Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11: Training

Allison's Point of View

Itinikom ko ang bibig ko nang makita si Zein sa sofa. Akala ko gigisingin ko pa sya mula sa pagkakahilata pero mas nauna pa pala syang magising.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng gatas. Naabutan ko si Tita Mira na naghihiwa ng gulay.

Umiwas ito ng tingin kaya napailing na lang ako.

Matapos kong uminom ay bumalik na ako sa salas. Ganon pa rin ang position ni Zein at halatang malalim ang iniisip nito. Napangisi ako dahil maganda ang pakiramdam ko para sa araw na ito.

Pumunta ako sa harap nya at gaya ng inaasahan ko ay hindi nya ako napansin. Mukhang masyadong malalim ang iniisip nya para hindi maramdaman ang presensya ko.

Tumikhim ako para nakawin ang atensyon nito. Umawang ang bibig ko nang makita ang pagtaas nito ng kilay na halatang nainis sa pagputol ko sa mga iniisip nya.

"Ready?"

Tumango ito at nauna ng lumabas. Ngayon ko sya balak dalhin sa training place namin kung saan tinuturuan lahat ng gustong matuto ng self defense. Itinuturo rin doon ang tamang paghawak sa baril at paggamit nito.

Akala ko aangal sya nang ilabas ko ang motor ko ngunit tahimik lang na umangkas ito sa akin.

Ngayon, curious na ako. Anong nangyari?

"Wha---"

"Don't talk to me."

Napairap ako nang sungitan nya ako. Seryoso lang ito na nakatingin sa malayo na animo'y maraming iniisip. Damn! Tahimik ngunit mapanganib.

Naka max speed ang motor ko at halos blured na lang ang nakikita namin sa gilid pero wala akong narinig na reaksyon kay Zein.

UGH! This is boring...

Nang marating namin ang lugar ng training ay saglit nya lang ito tinignan bago naunang pumasok sa loob na animo'y sanay na sya sa lugar na ito. Dinala ko na sya rito, pero matagal na 'yon. High school pa lang sya kasama ang mga kaibigan nya.

Nadatnan ko syang nakahinto sa entrance habang poker face na tinititigan ang guard na pumigil sa kanya sa loob. Napalunok ako dahil baka may gawing kung ano ang babaeng ito.

Marami nang nangyari. Hindi ko na sya lubusang kilala at hindi ko na alam kung hanggang saan na ang kaya nya. Galing sya sa Hell University! Kasama sya sa nagpabagsak ng impyernong 'yon. Iyon ang mission na tinanggihan ko.

Hindi naman sa natatakot ako pero ayokong makulong sa lugar na 'yon gaya ng nakasaan sa task na gagawin ko. Kailangan kong pumasok sa impyernong iyon bilang estudyante. I hate boring! I could even make that place explode in a snap. UGH! Pero hindi 'yon ang gusto nilang mangyari kaya tinanggihan ko.


"Let me in." Malamig na wika ni Zein.

Pumagitna na ako sa kanila. Tumango na lang ako sa guard dahil kilala na ako rito. Gumilid ito pero tinawanan nya si Zein.

Oh no...

Napapikit na lang ako nang tadyakan ni Zein ang table ng guard na ikinabaliktad nito. Hinawakan ko ang kamay ni Zein na nanginginig at hinila na sya palayo ron.

Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit ganito si Zein pero alam kong lahat ng ito ay dahil lang sa isang lalaki. Hindi ko maiwasang mamangha sa lalaking 'yon na napaibig nya si Zein. Si Zein na laro lang ang pag-ibig sa kanya.

Dinaanan namin ang mga nag-eensayo. Bawat isa sa kanila ay may nagtuturo. Mga pang self defense lang naman ito.

Alam kong hindi na kailangan ni Zein ang ganito sa pero gusto ko pa rin syang makita.

"Zein, want to try?" Alok ko.

Tinawag ko ang isang lalaki at inutusang atakihin si Zein na poker face lang. UGH! Hindi tuloy ako na-e-excite. Psh.

Aktong aatakihin na sya ng lalaki pero tinalikuran lang nya ito at naglakad palayo. Napakamot na lang sa batok nya ang lalaking trainer sa ginawa ni Zein. Maging ako ay natawa na lang dahil sa kasungitan nya.

Hinabol ko si Zein na titig na titig sa isang room na made up of transparent glass. Sa loob no'n ay may nagta-train kung paano humawak ng baril. Hindi namin naririnig ang mga putok sa loob dahil soundproof ito at kung sakali man ay ang buong kwarto rin na ito ay bulletproof. Hindi tumatagos ang bala sa mga salamin. Long range weapons.


Mukhang naintindihan ko naman ang gusto ni Zein base sa panunuod nya sa kanila. Marunong na syang humawak ng baril pero dahil mukhang interesado pa sya ay pinasok ko sya sa loob.

Pagkapasok namin ay isang open field ang tumambad sa amin. Ngayon ay dinig na dinig namin ang mga putok ng baril ay pagsabog ng mga bomba. May medical team sa paligid para sa emergency.


"Ally? Woa! Mag-eesayo ka rin?" Tanong sa akin ng lalaking nakangiti. Jazz Clarkson.

I rolled my eyes. Mukha ba akong mag-e-ensayo? Hindi ko na kailangang mag-ensayo. I am already best in this.

"Nope... My sister." Nguso ko kay Zein na pinagmamasdan lang ang mga bagong trainee.

Gusto kong matawa kapag nakikita nyang hindi tumatama ang mga bala sa mga targets. Mukhang naboboring sya sa mga ito.

"Kambal mo?"

"Nah..." Sagot ko bago sya sinamaan ng tingin. "Bakit ba andami mong tanong?" Iritang tanong ko.

Humalakhak ito na ikinailing ko. Nakikita ko tuloy sa kanya ang lalaking gustong-gusto kong barilin. UGH! Kung pwede lang sana para dalawa ng mata nya ang maging pula. Ngumisi ako sa naisip ko.

"Try her..."

Tumango si Jazz sa akin at nilapitan ang kapatid ko. Tinaasan sya ng kilay ni Zein na mukhang walang balak kausapin ito. Natawa si Jazz sa inasta nya at mukhang hindi 'yon nagustuhan ni Zein dahil nagseryoso ang mukha nito.

Hindi naman ako nag-alala para kay Jazz sa maaring gawin sa kanya ni Zein dahil kung ikukumpara siya kay Zein... Hindi mananalo si Zein.

Jazz Clarkson. Maituturing ko sya ang isa sa mahigpit na kakumpitensya ko sa larangan na ito. Kapag humawak sya ng baril ay mas sumasaya sya. Huwag na huwag mo syang gagalitin kapag may hawak syang baril.

Umiling sa kanya si Zein na mukhang hindi interesado sa inaalok ni Jazz. Ngumiwi si Jazz at tumingin sa akin na mukhang sumusuko na agad kay Zein.

Kinagat nito ang labi nya at kinuha ang baril sa kanyang bulsa at binigay kay Zein. Inayos nito ang kanyang buhok 'pagkabigay nya no'n. One more thing about Jazz, guluhin mo na lahat huwag lang ang buhok nya.

Pumunta si Jazz sa mga targets para ituro kay Zein. Naistatwa ito sa kanyang kinatatayuan nang itutok ni Zein ang baril sa direksyon niya.

Namutla ito at napalunok. Umupo ako sa bench at pinanuod ang scene na ito.


"Tangina!" Mura ni Jazz nang kalbitin ni Zein ang baril.

Umiwas ito at tumama ang bala sa target. Napanganga ako sa ginawa ni Zein kasabay ng pagbulusok ng sabay-sabay na bala at ang mga malulutong na mura ni Jazz habang mabilis na iniiwasan ito.

Sa unang pagkakataon ngayong araw.... nakita kong ngumiti si Zein. Ghad! Hindi ko na talaga sya kilala.

Lahat ng narito ay tumigil para tignan ang babaeng nakangiti at nagpapakawala ng mga bala na sabay-sabay na bumubulusok sa ere. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata nila habang nakatingin kay Zein.


UGH! She's good.... I admit it.

Nawalan na ng bala si Zein ngunit may isa pang target na nakatayo. Akala ko titigil na sya pero ibinato nya nang ubod ng lakas ang baril at tumama sa target na tumalsik sa ibang bahagi ng area na ito.


Nabingi ako sa katahimikan. Matapos ang pagpapakawala nya ng bala ay tumahimik ang paligid. Lahat ng target ay bagsak at si Jazz ay naiiling na lumapit sa akin.

"She's dangerous.... Magkapatid nga kayo." Bulong nito habang umiinom sa mineral water nya.

Napangisi ako nang may maisip na idea. Nilapitan ko si Jazz at may ibinulong. Nanlaki ang mata nito sa sinuggest ko.


"S-Seryoso ka?!"

Tumango ako at pinagmasdan si Zein na nakatingin sa mga weapons kung saan naroon ang mga iba't-ibang klase ng baril at bomba.

"Baka mapahamak sya. Yeah, she's good but---"

"No buts..."

Nilapitan ko si Zein at inayang sumama sa akin. Pumunta kami sa isang room kung saan madilim. Wala kaming makita na kahit na ano.

"Seryoso ka ba talaga?" Dinig kong tanong ni Jazz.

"Zein, you can do this."

Iniwan namin sya sa loob ng madilim na room na iyon. Lumabas kami at humarap sa mga monitor. Kitang-kita namin si Zein na mukhang nawe-weirduhan sa lugar.

I pressed the speaker. "Zein, you can do this." Wika ko na alam kong narinig nya.

I have to do this. Kailangan kitang sanayin. Kung bihasa ka na, kailangan mo pang maging mas bihasa. Inihahanda lang kita sa mga napakaraming posibilidad para hindi mo na ako kailanganin. Maraming pagsubok pa ang pagdadanan mo.

Huminga ako ng malalim at pinindot ang isang button. Nagliwanag ang paligid. Napangisi ako nang makita kong nanlaki ang mata nya.

Nasa loob sya ng illusion. Hindi ko alam kung anong illusion pero alam kong hindi 'yon basta-basta.

Humigpit ang hawak ni Zein sa kanyang baril.

"Ikaw ang may kasalanan kapag may nangyaring masama sa kanya." Nababahalang wika ni Jazz na seryoso ring nakatingin kay Zein.

Ngayon, ipakita mo kung hanggang saan ang kaya mo. Handa rin naman akong pindutin ang stop button kapag alam kong lumagpas na ako sa line. This is the most dangerous stage of training... the last stage.

Kailangan nyang makalabas sa illusyon na 'yan. Nasa likod nya lang ang pinto pero dahil hindi nya 'yon nakikita ay matatagalan sya sa loob. May mga kalaban sya sa loob. Mga illusion.


Napangiti ako nang magpaulan ng bala si Zein. Napakagat ako sa aking labi nang makita kong tumumba sya.

"Stop it!" Sigaw ni Jazz ngunit hindi ko ginawa.

Hindi agad susuko si Zein.

"Ate! Ilabas mo ako rito!" Sigaw nya.

Umiling ako nang makitang tumakbo sya sa kabilang bahagi ng training room. Nagpakawala ulit ito ng bala sa mga illusion.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ko pa ako inilabas dito!" Sigaw nya ulit.


Kumunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin? Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko nang makita ang inilabas nya sa kanyang bulsa.

"FUCK!" Sigaw ni Jazz.

Hindi ko napindot ang stop button. Natigilan ako at hindi agad nakagalaw. Huli na... Umalingawngaw ang pagsabog mula sa bombang dala ni Zein.


Nasira ang mga monitor at dinig na dinig ko ang pagsabog ng mga salamin at pagdagundong ng paligid.


Fuck.... Just fuck it.. FUCK!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro