Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20: Help

Zein's Point of View

"Sorry, Zein. May lakad kami ni Je, eh."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil mukhang hindi ko mapipilit ang isang 'to. Uunahin pa talaga ang date kesa sa pag-aaral.

"Pasama ka na lang kay Ace."

"Okay na. Sige."

Sinakbit ko na ang bag ko at napagpasyahang puntahan na lang si Ace. Mejo malayo ang building nila kaya mejo malayo-layo ring lakaran ito.

Magpapasama kasi akong mag-grocery para sa kakailanganin kong ingredients para sa lulutuin ko. Hindi ko naman kayang magdala ng lahat kaya kailangan ko ng tulong.

Sumilip ako sa classroom nila at nagkaklase sila. Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala si Ace. Tanging si Matt lang ang narito na patagong gumagamit pa ng cellphone. Ibang klase.

Sinubukan ko ulit igala ang mata ko pero bigo parin akong makita ito. Wala sya. Nagditch class ba sya? Saan naman kaya sya pumunta?

Bigong nilisan ko ang building nila. Well, I have no choice but to go alone. Hindi ko na muna siguro bibilhin lahat para mabuhat ko.

"Saan ka pupunta? Sama naman ako."

Muntik ko ng masapak si Cedric dahil sa biglaan nyang pagsulpot. He's still wearing his mischievous smile.

Hindi naman sigurong masama na magpasama ako sa kanya. At least, hindi ako ang nag-umpisa at kusa syang nag-alok.

"Mall. Bibili ako ng ingredients. Pwede ka?"

"Yeah. Basta ba libre mo ako ng mogu-mogu."

Mahinang natawa ako sa sinabi nya. "Okay." Sagot ko.

Ginamit namin ang kotse nya at hindi raw sya marunong mag commute. Hindi raw bagay sa kanya ang nakikitang nakasakay sa taxi or jeepney. Mahangin din ang isang 'to.

"Wala ata ang boyfriend mo?"

"Obvious ba? Nakikita mo bang kasama ko sya?" Hindi ko napigilang masungitan ito.

Naiinis ako dahil hindi man lang nagsasabi ang lalaking 'yon kung saan sya pupunta. Ni text man lang ay hindi nya magawa. Hayst.

"Paano kung nambababae ang boyfriend mo?"

Natawa na lang ako sa sinabi nya. "No. He won't and he can't." Sagot ko.

Kilala ko ang lalaking 'yon. Hindi lang sya allergy sa spinach, maging sa babae rin--- I'm an exemption. I'm his north and he's my south pole.

"You must trust him that much, huh?"

"I trust him more than myself."

Natahimik sya sa sinabi ko. Ganon naman talaga ang tingin ko kay Ace. Hindi sya kagaya ng ibang lalaking nakakasalamuha ko. May something sa kanya na sya lang ang nagtataglay. And he's innocent in a sexy way.

"Pero dapat ay lagi mo syang nasa tabi. Hindi mo alam ang panganib."

"Hindi ko sya minahal para iligtas ako sa lahat ng panganib. I don't need anyone to save my life, I just need Ace to live my life."

Without him, I am a mess.

'Pagkarating namin sa mall ay agad na tumungo kami sa Grocery Store story para mamili ng mga ingredients. Si Cedric ang nagtutulak sa cart.

"HRM student ka ba talaga?" Natatawa nyang tanong.

Hindi ako sumagot dahil nag-iisip ako kung ano pa ba ang kulang. Narinig kong muli ang paghalakhak nya kaya parang gusto kong ibalik ang limang mogu-mogu na nasa cart.

"Gumawa ka muna dapat ng listahan ng bibilhin mo. Hindi 'yong mag-iisip ka pa lang 'pag nasa store ka na. Time management palang bagsak ka na."

Alam ko naman 'yon pero tinamad akong gumawa.

"Nakakainip ka palang kasama."

"At nakakainis ka namang kasama."

Napailing na lang ito. Napansin ko na iniinom na nya ang isang mogu-mogu kahit na hindi pa ito bayad. Sa susunod talaga, 'di baleng ako na lang mag-isa kesa naman kasama ko ang lalaking ito.

"Sure ka bang ito na lahat?" Tanong sa akin ni Cedric nang nakapila na kami kaya nagduda tuloy ako.

Mukhang may kulang na nawala sa isip ko. "Hindi ka ba gagamit ng brown sugar?" Tanong nya na ikinagulat ko.

"Oo nga pala. Teka lang ah?"

Tumakbo ako para bumalik at kumuha. Nasa malapit lang naman. Kumuha ako ng isang kilong brown sugar at aktong aalis na nang mapansin ko ang isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Nakayuko ito pero parang--- "M-Mia?" Ngumiti kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

Humarap itp at halos maluha ako ng sya nga ito. Shit! "Mia!" Niyakap ko ito ng mahigpit.

Napapikit ako sa sobrang saya at parang naiiyak ako. Hindi ako makapaniwalang narito sya.

Kumawala ito sa pagkakayakap at hinarap ko. Gusto kong puriin ang mga pinagbago nya pero natutop ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwalang narito sya.

"Z-Zein... I miss you."

"Bakit?"

Ngumiti ito at muli akong niyakap. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng balikat nito at ang panginginig ng katawan nya kaya alam kong umiiyak ito.

Hinarap ko ito sa akin. "Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko.

Umayos ito ng upo at pinunasan ang kanyang mukha na puno ng luha.

"Nung isang buwan pa."

Nagulat ako nang makita si Dave na nakatayo sa likod ko. Nakangiti ito. Kaya naman pala tumahimik ang lalaking ito dahil may kababalaghan na nangyari sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi?" Hindi ko maiwasang magtampo.

Hindi ko tuloy maiwasang magduda kung ako na lang ba ang hindi nakakaalam o talagang sikreto ang pagbalik ni Mia.

"T-Tumakas ako." Sambit nito.

Naguguluhang napatingin ako kay Mia dahil sa sinabi niya. Nakita ko rin ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Dave.

"A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Ipapakasal ako ni mommy sa anak ng business partner nya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Kaya ba parang nagtatago sila? Kasi baka malaman ng parents nya na narito na sya at sapilitang ibalik para ipakasal sa lalaking hindi nya mahal?

"Kaya nga tatakas kami." Desididong sambit ni Dave.

"W-What? Wait..Sigurado ba kayo sa pinaplano nya? Baka naman may iba pang paraan." Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila.

Alam ko ang pagtingin nila sa isa't-isa kaya kahit na wala silang commitments dati ay alam naming lahat at kahit papano ay natutuwa ako na kaya na nilang ipaglaban ang nararamdaman nila.

"Babalik kami sa America. Ipaglalaban ko si Mia sa mga magulang nya at 'pag nabigo kami. Wala na kaming magagawa kundi ang magpakalayo."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanilang dalawa. Shit! Ang daming nabibiktima ng pag-ibig. Para talaga itong virus na unti-unting sisirain ang lahat ng sa'yo at bubuo ng panibagong pagkatao sa loob mo.

"Kahit na anong maging pasya nyo. Narito lang ako, kami. Susuportahan namin kayo." Nakangiti kong wika.

Mahigpit ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay kaya alam kong magkamatayan na, hindi sila susuko. After all, isa sila sa mga nakalaya sa impyerno. Alam kong malalagpasan din nila ito. Isa lang ito sa mga pagsubok ng pag-ibig at sana hanggang sa huli... magkahawak kamay pa rin sila.

"Mia, tara na. Baka malate tayo sa flight natin."

"A-Aalis na kayo?" Naiiyak kong tanong.

Malungkot na ngumiti si Mia. "Nagpakita lang ako sa'yo para magpaalam. Baka kasi... ito na ang huli nating pagkikita." Malungkot nitong sambit.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at hinawakan sa pisngi si Mia.

"Don't say that. Magkikita pa tayo at 'pag dumating ang araw na 'yon. Legal na kayo."

"Sana... Sana, Zein. Ipagpaalam mo na rin ako kina Matt, Jerome at Vanessa. I love you... Mahal ko kayo, Zein."

Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata. "Ito na ang huling pagkakataon na iiyak ka. Ipangako mo sa akin, Mia. Huwag kang iiyak sa harap nila, ipakita mong malakas ka, na kaya mong panindigan ang desisyon mo." Lumipat kay Dave ang tingin ko. "Please, take care of her. Huwag mo syang bibitawan." Bilin ko.

"You don't have to say that."

Napangiti na lang ako bago sila niyakap sa huling pagkakataon. Pinagmasdan ko silang makalayo sa akin.

Take care. Kaya nyo 'yan.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at nagpakawala ng buntong-hininga. 'Pagkabalik ko sa counter ay nakikipag sigawan si Cedric sa isang dalagang nasa likod nya.

"Kanina ka pa nakapila! Marami pa kaming susunod sa'yo just for so you know. Hindi ka naman siguro bulag."

"Eh sa wala pa 'yong asukal e! Bakit hindi ka lumipat o 'di kaya magpatayo ka ng sarili mong mall. 'Yong ikaw lang ang mamimili at hindi mo na kailangang pumila!" Singhal sa kanya ni Cedric.

Lumapit ako sa kanila at sinamaan ng tingin si Cedric.

"Ang tagal mo. Atat na atat na ang bruha sa likod ko."

"Bruha?! Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Bruho!"

Napatingin ako sa babae.

"Zein?"

"Fritzy?"

"BFF!" Halos masakal ako nang yakap nito. "Namiss kita." Humagikgik ito.

Kahit papaano ay namiss ko rin ang bruhang ito. Hindi pa rin sya nagbabago. Mataray pa rin.

"Una na ako." Aniya sa akin. "Nakalimutan mo na ba? Gorgeous first!"  Dugtong pa nito bago lumipat sa harap namin.

Sinenyasan ko naman si Cedric na manahimik na lang dahil 'pag pinatulan nya pa ang babaeng 'to ay magkaroon talaga ng forever. Kilala ko si Fritzy. A bitch from Hell University.

"Thank you so much, best friend forever. Hihi." Napunta kay Cedric ang kanyang mata at natawa ako sa pag-ikot nito. "Ang pangit naman ng boy nyo." Wika pa nito.

Naramdaman ko ang pagbagal ng hininga ni Cedric kaya binantaan ko na sya. Nagpipigil ito ng galit habang nakangisi.

"Well, Miss Fruitzy. I'm not a boy---"

"Then, a gay? OH.MY GHAD! Hindi mo naman agad sinabi sissy. Bye and uh, wait. It's Fritzy." Pinitik nito ang kanyang buhok bago naglakad palayo. Sinalubong sya ng dalawang lalaking guard nya ata.

Hanggang sa pagdating namin sa kotse niya ay panay ang bulong ni Cedric.

"You know her? Alam mo ba kung saan ko matatagpuan ang strawberry na 'yon."

"Hindi ko alam, Ced. We're not that close. Sadyang feeler lang talaga ang babaeng 'yon." Naiiling kong sambit. "Paki hatid na lang sa dorm namin. May pupuntahan ako." Bilin ko pa.

Natigilan sya sa paglalagay ng mga pinamili namin sa likod. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"Una, hindi ako utusan. Pangalawa, saan ka pupunta? Pangatlo, 'yong una."

"Please, importante lang."

Kung kinakailangan kong sirain ang date nila Jerome at Vanessa ay gagawin ko.

"Okay. Bahala ka."

Hindi ako umalis hanggat hindi ko nakikita ang pag-alis ng kotse nya. Nang hindi ko na ito natanaw ay nagsimula na rin akong maglakad.

Sumakay ako sa taxi na nakatigil.

Sinabi ko ang restaurant na pupuntahan nila Vanessa. Sumulyap ako sa cellphone ko. Wala pa rin syang text.

Napatingin ako sa driver at nahuli ko itong nakatingin sa akin. Kinilabutan ako. Nakatakip ang buong mukha nya ng itim at tanging ang kanyang mata lang ang nakalitaw.

"Do you know me?" He asked. "I'm Hell. Pagod ka ata? Baka gusto mo munang matulog."

Nanlaki ang mata ko nang bigla nyang tinakpan ang ilong ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ko sya kinaya.

Halos hindi na ako makahinga at wala akong nagawa kundi ang tumitig sa nanlilisik nyang mata. Isang matang puno ng hinanakit hanggang sa maramdaman ko ang pagbagal ng hininga ko at pagbigat ng talukap ng mata ko.

Nagising na lang ako at mag-isa na lang. Kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Nasa harap ako ng bangin.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang unti-unting pagdulas ng sasakyan. Hindi ako makakilos dahil maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako.

Nanginig ako at kinapa ang cellphone ko sa aking bulsa.

Mabilis na hinanap ko ang numero ni Ace. Halos hindi ko mapindot ang call button dahil sa panginginig ang buong katawan ko.

Tinapat ko sa aking tainga ang aking cellphone. Napapikit ako nang walang sumasagot. Ace, shit!

Napasigaw ako nang gumalaw na naman ang sasakyan. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwan na lang ng voice mail kay Ace.

"A-Ace... Ace. Natatakot ako. T-Tulungan mo ako. Ace, please." Tumulo ang luha sa mata ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko nang maramdaman ang unti-unting pagdausdos ng sasakyan pababa sa bangin at wala akong nagawa kundi ang ipikit ang mata ko.

Ace...Where are you? I need your help. Help me, please... I'm scared.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro