Chapter 26
Chapter 26: I'm sorry
Allison's Point of View
I'm tired...
Pagod na ako. Nakakapagod din pala ang mga walang katapusang problema na dumarating. Akala ko ay mas tumatag na ako sa mga nagdaang panahon. Panahon na dinaya ko ang sarili ko na walang nanyari. Panahon na ibinaon ko sa hukay. Hindi ko inakalang mauungkat muli ang lahat.
Sabagay, wala nga palang sikreto ang hindi nabubunyag.
Gusto ko nang sumuko kasi sobrang sakit na. 'Yong tingin sa akin ng kapatid ko, parang diringdiri sya sa akin. Kinasusuklaman na nya ako. But I know, giving up will never be a choice here. I have to fight and face the consequences of what I've done. Kailangan kong lumaban para sa kanya...
"Gising ka pa pala,"
Hindi ko nagawang lingunin si Tita Mira. Nanatili ang aking mata sa labas ng nakabukas na bintana kung saan pumapasok ang malamig na simoy nang hanging amihan. Ito na ata ang pinakamasaklap na paskong darating sa buhay ko. Hindi lang isa ang maaaring mawala sa akin.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si tita.
"May problema ba?"
"Kailan pa ba ako nilubayan ng problema, tita?" Natatawa kong tanong pabalik.
"Mabigat na ba?"
"Sobra, tita."
Habang nagsasalita ako ay parang mas bumibigat ang pakiramdam ko. Sawa na akong umiyak. Akala ko hindi na ako muling iiyak matapos ang gabing 'yon pero mali ako. Darating pala ang araw na wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak.
Malapit na...
I already prepared myself physically and emotionally. Sana kayanin ko... kailangan kong kayanin.
"Sa loob ng matagal na pahanon, sa wakas." Hinawakan nya ang balikat ko at parang naging kalabit naman 'yon para mahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "I'm sorry but I waited for this for so long. Hinintay ko ang panahon na mabubunyag ang lahat." Napatingin ako kay tita dahil sa mga sinabi nya.
Kahit na malabo na ang paningin ko dala ng mga luha sa mata ko ay kitang-kita ko pa rin ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. Naguguluhan ako sa mga tinuran nya.
"You've waited for me to suffer?" Natatawa kong tanong.
"Oo, hinintay ko ang panahon na masasaktan ka. Pero, mas nasasabik ako sa mga mangyayari 'pag natapos na ang lahat kasi alam kong wala ka ng itinatago. Makakahinga ka na nang malalim nang hindi nag-aalalang baka kinabukasan ay may makaalam na ng sikreto ko. Sana, Allison. Pakatatag ka."
Hindi ako nakapagsalita sa mga sandaling 'yon. Sana nga, 'pag natapos na ang lahat ng ito ay magbalik na ang lahat sa dati kahit na alam kong malabo. Malamang na maraming pagbabago ang mangyayari 'pagkatapos ng lahat ng ito.
God! Hindi ko ata kayang harapin ang bukas.
"I'm sorry, tita." 'Yon na lang ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
Hindi ko kinayang sarilihin ang lahat kaya sinabi ko lahat kay tita. Lahat ng nangyari sa akin ay ibinulong ko sa kanya at malaki ang pasasalamat ko na hindi nya ako nagawang ilaglag kahit na halos kamuhian nya ako nung mga sandaling 'yon.
"Sshhh. Naiintindihan ko."
Niyakap ko sya sa mga sandaling 'yon. Pakiramdam ko ay 'yon lang ang magagawa ko.
"T-Tita, mapapatawad ba ako ni Ate Samantha?"
"Nahanap mo na si Samantha?"
Napanganga ako nang makita si mommy sa pinto, sa likod nya ay si Zein na wala man lang reaksyon. Parang binuhusan naman ako nang malamig na tubig dahil sa katotohanang... narinig niya.
"M-mommy..."
"Answer me, Allison!" Nagulat ako sa pagsigaw ni mommy kasabay nang pagkawala ng mga luhang parang tubig sa gripo na umagos mula sa kanyang mga mata. "Nakita mo na ang kakambal mo?" Ulit na tanong nya.
Napatingin ako kay tita na tumango lang sa akin.
"O-opo..."
Nakita ko ang galak sa mata ni mommy dahil sa sagot ko at parang mas kumirot ang puso ko. God! Hindi ko inakalang ganito kasakit. It's fucking hurts like hell... scorching hell.
Umiling sa akin si Zein na parang binabalaan na ako na huwag nang magsalita pa pero hindi ko na kaya. Buong buhay ko ay kinimkim ko lahat, siguro panahon na parang malaman nila. Hindi ko inakalang mapapaaga.
"A-Asan ang kakambal mo?" Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Gusto kong makita at mayakap ang anak ko." Bulong nito sa gitna nang kanyang pag-iyak.
Natutop ako sa kinauupuan ko. Wala ring nagawa si Tita Mira kundi ang sumandal sa pader at takpan ang kanyang bibig habang si Zein ay diretsong nakatingin lang sa akin na nag-aabang nang susunod kong sasabihin.
"Sabihin mo Allison, nasaan si Samantha?"
Kinagat ko ang labi ko bago mahinang umiling. Kumunot ang noo ni mommy na naguguluhan sa pag-iling ko.
"Nasan ang kapatid mo? Matagal kaming nagkahiwalay. Pitong taon lang kayo nung mawala sya sa pamamasyal natin. Gusto ko syang makita at mayakap. Gusto kong bumawi at maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko."
Napahagulgol ako dahil malabong mayakap nya si ate. Malabong maiparamdam nya ang pagmamahal nya sa kanya kasi... kasi wala na si Ate Samantha.
"W-Wala na si ate..."
"Anong wala?" Naguguluhang tanong nya. "Nawawala na naman sya?" Sunod na tanong nito. "Halika samahan mo ako, hahanapin natin sya." Sinubukan nyang hilain ang kamay ko ngunit hindi ako kumilos. "Saan mo ba sya nakita? Baka sakaling naroon pa sya." Kumikirot ang puso ko sa bawat katagang binibigkas nito.
Ayokong nagkakaganito si mommy. Saksi ako sa kung paano sya nagdusa nung mga panahong hindi na namin mahagilap si Ate Samantha. Saksi ako sa kung paano nagluksa nang husto si mommy na bihira lang kumain no'n sa loob ng ilang linggo. Hindi 'yon nakita ni Zein kasi isang taong palang sya. Ako, ako ang nakakita kung paano nagkalabo sina mommy at daddy dahil sa pagkawala ni ate. Ako ang nakarinig sa mga sigawan nina mommy at daddy tuwing gabi na muntik pang humatong sa hiwalayan.
"Ano ba, Allison? Samahan mo ako sa kan---"
"P-Patay na si ate..."
Nabitawan ni mommy ang kamay ko sa mga sandaling 'yon kasabay nang pagkabasag ng vase na nasandalan nya nung muntik na syang matumba. Dinaluhan sya nina Zein at Tita Mira habang ako ay hindi nakakilos sa kinatatayuan.
"Samantha... patawarin mo ako." Humagulgol si mommy habang paulit-ulit na binabanggit ang mga ang mga katagang 'yon. Parang karayom naman 'yon na tumatagos sa aking puso.
Umiyak na ang lahat, 'wag lang si mommy. Pero, wala. Umiiyak na sya at ang masakit ay kagagawan ko.
"K-Kailan mo pa nalaman?"
"Sampong taon na ang nakak---" Natulala ako nang maramdaman ang mainit na palad ni mommy sa aking pisngi.
Saglit ko lang naramdaman ang sakit na 'yon kasi mabilis na umangat ang sakit sa loob ko.
"Isabelle! Sinasaktan mo na ang anak mo!" Pasigaw na sambit ni tita.
I was left with no words to say. Natulala na lang ako kasi 'yon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan ako ng kamay ni mommy. Hindi ko masasabing masakit kasi sobra pa sa sakit ang nararamdaman ko. It's not just a physical pain, it penetrates my deepest organs and stabbed my barely breathing heart.
"Alam mo ang lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommh kay Tita Mira.
Hindi nakagawang sumagot ni Tita Mira.
Muling tumingin sa akin ang nanlilisik na mata ni mommy. "Dahil sa pagtatago mo sa amin ito sa loob ng sampong taon... parang ikaw na rin ang pumatay sa kanya." Wika niya.
"Yes, mom. I killed her."
"Ate!" Pasigaw na babali ni Zein.
Umiling ako at inis na pinahid ang luha sa aking mga mata. Nasaktan na ako at sa tingin ko ay wala nang masasakit pa rito. Kailangan na nilang malaman ang lahat para isahang sakit na lang. Sana lang maging manhid na ako 'pagkatapos ng lahat ng ito.
"Y-You killed your sister?" Hindi makapaniwalang tanong ni mommy.
"Bakit?" Natatawa kong tanong sa kanila. "Mukha ba akong anghel sa paningin nyo? Ganon ba ang tingin nyo sa akin?" Tumingin ako kay Zein. "Hinahangaan mo ako?" Muli akong natawa at tinanaw ang puting kisame kasi babagsak na naman ang mga luha sa mata ko. "Nagkakamali kayo. I'm a demon, heartless bitch, traitor, useless... I killed my sister." Bulong ko.
Hindi ko na nagawang tumingin sa kanila kasi natatakot akong makita ang pandidiri at suklam sa kanilang mata.
"You're not Allison." Wika ni Zein.
Napatingin ako sa kanya. "I told you, I'm demon." Pabalang na sagot ko.
"Allison, tama na..." Wika ni tita.
"Tinatanggap ko na... patay na si Samantha," napatingin ako kay mommy dahil sa sinabi nya. "Namatay si Samantha kasabay ng pagkamatay mo." Binalot kami ng katahimikan sa mga sandaling 'yon.
"Mommy!" Sigaw ni Zein.
"Magsimula ngayong araw na ito at sa mga sandaling ito... si Zein na lang ang anak namin."
Iniwan kami ni mommy matapos sambitin ang mga katagang 'yon. Wala na si mommy ngunit paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga huling katagang binitawan nya.
Buhay pa ako pero wala na akong pakiramdam...
Sumunod si Tita Mira kay mommy kaya naiwan kami ni Zein.
"You are not Allison." Ulit ni Zein.
"Leave me alone, Zein." Parang may bumara sa aking lalamunan. "Baka maging ikaw ay mapatay ko." Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang mga bituwin sa kalawan sa labas ng bintana.
Parang kanina lang ay iniisip ko ang mga maaaring mangyari sa akin. Hindi pa rin ako mapaniwalang nangyari na lahat at ang mas nakakatawa ay sa dinamirami nang naisip ko ay wala man lang tumugma. Hindi ko inasahan lahat ng nangyaring ito.
"Hindi ako makapaniwalang ganito ka kahina, ate."
Natawa ako dahil sa kabila ng lahat nang nangyari ay parang nagbubulungan pa rin kami ng kapatid ko.
"You can kill me now, Zein."
Natahimik ako nang maramdaman ang bibig ng baril sa aking ulo. Hindi na kailangang lumingon dahil alam kong si Zein ito. Nanatili ang mata ko sa mga bituwing kumukutitap sa langit, hindi alintana ang baril na nakatutok sa akin.
"Don't you dare to move..." Bulong nito. "Let me hug you." Bigla nya akong niyakap sa mga sandaling 'yon.
"Does it hurts, ate? Sobra ba? Kaya mo pa ba?" Tanong nya. "Marami ka ng kasalanan sa amin, gumawa ka pa rin ng kasinungalingan." Bulong nya.
Napangiti na lang aki at dinama ang kapatid kong nakayakap sa akin sa kabila ng lahat.
"You didn't killed her..."
"Ganon na rin 'yon, Zein."
Sa kabila ng lahat ng nagawa ko, nagawa nya pa rin akong yakapin. Niyayakap nya ang mga pagkakamali ko. Tama nga sila, ibang klaseng babae ang kapatid ko.
"It's funny, right? Gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa. Gusto kitang sampalin ngunit niyakap pa kita. Alam mo ba kung bakit?" Hinarap nya ako sa kanya. "Kasi ate kita, kapatid kita, at mahal kita. Mahal na mahal kita, ate." Pinunasan nya ang luha sa pisngi ko.
Shit!
"H-Hindi ako nararapat sa pagmamahal mo..."
Tinulak ko sya palayo at kumaripas ako ng takbo hindi alintana ang mga tawag nila sa akin.
Saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko? Hindi ko na alam.
Napatigil ako sa pagtakbo kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Dumudugo ang binti kong may tama ng baril.
Naramdaman kong may nagtakip sa mata at bibig ko kasabay ng unti-unting pagkawaka ko sa huwisyo.
"Gotcha..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro