Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28: Forgive

Zein's Point of View

"Ace...gentle."

"I'm trying..." namamaos na sagot nya.

Hindi ko maiwasang mamula sa ginagawa nya. Hindi ako nasasaktan dahil nakikiliti pa nga ako e. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin.

"Aray!" Napabalikwas ako sa ginawa nya.

"Uh, did I hurt you?" He asked.

"Hindi, Ace. Ang sarap nga e! Kaya nga ouch, 'di ba? Kasi nasarapan ako. Isa pa at sasakalin na talaga kita."

Humalakhak ito nang matapos na nya ang ginagawa nya. Gusto kong tumayo at iwan sya dahil sa ginawa nya ngunit hindi ko kaya.

Nakaposas ang tig-isa naming kamay sa isa't-isa kaya mahirap kumilos at limitado ang galaw ko. Kaya gustuhin ko man syang iwan ay hindi ko magawa.

"I'm sorry..." Nawala ata ang sakit nung hinalikan nya ang kamay ko habang nakatingin sa akin.

Damn. Paano nya nagagawa ang mga ganon? 'Yon bang kahit na galit ka sa kanya bigla na lang nawawala. Isang-salita lang sa kanya ay wala na ang sakit.

"Bakit mo pa ako itatali sa'yo? Hindi naman kita iiwan."

"Minsan mo na akong iniwan."

Natahimik ako.

Napatingin kami sa pinto nung may sabay-sabay na kumalabog. Napangiti na lang ako nang marinig ang mga halakhak sa labas sa pangunguna ni Matt. Narito kami ngayon sa kwarto ni Ace kaya malamang na nagkakalat na ang mga 'yon.

"Damn... Why, Zein? Bakit kailangan mo pa silang papuntahin? Hindi ba ako sapat?" Ngumuso ito.

Payak na ngumiti na lang ako dahil parang kinikiliti ako ng mga salita nya. Hindi ka pa rin nagbabago... Ace. Ikaw pa rin 'yong inosenteng demonyo na nakilala ko. 'Yong lalaking walang kaide-ideya na nakakamatay na sa kilig ang kanyang mga banat.

"I just missed them." Sagot ko.

Kumunot ang kilay nito at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Natahimik ako dahil alam kong babanat na naman 'to.

"You missed them? Great! Buti sila namiss mo samantalang ako hindi. Just great, darling."

"Huwag kang oa, Ace."

"Oa ba ang tawag mo rito? Sinabi mong namiss mo sila samantalang ako na kanina mo pa kasama... wala na ngang I love you... wala pang I miss you." Sinabunutan nito ang kanyang buhok sa pagkadismaya. "I'm damn jealous and it's killing me." He whispered.

Grabe. Kahit na oa sa kaartehan ang lalaking ito natutuwa pa rin ako. Hari ng kacornihan at drama.

"I love you and I missed you."

"Sa tingin mo makukuha mo pa ako sa ganyan?" Inis na sambit nya bago bumaba sa aking labi ang kanyang tingin. "Kiss me." Matigas na sambit nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hindi pa rin ako makaget over sa sinabi nya kanina na 'I'll tie you on my bed, both of us naked' kaya ang awkward pa sa akin ng mga ganitong eksena.

"Ace... nasa labas sila."

Ngumisi ito kaya naguluhan ako. Mukhang iba ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.

"Gusto mo pala ng witness dapat sinabi mo kanina pa..."

Kinuha nito ang remote na hawak nya at tinapat sa pinto kaya mabilis na bumukas ito. Nanlaki ang mata ko nang biglang sabay-sabay na bumagsak sa sahig sina Cedric, Raze at Vanessa.

Humalakhak sina Matt at Jerome na nasa likod nila.

"Gah! Ang sakit. Buti na lang may abs ako." Nakangising sambing ni Cedric na tumayo rin agad.

Damn! Kanina pa sila nakikinig. Dapat pa ba akong magulat? Panira naman talaga ng privacy ang mga nilalang na ito e kaya hindi na ako dapat magulat.

"Alas!"

Tumakbo palapit sa amin si Raze at aktong yayakapin na si Ace nang bigla itong lumihis papunta sa akin.

"I missed you, Zein."

"In the count of one..."

Mabilis na kumalas si Raze na napakamot na lang sa batok. Napatingin ako kay Vanessa na nakangiti sa akin.

"Welcome back..."

Yayakapin ko na rin sana ito nang bigla nya akong batukan. "Bakit ngayon ka lang? Bakit dumating ka pa? 'Di ba nilayasan mo na kami?" Naiiyak na sambit nito.

Naramdaman ko ang kamay ni Ace na hinihimas ang ulo ko dahil sa ginawang pagbatok ni Vanessa.

"Baka magka-amnesia ang girlfriend ko."

"Tumigil ka!" Sigaw sa kanya ni Vanessa.

Niyakap ko ito gamit ang isa kong braso. Damn! I missed her. Namiss ko ang pagbulyaw nya at ang matalim nyang dila. Namiss ko rin ang drama ng babaeng ito.

"Stop the drama... Best actress ka na." Bulong ko.

Natawa kaming pareho. Napatingin ako kay Matt na diretsong nakatingin lang sa akin bago tumalikod at naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya si Jerome.

Lumabas kami at pumunta sa salas kung saan nakakalat na ang mga pagkain na binili nila. Nanatili kaming magkadikit ni Ace. Hindi nga ako makagalaw na maayos dahil pakiramdam ko ay madadapa ako.

"Hindi kriminal si Zein! Ano bang mahirap initindihin do'n?" Sigaw ni Cedric na tutol sa ginawa ni Supremo.

Kumain na lang ako ng piatos at hindi na pinansin ang mga mokong. Nag-uusap sina Jerome at Matt na nasa lapag habang si Vanessa ay nasa kusina para magluto ng pop corn.

"Zein... may sasabihin ako." Seryosong sambit ni Raze.

Mabilis na kinain ako nang kaba dahil sa seryosong tono nito. Naagaw naman nya lahat ng atensyon namin. Nasa kanya ang buo naming atensyon at gaya ko ay gusto rin nilang marinig ang sasabihin nito.

"Bakit kay Zein mo pa sasabihin?" Tanong ni Ace na nakasandal sa aking balikat.

"Hindi ko na kaya..." Halos maiyak ito.

"Ano bang sinasabi mo, Raze?" Naguguluhang tanong ko sa sinasabi nya.

"Kuya mo sya, Zein. Call him, Kuya. Matanda sya sa'yo." Pagtatama ni Ace.

Hindi ko ito pinansin at nanatili ang mata ko kay Raze na hindi alam ang gagawin. Mukhang seryoso talaga ang problema nya para magkaganito sya.

"Ano ba kasi 'yon? Pabitin ang gahamputs..." Bulong ni Cedric.

Huminga nang malalim si Raze at muling nagseryoso. Gusto ko na syang sapakin dahil sa pambibitin nya pero hindi ko magawa.

Alam kong kailangan nya nang lakas ng loob para masabi 'yon at ayokong syang ipressure. Dapat ay kusa nya itong sabihin nang hindi namin pinipilit lalo na't mukhang seryoso ang problema nya.

"Guys... gusto ko lang malaman nyo na magiging daddy n---"

"Congratulations!" Nakipag kamay si Cedric kay Raze na nalilito.

Tumabingi ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan. Napatingin naman ako kina Matt at Jerome na mukhang hindi rin naiintindihan ang sinabi ni Raze.

"Ano daw?" Tanong sa akin ni Ace.

"Ewan. Bakit ba ako ang tinatanong mo e kapatid mo 'yan."

Mabilis na inalis ni Raze ang kamay ni Cedric at sinamaan ito ng tingin. "Hindi pa ako tapos kolokoy." Iritang sambit nito.

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko. "Pwede, kumpletuhin mo na?" Inis kong sabi.

Naiinis pa naman ako 'pag nabibitin.




"Si Dark... nakabuntis."

Nalaglag ang panga namin sa sinabi nya. Saglit na kinain kami nang katahimikan. Unti-unti pa ring nagsi-sink in sa utak ko ang dahilan ng pagmamaktol nya at pagdadrama.

"Sabi ko sa'yo walang kwenta 'yan e." Bulong sa akin ni Ace.

Humalakhak si Jerome na muling hinarapan na lang si Matt na naiiling na lang din. Bumalik ang dalawa sa pagkukwentuhan.

Ano pa bang inaasahan namin sa kanya? Abnormal ang sore eye na ito e. Kanino pa ba magmamana? Edi sa oa nyang kapatid.

"Ano ba ang gagawin ko? Bata pa sya! Hindi nya pa kaya ang responsibilidad."

Hinagod ni Cedric ang likod ni Raze para patahanin ito. Natawa na lang ako dahil bagay sila. Paregong gago. Sino pa ba ang magkakaintindihan?

"Ano bang trabaho ni Dark?" Tanong ni Cedric.

Napahalahak ako nang mapagtanto kung bakit nya naiintindihan si Raze. Damn! Hindi nya alam na pusa si Dark. Shit! Ced. Dark is a fucking cat also known as Hoy.

Hahaha.

Kumuha si Ace sa hawak kong piatos at sinubo sa akin 'yon. Napanganga ako nang dilaan nya ang daliri nyang may natirang pulbos ng piatos.

"What?" tanong nya.

Umiling na lang ako sa katotohanang... napapaligiran ako ng mga abnormal.

"Ilang taon na ba si Dark? Anak mo ba?" Patuloy na tanong ni Cedric. "Ako lang ang makakaintindi sa'yo kasi wala silang pakialam sa'yo. Bakit pula ang isa mong ma---"

"Stop acting like you know my pain, stop acting like you care. "You will never understand me. It's not you, it' me."

"Gah! Bakit mo ba ako sinisigawan?! Pinapalamon mo ba ako?!"

Naramdaman ko ang kamay ni Ace sa pisngi ko at mahinang iniharap ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito.

"Just look at me... Baka mahawa ang anak natin sa kanila."

"Ace!"

Mahina lang itong natawa. Tuwang-tuwa talaga syang naiinis ako. Pero inaamin kong gusto ko rin 'yon. Gusto kong sya ang maging ama ng mga anak ko.

"Zein... naiihi ako."

"Edi umihi ka! Hawak ko ba ang ano mo?"

Humalakhak ito. Saka ko lang narealized kung ano ang sinabi ko. Namula ako dahil doon. Ugh!

"Pero nakatali ako sa'yo..."

Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Pumunta kami sa cr. Nakaharap sya sa toilet habang ako ay nakatalikod. Namumula ang buong mukha ko at nanginginig ang aking kamay.

"I wouldn't mind if you will look, Zein."

"Shut up..."

"Look, Zein. It's yours, darling."

"Ace..."

"Ito ang maipagmamalaki mo sa akin, Zei---"

"Fuck you!"

"Here?! Shit! I'm excited, darling."

"Ace Craige!"

Humalakhak lang itong muli. Matapos no'n ay bumalik na kami sa salas. Nanginginig ata ang buong katawan ko at ang init ng mukha ko.

Nagpaalam na si Cedric na may date daw habang si Raze ay bibisitahin daw ang asawa ni Hoy.

"Buti hindi mo inimbitahan si Ate Allison..." Nakangiting wika ni Matt.

Natigilan ako. Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. Hindi 'yon narinig nila Ace, Jerome, at Vanessa dahil nakatuon ang atensyon nila sa pinapanuod namin. Nasa gilid ko si Matt kaya naririnig ko ang mga bulong nya.

"S-She's busy..."

"Busy... Okay."

Hindi na lang ako umimik pa.

***

Allison's Point of View

Nasa madilim na silid ako. Wala akong ibang makita kundi ang dilim. Sobrang tahimik nang paligid at maging ang paghinga ko ay naririnig ko.

Where am I?

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang taong familiar sa akin. Kumunot ang noo ko nang unti-unting maaninag ang kanyang mukha.


God!

"Surprised?"

"Y-You're alive!"

Humalakhak ito at inilagapag ang pagkain na dala nya. Hindi ko magawang makakilos dahil nakatanikala ang kalahati ng katawan ko hanggang paa kaya limitado ang galaw ko. Masakit pa rin ang binti ko dala ng tama ng baril na ngayon ay nakabenda na.


"Sshh... akala nyo patay na ako? Hindi ako madaling mamatay."

Parang nawalan ako ng lakas. Nanginginig ang buo kong katawan. Akala ko tapos na.

Kailangan itong malaman ni Ace...

"Kumain ka na. Magpalakas ka para magawa mong mailigtas ang kapatid mo."

"Huwag na huwag nyong papakialaman si Zein. Labas na sya rito!"

Humalakhak ito at umupo para magkalevel na lang kami.

"Ang sweet mo namang kapatid, parang totoo..."

"Anong pinaplano nyo?"

"Secret. Hulaan mo. Dito ka naman magaling hindi ba? Magaling ka pagdating sa mga sikreto kaya hulaan mo."

Humakhak ito at tumayo. Tinalikuran nya ako ngunit hindi nakaligtas sa akin ang kanyang mga mata.

"I hate you. Hindi kita kailanman mapapatawad. Pinatay mo si daddy."

Natahimik ako sa mga katagang binitawan nya. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang paglabas nya at muling pagsara ng pinto. Muli akong kinain ng lungkot.

"I'm sorry... Forgive me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro