako sa sofa at kinalma ang aking sarili. Kailangan kong magpakatatag para kay Dark. Parang anak na rin ang turing ko sa kan—"Magiging lolo na ako?" gulat na tanong ko sa aking sarili.

Gusto kong sumigaw sa pagkadismaya.

Lolo Raze?

Eww.. No way. I'm too sexy and hot for that.

"Ano kayang ipapangalan ko sa anak m---ilan ba ang anak mo?" tanong ko kay Dark na animo'y sasagutin ako nito.

Baka siyam? Tama. Nine ang anak ni Dark kasi sa pagkakaalam ko ay siyam ang buhay ng pusa. Hays. Ang talino mo talaga Raze. Gwapo na, matalino pa. Sa susunod mag dodonate ako para naman mabigyan ang iba.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok. Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko at parang hihimatayin ako sa kaba. Inayos ko ang mga pagkain sa lamesa.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Baka mamaya magandang binibini pala ang amo ng asawa ni Dark. Kailangan kong magpapogi kahit na alam kong sobra na. Sana lang ay huwag sya agad ma-fall. I hate easy-to-get girls. Gusto ko 'yong may thrill. Dalagang pilipina na mejo bastos. Right.

Binuksan ko ang pinto na todo ngiti. Nawala ang ngiti sa labi ko nang walang taong tumambad sa akin. Sumulyap ako sa labas ngunit wala talaga. Anak ng--- Pinagloloko ata ako ng mga tao ah.

"I'm here."

Bumaba ang tingin ko. Napanganga ako nang  makita ang isang batang lalaki na may hawak na puting pusa. Naka clean cut ito, singkit ang mata, maputi, malamig ang boses.

"Y-You must be---"

"Hindi mo ba ako papapasukin?" malamig na tanong nya.

Nagulat ako sa pakikitungo nito. Alam kong malamig ang aura nya ngunit hindi ko inakalang ganito kalala. Parang yelo ang boses nito. Hindi pangkaraniwan para sa isang bata.

"Mister?"

"Ah. Please, come in."

Inikutan nya ako ng mata bago pumasok. Napabuga na lang ako nang hangin dahil mas malala pa ata ang inaasahan ko. Hindi ko alam kung paano ito pakikitunguan dahil pakiramdam ko ay mababara nya lang ako.

Muli kong isinara ang pinto. Nanatiling nakatayo ang bata at hindi umupo. Umiikot ang mata nya sa kabuuan ng opisina ko at parang nagmamasid. Nakita ko ang pasimpleng pagngisi nito kaya ako naman ay kinabahan sa kung ano ba ang naisip nya.

"Have a seat, please..." I offered.

Tumango ito at umupo sa sofa. Lumutang ang paa nya sa ere dahil sa liit ng binti nito. Para syang matanda kung kumilos kahit na ang katawan nya ay bata pa lang. Ipinatong nya ang pusa nya sa kanyang hita bago itinukod ang kanyang kamay para sumandal.

Humalukipkip ito sa harapan ko.

"Mag-uusap ba tayo nang nakatayo ka?" tanong nya na ikinabalik ko sa huwisyo.

Nahihiyang umupo ako sa katapat nyang sofa. Tumikhim ako para pababain ang kabang nararamdaman ko. Teka--- Bakit ba ako kinakabahan sa paslit na ito? Bata lang sya. Kayang-kaya ko syang isabit sa kisame kung gugustuhin ko.

"Coffee?"

"A glass of wine will do."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala sa kanyang tinuran. "Are you serious?" ulit na tanong ko.

"Just kidding." Bawi nito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Paano ko ba pakikitunguan ang amo ng mapapangasawa ng aking alaga?

"So, shall we start?" Tanong ko.

"I don't talk to strangers that much so mind if we'll start on introducing ourselves?" mahina ngunit may awtoridad na sinabi nito.

Pakiramdam ko ay napahiya ako.

Calm down, Raze. Bata lang 'yan.

"I am Raze. You can call me Tito Raze."

"Okay, Raze..."

'Calm down, Raze. Bulilit lang 'yan. Makakasuhan ka ng child abuse 'pag pinatulan mo sya. Nakakabawas 'yan sa kagwapuhan. Easy lang.' pangaral ko sa aking sarili.

Pinanatili ko ang hilaw na ngiti sa labi ko para hindi nya mahalatang naiinis na ako.

"I'm Shark. You can call me Shark. You don't have to know my surname nor my age. I love black and I hate a messy room.." Iginala nya ang kanyang mata sa opisina ko. "And uh, I hate you." Matigas nyang sabi.

"Anak  ng--- Naku, Shark. Huwag mo akong susubukan. Ibibitin kita nang patiwarin."

Ngumisi ito. "That's exciting, isn't it?" he asked.

Kinagat ko ang labi ko para hindi na magsalita pa. wala akong laban sa duwendeng ito at baka makulong lang ako 'pag pinatulan ko sya.

Pinagmasdan ko ang kanyang pananamit. Nakatupi ang manggas ng kanyang itim na t-shirt na nakatucked in sa maong nyang short. Naka itim din itong relo at itim na rubber shoes na may check sa gilid. Hindi maalis sa hangin ang kanyang gamit na matapang na pabango.

"It's rude to stare like that." Komento nya.

Kinuha nya ang nakaipit na shade sa kanyang kwelyo at isinuot. "Virus detected." Sabi nya.

Napahawak naman ako sa isa kong mata dahil pakiramdam ko ay 'yon ang tinutukoy nya. "Hindi ito sore eyes." Pagpapaliwanag ko kahit na alam kong wala naman syang pakialam doon.

Nagkibit-balikat lang ito bago tumikhim. "So, Mr. Raze.Paano mo pananagutan ang pagkabuntis ni Whitney?" tanong nya habang hinihimas ang ulo ng kanyang pusa.

Tangin--- parang ako ang nakabuntis sa pusa nya ah.

Pero, napangiti ako. Aba! Marunong pumili si Dark ah. Sabagay, kanino pa ba sya magmamana? Edi sa kanyang amo.

"Ano bang gusto mong mangyari?"

"Sa amin na muna ang pusa mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Ramdam ko ang pagtutol ng buo kong pagkatao. Lumaki kaming magkasama ni Dark. Saksi sya sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi sya basta-basta makukuha sa akin.

"Just for a few months. Hanggang sa manganak na si Whitney."

Gusto kong umangal ngunit pakiramdam ko ay balewala lang 'yon. Mukhang hindi titigil ang pating na ito hangga't hindi nakukuha si Dark. Mukhang wala na akong pagpipilian.
"Don't worry, marunong akong mag-alaga and uh, for your information... malinis sa amin." Muli nyang pinasadahan ng tingin ang opisina ko. "Unlike here... no offense, Mister." Ngumisi ito.

Umangat ang kilay nya.

"Meow."

Tumalon si Dark at nagtago sa ilalim ng sofa. Naiiyak ako para sa kanya pero ano bang magagawa ko? Kasalanan din naman nya. Kung sanang gumamit sya ng contraceptives, edi sana safe. Hays.

"Yeow..." huni naman ni Whitney.

"British accent..." sabi ni Shark na halatang proud sa huni ng kanyang alaga.

Lumuhod ako at dumuwang sa ilalim ng sofa. Nakasingit si Dark sa gilid at halatang natatakot sa akin. "Come here, Dark. Hindi mo maaaring takbuhan ang iyong mga ginawa. Be a man, dude. Come on, your wife is waiting for you." Pagpapaliwanag ko.

"Meow."

Napabuntong-hininga ako.

"Dark, please. Mahirap din sa akin ito. Anak na ang turing ko sa'yo. Please..."

Naglakad ito palapit sa akin at tumalon papunta sa aking balikat. Parang niyuyupi ang puso ko dahil ilang minuto na lang ay iiwan na rin ako ni Dark. Magkakapamilya na sya.

Napatingin ako kay Shark na namimilog ang mata habang nakatingin sa akin. Nakaipit ng muli ang kanyang shade sa kwelo ng t-shirt nya.

"You're talking to a cat!" manghang wika nya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pagkislap ng ngiti sa kanyang labi. "You're crazy, Mister Raze. Cool..." natigilan ako nang yakapin nya ang binti ko.

Bigla kong naramdaman na masarap palang magkaanak. Ito ang pinlano namin ni Samantha. Mga pangakong napako. Ipinilig ko ang ulo ko at ginulo ang kanyang buhok.

"Matapos mo akong lait-laitin, sasabihan mo ako ng cool?" natawa ako. "Ibang klaseng bata." Bulong ko.

Maya-maya ay kinuha na nya sa akin si Dark. Parang naiiyak na ako habang nakikita sa kanyang balikat ang pusang inalagaan ko buong buhay ko.

Si Dark ang nakakaalam ng lahat ng aking hinanakit sa buhay. Sa kanya ko nasabi ang mga problemang hindi ko masabi sa iba. Sana, panatilihin nyang lihim ang lahat.

"I have to go." Tumayo na ito at muling inilahad ang kanyang maliit na kamay.

"Please, do take care of him."

Ngumiti ito kaya nawawala ang kanyang mga mata.

"Makakaasa ka, Mister Raze." Binuksan ko ang pinto kasabay ng pagtakbo nito palayo.

Sinara ko na rin ang pinto nang mawala na sya sa aking paningin. Pagod na napaupo na lang ako sa sofa. Nakakaubos ng lakas ang batang 'yon. Bumababa ang tingin ko sa aking sarili 'pag kausap ko sya.
Bigla kong namiss si Dark.

Napatayo ako nang maalalang hindi ko pala nakuha ang address o ang cellphone number lang nila. Shit! Paano ako magkakabalita? Paano ko mapapasyalan si Dark?

Damn!

Natigilan ako nang biglang umikot ang aking paningin. Nanlabo ang mata ko at parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Napaluhod ako sa sahig sapu-sapo ang aking ulo.

Hinihingal ako kasabay nang pagbagsak ko sa sahig.

"Not again... please."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro