Chapter 24
Chapter 24: Regret
Francisco's Point of View
Pinagmasdan ko ang mga pagbabagong nangyayari. Maraming nangyari sa lugar na ito. Isang madilim na nakaraan na hindi na muling bubuksan pa.
"Would you change its name?" Napatingin ako sa attorney.
Pinapalipat ko sa aking pangalan ang pagmamay-ari ng unibersidad na ito. Binili ko ito para isaayos.
"Yes." I answered. "Philippine High University." Ang dating pangalan ng unibersidad na ito.
Ibinigay nya sa akin ang mga papeles at masaya ko itong pinirmahan. Masaya akong mapangalan sa akin ang makasaysayang lugar na ito.
"Dati pa ba ang unibersidad na ito? Bakit ngayon ko lang narinig?" Kuryos na tanong nya.
"Yes. This is a legendary school of devils. Did you hear me? Legend. So, please. Shut up."
Inayos nito ang kanyang neck tie at nakita ko ang pasimple nyang pagngisi. Wala akong panahong magkwento.
Nagkamayan kami matapos ko mapirmahan ang kontrata. Lumabas na ito ng opisina ko. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago rin lumabas.
Tumambad sa akin ang bagong mukha ng Hell University. Bagong pintura lahat at wala ng bakas ng dugo sa paligid. Wala na ang admin office na sumabog at nilipat na ang office.
Naglakad-lakad ako habang inaalala lahat ng nangyari sa lugar na ito. Nagsisisi ako. Malaki ang pagsisisi ko sa mga nagawa ko. Kinain ako ng ambisyon na lumason sa pagkatao ko kaya maging ang kaibigan ko ay nagawa kong paslangin.
Flashback...
Pinagpapawisan ang kamay ko habang hawak ang baril. Nasa loob ng admin office si Headmaster Valdez.
Binulsa ko ang baril at nagpakawala ng buntong-hininga. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.
Tumambad sa akin si Mr. Valdez. Nakangiting sinenyasan nya akong maupo.
"May kailangan ka ba, Francis?" Tanong nya. "Teka, hindi mo ata kasama si Violet?" Takang tanong nya.
Nanatili akong nakatayo sa kanyang harap. Hindi ako makakilos. Kaya ko ba syang patayin? Kaya ko bang traydurin ang kaibigan ko?
"May problema ba?" Tumayo ito at aktong lalapitan ako kaya mabilis kong kinuha ang baril sa bulsa ko at itinutok sa kanya.
Natigilan ito at naguguluhang napatingin sa akin. Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala at pagkalito.
"A-Anong ibig sabihin nito, Francis?"
Mabilis na kinalabit ko ang baril at tumama ang bala sa kanyang binti. Nabitawan ko ang baril ko dahil don. Shit! What have I done?
Bumagsak ito sa sahig at nagsisisigaw sa hapdi. Nanginig ako sa ginawa ko at gusto ko man syang tulungan ay hindi ko na nagawa. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko sa kanya ito.
"F-Francis..."
Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. Sa isang iglap ay nawalan na ng malay si Valdez na ngayon ay may tama na ng bala sa dibdib.
"Mahina ka talaga, Francisco." Nakangising wika ni Violet na may hawak na baril. "Umalis na tayo baka may makakita pa sa atin." Sabi pa nito bago naunang umalis.
Naiwan akong tulala sa harap ni Mr. Valdez.
Gumalaw ang mga kamay nito at sinubukan akong abutin. "F-Francis, h-huwag mong papabayaan ang mga anak ko." Bulong nito bago tuluyang nalagutan ng hininga.
Nanginig ako at aktong aalis na ng makita sa pinto si Samantha na nakatulala. Nakita ko ang galit sa kanyang mata. Mabilis akong nakailag nang maglabas ito ng baril at pinaputukan ako.
Nakatakas ako ngunit hindi maalis sa isipan ko ang unti-unting pagkawala ng hininga ni Mr. Valdez.
-End of flashback-
Alam kong hindi lang si Lux ang anak ni Mr. Valdez. Ngunit hindi ko inakalang sya si Ace. Kaya pala... kaya pala itinatago nya ang kanyang sarili sa makapal na salamin dahil para hindi maging halata ang pagkakahalintulad nila ni Lux.
"You seems reminiscing..."
Napatingin ako sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.
"What are you doing here, Mr. Craige?"
Nakapasok ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nito. Halatang wala itong masyadong tulog at isang pitik lang ay matutulog na ito.
"You should rest."
Natawa ito. "You are acting like my tito, again." Mapaklang wika nito.
Alam kong walang kapatawaran lahat ng kasalanan namin sa kanya at sa kanyang pamilya. Kaya ko binili ang lugar na ito ay dahil may nagbabalak na magtayo ng negosyo rito na hindi ko papahintulutan. Ito na lang ang alaala ng nag-iisa naming kaibigan at kahit na kami ang pumatay sa kanya, ayoko pa ring mawala ang lugar na ito.
"Kung buhay lang siguro si daddy... Sana buhay pa sya para may lapitan ako. Hindi ko na kaya, tito."
"Ace..."
"Tito, malapit na akong mamatay... konti na lang." Pumait ang boses nito. "Pinapatay nya ako." Bulong nito.
Mabigat ang dinadala nito. Hindi ko alam kung bakit hindi nya kasama si Zein. Naguguluhan ako ngunit mas nangingibabaw ang awa ko sa kanya. Sa murang edad ay naranasan na nya lahat ng bagay na hindi nya dapat pinagdaanan.
He's strong, walang duda roon. Pero, kailangan nya pa rin ng kalinga ng isang ama. Pinagkait namin sa kanya ang mga bagay na dapat ay naranasan nya.
"I'm sure, your dad is proud of you."
"Minsan naiisip ko, tito. Sana pala hindi na lang kami lumaban. Sana hindi na lang kami nakalabas ng Hell University... Nawalan ako ng kapit kay Zein. Nakawala sya sa pagkakahawak ko at ngayon ay nawawala sya."
Hindi ko napigilan ang mayakap ito. Sumabay ang paghagulgol nya. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak ng husto. Hindi ko pa sya nakitang lumuha ng ganito.
God, please forgive me. Please, protect this man. He deserves to be happy. He deserves to be loved. Please, I'm begging you... heal his wound.
"T-Tito... Mawawala sa akin lahat. Ang taong pinakamamahal ko at ang taong nag-iisang pamilya ko, si kuya. Hindi nya ako mapapatawad."
Bigla kong naalala ang ginawa ni Ace. Mabigat ang nagawa nya sa kanyang kuya. Sya ang dahilan...
"Maiintindihan ka nya..." bulong ko. "Mahal ka ng kapatid mo. Ace, maging matatag ka." Dugtong ko pa.
Nasa gitna ka na ng dilim. Patuloy kang lumaban kasi konti na lang at maaabot mo na ang liwanag. Malalagpasan mo ang lahat ng ito. Sana huwag kang sumuko.
"T-Tito..." Kumawala ito sa pagkakayakap at pinunasan ang luha sa kanyang matang namumula. "Salamat. Kailangan ko ng umalis, kailangan ko ng harapin ang kanilang galit." Ngumiti ito at naglakad palayo.
Kasalanan ko lahat.
"D-Darating 'yong panahon na makakabayad din ako sa lahat ng kasalanan ko. Hintayin mo ako, Ace." Bulong ko.
***
Hell's Point of View
Akala ko kaya mo syang protektahan. Kung sanang naroon ka lang nung mga panahong muntik na syang mahulog sa bangin... hinayaan ko na sana kayong maging masaya.
You failed me... Ngayon, kailangan mong harapin ang bangungot na parating.
"Anong plano mo?" Tanong nya.
"Tuloy ang plano... Sasaktan natin sya, gaya ng pananakit na ginawa nya sa atin." Bulong ko.
Pinunit ko ang mga papel na hawak ko habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa kama.
Sa dulo ng mata na ito ay bakas ang mga luhang bumuhos bago sya matulog. Lagi na lang syang umiiyak. Walang araw na hindi sya umiiyak.
"She's a demon." Bulong ng katabi ko.
"Pero, nagiging maamo sya 'pag katabi si Ace." Sagot ko.
Kahit na anong pagpapakademonyo nya. Sya pa rin 'yong babaeng marupok. 'Yong babaeng nagmamahal sa isang lalaking dahilan kung bakit sya nasasaktan.
"Sorry, Zein... Ikaw lang ang maaaring makapanakit kay Ace. Paumanhin kung kailangan ka naming gamitin."
Konti na lang at makakamtan na namin ang hustisya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro