Chapter 22
Chapter 22: Promise me
Vanessa's Point of View
"Nawawala si Zein."
Isang sampal ang iginawad ko sa pisngi ni Ace nang marinig ko 'yon. Naramdaman ko ang pagpigil sa akin ni Jerome pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko ay nabigo ako.
"You disappointed me... a big time, Ace Craige." Bulong ko.
"Van, calm down. Let him explain."
Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at hindi na muna nagsalita. Hinintay kong magpaliwanag sya nang sa ganon ay kahit papano ay maibsan ang galit na nararamdaman ko.
Naniningkit ang inaantok na mata ni Ace at nakita ko rin ang putok sa kanyang labi na gawa ni Matt. Gusto ko mang maaawa ay hindi ko magawa.
"It was my fault."
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko napigilang masampal ang kanyang pisngi at sa pagkakataong 'yon ay hindi ako inawat ni Jerome.
"B-Bakit, Ace? Bakit mo sya pinabayaan? I thought you are her bulletproof? Her knight? Hanggang salita ka lang ba, huh?"
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mata na malamang na tumagos sa bungo nya ang mga salitang binitiwan ko.
"Useless." Dinig kong bulong ni Jerome.
"Maaari nyo akong saktan, sabihan ng masasakit na salita ngunit wala kayong karapatang pagdudahan ang pagmamahal ko sa kanya." May diing wika nito.
Gusto kong matawa na sa kabila ng lahat ay nagagawa nya pang magtapon ng matatamis na salita.
"Ano nga ba ang pagmamahal para sa'yo, Ace?" Tanong ni Jerome.
Kalmado lamang si Ace na animo'y hindi alintana ang mga sakit na binigay namin sa kanya. May mababakas kamang pag-aalala sa kanya ngunit alam kong parang wala lang sa kanya ang lahat.
Bakit ganon? Parang wala lang talaga sa kanya na nawawala si Zein? Bakit parang balewala lang sa kanya ang lahat ng nangyayari? Bakit ganito ang lalaking ito? Hindi ko sya maintindihan at ang hirap nyang basahin.
Bigla kong naaalala ang Ace Craige na nakilala namin sa loob ng Hell University. Kahit na nasa labas na kami ay wala pa rin syang pinagbago. He is still the mysterious one. A mystery to us.
"Dapat ko bang ipaliwanag sa inyo kung ano ang pananaw ko sa salitang pagmamahal?" Mejo natawa ito at nakita ko ang pagdaan ng galit muli sa kanyang mata. "Narito ako para sabihin na nawawala si Zein. 'Yon lang." Isang sapak ang dumapo sa kanyang mukha na galing kay Jerome.
Napamura ako kaya hinila ko palayo si Jerome. Kahit na anong nagawa ni Ace, alam kong hindi nya papabayaan si Zein. Hindi man namin nakikita ang pag-aalala sa kanyang mata ngunit nasisiguro kong pinapatay na sya nito sa kanyang loob.
"Who are you Ace Craige? Tao ka ba?" Mejo natawang tanong ni Jerome.
Mabilis na tumayo si Ace na nakangisi. Pinunasan nya ang kanyang labing pumutok sa ikalawang pagkakataon.
"Mauna na ako." Malamig na sambit nito. "May pasok pa ako." Dugtong pa nito.
Tumalikod ito sa amin at naglakad palayo.
"I trust you, Ace. Ibalik mo si Zein, pakiusap." I whispered.
***
Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog. Nag-aalala ako kay Zein. Isang linggo na simula nung nawala sya at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol sa kanya. Gusto ko mang gumawa ng hakbang ay hindi ko alam kung saan magsisimula.
Pati si Dave ay nawawala. Pinuntahan ko sya sa bahay nila ngunit wala raw sya at ilang araw ng hindi umuuwi. Hayst. Ano bang nangyayari?
Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Zein sa probinsya. Alam kaya nila na nawawala si Zein? Anong ginagawa ni Ate Allison? Nagpakita na kaya sa kanila si Zein?
"Oh, Vanessa. Napasyal ka ata?" Bungad sa akin ni Tita Mira.
Ngumiti lang ako at umupo sa sofa. Malamang na wala pa sila Tita at Tito na malamang ay nasa work na.
"Juice?"
"Thanks."
Inabot ko ang baso ng juice na inabot sa akin ni Tita Mira. Umupo ito sa kaharap kong sofa.
"Wala si Zein. Bakit napunta ka rito?"
"Hindi pa po ba umuuwi si Zein?"
Lumungkot ang mukha nito at mahinang umiling. Hindi pa nga nila alam na nawawala si Zein at sa tingin ko ay wala akong karapatang pangunahan sila.
"Si Ate Allison po?"
"W-Wala. Hindi pa rin umuuwi. Teka, may nangyari ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Ayokong magsabi at ayoko rin magsinungaling kaya minabuti ko na lang na hindi na magsalita.
"Van, please..."
"Tita?"
"May nangyari ba sa alaga ko? Bakit narito ka? Nasan si Zein?"
Sunod-sunod na tanong nya. Malamang na nakahalata na sya na may hindi magandang nangyayari. Ayokong pagtakpan ang mga nangyayari.
"Kaya po nila 'yon," ngumiti ako para mawala ang pagdududa nya.
"May itinago ka at alam kong hindi madaling sabihin 'yon."
Natahimik ako sa tinuran nya.
"May mga bagay talaga na mahirap sabihin hanggang sa maging sikreto na ito. Tama ba?"
"No, Tita. Hindi naman namin isinisikreto na nawawala si Zein kasi alam 'y---Oh.My.Ghad."
Napatakip ako sa aking bibig at nakita ko ang pagkabigla sa mata ni Tita. Ilang beses kong namura ang sarili ko. Shit! Nadulas ako. Nadala ako. Ngayon, alam na nya.
"N-Nawawala si Zein? Kailan pa?"
Mariin akong napapikit. Sa tingin ko ay wala ng dahilan pa para pagtakpan ko ang mga salitang nabitawan ko na. Lalo lang syang mag-aalala.
"Isang linggo na."
"At hindi nyo man lang nagawang sabihin sa amin?" Pumakla ang kanyang tinig kaya natutop ako sa kinauupuan ko.
Ilang minuto kaming kinain ng katahikan at hindi 'yon nakatulong dahil bigla kong namiss si Zein. Namiss ko ang matalas nyang dila. Shit! I missed my bestfriend.
"Sabagay. Hindi lang pala kayo ang naglilihim."
Napatingin ako kay tita dahil sa sinabi nya. Nakita ko ang pangingilid ng luha mula sa kanyang mata. I could clearly see the guilt. Ngayon ako naman ang kuryos sa kung ano ba ang sinasabi nya.
"Tita?"
"Kung may mas malaking kasalanan sa atin ay ako 'yon."
"Ano pong ibig nyong sa---"
"Huwag ka ng magtanong. Hindi mo kakayanin ang sagot ko."
Iniwan nya ako matapos sabihin ang mga katagang 'yon at mukhang hindi ako lulubayan ng mga salita nya.
Mapait akong napangiti sa katotohanang... lumulubog kami sa bumabahang sikreto at nakakatakot na hindi na kami makaahon. Pero, mas natatakot ako para kay Zein.
Bigla kong naalala ang takot sa kanyang mata nung mga panahong unang tapak namin sa Hell University. Madali syang makaramdam kaya takot na takot sya sa mga panahong 'yon. Alam nyang hindi maganda ang pinasok namin ngunit alam nya rin kung hanggang saan sya dapat matakot. Alam nya kung kailan dapat lumaban at kung kailan dapat ibaba ang sarili... sumuko.
Hindi nya ipaglalaban ang mga bagay na alam nyang mali. Kaya nya nagawang bitawan si Ace. Ngayon, tama pa rin bang si Ace pa rin ang nasa puso nya? Tama pa rin ba, Zein? O baka naman 'pagkabalik mo ay sumusuko ka na.
"Vanessa?"
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita si Ate Allison na nakatayo sa pinto. Mabilis na pinunasan ko ang luha sa aking mata at payak na ngumiti.
"P-pumasyal lang."
Tumingin ito sa kusina na animo'y may iniiwasan. "Umalis ka na." Wika nito na ikinalaglag ng panga ko.
Ghad. Anong nangyayari?
"Hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan---"
"Dahil ako ang ipagtatabuyan ng kapatid ko." Pumatak ang luha sa kanyang mata. "Umalis ka na, Van. Please, huwag ka ng makialam. Hayaan nyong ako ang lumutas sa problemang ako mismo ang gumawa." Dugtong nito.
Kahit naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya ay nagawa kong tumango. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay niyakap ko sya para patahanin.
"She is Zein Shion, not just a girl. Save her, please." Bulong ko bago kumalas at lumabas.
Pakiramdam ko ay babagsak na lang ako at sasabog ang utak sa mga nangyayari. Sumasakit ang ulo ko at hindi ko man lang magawang pagtagpi-tagpiin lahat ng nangyayari. Everything is a mess.
Sasakay na sana ako sa kotse nang maramdaman ang malamig na dulo ng kutsilyo sa leeg ko. Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko.
"Huwag kang makialam." Bulong nito.
Bumagal ang pagtibok ng puso ko at parang nauubusan ako ng hangin sa katawan. Nahihirapan ako at pakiramdam ko ay katapusan ko na.
"Who are you?"
"Simula ngayon ay mamumuhay ka ng walang pinoproblema sa buhay ng iba. Huwag ka ng makialam. Hindi kayo sakop ng problemang ito."
Pumatak ang luha sa mata ko at napahagulgol. Binitawan nya ako kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. Napakalamig ng boses nya na parang binabalutan ng poot.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagtakip nya sa kanyang bibig at ang walang humpay na pagtulo ng luha sa kanyang mata.
"Please, Vanessa. Ipangako mo sa akin na hindi ka na muling makikialam."
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko. Mariin kong pinunasan ang pisngi kong basa gamit ang nanginginig kong kamay.
"Promise me."
"Pangako. Hindi na ako muling gagawa ng hakbang. Hindi na ako makikialam."
Tumango ito at hinalikan ako sa pisngi. Tumalikod ito at sumama sa isang lalaking hindi ko kilala.
"Mahal na mahal ka namin, sana tama ang tinatahak mo. Kahit na na anong mangyari, andito lang kami. Zein Shion."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro