Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heartbeat 4.1


Lylia's Point of View

PAGMULAT NG mga mata ko ay unang bumungad sa akin ang asul na kalangitan. Napakaganda ng panahon ngayon at maaliwalas ang paligid. Rinig na rinig din ang huni ng mga ibon mula sa aking kinahihigaan.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking pwesto. Pagbangon ko ay agad kong napansin ang mga damong inuupuan ko. Did I sleep here?

Mabilis ko ring napansin ang suot ko ngayon. Ang naaalala ko ay suot ko ang pink jacket ko pero ba't ngayon ay itim na bestida na ang suot ko? Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko dahil bigla kong naisip na baka may ginawang masama sa katawan ko ng mga panahong wala akong malay.

Isa pang nakapukaw ng pansin ko ay ang bracelet na nakasuot sa akin. Napapalibutan ito ng bilog na mga itim na diyamente. It looks cheap but it's cute naman. I counted the beads and then I found out that it has seven black diamonds.

Dahil alam kong hindi sa akin ang bracelet na ito ay sinubukan ko itong tanggalin. Shit ang higpit. Ni hindi ko man lang maigalaw. Mayamaya ay bigla itong uminit na siyang ikinagulat ko. Parang sinasabi nito na wala akong magagawa para matanggal ko iyon.

Naguguluhan man ay pinatili ko na munang pakalmahin ang sarili ko. Tumayo ako at nagsimulang igala ang paningin ko. Malawak ang paligid. But there's only trees everywhere and the never ending grasses. All about nature. Pinagpatuloy ko ang pagsiyasat sa lugar at nakita ko sa aking likuran ang isang malaking puno. This is huge. Bigger than the others.

Napailing na lang ako at biglang napahawak sa ulo ko ng wala sa oras. Wala akong maalala kung sa papaano ako napunta rito at kung nasaan ako basta ang alam ko lang ay maganda rito. Everything is at peace.

Mayamaya ay nakakita ako ng dalawang paro-paro. Their color was bright gold that really shocked me. Mukhang crossbreed siguro kaya kakaiba. Dumaan ang dalawang paro-paro sa harapan ko kaya naman naisipan ko silang sundan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Nagpalipat-lipat ang mga paro-paro sa bawat bulaklak na madaanan namin. Patuloy lamang ang mga ito sa paglipad na tipong nakikipaglaro sa akin. Or maybe... they wanted me to follow them? I don't know.

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa mga paro-paro. It seems like they hypnotized me by the golden color around them. Hanggang sa mapahinto ako sa paglalakad ng makakita ako ng dalawang ibon sa sanga ng isang puno. Kulay asul naman ang kulay ng mga ito ngayon at masaya silang humuhuni sa may sanga. Sa 'di kalayuan naman ay napansin ko ang dalawang itim na kuneho na magkasama. Tila kumakain ang mga ito sa damuhan ng isang prutas.

Napailing na lang ako sa mga nakikita ko. Buti pa sila, may kasama, ako wala. Bumuntong-hininga muna ako bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Nawala na sa paningin ko ang dalawang paro-paro kaya siguro ako na lang mag-isa ang maglalakad ngayon.

Teka, bakit nga ba ako naglalakad? N-Nasaan ba ako? Wait, what?!

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot kaya nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Unti-unting may mga alaala at memoryang pumapasok sa isipan ko. Oo! Naalala ko na! Ang isla, si Franco, ang bar, ang panloloko niya, ang aksidente, ang puno!

Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumiwanag ang bracelet ko. Parang it's generating energy or it is getting something from me.

But wait. Siguro, am I dead? Iyong nangyaring aksidente pati ang nakita kong sarili ko na duguan at walang malay hindi ba masamang pangitain iyon?

Ewan ko ba pero kung totoong patay na ako, parang sasaya pa ako. No more lies and no more pain. I'm now a soul that needs judgement to where I go. I know naman na marami akong magandang nagawa sa Earth but not in being a good daughter to my Dad. I remember years ago that I lied to him about my fake boyfriend. Naulit ng naulit ang pagsisinungaling ko sa kanya. That's the worst thing, I hated when someone lied to me but I really do lying for myself, para sa pansarili kong interes.

Muli akong napabuntong-hininga. I think I didn't make it. Hindi ako naging mabuting tao kaya I will now expect my fate to where I'll go.

But for now I want to explore this place before they judge me.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Walang hanggang mga puno, bulaklak at damo lang ang nasa paligid na kasama ang iba't ibang uri ng hayop. Napapansin kong dalawang pares lahat ng hayop dito. Weird.

Mayamaya ay napansin ko ang pag-iiba ng tanawin sa 'di kalayuan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad para makarating na sa lugar na iniisip kong dulo nitong gubat na kinaroroonan ko.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may babaeng lumitaw sa harapan ko. Dahil dito ay napaupo ako sa damuhan na habol ang hininga. Oo patay na ako pero bakit ang bilis ko pa ring mapagod.

"I-I'm sorry." Paumanhin nito at tsaka tinulungan akong tumayo. Nabigla naman ako ng apat ang kamay na tumulong sa aking makatayo.

Inayos ko muna ang sarili ko bago magsalita. "Thank you."

Nginitian ako ng dalawang babae sa harap ko. I think they got the same faces.

"Ako nga pala si Layla." Inabot ng isang babae ang kamay niya na hinawakan ko naman. May katangkaran si Layla kumpara sa kasama niya. Napatingin ako sa wrist ni Layla at kagaya ko ay may bracelet din siya. Ang kaibahan nga lang ay gold diamonds and kulay ng kanya.

"Hello! I'm Miya." Masiglang pagbati naman ng isa pang babae. Mas mahaba naman ang buhok ni Miya kaysa kay Layla. Dumako rin ang tingin ko sa wrist ni Miya at gaya lang ng kay Layla ay meron din siyang bracelet na may golden diamonds.

What the hell is happening? Hindi ko alam pero parang masisiraan na ako ng bait dahil sa dami ng mga tanong sa isip ko. Is there someone who can answer my never ending question?

I let out a deep sigh. Not now Lylia. I think huwag ko munang i-over think ang mga bagay-bagay. Lahat may kasagutan, I just need the perfect time.

"Are you guys twins?" Tanong ko na lang para maiba ang topic pero bigla na lang akong napailing. Myghad Lylia it's fucking obvious.

They just nooded as an answer.

"I am the oldest." Pagmamayabang ni Layla sa akin.

"No you're not. Mas matanda ako sa iyo." Hirit naman ni Miya.

"Manahimik ka nga Miya. Mas matangkad ako ibig sabihin mas matanda ako sa iyo." Tinaasan ni Layla ng kilay si Miya.

"No! Ako ang nauna!" Singhal ni Miya. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila kung sino ang mas matanda sa kanila.

Minabuti kong tumikhim para pahupain ang nabubuong tensyon sa kanila at tama nga ako dahil nakuha ko ang atensyon nila.

"I am really sorry. We always fight for that matter." Paumanhin ni Miya.

"Our parents can't identify us by who we are. Ilang beses na rin nilang sinabi na nagkapalit kami paulit-ulit ni Miya noong sanggol kami dahil hindi nila alam ang pagkakaiba sa aming dalawa. Kaya ngayon, hindi namin alam kung sino ang mas matanda at kung sino ang totoong Layla at Miya." Paliwanag naman ni Layla.

"But both of us are really really gorgeous." Pahayag pa ni Miya at bigla silang nag-apir. Mukhang nagkakasundo sila sa ganoong bagay.

Napatango na lang ako sa mga sinasabi nila at tsaka ko tinaas ang kamay ko.

"By the way I'm Lylia." Salitan ko silang kinamayan. Yeah, they are definitely gorgeous while wearing their pink dresses.

"Wait I have a question." Para naman silang naalerto ng bigla akong mag-panic. I just remember my latter question. "W-Where are we? W-What is this place?" Nauutal kong mga tanong. "Ang ibig kong sabihin, nasaan na tayo? At... patay na ba kayo? Am I also dead?"

Nag-iba ang timpla ng mukha ko ng dahil sa naging sagot nila. They're both laughing. Non stop.

"Girls can you please explain me the fvcking reason why I'm here in this place!" Kapwa sila natigil dahil sa naging asta ko.

Nilapitan ako ni Layla habang si Miya ay nagpipigil pa rin ng tawa.

"Bitch you're not dead yet." Maikling pahayag ni Layla. "Look everywhere, this place is where we deserve."

Nilingon ko ang paligid at katulad kanina, simpleng gubat lang naman ito.

"Just remember Lylia that this place is beyond imagination but this will never be an illusion." Naging seryoso naman si Miya ng sabihin niya iyon sa akin.

"This is where you belong Lylia. This place is made for you Lylia." Dagdag naman ni Lyla na kay halong diin. Mayamaya ay sabay nila along tinitigan gamit ang mabusisi nilang mga mata.

"Welcome Lylia." They both say in chorus. "Welcome to Luvwynland." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Peculiar.

In just a blink, nahuli ng mga mata ko ang saglit na pag-ilaw ng bracelet ko na siyang ikinagulat ko. Hindi tulad kanina ay sobrang liwanag nito ngayon na sa tingin ko ay ako lang ang nakakakita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro