Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heatbeat 1

Lylia's Point of View

"ITO NGA pala ang mga anak ko."

Muli kong hinarap si Auntie Hilda at napansing may kasama siyang isang batang babae at lalaki. Simula pangpang hanggang sa makarating kami rito sa mansyon ay magiliw niyang kinukwento sa akin ang nangyari sa buhay nila pag-alis ko. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig dahil gusto ko ring malaman kung anong nangyari rito pag-alis ko noon. Sa ngayon, si Auntie ang namamahala nitong mansyon namin.

Dahil kay Auntie Hilda ay nalaman kong talagang malaki ang pinagbago ng isla dahil marami ng bagong
establishments ang nandito at talagang marami na rin ang lumipat dito sa Isla de Policarpio para manirahan na mula pa sa mga malalayong lugar.

"Ito si Kimmy ang panganay ko." Agad na kumaway ang babae sa kanan ni Auntie na sinuklian ko naman ng isang matamis na ngiti. "At ito naman ang napakapogi na anak ko na si Akai." Hinila niya ang batang lalaki na kanina pa nagtatago sa kanyang likod. Kinawayan ko na lang ang batang si Akai dahil mukhang nahihiya pa ito.

"Mama laro muna kami sa labas." Hindi pa nakakapagsalita si Auntie ay mabilis ng tumakbo palabas ang dalawa niyang anak kaya naiwan kaming tatlo rito sa salas. Masasabi kong gano'n pa rin ang itsura nito, gothic pa rin ang desinyo na talagang paborito ng grandparents ko.

"Auntie saan ko po pala ilalagay itong mga gamit?" Kanina pa kase buhat ni Franco ang bag ko. Alam ko rin na parehas kaming pagod sa byahe kaya gusto ko na sanang magpahinga kami.

"Diyan na muna ineng kasi maghahapunan muna tayo."

"Do you have wifi here?" Seryosong tanong ni Franco na 'di pa rin binabatawan ang backpack ko.

"Wala iho eh. Mahina rin ang signal ng telepono rito." Kumunot ang noo ni Franco dahil dito.

"Okay fine. Pwede bang kumain na lang tayo dahil kanina pa ako nagugutom." Pahayag ni Franco.

"Oo nga pala." Hinarap ako ni Auntie. "Niluto ko ang paborito mong ulam Lylia." Nakangiti nitong pahayag. "Sinigang na hipon, paborito niyong dalawa ng Lola mo."

Iyon ang putaheng hinding-hindi ko makakalimutan dahil iyon ang huli naming pinagsaluhan bago mangyari ang trahedyang iyon.

Mabilis ko namang tinignan si Franco dahil alam ko na may allergy siya sa kakainin namin. "Gusto mo bang magpa-deliver na lang ako ng pagkain mo?"

"Nah just nevermind. Sigurado din naman akong walang fastfood chain ang islang 'to. Besides, Alam no rin namang hindi ako mahilig sa mga pagkaing-dagat." Nagulat ako sa sinabi niya dahil baka magalit si Auntie pero umiwas lang ng tingin si Franco habang si Auntie ay serysong nakikinig lang. "I'll just eat my chocolate bars for this dinner." At mabilis itong umalis palayo sa amin.

"Pasensya na ho Auntie. Hindi lang siguro sanay si Franco sa buhay dito sa isla."

"Naiintindihan ko naman Lylia." Napabuntong-hininga si Auntie. "Para sa akin Lylia ay mas makakabuti pa rin kung si Cab ang magiging kasintahan mo."

Napamaang ako sa mga sinasabi ni Auntie. Cab? Sino naman ang isang iyon? Parang pangalan ng sasakyan.

Naguguluhan kong hinarap si Auntie. "Sino ho iyong Cab?"

Napansin kong biglang kumunot ang noo niya. "Hindi mo na ba naaalala si Cab? Siya ang kababata mo rito sa isla Lylia."

Napuno ng mga tanong ang isip ko dahil sa taong iyon. Sino ba siya at bakit hindi ko siya maalala?

"Tuwing umuuwi ka rito sa isla noon ay siya ang una mong hinahanap. Napakamalapit niyo sa isa't isa. Naaalala ko pa ngang naging malungkot din siya ng malaman ang nangyaring aksidente sa iyo. Makalipas lang ang isang taon ay lumipad na sila papuntang Amerika para manirahan doon---"

"Auntie can you please stop." Hindi na ni Auntie natuloy ang mga sinasabi niya dahil mabilis ko na siyang pinigilan. "Whoever that Cab is, he's my past now. Ang kailangan kong isipin ay ang kasalukuyan ko kasama si Franco."

Iyon na lang ang nasabi ko kay Auntie but the truth is, naguguluhan pa rin ako. Iniisip ko kung sino ang sinasabi niyang kababata ko. Cab? Swear, wala talaga akong matandaan na may kilala akong Cab.

"Pasensya na ho Auntie sa inasta ko. Ayaw ko lang ho kasing marinig ni Franco ang tungkol kay Cab. Baka kung ano pang-isipin niya."

Nilapitan ako ni Auntie bago mahigpit na hinagkan. "Sigurado naman akong pagtatagpuin kayong muli ng tadhana. Nanghihinayang nga lang ako na kailangan niyong maghiwalay noon pero alam ko namang para sa ikabubuti niyo iyong dalawa."

"Excuse me?" Agad naagaw ni Franco ang atensyon namin. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil baka narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Auntie. "Where's my room?"

"Nasa ikalawang palapag iho sa dulong pinto sa kanan." Mabilis niyang tinungo ang palapag na sinabi ni Auntie.

"Sige ho Auntie, sasamahan ko muna si Franco para makapag-ayos kami ng gamit."

"Sige ineng. Tatawagin ko na lang kayo kapag maayos ko na ang hapag."

Pagkatapos noon ay sumunod na ako kay Franco sa ikalawang palapag ng bahay at hinanap ang magiging kwarto ko. Napansin ko agad ang kwarto ni Franco sa dulo na nakabukas pa ang pinto. Pagsilip ko naman doon ay walang tao. Nasaan naman kaya pumunta si Franco?

Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa paghagilap sa silid ko na nakita ko rin naman din agad. Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumama sa akin ang binibigay na lamig ng aircon. Pumasok na ako sa loob at kapansin-pansin na walang pagbabago sa dati kong silid. Nandito pa rin ang kahoy kong aparador, ang kulay pink kong kama at pati ang bookshelves ko na puno ng paborito kong libro noon.

Binitawan ko na ang hawak kong mga gamit at mabilis na sinalampak ang katawan ko sa malambot na kama. I miss this. I miss the whole days where I am strong and my heart is happy. Iyong panahong wala kang iniisip na problema dahil bata ka pa kaya no more stress and heartaches.

Unti-unti ng pumipikit ang mga mata ko ng biglang may tumakip sa bibig ko. Titili na sana ako pero huli na ng daganan niya ako at biglang nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Lylia, babe." Bulong sa akin ni Franco na pansin ko ang nag-iinit niyang katawan ngayon.

"Franco can you please back off. Ang bigat mo."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko hanggang sa unti-unti niya akong hinalikan sa pisngi pababa sa aking leeg.

"Franco gusto ko ng magpahinga."

"Lylia just one try. We didn't did this before." Muli niyang bulong sa akin. Seduction is in his voice and his eyes is full of lust. Then he removed his shirt and started to unbutton my pants.

"Franco ano ba hindi na nakakatuwa!" Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ko bago ako siniil sa mainit at madiin na halik. Dito niya na ginapang ang kamay niya pababa sa dibdib ko kaya mabilis at buong lakas ko siyang naitulak palayo. "Franco I said stop! I told you before that we need to get married first before that fvcking thingy." Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"I know Lylia you said that but let's give it a try. Habang wala ang Dad mo at habang solo lang kita. I just want to dive in your pearl babe."

Wala na akong nagawa ng pwersahan niya akong tinulak pabalik sa higaan at 'di na ako makagalaw. Pinunit nito ang damit ko pang-itaas habang patuloy sa paghalik sa akin. Magpumiglas man ay 'di ko magawa. Sinimulan na nitong hubarin ang pantalon ko ng tinaas ko ang kamay ko and slapped his face.

"Why did you do that?!" Inis nitong sigaw sa akin.

"Hindi ba makakapaghintay iyang pangangati mo? I am 17 Franco and you just turned 18 and you want to do that fvcking scenario. That's bvllshit!" Napansin kong parehas ng tumataas ang boses namin.

"Bakit ba hindi mo kayang ibigay sa akin ang pangangailangan ko? Sandaling kasiyahan lang hindi mo maibigay sa akin!" Mabilis niya akong nilapitan at hinila palapit sa kanya. "Halika, papatikman kita ng bagong putahe--" He didn't finish what he was saying because of what I do. I hit his balls and his now shaking in agony.

"Anong nangyayari?!" Agad na pumasok si Auntie sa kwarto ko na gulat na gulat sa nakita. Si Franco habang namimilipit sa sakit at walang pang-itaas na dami habang ako ay punit naman ang damit.

"Pasensya na ho Auntie." I know that she knew what happened with me and Franco.

Nag-iwas ito ng tingin sa akin. "Bumaba na kayo dahil nakahanda na ang hapunan." Mabilis din itong lumabas ng silid ko na 'di nagtatama ang aming paningin. Ako naman ay dumiretso sa maleta ko at nagsuot muna ng isang pink na jacket.

"We'll fix this. Nakakahiya kay Auntie." Hindi ako pinansin ni Franco. "Pag-uusapan natin ito mamaya. We'll just eat dinner first."

Agad ko na ring nilisan ang silid. Habang bumababa ng hagdan ay iniisip ko kung nasaan na ba ang dining dito sa bahay. Nang maalala ko na nasa kaliwa iyon ay nagmadali na akong pumunta roon. Pagdating sa hapag ay nakita kong nandoon na si Auntie kasama ang dalawa niyang anak na nakatingin sa akin. Nakahanda na rin ang mga pagkain dito.

"Hello Kimmy." Umupo ako sa harap ng batang babae.

"Hello Ate!" Masiglang pagbati rin nito. Pagtingin ko sa kanan ay nakita ko na nakaupo na si Franco sa dulo nitong long table.

"We'll just pray first and then sleep na after we eat." Pangaral ni Auntie sa mga anak niya. "Akai lead our prayer." Nakasimangot na tinitigan ng bata ang ina pero sinunod niya rin ang utos nito.

"Father God thank you for all the food. I pray for our good health and a happy heart because if you have a happy heart you will live long. Amen."

"Kumain na tayo."

Naging tahimik ang hapag simula una hanggang matapos kami. Walang nagpapansinan at walang nag-iimikan. Naging awkward ang nangyari kanina na nakita kami ni Auntie sa ganoong sitwasyon. Kahit walang nangyari ay pangit pa rin na malaman ng nakakatanda na gawin niyo ang bagay na iyon na wala pang legal na kasal.

"I'll just go to my room. I'm tired and badly needed to rest." Pahayag ni Franco at mabilis ding umalis. Ni hindi nito nagalaw ang pagkain at ni hindi niya rin magawang makatingin sa akin.

"Don't ever dare to do that Lylia."

Hindi ko na lang binalingan ng tingin si Auntie dahil nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness. "Wala hong nangyari pero gusto kong humingi ng pasensya." Pagtingin ko sa kanya ay nasa ibang direksyon siya nakaharap. "Magpapahinga na po ako Auntie."

Nakayuko akong umalis ng hapag at dumiretso sa kwarto ko. Mabilis kong inihiga ang katawan ko sa kama at diretsong tumingin sa puting kisame.

If my grandparents are here they will scold me because of what we almost did. Ibang-iba ang Lolo't Lola ko kumpara sa mga magulang ko. They care a lot while my Dad didn't. My father's prioritize is business while I need a father's love while growing up. It's hard sometimes because I don't have a father that can cheer me up when I'm down. My Mom and my grandparents are dead, my father is barely breathing but can't touch my hand.

Simple kong pinunasan ang mga luha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong bumalik sa islang 'to. That pain didn't made my heart strong, it made my heart burn in sadness.

Bumangon ako sa kama. I don't want to do this. Franco and I want to have fun while we're here so my plan is to apologize even I didn't do something wrong. Alam ko namang may ibang paraan para mapasaya siya.

Mabilis akong tumayo at agad na lumabas ng kwarto ko. Diretso kong tinungo ang kwarto sa kaliwa ko at tatlong beses na kinatok ang pinto nito. Hindi ko narinig ang boses ni Franco kaya pinasok ko na ang loob. Mukhang galit siya sa akin.

Pagbukas ko ng pinto ay nakakabinging katahimikan ang bumati sa akin. I search over the four sides of the room but Franco wasn't there. I knew it! There's a one place that he loves to visit when he's in deep sadness. Kahit sa Manila ay pinupuntahan niya ang ganoong klaseng lugar.

Nang mapagtanto ang bagay na iyon ay dumiretso ako sa baba para hanapin si Auntie. She might know where that place is. Nang makita ko ito sa kusina ay mabilis ko siyang nilapitan.

"Auntie." Mabilis niya akong hinarap. "Do you know where the nearest bar is?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko. Siguro ay iniisip niya na sa kalagitnaan ng gabi ay bakit ko maiisipang mag-party.

"Diyan sa bayan meron diyang isang sikat na sikat na bar. Pag-aari iyon ni Mr. Buenavides, ang ama ni Cab. Makikita mo ang Buenavidez' Island Bar bago ka makalabas ng downtown."

Tumango ako sa lugar na binanggit niya. Dati walang bar dito pero mukhang nagiging sibilisado na talaga ang lugar. At kung tama ang pagkakarinig ko ay pag-aari pala ng pamilya ni Cab ang bar na iyon.

"Uhm, Auntie? Can I borrow some vehicle to go there?"

"Meron diyan ineng sa may parking. Isa sa mga paboritong sasakyan ng Lolo mo noon."

"Anong klaseng sasakyan po?'

"Isang Volkswagen ineng."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. No because hindi ako marunong gumamit nito kundi dahil sa nalaman kong buhay pa ang sasakyan iyon na ginagamit pa dati ni Lolo. That Volkswagen is always what we used when I was here. My grandfather is a good driver so years ago I love to ride with him with that Volkswagen.

"Let's get it on." Bulong ko sa hangin at tinungo na ang parking lot. Napansin ko agad ang isang itim na sasakyan paglabas ko. I know how to drive naman kahit papaano so I'm confident to use this one. "I need to apologize to him because I can't give what he want for now."

Mabilis ko na itong pinaharurot palabas sa mansyon at dumiretso na sa downtown. Hinanap ko agad ang Buenavidez' Island Bar. Hindi rin nagtagal ay nakita ko ang dalawang palapag na gusaling ito. Tinungo ko agad ang daan paloob at makukulay na ilaw at napakaingay na paligid ang tumambad sa akin. Lahat ng nandito ay nagsasaya para makalimot sa nararamdaman ng mga puso nila ngayon. Should I try this so I can forget my past in this island for a while? No, not for now because my priority tonight is to apologize to Franco, bring him back to home and we will rest to enjoy the beautiful Island de Policarpio tomorrow.

Inilibot ko ang paningin sa ko kaliwa at kanan. Mukhang sikat nga ang bar na ito dahil sa dami ng taong nandito. Tinahak ko ang maaari kong daanan habang hinahanap si Franco. Iba't ibang kulay ng alak ang nakikita ko sa loob. Parang gusto kong tikman ang mga iyon.

Dinala ako ng mga paa ko sa hallway papuntang restroom. Nagmasid ako rito at ng may makita 'di kalayuan na pumukaw sa atensyon ko ay agad akong napatigil. I think it was Franco but I wasn't hundred percent sure because it was dimly light and besides, nakatalikod ang lalaking iyon.

Dulot ng kuryosidad ay naisip kong lapitan ang kung sinomang iyon. Habang palapit ng palapit ay patindi ng patindi ang kabog ng dibdib ko sa kung anomang mangyayari. Nang tuluyang makalapit ay dito ko na nakita ng husto ang taong iyon. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa tindi ng sakit na nararamdaman nito.

He was making love with someone. Yes it was Franco who is kissing another girl, passionately.

#ChasingHeartbeats

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro