Chapter 10
Chapter 10: Enjoy
Zein's Point of View
Tumingala ako para tignan ang mga bituwin sa langit na animo'y kumukutitap. Lumabas ako sandali para magpahangin. Nanunuod ng T.V sina mommy at ate sa loob habang si dad naman ay nasa office room nya rito sa bahay.
Napapikit ako at napangiti nang yakapin ako ng malamig na hangin ng gabi. Pinanatili ko ang pagkapikit ng mga mata ko para damhin ang paligid. I miss him...
Ano kayang ginagawa nya ngayon?
Nakakunot ang noo habang nag-aayos ng mga papel? Seryosong nakikipag-usap kay Raze? Nakikipag deal sa mga partner nila sa negosyo? Damn it!
Iminulat ko ang mata ko at pinagmasdan ang christmas tree ng bahay namin na nasa gilid. Nakakatulala ang pagpatay sindi ng mga iba't-ibang kulay ng ilaw nito. The christmas is getting near and I want to spend it with my whole family and of course... with him.
Napangiti ako nang maalala 'yong unang pasko na nakasama ko si Ace na halos buhusan ko ng tubig para lang bumangon para sa noche buena.
"Ace..."
"Hmmm?"
Ngumuso ako dahil binalot nya ang sarili nya ng kumot. Dito na sya pinatulog ni daddy dahil delikado kung magbibyahe pa sila ng alas dose para pumunta rito dahil napag-usapan na namin na dito sila magpapasko ni Raze na nasa labas na at humahalakhak.
"Ace! Pasko na! Wake up!" Gigil na wika ko.
Hinila ko ang comforter nya na ikinanguso nito. Napangiti ako nang unti-unting minulat nito ang kanyang mapupungay na mata. Kinusot nya ang kanyang dalawa mata at nagtatakang tumingin sa akin.
"Why?" Tanong nito.
Hinambalos ko sya ng unan sa mukha na ikinatawa nya. Bumangon sya at umupo sa harapan ko.
"Noche buena..." wika ko. "Merry christmas." Bulong ko.
Tumingin ito sa wall clock. "Twelve o'clock? Pasko pa rin naman kapag alas otso ako gumising ah?" Reklamo nito.
Napapadyak na lang ako sa pagkadismaya. UGH! Buti pa si Raze. Hindi natulog at buong magdamag na humahalakhak habang kakwentuhan si daddy.
"Ewan ko sa'yo..."
Tumalikod na ako at aktong aalis na nang hawakan ang kamay ko at hilain ako para yakapin. Namula ako habang dinadama ang katawan nyang nakabalot sa akin.
"Merry christmas, darling..."
Napapikit ako nang taniman nya ako ng halik sa noo. This is damn ugh sweet and uhmmm... I love it.
Napabalikwas kami ni Ace nang pabagsak na binuksan ang pinto. Iniluwal nito si ate na nakataas ang kilay.
"Akala ko gigisingin mo lang sya? Why are you hugging each other?"
Namula ako at bumangon sa kama para ayusin ang damit kong nakagusot. Ang lakas talaga ng pandama ng babaeng ito, parang alam nyang may mangyayaring ganito para tutulan nya.
Sumilip sa likod nya si Raze na may hawak na hotdog na nakastick. May santa claus hat pa sya sa ulo at nakangisi.
"Merry christmas!" Sigaw nya kaya mabilis na tinapalan ni ate ng kamay nya ang bibig nito.
"Sshhh... Shut up, hindi ako nakatulog sa tawa mo."
Inis na naglakad ito palayo at mabilis na sinundan naman sya ni Raze na humahalakhak. Napailing na lang ako at tinapunan ng tingin si Ace na nagliligpit ng pinaghigaan.
"Labas ka na lang..." Wika ko bago lumabas sa kwarto nya.
Naabutan kong bitbit ni ate ang tray ng mga hotdog at inilalayo kay Raze na gusto pang kumuha. Natatawa na lang sa kanila si Tita Mira.
Saktong kakababa lang nila mommy at daddy na magkahawak kamay. Malaki ang ngisi sa kanilang labi habang dahan-dahang bumababa ng hagdan.
"Merry christmas." Bati ni mommy.
Humalik kaming dalawa ni ate sa kanilang dalawa ni daddy habang bumabati pabalik.
Hinawakan ni ate ang tshirt ni Raze nang aktong hahalik din ito sa mga magulang namin.
"A simple greet will do." Matigas na wika nito.
Kumamot sa batok si Raze. "Maligayang pasko ho." Bahagyang yumuko pa ito na mahinang ikinatawa nila dad at mom.
"Where is Ace?" Tanong ni dad kasabay ng pagbukas ng pinto ng guest room.
Lumabas si Ace na basa pa ang buhok. Ngumiti ito sa amin nang makita kami. Humalik ito sa pisngi nina mommy at daddy kasabay ng pagbati nito.
"Unfair..." bulong ni Raze habang kagat-kagat ang hotdog.
"Tara na, kain na." Aya ni Tita na nakadungaw sa kusina.
Naunang pumunta roon si mommy at daddy kasunod si ate na hawak-hawak pa rin ang laylayan ng tshirt ni Raze.
Napangiti na lang ako. Masaya naman ang pasko namin dati eh pero mas masaya ngayon dahil sa dalawang nakisali.
Nabalin kay Ace ang tingin ko na nahuli kong nakatingin sa akin.
"What?" Tanong ko.
Lumapit ito sa akin at inayos ang nakakalat na hibla ng hubok ko sa likod ng tainga ko. "Someday, we will also celebrate our wedding anniversary." Nakangiting sabi nito.
Kinagat ko ang labiko dahil gusto ko rin 'yon. We will celebrate every occasion together with our kids... someday.
"Kakain kayo o hindi?" Tanong ni ate na nakadungaw sa kusina.
Inikutan nya kami ng mata bago bumalik sa loob. Inalis ko na ang pagkakahawak ng kamay ni Ace sa kamay ko ngunit binalik nya lang 'to ulit. Hindi na ako nagpumilit kaya hawak-kamay kaming pumunta sa dinning area.
"Hawak-kamay, 'di kita iiwan sa paglalakbay~" Kanta ni Raze habang nakatingin sa lechon.
Umupo kami sa tabi ni Raze. Nasa gitna si dad habang nasa harap namin si ate at mommy na nakatingin sa amin.
"Tita, pwede na ba?" Tanong ni Raze habang nginunguso ang lechon.
Ngumiwi si ate Allison sa kanya. Mahinang tumawa si mommy at daddy sa sinabi ni Raze na masiglang kinukurot ang balat ng lechon.
"Kuya..."
Sinulayapan ni Raze si Ace na nakanguso. Malamang na nahihiya ito sa inaasta ng kuya nya habang si Raze naman ay inosenteng ngumunguya lang.
"Hmmm? Gusto mo?" Alok nya kay Ace.
Umiling si Ace at nahihiyang ngumiti sa akin. Natawa na lang ako dahil sa itsura nya. "Okey lang, sanay na kami." Natatawa kong bulong sa kanya.
Kumain na kami. Tahimik na kumakain lang kami ni Ace habang nagkukwentuhan sina mommy at daddy. Si Raze naman ay nakaupo sa lababo habang may hawak na platito ng lechon at nakikipagkwentuhan kay Tita Mira na kumakain ng fruit salad.
"Vegetarian ka rin, Ace?" Tanong ni ate Allison nang makita ang vegetable salad na kinakain ni Ace.
Tumulala na lang ako kay Ace na pinupunasan ang bibig. "Nope actually... influenced." Tinapunan nya ako ng tingin.
Bumagsak ang mata ko sa platito nya na puro gulay.
"You don't eat spinach?" Tanong pa ni ate nang makitang hindi kumuha no'n si Ace.
"Allergic sa spinach." Sagot ko.
Umawang naman ang bibig ni ate na tumagos ang tingin kay Raze. "Pareho pala kayo ni Mr. Red Eye." Manghang sabi pa nito.
Napatingin sa amin si Raze. "Narinig ko ang gwapo kong pangalan." Mahinang sigaw nito.
Napailing na lang ako. Mahangin ang kapatid ni Ace. Si Ace? Hindi nya nga ata alam na gwapo sya eh dahil hindi nya napapansin ang mga mata ng mga babaeng nakasunod sa kanya habang naglalakad sya. Or maybe, alam nya pero hindi lang nya pinapansin.
Hinila ako ni Ace papasok sa guest room at may kinuha sa ilalim ng kama.
Halos tumalon ako sa tuwa nang makita ang heart shaped candy na ibinigay nya sa akin.
"Why candy?" Tanong ko.
"Uh? I love that." Turo nya sa candy na hawak ko. "Favorite ko yan eh." Aniya pa.
Napatunganga na lang ako dahil sa sagot nya. Seriously? Bibigyan nya ako ng regalo at ang rason nya ay dahil gusto nya ang regalo na 'yon. Mas napailing ako nang titig na titig sya sa candy na hawak ko.
Tumawa ako at hinati ito....
"Share tayo."
Napapailing na lang ako habang inaalala ang mga nangyari nong pasko na 'yon. Nakakatanga at the same time, nakakakilig. Pakiramdam ko nga ay buhay na buhay pa rin sa loob ng katawan ko ang candy na ibinigay nya sa akin.
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si ate.
"Kailan mangyayari ang deal nyo?" Tanong ko.
Gusto kong manood at masaksihan 'yon. Hindi ko alam kung sino ang mananalo pero malakas ang kutob ko na si ate dahil bihasa na sya sa ganong bagay.
"Uhmm... 'Di pa namin napag-usapan." Sagot nito. "Siguro, nananalangin ka na ngayon na matalo ako." Ngumuso ito.
"Sana matalo ka."
Humalakhak ito. "Let see..." Ngumisi ito. "Matulog ka na dahil isasama kita bukas sa training." Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at umaasang nagbibiro lang sya pero hindi. Seryoso ito at ngayon pa lang ay nananalangin na ako na sana hindi ma dumating ang bukas.
***
Ace's Point of View
Iniwasan ko ang nagsusumamong tingin sa akin ni kuya na nakanguso habang nakatingin sa akin.
"Alas..."
"Ayoko..."
Naramdaman kong hinila nya ang damit ko. Hindi ako nagpatinag at nanatili akong nakatingin sa mga papel na nasa harap ko.
"Ngayon lang naman eh."
"Ikaw na lang."
"Ganon? Okey, I'll call Zein."
Mabilis na lumipat kay kuya ang aking mga naniningkit na mata. Ngumisi ito na animo'y nagwagi na sa laban.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse ni kuya habang sya ay sumisipol na nagdadrive.
"This is a warning. Call Zein even just once, I won't help you again."
"Woa. Easy... I love you, bro."
Pinark nya agad ang kotse at sabay kaming pumasok sa isang bar at halatang kilala na si kuya rito dahil binati sya ng mga guard.
Halos mabingi ako sa lakas ng stereo sa loob. Parang yumayanig na ang lupa sa lakas nito habang si kuya naman ay bahagyang napapaindak.
Humalakhak ako. "You suck dude." Biro ko.
"You dickless guy.. don't know how to dance?"
Humalakhak ako. Ako pa talaga ang hinamon nya. Hindi na lang ako pumatol sa kanya at dumiretso na lang ako sa dulo. Umupo ako sa isang upuan at kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko.
Magpapalipas na lang ako nang oras habang hinihintay si kuya na magpakasasa rito.
Napangiti ako nang makita ang isang text mula kay Zein. Bago lang ito.
"You sleep? want to talk to you."
Mabilis na pumindot ako sa mga letra para sumagot sa kanya. Nanginig pa ang kamay ko dahil sa excitement.
"Can't sleep... thinking of you."
I lied. Damn it! Sasabihin ko rin sa kanya ito dahil ayoko namang maglihim sa kanya.
Hinintay ko ang reply nya. Inikot ko ang mata ko sa paligid ko ay parang mahihilo ata ako sa mga tao. Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa hita ko.
"Don't touch me." Pigil ko sa babaeng kagat-kagat ang labi.
Lumayo ako ng konti sa kanya dahil delikado. Halos mapairap ako dahil sa ginawa nya.
"Alone?" Tanong nya nang makitang waka akong kasama. "You want?" Dinilaan nito ang kanyang labi. Napairap na talaga ako.
Umiling ako at dumistasya sa kanya nang bigla nya akong niyakap. Napamura ako nang idiin nya sa akin ang dibdib nya. Nanindig ang balahibo ko dahil sa ginawa nyang iyon.
Hindi pa sana ako makakabalik sa huwisyo nang tumunog ang cellphone ko. Nanginig ang katawan ko nang makita ang pangalan ni Zein. Tumatawag sya.
Tinulak ko ang babae palayo sa akin. Wala akong pakialam kahit na matumba sya.
"Leave me alone!"
"Babe, it is free... for you."
Kinagat ko ang labi ko habang naglalakad palabas. Shit! This aint good.
Palabas na ako nang makita ang cellphone kong umaandar na ang timer. Napapikit ako nang makitang mukhang kanina ko pa nasagot ang tawag nya at malamang na narinig na nya ang lahat.
Napasandal ako sa wall habang nakatitig sa screen na patuloy na umaandar ang timer ng call.
Natatakot akong itapat ito sa aking tainga. God! Zein.
Pagkalabas ko ay mabilis na itinapat kong muli ang cellphone sa tainga ko ngunit pinatay na nya ang call.
Mas nanlamig ako nang makita ang bagong pasok na message nya sa akin. Nagdalawang-isip ako kung babasahin ko ba pero sa huli ay binuksan ko rin.
"Enjoy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro