Chapter 15
Chapter 15: Dream
Zein's Point of View
Isa ako sa mga tinanong ng mga pulis tungkol sa biktima dahil ako ang unang nakakita rito. Lumilipad ang isip ko sa tuwing tinatanong ako kaya dalawang beses inuulit ang tanong para masagot ko.
"Nakita mo ba kung sino ang huling lumabas sa CR na 'yon?"
Naguguluhan ako. Bakit nya gagawin 'yon kung sya nga talaga ang pumatay? Anong dahilan nya? Base sa nakita ko ay namatay ang biktima dahil sa wire na nakapulupot sa kanyang leeg kung saan bumulwak ang dugo. He was holding a knife kaya malamang na naglaban din ang lalaking 'yon, pero si Nicky ang kalaban nya, walang kwenta ang mga patalim sa babaeng 'yon.
Pero paano napunta sa CR ng pambabae ang lalaking 'yon? Posible bang sinundan nya si Nicky at doon tinangkang patayin?
UGH!
"Miss Shion?"
Nabalik ako sa realidad nang marinig ang boses ng pulis na nagtatanong sa akin. Hilaw na napangiti na lang ako dahil sa hiya. Hinilot nito ang kanyang sintido na parang sumasakit ang kanyang ulo dahil sa akin.
"Sir, baka po nabibigla ang kaibigan ko."
Naramdaman kong hinagod ni Vanessa ang likod ko. Tumango ang pulis, may binulong ito sa kasama nya bago muling tumingin sa akin. "Okay, that's all for now. Tatawagan ka na lang namin for more further questions." Tumayo na ito para kamayan ako. "Thank you." Tumango na lang ako ulit.
Wala akong magawa kundi tumango. Gulat pa rin ako sa mga nangyari at sa katunayang involved si Nicky. 'Pagkalabas namin ni Vanessa sa police station ay saka palang ako nakahinga nang maluwag.
"Okay ka lang ba talaga?"
Tumingin ako kay Van at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi. Kung sasabihin ko sa kanya may magbabago ba? Baka mag-isip lang din sya. I ended up in silence. Sa akin na lang na muna lahat ng nalaman ko.
"Zein!"
Nabalin sa lalaking humahangos ang atensyon ko. Naka uniform pa rin ito at halatang kagagaling lang mula sa school. Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko sa katotohanang... pareho kaming may inililihim sa isa't-isa.
"Are you okay?" Binalingan nito ng tingin ang police station bago pumirmi sa akin ang atensyon. Hingal na hingal pa rin ito ag tagaktan ang pawis. "What happened?" Pangalawang tanong nya.
"Mas mabuting iuwi mo muna sya, Ace. Kailangan nyang magpahinga." Suhestyon ni Vanessa.
Tumingin sa akin si Ace na puno ng pag-aalala. Puno ng pagtatanong ang kanyang mata na nagsusumamo ng mga sagot. Hindi ko gustong naglilihim tayo sa isa't-isa pero kung ito ang mas makakabuti, siguro mananatili muna tayong ganito.
Pauwi na kami at seryoso lang na nakatingin sa daan si Ace na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita mula kanina dahil pakiramdam ko ay may masasabi lang akong pagsisisihan ko.
"Ang tahimik mo kaya natatakot ako." Bulong nito.
Mas natatakot ako sa mga darating pang bukas. Baka mapuno tayo ng sikreto at dumating ang araw na maging kahinaan natin ito.
"Just tired..." Bulong ko bago sinandal ang ulo ko sa balikat nya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
Marami na tayong pinagdaanan, malalagpasan din natin ito, Ace. Hindi kita bibitawan, lahat ng tungkol sa'yo ay tatanggapin ko. Lahat ng kasalanan mo ay iwawaksi ko. Mawala na lahat basta andyan ka, lalaban pa rin ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Malamang ay dala ito ng pagod at dami ng iniisip ko. Naalimpungatan ako ngunit tinamad akong buksan ang mata ko.
Malawak ang hinihigaan ko kaya malamang na nasa kama ako ngayon.
"He was killed..."
Natahimik ako nang marinig ang mahinang boses ni Ace. Kinabahan ako kaya mas lalong natakot akong imulat ang aking mata. Hindi ako ang kausap nya kaya malamang na nasa kabilang linya ito.
"I don't need your help, I can handle all this shits all by msyself!" May diing wika nya na halos maging pabulong na lang. "I'll hire again, then." Walang kwentang saad nya. "Don't you dare... I'll hang up. Bye, kuya." Gumalaw ang kama.
Hindi ko alam kung humihinga ba ako habang nakikinig o maging ang paghinga ko ay pigil. Parang nagiging konektado lahat ng bagay at may isang namumuo sa isipan ko.
I am scared to connect the dots. Natatakot akong matapos ang deductions at conclusions ko. Parang mas gugustuhin kong mali ang lahat ng iniisip ko kesa sa magtumpak lahat sa tama.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto at mga yabag palayo. Dahan-dahan kong imunulat ang mata ko at pamilyar na lugar ang bumungad sa akin; ang aking kwarto.
Itinukod ko ang kamay ko at tinulungan ang sariling makaupo. Kahit na nakatulog na ako, pakiramdam ko ay nanghihina pa rin ako. Mas lumalala ang lahat. Pero, alam kong wala pa sa kalahati ang nalalaman ko. May mga malalaman pa akong maaring ikagimbal ng mundo ko at kailangan kong paghandaan ang araw na iyon.
Nagsuot ako ng tsinelas bago lumabas ng kwarto. Sinilip ko sa kwarto si Ace ngunit wala sya. May naamoy akong nagluluto kaya dumiretso ako sa kusina kung saan naabutan kong nagluluto si Ace.
"Bakit bumangon ka?" Tanong nya. Inalalayan nya akong makaupo na ikinatawa ko.
"I was not hospitalized. Wala akong sakit."
Kumunot ang noo nito kaya heto na naman ako na nagtatanong kung may mali ba akong nasabi na hindi nya nagustuhan.
"May sakit ka ba nung mga panahong pinagsisilbihan kita?" Lumapit ito sa akin na may dalang isang baso ng gatas at inabot sa akin. "Inumin mo 'yan." Sabi pa nito.
"Hin---"
"Hush." Itinapat nya sa labi ko ang hinlalaki nya bago ako inirapan at bumalik sa pagluluto.
Natawa ako sa kasungitan nito pero mas natawa ako na nawala lahat ng iniisip ko dahil sa kanya. Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan kong inalis lahat ng pagdududa ko.
Dumaan ang mga araw at nagpatuloy ang pagtatago ko ng mga bagay-bagay. Pero natatakot ako na baka hindi ko na kayanin ang kuryosidad kong pilit kong nilalabanan. Natutukso akong magsiyasat. Natutukso akong gawin ang mga bagay na nangyari sa akin sa Hell University, 'yong mga padalos-dalos kong desisyon.
Nagpatuloy ang pagiging busy ni Ace na paminsan-minsan ay gabi na nakakauwi. May iba syang pinagkakaabalahan, hindi ako tanga para hindi 'yon mapansin pero nananahimik na lang ako. Ayokong pangunahan sya.
Kung darating man ang araw na maging bukas na syang muli, ipinapangko kong iintindihin ko sya.
"Where is Ace?" Tanong ko kay Matt nang sya ang tumambad sa akin sa harap ng building namin.
Lumabas ito ng kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto. "I was assigned to do the job, Queen Zein." Humalakhak ito. Napansin ko ang kakaibang kislap sa ngiti nya. "This is an order from the former highest Supreme Student Government of Awesome Hell University." Muli itong humalakhak.
Pumasok na lang ako sa loob. Alam kong busy sya pero hindi ko alam na ganito ka grabe. Ito na nga lang ang pagkakataon na makakasama ko sya ng ilang oras magsimula nung maging busy sya, wala pa? Ugh!
"Intindihin mo na lang ang tao." Wika ni Matt 'pagkapasok.
Pinihit nya ang manibela at pinatakbo ang sasakyan sa normal na bilis.
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, Matt."
"Ang sungit." He murmured.
He's busy. I get it... Hell, I get it! Pero hindi nila ako masisisi kung umasta ako ng ganito. I don't want to beg for his time! I know he has a lot of business to do, andito lang naman ako eh, hindi ako mawawala kaya nga siguro, mas mabuting umintindi na lang ako kahit na mahirap.
"Zein..."
Nakapikit ang mata ko pero hindi ako makatulog.
"Hmmm?"
"When will you be brave enough?"
Iminulat ko ang mata ko at tinignan si Matt na seryoso lang na nakatingin sa daan. Hindi ko alam ang sinasabi nya, hindi ko maintindi kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Huh?"
"Pretending?"
"What the hell are you talking about?"
Sa pagkakataong 'yon ay isang iling na lang ang nasagot nya. Hindi na sya muling nagtanong hanggang sa makapunta na kami sa bahay kung saan nadatnan lang namin ay si Tita Mira at Ate Allison na nagulat pa.
Naging balisa silang dalawa sa biglaang pagsulpot namin ni Matt. Pinaupo kami ni Ate habang si Tita naman ay kumuha ng miryenda.
"Asan sina mommy?"
"Office." Maikling sagot nito.
Nagkatitigan si Matt at Ate pero ang unang nag-iwas ay si Ate Allison. "Hindi mo ata kasama si Ace?" Tanong nito.
Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Kapag si Ace ang nandyan hinanahap nya si Matt, ngayon si Matt naman ang kasama ko, si Ace ang hinahanap.
Dumating si Tita Mira na may dalang miryenda ngunit hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin. Bumalik itong muli sa kusina. Nagpaalam si Ate na may kukunin kaya kaming dalawa nalang ni Matt ang natira.
"Ang weird nila." Bulong ko.
"Lahat naman weird sa'yo eh." Matt commented. "I have to go," muli itong sumimsim sa juice bago tumayo.
"May lakad ka ba?"
"May kotse ako."
"Umalis ka na nga!"
Tinawanan nya lang ako bago ginulo ang aking buhok. Lumabas na ito na hindi man lang nakakapagpaalam kina ate.
Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Mabilis na humarap ako at nakita si Tita Mira na nakangiti sa akin.
"Kamusta ka na?" Unang tanong nito habang inaayos ang mga damit kong nasa kama. "Hindi mo kasama boyfriend mo?" Sunod na tanong nito.
Inayos ko ang suot kong damit at dinaluhan sya sa pag-aayos. "May ginagawa kasi sya." Sagot ko.
"Ako na ang magbababa." She said. Kinuha nya lahat ng maruming damit ko.
Tumango ako at pinagmasdan na lang syang maglakad palabas pero hindi nya agad pinihit ang kanyang paa pababa. Huminto sya sa may pinto at binalingan ako nang nag-aalalang tingin.
"Bakit po?"
Bumuka ang bibig nya kaya naghintay ako ng lalabas na salita roon ngunit tinikom nya rin ito ulit bago ngumiti ng hilaw at tuluyan ng lumabas. Pabagsak na umupo ako sa kama.
Tama nga si Matt. Lahat na lang nang napapansin ko weird. Ang weird naman kasi dahil pakiramdam ko ay may gusto syang sabihin ngunit hindi nya lang alam kung paano uumpisahan.
I shook my head. Lahat na lang ng bagay ay napapansin ko.
Humilata ako sa kama at tumitig sa puting kisame. Humikab ako nang maramdaman ang antok hanggang sa hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng walang hanggang dilim.
"Zein..."
Sa kadilimam ay nakita ko ang isang babaeng kilalang-kilala ko. Nakangiti ito pero kitang-kita ko ang pagkislap ng luha mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi.
"A-Ate Allison?"
Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi at tinalikuran ako. Nagsimula itong maglakad palayo kaya hinabol ko ito. Gusto ko syang kayapin at pigilang iwan ako pero hindi ko sya mahabol.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala gumagalaw ang paa ko. Sumigaw ako ng sumigaw pero hindi nya ako marinig.
Pero bago sya tuluyang naglaho ay may sinabi sya sa aking nagpabalik ng isang milyong alaala ng kahapon.
"Samantha..."
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Hingal na hingal ako at pawis na pawis. Napahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng kalabog nito.
Anong ibig sabihin ng panaginip na 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro