Chapter 23
Chapter 23: Siya
Vanessa's Point of View
"May balita na ba?" Tanong sa akin ni Jerome.
Matapos ang pag-uusap namin ni Zein ay tinawagan ko agad si Jerome. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang inaalala ang malamig nyang boses.
Parang hindi na sya ang kaibigan ko.
"Van? May nangyari ba?"
Pinunasan ko ang mata ko at umiling. "Wala. Wala na tayong gagawin." Mapakla kong sambit.
Sa mga pagkakataong ito ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang pagkatiwalaan siya at sundin ang mga nais nya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Je, hindi na tayo makikialam. Hanggang dito na lang tayo at hindi na tayo maaaring manghimasok pa."
Gulong-gulo pa rin sya sa mga sinasabi ko dahil kitang-kita 'yon sa mga mata nya.
"K-Kaibigan natin si Zein. Paanong hindi tay---"
"She's right."
Napatingin kami kay Matt.
"Hanggang dito lang tayo." Dugtong pa nito.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sinabi rin 'yon sa kanya ni Zein. Ano ba kasing pinaplano nya? Ayoko sa ginagawa nya pero alam kong hindi nya ipapahamak ang sarili nya.
"Pero Matt, masasaktan si Zein." Pumiyok ang boses ko.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasasaktan na si Zein kahit na hindi ko alam ang totoong nangyayari at nasasaktan din ako.
Gusto ko syang yakapin para patahanin ang nararamdaman nya. Alam kong naliligaw sya at wala man lang kaming magawa.
"Nasaktan na sya, patuloy na nasasaktan at masasaktan pa ng lubusan."
"Shit! Ano bang sinasabi nyo?! Wala akong maintindihan!" Ginulo ni Jerome ang kanyang buhok bago tumingin sa akin.
Ang kanyang mata ay nagmamakaawa ng mga kasagutan pero hindi ko ito mabibigay gayong maging ako ay naguguluhan. Basta ang alam ko lang ay pinapatigil na kami ni Zein.
"S-Si Zein ang magbabayad ng mga kasalanang hindi nya ginawa." Bulong ni Matt.
Ipinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Ang sikip ng dibdib ko sa tuwing naririnig ang kanyang pangalan.
"Kakayanin nya naman, 'di ba? Matthew, please. Sabihin mo sa akin na kakayanin nya lahat, na matapos ang lahat ng ito ay sya pa rin ang Zein na nakilala natin."
Gusto kong magkaroon ng pag-asa na hindi magbabago si Zein kasi pakiramdam ko ay ihihiwalay na nya ang sarili nya sa amin. Pakiramdam ko ay gagawa sya ng malaking pader sa pagitan nya at ng lahat nang nakapaligid sa kanya.
Kasi alam kong maaaring mabago ang isang tao sa mga sakit na naranasan nya. Ayokong magbago si Zein. Gusto ko sya pa rin 'yong Zein na kung maka-halakhak ay parang wala ng bukas, 'yong babaeng sasapakin ka 'pag mali ang ginagawa mo at ang babaeng yayakap sa'yo 'pag tinalikuran ka na ng mundo.
"Zein is Zein. Walang magbabago pero hindi ko alam, Van. Pero, hindi ko na alam ang magiging kahinatnan ng lahat ng ito."
"Si Ace ba?" Tanong ni Jerome. "Sya ba ang may dala ng lahat ng ito?" Dugtong pa nito.
Napatingin kami kay Matt dahil pakiramdam ko ay sya lang ang makakasagot ng aming mga katanungan. Malamang na may ideya sya sa mga nangyayari.
"No. Hindi lang si Ace." Maikling sagot nito.
Ibig sabihin ay marami pa ring tao ang saklaw ng lahat ng nangyayaring ito. Sino-sino? Malalapit ba kay Zein?
"Nasan si Zein?" Tanong muli ni Jerome na kahit papaano ay naiintindihan na ang nais naming mangyari.
Bigla kong naalala ang lalaking kasama kanina ni Zein. Sino 'yon? Bakit kasama nya si Zein? Magkakilala ba sila?
"She's safe."
Base sa pagkasabi no'n ni Matt ay parang kilala nya o alam nya kung nasan si Zein. Sabagay, sya naman talaga ang mas nakakakilala kay Zein.
Tumayo na ako at naglakad palayo para iwan sila. Lumabas ako ng café at naglakad papunta sa bay na malapit.
Kailangan kong magpahangin. Kailangan kong mapayapa ang mga iniisip ko.
Nililipad ng hangin ang buhok ko. Nakakakalma ang malamig na ihip ng hangin at kitang-kita na ngayon ang paglubog ng araw. Ang langit ay kulay kahel na.
"Zein, please come back... please be safe... maghihintay kami." I whispered.
Tatanggapin ka pa rin namin kahit sino ka pa at kung ano man ang maging pasya mo. Narito lang kami para sa'yo.
Ipinikit ko ang mata ko at inalala lahat ng masasayang alaala namin. Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago muling imunulat ang aking mata at ngumiti.
Tumalikod ako at naglakad palayo at iwinaksi lahat ng nangyari kay Zein. Gaya ng ipinangako ko... mananahimik na ako.
***
Nicky's Point of View
Napangisi ako nang hindi man lang nya napansin na kanina pa ako nakasunod sa kanya. Malamang na hindi nya ako gaanong napapansin dahil marami syang iniisip.
Hindi na familiar sa akin ang tinatahak namin at parang may kutob na ako kung saan sya paparoon.
Lumikha ako nang malaking distansya sa aming pagitan. Nakita kong itinabi nya ang kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay.
Itinabi ko rin ang sasakyan ko malayo sa kanya at pinagmasdan itong pumasok sa loob.
Pagkapasok nya ay lumabas din ako ng sasakyan. Kung tama ang hinala kaya sya narito ay dahil sa kanya.
Walang kahirap-hirap akong nakapasok dahil hindi naman nya kinandado ang pinto at wala rin namang guard.
Sa pinto pa lang ng bahay ay nakita ko na kung sino ang kausap nya.
Napangiti na lang ako. Kaya pala... Naiintindihan ko na ngayon.
Nawalan ako ng gana matapos masaksihan 'yon. I was wrong... Naiintindihan ko na sya.
Naghintay ako sa labas ng gate dahil gusto ko rin syang makausap. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya.
Dapat ay pinagkatiwalaan ko sya. Dapat ay alam kong hindi nya magagawa 'yon.
Halos isang oras din akong naghintay sa labas hanggang sa nakita ko na syang lumabas ng gate. Bakas na bakas ang ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko rin maiwasang mapangiti.
Natigilan ito at nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ako.
"Maglalaro na naman ba tayo?" Natatawa kong tanong.
"W-Who are you?" Tanong nya na ikinahalakhak ko.
Lumapit ako sa kanya. Hindi man ito gumalaw sa kanyang pwesto. Kitang-kita ko sa kanyang mata ang pagkabigla at pagkabahala habang pasimpleng sinusulyapan ang bahay.
"After playing Samantha, now you're playing dumb. Ibang klaseng laro pala ang mga gusto mo." Natatawa kong wika.
Seryoso ang kanyang mata. Ikaw pa rin ang babaeng 'yon, walang nagbago.
"What are you doing here?" Madiin nyang tanong.
Ngumisi ako. "Ikaw ang dapat kong tanungin nyan." Sinulyapan kong muli ang bahay. "Anong ginagawa mo rito? Hindi mo sinabing may bahay ka pala." Natatawa ko pang sambit.
"Nicky Colt."
"May kasalanan ka sa akin. Malaki." Wika ko.
Umiling ito. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo." Pagtanggi nito.
"What if malaman nilang itinatago mo an---"
Napangisi akong muli nang maramdaman ang bibig ng kanyang baril sa aking noo. Alam kong kayang-kaya nya itong kalabitin. She's that girl after all.
"Shut up, Nicky. Wala kang sasabihin." May diing wika pa rin nito.
Sinubukan kong sipain ang kanyang binti para mawala ang balanse nya ngunit mabilis nyang nailagan 'yon. Kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yon para agawin sa kanya ang baril at ngayon ay ako naman ang nagtutok nito sa kanya.
"Bumabagal ka na ata, Ate." Bulong ko na ikinangiti nito.
Sinipa nya ang sikmura ko kaya mabilis na naagaw nya sa akin muli ang baril. Napangiwi ako.
"Baka nakakalimutan mo, ako ang nagturo sayo kung paano lumaban at kailanman ay hindi ka mananalo sa akin."
"Ikaw din ang unang nang-iwan." Pumait ang tinig ko.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mata. Kahit na naiintindihan ko kung bakit nya nagawa 'yon ay hindi ko pa rin matanggap.
"Alam mo ang dahilan."
"Just now, actually." Natatawa kong wika. "Bakit mo sya itinatago?" Tanong ko.
Umiling ito at ibinalik sa kanyang gun pocket ang baril. "May mga bagay na hindi mo na kailangang malaman." Matabang na sagot nito.
"Kasalanan mo ang lahat, hindi ba?" Tanong ko na ikinatigil nito.
"You don't have to remind me. Alam ko." Mapakla nitong sagot.
"Matitikman mo ngayon ang galit ni Zein."
"Handa na ako." Matapang na sagot nito.
Wala ka man lang mababakas na pagkabahala sa kanyang mukha kaya malamang na handa na nga sya. Sana...
"You've gone wild," Natatawa nyang sambit. "I am proud of you, my baby." Bulong pa nito.
Natawa ako. "I am not your baby, hanggang kailan ko ba ipapaalala sa'yo? Pero, salamat." Nakangiting sambit ko.
Sya ang unang taong hinangaan ko sa buong buhay ko. Ang babaeng nagturo sa akin ng kahalagahan ng paglaban.
"Paano si Zein?" Tanong ko.
"Maaaring hindi mo na ako muling makita na humihinga." Biro nito. "Galit sya. Galit na galit. Hindi nya ako mapapatawad. Kahit mapatay nya ako ay hindi nya pa rin ako mapapatawad." Kinagat nito ang kanyang labi.
Napailing na lang ako.
"Ang baba ng tingin nyo kay Zein." Natatawang sambit ko. "Hindi nyo talaga sya kilala? Kapatid mo sya kaya dapat ay kilala mo ang pagkatao nya." Natatawa kong sambit.
Si Allison ang unang taong hinangaan ko at nakakatawang sumusunod sa kanyang hakbang ang kapatid nya. Si Zein na pinahanga rin ako.
Nagulat ako nang yakapin nya ako at humagulgol. Kasabay ng pagyakap nya ang pagsabog ng napakaraming alaala.
Samantha...
"Ang sakit na... Panahon na sigurong pagbayaran ko lahat." Bulong nito kasabay ng pagtakbo nya palayo.
Pinanuod ko lang syang tumakbo palayo.
Walang kasiguruhan ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o mamaya.
Kahit na anong paghahanda natin, may mga bagay pa rin na darating nang hindi inaasahan.
Napatingin ako sa malaking bahay.
"Ikaw ang dahilan kung bakit sya namatay." Naiintindihan ko. Sana ipaintindi mo kay Zein. "Hanggang kailan mo ba siya itatago?" Bulong ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro