Chapter 13
Chapter 13: Race
Zein's Point of View
Kinagat ko ang labi ko habang pinapanuod ang paggalaw ng kamay ng orasan sa gitna. Lahat sila ay abala sa pakikinig habang ako ay abala sa pagtingin at paghantay sa oras.
"May lakad ka?" Bulong ni Cedric.
Umiling ako at sinandal ang likod ko sa upuan. Kinalma ko ang sarili ko. Makakaabot ako. Kailangan naroon ako. Kailangan kong mapanood 'yon.
Nararamdaman ko pa rin ang tingin na ipinupukol sa akin ni Cedric kahit na hindi ko sya lingunin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya at pagtayo kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yes, Mr. Lee?"
"Uhmm... We have an emergency meeting. Can you excuse us?"
Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nya? May emergency meeting ba sila? Napatingin ako sa prof ko at naghintay kung papayagan nya si Cedric.
"Okay, you may go."
Naramdaman kong hinawakan ako ni Cedric sa balikat kaya napatingin akong muli sa kanya. Sinenyasan nya akong sumunod kaya kahit na nag-a-alinlangan ako ay mabilis na sumunod ako.
Naabutan ko syang nakatayo sa gilid ng classroom namin. Nauna itong naglakad nang makita ako. Hindi ko alam pero sumunod ako sa kanya.
"I made us an excuse so maybe I can come with you."
Napanganga ako. He did that on purpose. Tinulungan nya ako pero may kapalit at alam nyang hindi ko sya kayang tanggihan sa pagkakataong ito. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at napamura nang konting oras na lang ang naroon.
Naroon na rin si Ace since wala silang last subject. Kaklase ko sa isang subject si Cedric kaya pareho kami ng last subject.
"Fine."
Nauna na akong naglakad sa kanya. Narinig ko pa ang mahina nyang pagmura nang sabihin ko 'yon. Nauna syang tumakbo sa akin papunta sa parking lot kaya minabuti kong pabilisin na rin ang paggalaw ng paa ko.
Malayo pa lang ay pinatunog ko na ang kotse ko kaya nakapasok agad ito na animo'y iiwan ko sya kapag hindi nya agad ginawa 'yon. No, hindi ako ganong tao. Marunong akong tumanaw ng utang na loob.
Pagkapasok ko ay isang ngisi agad ang ibinungad nya sa akin. Inirapan ko na lang sya at mabilis na pinaadar ang aking sasakyan. I mean, kay Ace pala itong sasakyan na ito, pinahiram nya lang sa akin. Sabi nya lahat ng pag-aari nya ay akin din kaya akin din itong nasasakyan na ito.
"Hindi naman halatang masaya kang kasama ako ah."
"Shut up." Mariin kong wika.
Sumipol ito at pinaglaruan ang bintana na animo'y bored na ito sa byahe. Pwede naman syang bumaba kung sasabihin nya lang. I would be a pleasure to kick him out.
"Saan ba tayo pupunta?"
Mas idiniin ko pa ang paa ko para pabilisin ang takbo ng sasakyan ko. Napangisi na lang ako nang mag-ala Allison ako sa paglagpas sa red light.
"Mad driver." Bulong ni Cedric na nakangisi.
Oh. Ghad! Bakit ba kasi ang layo ng lugar na iyon? Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Baka mag-umpisa na 'yon. Ugh!
"Hmmm..." Sandali akong napasulyap kay Cedric nang makita kong nakakunot ang kilay nito habang nakatingin sa side mirror.
"Iliko mo." Utos nya na ikinakunot ng noo ko.
"What?"
Wala akong panahong makipaglokohan sa kanya. May oras akong hinahabol at may larong papanoorin. If I can't be on time, I might skip the best part of the game.
"Oh, shit! Come on, Zein! Just this on--- Fuck please."
Nabigla ako sa pagmumura nya kaya kahit na ayoko ay iniliko ko. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanya habang nakatingin pa rin sa side mirror. Ano bang meron sa likod?
"I'll drive."
"W-Wai---"
"Just move."
Lumipat ako sa pwesto nya at kunot-noong tumingin sa kanya. Napatingin ako sa side mirror at may isang kotse sa likod na sobrang lapit sa amin na parang babanggain na kami.
"Seat belt." Sambit nya na agad ko namang ginawa.
Wala akong magawa kundi sundin lahat ng sinasabi nya. Kailangan ko syang pagkatiwalaan sa pagkakataong ito. Naguguluhan man ay kailangan iyon.
"Come on..."
Napamura ako nang bigla nyang binilisan ang pagpapatakbo. Masyadong matulin. Ni hindi ko na mailipat kay Cedric ang aking tingin dahil natulala na lang ako sa harap namin. Napalunok ako nang makita ang dagat sa dulong bahagi nito.
Aware naman siguro sya na kapag nagdire-diretso pa rin sya ay maari kaming mamatay hindi ba? Sana lang. Pesteng lalaking ito, hindi pa ako nakakapagpalit ng apelyido into Craige papatayin na ako agad.
"Hold on... This will be the most exciting part of this chasing game."
Napamura ako nang bitawan nya ang manibela at tinakpan ang mata ko. Wala akong makita kundi dilim. Hindi pa naman siguro kami patay hindi ba?
Maya-maya ay inalis na nya ang kamay nya sa akin at banayad na ang pagpapatakbo nya sa sasakyan. Napatingin ako sa kanya na sumisipol lang. Parang wala lang sa kanya ito.
"W-What was that? Were they after us?"
"You sure have a creepy stalker huh?" Muli itong humalakhak. May pinagtatakpan ang bawat tawa nito, iniiwasan nya ang tanong ko. "Now, saan nga ba tayo pupunta?" Muling tanong nya.
Inis na napasandal na lang ako at sinabi sa kanya ang location. Ngayon, ano na lang dadatnan namin doon? Ending? Ugh! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala nagditch class na lang ako.
"It's a place where race are being held right?"
"Yeah..." Tamad na wika ko.
"As far as I know... 8:30 pm usually ang umpisa no'n."
Napanganga ako sa sinabi nya. 8:30? Napatingin ako sa orasan. 8 oclock na. Nagkamali ba ako ng pagkadinig na sinabi ni Ace? 8:30 ba talaga? I thought, 7:30. Ugh!
"You should get yourself a cottonbuds sometimes."
"Oh, shut up."
Tinawanan nya lang ako pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kanina. Napatingin ako kay Cedric na nakangiting nagdadrive lang. He's trying to conceal that incident. He's trying to divert my thoughts. Why? Sino ba 'yon?
Pagkarating namin sa arena ay marami-rami na agad tao. Napangiti na lang ako dahil mukhang tama si Cedric, hindi pa nag-uumpisa.
"Hmmm... Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito." Bulong ng katabi ko habang pinapanuod ang maraming tao.
"Nanuod ka na rin dati rito?"
Hindi ito sumagot at hinila ako. Aangal pa sana ako nang makita ko si Ace na nakatingin sa aming dalawa. Nakakunot ang noo nito at nililipad ng hangin ang kanyang buhok.
"Hey," Bati ko.
Napatingin ito kay Cedric na nakangiti lang. "Why are you with him?" Unang tanong nito.
Napatingin naman ako kay Cedric na sumisipol lang habang nasa dalawang bulsa ang kamay.
"Sumama eh. Tara na pila na tayo." Aya ko.
"Wait..." Pigil ni Cedric sa aming dalawa. "Are we really falling in lin--- I mean, I hate waiting." Maarteng wika nito habang nakangiwi sa mahabang pila.
Napatingin naman ako sa kanya. "May iba pa bang daan? Can you fly? Teleport?" Sarkastikong tanong ni Ace.
Humalakhak si Cedric. "You love fantasy dude." Lumapit ito sa dalawang body guard sa entrance.
"I still can't believe it. You are with him in an hour. Crap, I should have just waited for you."
"Jelly ace." I whispered.
Napatingin ito sa akin. Kumunot ang kilay nito. "What?" Tanong nito. Halatang hindi nya talaga ako naintindihan at gustong-gusto nyang malaman 'yon.
Tumingkayad ako at inakbayan sya kahit na mukhang unggoy na akong nakasabit sa kanya. "Favorite ko talaga ang jelly ace... Craige." Humalakhak ako habang sya ay nanatiling nakakunot ang noo.
Mukhang hindi nya na-gets kaya tumingin na lang ako kay Cedric. Ipinakita nya ang kanyang I.D. Nakipagkamayan ito sa mga guard na nakangiti sa kanya. Sinenyasan nya kaming lumapit.
Inakbayan ako ni Ace. "Kailan pa tayo naging sunud-sunuran sa lalaking 'yan?" Bulong nya.
"May iba ka bang paraan para mabilis na makapasok? Can you teleport? Fly?"
"You are not funny, darling."
Napairap na lang ako. Hindi naman ako nagbibiro, nanggagaya lang. Pinapasok kami ng guard kaya nagtaka ako kung anong ginawa ni Cedric. Binayaran nya kaya nang malaki? I doubt it.
Pumili kami ng upuan malapit sa harap. Nakahanda na sa starting line ang mga racer. Natanaw ko agad sina Ate Allison at Raze sa bandang dulo na mukhang nagbabangayan pa.
Lumapit kami sa kanila. Ngumiti nang matamis si Raze nang makita kami.
"Darling, you came for me--"
"Shut up." Putol sa kanya ni Ace.
Lumapit ako kay ate na nakatuon lang ang atensyon sa pag-aayos ng kanyang race car habang si Ace ay kinakausap si Raze na halakhak lang ang laging sagot.
Hindi ako nilingon ni ate at nanatili ang kanyang mata sa kanyang sasakyan.
"Natulog ka pa ba?" Tanong nito nang hindi man lang ako nililingon. "Baka naman buong magdamag kang nagdasal na matalo ako." Dugtong pa nito.
"Paano mo nalaman?"
Napatingin ito sa akin at nakataas ang kilay. "Gosh! Kapatid mo ako, you should be on my side." Pinamaywangan ako nito habang nakasandal sa sasakyan nya.
Nabasa ko ang numero nuwebe sa gilid ng sasakyan nya. Napatingin kami sa likod nang marinig ang malutong na mura ni Raze.
Lumapit kami sa kanila. Kitang-kita namin ang nag-aapoy na mata ni Ace habang si Cedric ay nakangisi lang. Nakapagitna sa kanila si Raze na halatang umaawat.
"Huwag kang mapapel." May diing wika ni Ace kay Cedric na halakhak lang ang itinugon.
Lumapit ako kay Ace para hawakan ang kanyang braso at pakalmahin. "Hey, chill. Anong nangyayari rito?" Tanong ko.
Umiling lang si Cedric habang si Raze ay nakangiwi lang habang inaayos ang tshirt nyang kulay itim na may tatak na DGW sa gilid. Numero diyes ang nasa kotseng katabi nya.
"This is my night bros and you came here just to---"
"The jerk is now an ass fuck shit. Baby, beat me first." Naiiling na wika ni ate.
Umupo na kami nang i-announce na mag-uumpisa na. Open-space ang arena na ito kaya kitang-kita ang madilim na kalangitan na pinamumugaran ng mga kumukutitap na bituwin. Naramdaman ko ang kamay ni Ace na umakbay sa akin.
Nasa kaliwa ko si Ace at sa kanan naman si Cedric. May mga giant monitor din sa itaas kung saan kitang-kita ang kabuuan ng arena na ito. May mga chopper din sa itaas.
May pintong nakasara sa gilid kung saan lalabas ang mga racer mamaya, paunahan sa nakahandang 3 laps palabas at pabalik dito sa arena. Ang ingay ng paligid na may kanya-kanyang cheer. Halata na dati pa rito ang ibang kalaban nila dahil marami-rami na ring fans ang sumisigaw para sa kanila.
Pero ang pinakanakaagaw ng pansin ko ay ang lalaking may pinakamaraming fans. Naka focus sa kanya ang camera kaya kitang-kita ang pagkislap ng kulay pilak nitong ngipin.
"Before we start, we want to acknowledge the pressence of the 2012 Race to Death Champion, Mr. Cedric Lee."
Napanganga ako nang makita sa monitor ang mukha ni Cedric na nakangiti. Napatingin ako sa kanya na nakangiti nga sa gilid ko.
"I'm not jealous, Zein."
Napatingin ako kay Ace. "Why would you?" Tanong ko.
Ngumisi ito at sumandal. "Kahit na titigan mo sya habang ako nakatitig sa'yo? Hindi ako magseselos." I can smell the sarcasm there.
Sumandal ako sa balikat nya at hindi na lang nagsalita. Gusto kong iparamdam ang nararamdaman ko para sa kanya na hindi kayang bigkasin ng bibig ko.
"Kahit na matalo si kuya, hindi kita kayang bitawan. Just watch, Zein."
Nag-umpisa na ang laban. Napaayos ako nang upo. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa umaalis si Ate Allison. Kitang-kita sa screen na nakakunot ang kilay nito at pilit na binubuhay ang makina pero hindi ito gumagana.
Nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid. Dinig na dinig ko ang mga mahinang tawa nila at naiinsulto ako.
"Just remove the pin." Bulong ni Cedric.
Kumunot ang kilay ni Ate Allison habang nakatingin sa isang bahagi ng makina. May kinuha sya roon. Naningkit ang mata nya nang may makitang pin.
"Marumi pa rin sila maglaro kahit kailan." Muling bulong ni Cedric.
Mabilis na nakahabol si ate sa kanila. Wala ng sasakyan sa loob ng arena at ngayon ay nakatutok na lang kaming lahat sa malaking monitor. Nangunguna ang lalaking maraming fans. Chill lang ito na animo'y alam nyang sya na ang mananalo.
Nagtagpo ang kotse nila ate at Raze. Nag-usap ang dalawa at nagtanguan. Kinilabutan ako nang sabay silang ngumisi na animo'y may pinaplano.
Naghiwalay ang dalawa. Sa left side si ate at sa right naman si Raze.
Naiwan na halos ang lahat ng kalaban nila. Nakakapagtakang namatay ang mga makina ng mga sasakyan na 'yon. May nangyayaring hindi maganda rito. Parang pinlano--- Posible kayang---ugh. Posible.
Tatlo na lang silang umaandar. Naka unang balik na ang lalaking maraming fans habang sila ate at Raze ay pabalik pa lang.
Nasa panghuling lap na at ang unang makabalik na ang mananalo. Nakahabol sila ate sa lalaking mukhang hindi nasisiyahan sa nangyayari. Nakatututok kaming lahat sa monitor.
"This is the real battle." Bulong ni Cedric.
Napatayo ako nang may ihulog na bagay ang lalaking mayabang na kasalukuyang nasa unahan. Natamaan nito ang gulong ng sasakyan ni ate Allison kaya biglang gumewang ang sasakyan niya.
"Pwede ba 'yon?!" Sigaw ko. "Pandaraya na 'yon ah!" Dugtong ko pero mukhang ako lang ang nakahalata o baka naman wala silang pakialam?
Pinaupo akong muli ni Ace. "Wala silang pakialam. Ganito sila maglaro. Marumi. Kailangan mong sumabay dahil kapag mahina ka, matatalo ka." Humahalakhak na wika ni Cedric.
Kinalma ko ang sarili ko. Alam nilang nandaya ang lalaking 'yon pero hindi nila pinuna. Oh, shit! Hindi pala isang laro ito, isang dayaan. Nandadaya sila kasi wala silang tiwala sa sarili nila.
Kung may tiwala ka sa sarili mo, hindi ka mandadaya sa laro. Wala namang kwenta kung manalo ka kung mula naman sa daya. Ang mahalaga sa bawat laban ay tiwala.
Huminto ang sasakyan ni Ate Allison kaya bumalik si Raze at hinayaang mauna ang lalaking mukhang nasisiyahan sa pandaraya na ito.
Ngayon ay nasa iisang sasakyan na lang sina ate at Raze na mabilis na humahabol.
Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng baril ang lalaking nagbabaga ang mata sa galit. Mariin akong napapikit nang wala man lang akong narinig na umangal. Fuck them, fuck this game.
"Raze! Ate Allison! Just fuck this game!" sigaw ko.
Humalakhak si Cedric at Ace. Ghad! Paanong nagagawa pa rin nilang maging kalmado. This game is a mess. Swear, kapag may nangyaring masama sa kapatid ko papasabugin ko ang arena na ito.
Kinalma ko ang sarili ko baka masabunutan ko isa-isa ang mga taong nasa loob ng arena na ito.
Nagpalit ng pwesto si ate at Raze. Bale si ate na ngayon ang nagmamaneho. Itinutok ng lalaki ang bibig ng kanyang baril kina ate. Tumayo si Raze sa kotse at may inilabas na kutsilyo sa kanyang bulsa.
The knife of Raze Silvenia. The leader of Devil God Warriors from Hell University.
Nagbulungan na naman ang mga tao. Bawal daw 'yong may dalang kutsilyo. Pero baril pwede?! Putik! Sa susunod talagang makatapak pa ako rito, magdadala talaga ako ng bomba.
Sinangga ng kutsilyo ni Raze ang bala ng baril. Hindi man lang ito nayupi o nagkaroon ng lamat. Nagpabulusok pa ito nang sunod-sunod na bala at mabilis na sinunanggaban ito ni Raze. Bihasang-bihasa ito sa paghawak ng bagay na 'yon na animo'y parte na 'yon ng katawan nya para ma-master ang tamang paghawak.
Malapit na sila sa finish line at lahat ng matang walang kurap ay nakatitig sa malaking monitor.
Binaril ng lalaki ang gulong ng sasakyan nila Raze kaya nagpagewang-gewang ito ngunit nanatiling nakatayo si Raze na sa tingin ko ay humahalakhak na ngayon. Nakabalanse ito.
May sinabi ito bago pinabulusok sa ere ang kutsilyo. Tumama ang kutsilyo sa isang bahagi ng kotse ng lalaki at bigla na lang huminto ang makina nito.
Humalakhak si Cedric. "Nakita nya ang kahinaan huh?" Komento nito.
Pero flat na ang gulong nila ate. Malapit na sila sa finish line ngunit hindi ito aabot. Natahimik ang lahat nang pinaharurot ni ate ang sasakyan at bigla nya itong itinagilid.
Napanganga ako. Nabaliktad si Raze mula sa pagkakatayo at alam kong sinisigawan na nya ngayon si Ate Allison. Napangiti ako. Nagsama ang dalawang bihasa sa maraming bagay.
Ang dalawang gulong na lang sa kaliwang bahagi ng sasakyan ang gumugulong habang ang mga gulong sa kabila na flat ang isa ay nakataas sa ere para hindi maging sagabal sa pagtakbo. Pinanatili nila ang bilis ng takbo nila para mapanatili ang ganong position ng sasakyan nila.
Natahimik ang lahat nang unang makabalik sila ate at Raze sa finish line. Hindi pa sana ako makakabalik sa realidad nang marinig ko ang mahinang pagpalakpak ni Cedric na maya-maya ay si sinundan na ng lahat.
Sa isang iglap ay umingay ang arena mula sa mga palakpak. Tumakbo kami papunta kina ate at Raze na nagbabangayan.
"Paano kung nasubsob ako? Baka masira ang mukha ko!" Sigaw ni Raze.
"Matagal ng sira ang mukha mo."
Nagpatuloy ang bangayan nila. Hindi ata nila alam na nanalo sila o wala lang sa kanila? They are really awesome.
"Oh, paano ngayon 'yan? Sinong nanalo?" Tanong ni Cedric.
Oo nga. Sino ba ang nanalo? Si Raze o Ate Allison? Pero wala pala sa kanila. Nanalo pa rin ang lalaking mayabang dahil bawal daw ang ginawa nila ate Allison.
Hindi na lang ako nagpumiglas sa naging desisyon nila. Kahit na makipagbangayan ka sa kanila, ang gusto pa rin nila ang masusunod. Pero at least ngayon, makakaramdam na sila ng takot na may mga taong makakagapi sa kanila kahit na sa maruming laro na ito.
"Paano ba 'yan? Walang nanalo sa atin." Wika ni Raze nang pauwi na kami.
Pabalik na kami sa mga sasakyan namin habang si Cedric ay nagpaalam na kanina. Malalim na ang gabi at marami-rami na rin ang naglalakad kasama namin papunta sa parking lot.
"Anong pinapalabas mo?" Tumigil sa paglalakad si Ate Allison at hinarap si Raze kaya natigilan din kami ni Ace. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." Dugtong pa nito.
Nanatiling tahimik kami ni Ace na nanunuod lang sa kanilang dalawa.
"Ginawa na ano?"
"Oh, Mr. Red Eye. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. Tinanggap ko lang ang pagsakay sa'yo kasi kating-kati rin akong patumbahin ang manadaraya na 'yon."
"So, naapakan ko ba ang pride mo?" Nakangising tanong ni Raze.
"Well, tatanggapin ko. Kahit na malabo ang nangyari. Nanalo ka sa larong ito. Hindi ang mandaraya na 'yon ang totoong nanalo. It's you. Congrats, baby."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro