Chapter 27
Chapter 27: Home
Ace's Point of View
"I remember the days when you're here with me,"
Pinikit ko ang mata ko at hinayaang manumbalik lahat ng masasayang bahagi ng aming nakaraan. Sa bawat pagbalik ng mga alaala nang kahapon ay mas lalo akong nagsisisi.
Sana katabi kita ngayon...
"Those laughters and tears
we shared for years hmmm..."
Muli kong pinitik ang mga chords ng gitara. I wish you were here. I wish I could bring back the time where we were still happy. I would give my all... just please, come home.
"I don't wanna lose you
girl, I need you back to me, I don't wanna lose you baby, can't you see ..." Kinagat ko ang labi. What have I done? "Oh, I need you, you've been a part of me, I wish someday you'll be back home 'cause I really miss you, darling..."
Huminga ako nang malalim bago hininto ang pagpitik sa gitara.
"Please come home..."
Naramdaman kong may kamay na pumunas sa aking pisngi kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"Darling, I'm home..."
Shit!
"Fuck you, Cedric Lastimosa Lee!" Binato ko sa kanya ang gitara ngunit sinuklian nya lang ito nang halakhak.
Damn!
"Darling... I'm, Zein."
"Stop the gayshit asshole."
Iniwan ko ito sa loob ng kwarto ko at nagmartsa palabas. Hindi ko alam kung bakit narito na naman ang lalaking 'to. Lagi syang dumadalaw sa akin para gaguhin at kulitin ako.
Minsan nga, nagulat na lang ako 'pag kagising ko ay katabi ko na sya.
Halos manindig ang balahibo sa katawan ko nung mga panahong 'yon at sa katotohanang nakayakap pa sya sa akin.
"Pareng Ace! Wala man lang ba tayong almusal?" He asked while checking the empty dining table.
Kumuha na lang ako ng tubig sa ref at nagsalin. Damn it! Bakit ba laging 'pag nagdadrama ako ay lagi syang sumusulpot. I was reminiscing.
"Eat yourself..."
"Gah!"
Iniwan ko sya sa kusina at nagpunta sa salas para kunin ang laptop kong naiwan kong bukas. Ramdam ko pa rin na nakasunod sya sa akin. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang ginagawa nya o ikakainis.
Nakakatuwa? Kasi kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan ko dahil sa mga trip nyang nakakasuka. Nakakainis kasi lagi syang nakabuntot.
"Mahilig ka pala sa Dora?"
"Don't touch that!"
Binato ko sya ng throw pillow nang aktong hahawakan nya ang isang throw pillow na Dora. Personalized throw pillow 'yon na nakasulat pa ang pangalan naming dalawa ni Zein.
Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na muling iiyakan ang babaeng alam kong babalik sa akin. No. Kung nasan man si Zein ngayon ay alam kong ligtas sya. She can handle herself pero gusto ko ako pa rin 'yon. Ako pa rin 'yong poprotekta sa kanya kahit na kaya nya ang sarili nya.
I missed my queen...
"Kung si Zein ay Dora..." Ngumisi ito. "Therefore, I conclude... you're Diego." Humalakhak itong muli.
Shit, man. We have Raze version 2.0 here.
Umiling ako bago hinubad ang Tshirt na suot ko at tinapon sa kung saan. Kinuha ko ang laptop ko at pinatong sa aking lap. Marami pa akong tatapusing projects at proposals.
"You are Diego!"
"I'm Boots."
"What the fuck?!" Humalakhak ito at halos mamatay sa kakatawa habang hawak-hawak ang kanyang tyan.
Die... just die.
Ngumisi ako sa inis dahil walang pumapasok sa utak ko habang nakatingin sa laptop. Nawawala ako sa focus dahil sa ingay ng nilalang na ito. How to get ride of this shit? He's annoying.
"Gah! Ace the Boots also known as the monkey!"
Hindi ko ito pinansin. Sumandal ako sa sofa. Ngayon ko lang napansin na wala na pala ako sa documents dahil nasa album na ako kung saan halos stolen shots lahat ni Zein ang laman. At kung meron man ako ay mga iilang selfies lang kasama sya.
May stolen shots syang natutulog habang yakap-yakap ang Dora nyang unan. Meron ding kumakain sya. Meron ding nakatowel lang sya. Bigla akong natawa nung naka towel sya at inutusan akong bumili ng shampoo dahil naubusan kami ng stock.
"Scandal?"
Mabilis na iniwas ko ang laptop ko nang aktong titingin si Cedric sa screen. Ayokong may makakita sa mga litratong ito. No. These photos were all mine and exclusively for my eyes only.
"Share your porns, dude."
"Hindi ito porno, gago. These are my... addictions."
She is my kind of drug.
Napangiti ako sa loob ko. Kahit na anong mangyari, hindi na ako iiyak. 'Yan ang mga katagang binitawan ko sa aking sarili nung isang gabi. Malulungkot ako pero hindi iiyak. Ayokong makita ni Zein na umiiyak ako. Babalik sya...
"You're boring."
Maya-maya ay tumahimik na si Cedric kaya napatingin ako sa kanya. Hawak-hawak nya ang kanyang cellphone at tutok na tutok sa screen. Napailing na lang ako at muling ibinalik sa screen ng laptop ko ang aking tingin.
Kahit papaano ay may mga pumapasok na sa isipan ko. 'Pag katapos ko sa projects ay 'yong proposal na naman ang aking ginawa kung saan umaabot sa millions ang 'pag compute ko sa financial statements.
Nasa kalagitnaan na ako nang pagcocompute nang tumunog ang message ko sa facebook. Natigilan ako at nagdalawang isip kung bubuksan ko ba ito o hindi.
I shift the tab. Bumungad sa akin ang isang kulay pulang numero sa itaas nang nagngangalang Hell. I knew it was from the asshole.
I clicked the message.
"I got what you lost. I have your life. Uh, wait... Do you smell that? Fire! Burn! Hahahaha."
Kumunot ang noo ko.
"Pare, nagluluto ka ba ng kurtina?" Tanong ni Cedric na sumisinghot sa hangin. "Gah! May nasusunog ata." Nagtatakang sambit nya.
"Gah?" Bukambibig nya ito. Hindi ko alam kung expression nya 'yon o may ibig syang sabihin.
"Gah? As in gago. British accent, dude."
Napailing na lang ako. Wala talaga akong matinong mapapala sa lalaking ito. May kakaiba sa hangin. Tama si Cedric, mukhang may nasusunog.
Sandali akong natigilan nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Hell. Mabilis na pumunta ako sa kwarto ko at tama nga ang hinala ko. Isang itim at makapal na usok ang nasa labas ng bintana na malamang ay galing sa isang unit sa baba namin.
"Damn!"
Kinuha kong muli ang tshirt ko at tumakbo palabas. Nagsisigawang mga tao ang naririnig ko at ang mga sirena ng mga bumbero. Nagkakagulo ang lahat na nagkukumahog makababa kaya 'di ako gaanong nakakasingit.
"Mukhang may nasusunog ah," wika ni Cedric. "Aray. Miss, easy." Sabi ni Cedric sa babaeng dala-dala ang teddy bear na nagkukumahog din pababa.
"Bababa rin ba tayo?"
Gusto ko pa sanang sumagot nang pabalang ngunit wala na akong panahon. Mabilis na bumaba ako nang isang floor mula sa floor ng unit namin.
Natigilan na lang ako habang nakatingin sa mga bumbero na inanaapula ang apoy mula sa unit na binili ko. Isang sikretong unit na binili ko para sa pag-iimbestiga. May sikretong daan ako sa unit ko papunta sa loob para hindi makahalata si Zein. Lahat ng importanteng documents na nakalap ko ngayon ay tinutupok na ng apoy.
Damn that Hell! Alam kong kagagawan nya ang lahat ng ito.
Mabilis na nahagilap ko ang isang taong naka blazer at natatakpan ang ulo ng hood. Hindi ko makita ang mukha nito dahil naka shades din ito na tumatakip sa kanyang mata.
Kahit na hindi ko malinaw na nakikita kung kanino nakatutok ang mata nito pero pakiramdam ko ay sa akin sya nakatingin.
Isinakbit nito sa kanyang bulsa ang dalawang kamay nito at naglakad palayo. Susundan ko na sana ito nang harangin ako ni Cedric na nakanguso.
"Pare may naghahanap sa'yo."
Biglang may isang babaeng nakasalamin ang bumungad sa akin. "Hi. Are you Mr. Ace Craige?" She asked. Hindi ako agad nakasagot dahil binalingan ko ulit ng tingin ang direksyong tinahak ng misteryosonh taong 'yon.
May kakaiba sa kanya. Pakiramdam ko ay sya ang dahilan nang pagkasunog nang unit na ito.
"Darling, tinatanong ka."
Napatingin akong muli sa babaeng natawa dahil sa tinawag sa akin ni Cedric na nakangisi. "I am." Sagot ko.
"Maaari ba kitang makausap since ikaw ang may-ari ng unit na nasusunog."
"'Pag ba tumanggi ako, hindi mo na ako kakausapin?" Tanong ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Cedric.
"Actually, you're responsible for the incident. Mas mabuting makausap ka namin."
"Miss, 'wag mong gagahasain ah? Baka gusto mong umikli ang buhay mo." Bulong ni Cedric.
Napailing na lang ako at muling sinulyapan ang naapulang apoy. Back to one, again. Nawala lahat ng pinaghirapan ko.
Damn it!
Hindi rin nagtagal ang interview sa akin dahil tinanong lang ako kung nasan ako nung mga panahong nasusunog ang unit at kung sino pa ba ang nakakaalam ng passcode ng unit ko which is ako lang.
Naramdaman ko ang antok pagkalabas ko ng opisina nila. Bumalik na lang ako sa unit ko. Wala na si Cedric na malamang ay nainip na sa kakahintay.
'I hate boring...' ang motto ng mokong na 'yon.
Pagod na ibinagsak ko sa sofa ang aking katawan. Ipinikit ko ang mata ko at ipinahinga ang aking isipan dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip.
Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mata ko ngunit nawala ang lahat nang marinig ang tinig na 'yon. Bigla akong napamulagat at napatingin sa kwarto ni Zein na nakabukas.
Hindi ko ito binuksan at hindi ko hinahayaang buksan ito ni Mr. Lee.
May isang tinig akong naririnig kasabay nang pagkalabit sa gitara. Nakaka kalma ang tinig nito. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng pinto.
Kumalabog ang puso ko.
"Z-Zein..."
Natigilan ito sa pagkalabit ng gitara at pinunasan ang kanyang mata bago tumingin sa akin. Ngumiti ito.
"A-Ace..."
Sa isang iglap ay nayakap ko sya nang sobrang higpit. Parang nawala lahat ng pangungulila ko sa kanya at lahat ng pagod ko. Basta ang alam ko lang ay hindi ako nananaginip.
Narito si Zein, kayakap ko. Hindi ito panaginip at kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising. I would rather live in my dreams with Zein than in reality without her.
"A-Ace... I'm sorry." Nanginginig ang boses nito at ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig.
"Tinakot mo ako." Hinarap ko ito sa akin. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. "Subukan mo lang umalis, Zein. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." Pagbabanta ko.
Natawa ito. "Itatali mo ako? Hindi na kailangan, Ace. Nakatali na ako sa'yo." Nakangiting sambit nya.
Ngumiti na lang ako.
"Darling, I'll tie you on my bed." Nalaglag ang panga nito. Nilapit ko ang bibig ko sa kanyang tainga. "Both of us... naked." Bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro