Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Heartbeat 2.2


"HINDI BA'T napakabilis nito Lylia? Isa pa hindi ko ito mapapayag dahil napakabata niyo pa. You're just 12 years old Lylia." Nanlulumong pahayag ng ama ni Lylia.

"But Dad, Franco said he's gonna protect me which is supposedly you are doing to me but you're always in your business." Paliwanag ni Lylia na kinukuha ang simpatya ng ama. Nakasukbit pa rin ang kamay nito kay Franco.

"Lylia hindi ako makakapayag---"

"Hindi niyo na mababago ang desisyon ko, if you love me, you'll agree."

Napabuntong-hininga na lang ang ama ni Lylia dahil sa mga sinasabi ng anak.

"Fine. Just to make you happy again."

Namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo at sa isang iglap ay mabilis na nilisan ng ama ni Lylia ang lugar ding iyon. Walang nakapansin sa luhang binitawan ng ama ni Lylia.

"Sana naman tinanong mo muna ako kung gusto kitang maging girlfriend 'di ba?" Mabilis na kumawala si Franco kay Lylia.

"Kung ayaw mo bakit hindi ka kumontra kanina? Gusto mo rin naman eh." Simpleng napangiti ang batang lalaki roon. "Pabor lang ang hinihingi ko Franco, na maging boyfriend kita. Ayaw kong si Dad ang nagbabantay sa akin, ayaw kong siya ang naghahatid at sundo sa akin at higit sa lahat ayaw kong bigyan pa siya ng problema dahil mas mabuting kung doon na lang ang atensyon niya sa pinakamamahal niyang negosyo." Sarkastikong paliwanag ni Lylia pero kahit ganoon ay ramdam ang lungkot sa boses niya.

"Kung iyon lang naman ang gusto mo edi sana bodyguard na lang kinuha mo---"

"Tutulungan kita rito sa school. 'Di ba nahihirapan ka sa lessons? Tuturuan kita. Bibigyan kita ng pagkain tuwing lunch at higit sa lahat, ako na ang sasagot sa lahat ng gastusin mo rito sa eskwelahan. My father's parents owns this school so everything you see is mine." Nanlaki bigla ang mata ni Franco sa rebelasyon ni Lylia. "Kung kulang pa iyon babayaran kita araw-araw."

"Hindi okay na ako. Okay nang turuan mo ako sa lessons."

"Are you sure?"

"Sige na sige na isama mo na rin iyong free education ko rito."

"So it's a deal?"

"Yes it's a deal."

Sa isang iglap ay inakbayan na ni Franco si Lylia at naglakad na sila palayo. Wala ng nagawa si Lylia dahil ito rin naman ang kahilingan niya.

"Let's go babe."


* * * * *


MAKALIPAS ANG dalawang taon ay napag-isipan ni Lylia at Franco na mag-out of town at napili nilang magbakasyon pansamantala sa Germany. Lahat ay ginastos ni Lylia para lang kay Franco dahil may mahalaga siyang sasabihin sa binata.

"May sasabihin ako sa iyo Lylia."

"A-Ano?"

"Ikaw muna sabihin mo muna iyong balak mong sabihin sa akin. 'Di ba nga niyaya mo pa ako na mangibang bansa para lang sa balak mong sabihin sa akin." Agad na namula ang dalaga sa sinabing iyong ni Franco.

"Ah eh p-pwede bang i-ikaw muna?"

Saglit na natahimik ang binata bago mapabuntong-hininga.

"Lylia gusto ko sanang sabihin na... sa tingin ko... mahal na yata kita. Totoong-totoo walang halong pabor na kapalit." Mas namula si Lylia sa puntong ito. Sa loob niya ay sobrang saya niya sa narinig mula kay Franco. "I-Ikaw naman anong sasabihin mo sa akin babe?" Nahihiyang tanong ni Franco. Naging awkward sa binata ang pag-amin ng nararamdaman sa dalaga.

"Franco I just want to say that ako rin. Lately parang totoo na ang lahat para sa akin and yes, you got me." Napayuko na lang ang dalaga sa hiya dahil hindi niya inakalang masasabi niya ang mga bagay na iyon.

"Talaga ikaw rin?" Hindi makapaniwlaang tanong ni Franco. Tumango lang ang dalaga. "So ano official na tayo? Totoo na ang lahat ng 'to."

"We started everything 2 years ago." Hindi mapigilang napangiti ng dalawa dahil sa labas na says na nararamdaman ng kanilang mga puso. "And that day my heart first beat." Pahabol pa ni Lylia.

"I love you Lylia, endlessly." Unti-unting nilapit ni Franco ang mukha kay Lylia.

Aktong hahalikan na ni Franco si Lylia ng biglang nagtakip si Lylia ng bibig. "Not now Franco. My lips are not yet ready."

Nilayo ni Franco ang mukha sa dalaga.

"Okay, I'll just wait then."


* * * * *


"HAPPY GRADUATION babe!"

Masayang bati ni Franco kay Lylia. Palabas na sila ngayon ng kanilang eskwelahan na nakasuot pa ng asul na mga toga.

"Hindi ko ineexpect na graduate na tayo ngayon ng high school."

"Yeah and it's all because of you."

Napangiti si Lylia sa narinig.

"Oh by the way Franco thank you sa Mama mo. I really appreciate na siya ang nagsabit ng medals ko." Mapakla naman ito ngayong ngumiti. "Tignan mo naman 'di ba, graduate na tayo pero wala pa rin ang letseng ama ko sa tabi ko. Magsama sila habang buhay ng lintek na negosyo niya."

"Hindi ka pa ba nasanay babe?"

"'Wag na lang nating pa usapan iyon, ang mas mabuti siguro ay mag lunch muna tayo. It's my treat."

Napatango na lang ang binatang si Franco sa sinabi ni Lylia. Nasanay na rin siguro siya na siya ang laging nililibre ng kasintahan dahil mas angat ito kaysa kanya.



* * * * *


"WHAT DO you want?"

"Syempre, the most expensive one."

Suhestiyon ni Franco pagdating nila sa kakainang sikat na restawran sa kanila. Sa loob ng mahabang panahon ay nasanay na ang binata sa asta ni Lylia kaya dahil dito ay lumaki ang ulo ng binata na lagi ng inaasa ang lahat kay Lylia. Mapasimpleng gamit ay pinapabili niya kay Lylia at kahit ang kakainin ng pamilya ni Franco ay inaasa niya kay Lylia.

Umupo sila sa gitnang bahagi ng restawran. "After this you'll buy me new shoes ha?" Hirit ng binata.

Nginitian na lang siya ni Lylia. Alam niyang hindi siya makakatanggi dito dahil may kasunduan sila 6 years ago at isa pa ay kailangan ni Lylia si Franco sa tabi niya para hindi na siya lapitan ng ama niya. 'Pag nandyan si Franco ay iisipin ng ama ni Lylia na ligtas siya at malayo sa mga kapahamakang ilang beses ng nangyari sa dalaga.

Hanggang ngayon ay walang nakakaalam ng sikreto nila Lylia 6 years ago na nagkasundo sila ni Franco na maging boyfriend niya. Hanggang ngayon din ay binabayaran pa rin ni Lylia si Franco at sinusunod ang mga nais ng binata kahit totoo naman na silang nag-iibigan ngayon.

"W-Wait, w-what are you doing."

Tanong ni Lylia ng mapagtantong nilapit ni Franco ang mukha sa kanya. Seryoso ang binata sa balak nitong gawin.

"6 years na tayo Lylia pero wala pa ring nangyayari sa atin. Kahit kiss wala. Ni hindi mo nga ako matawag na babe e---"

Hindi na natuloy pa ni Franco ang sinasabi dahil mabilis pa sa kidlat ay nilapat ni Lylia ang labi niya sa labi ni Franco.

"Now you should shut up."

Hanggang sa matapos silang kumain ay nabalot sila ng katahimikan.



* * * * *

"FRANCO WANTS to have some unwinding vacation."

"Then go on." Walang emosyong sambit ng ama ni Lylia. "Akala ko ba marunong ka ng magdesisyon on your own. Nakaya mo ngang mag-boyfriend ng walang permiso ko."

"Then give me the privilege for our vehicles. Dad hindi ko na kayang makapaghintay maging 18. Gusto ko ng magamit ang private planes natin or maybe our yachts Dad."

"At saan niyo naman gustong gamitin ang mga sasakyan ko?"

"Maybe travel around the world or maybe we'll try to find some megalodon over seas." Sarkastikong sagot ni Lylia. "We don't know where but we want to relax for a bit Dad."

Napatayo ang ama sa kinauupuan at malalim na nag-isip. Agad siyang nakaisip ng isang lugar na pwedeng puntahan ng anak niya na sa tingin niya ay oras na para balikan nito.

"Go and find yourself back at Isla de Policarpio. "

"No Dad. I will not go there."

"Doon ko lang papayagang gamitin niyo ang isang yate ko. O baka gusto mong samahan pa kita?" Nginitian si Lylia ng nakakaloko ng ama.

Napairap na lang si Lylia. "Whatever. I'll just go with Franco. He will be with me. Okay na ako kung siya ang poprotekta sa akin." Pabalang na sagot ng dalaga at agad na nilisan ang opisina ng ama.

"I know it's the right decision to send you back there Lylia. Alam kong babalik ka sa dati mong sarili once na balikan mo ang iyong nakaraan." Bulong ng ama ni Lylia sa hangin.



* * * * *


TULOY-TULOY ang pagbagsak ng mga luha ni Lylia dahil sa nakikita niya. Nasa harap niya ang kasintahang si Franco na ngayon ay may kahalikang babae rito sa bar. Hindi siya makapaniwala sa nakikita at nadudurog ang puso niya rito. Alam niya sa sarili niyang may karapatan siyang magalit dahil matagal na silang opisyal na magkasintahan ni Franco.

Sa isang iglap ay napuno si Lylia ng galit kaya agad niyang sinugod sila Franco. Marahas niyang hinila ang buhok ng babae kahit hindi pa sila tapos sa ginagawa. Tanging sigaw lang ang nagawa ng babae na halos mapunit na ang anit sa tindi ng galit ni Lylia. Si Franco ay hindi makapaniwala sa ginagawa ng kasintahan.

"Wait Lylia stop!" Sa wakas ay tumigil na si Lylia at buong pwersa niyang tinulak ang babae sa sahig na ngayon ay walang tigil sa paghikbi.

"Walang hiya ka Franco!" Inipon niya ng buo ang galit niya at buong lakas na sinampal si Franco. "Ano bang ginawa ko sa iyo ha?!"

"Hindi ako masaya sa relasyon natin Lylia alam mo iyan dahil pinwersa mo lang ako." Sumbat nito sa dalaga na sapo ngayon ang pisngi. "Oo nga at nagka-aminan tayo na mahal na natin ang isa't-isa pero tang-ina naman Lylia simpleng halik lang umabot pa ng anim na taon!"

"Iyon lang ba ang hinihimutok mo ha? Ang babaw mo! Franco binuo kita, pinakain kita!"

"Sige isumbat mo sa akin iyan. Ang alam ko ay tinulungan pa nga kita sa tatay mo 'di ba. Ginawa ko ang lahat ng utos mo sa akin para hindi ka niya malapitan dahil ayaw mo siyang makita dahil walang nagawa ang Tatay mo ng mamatay ang Lolo't Lola mo---"

Natahimik si Franco ng isang panibagong sampal mula kay Lylia ang natamo niya. "Walang hiya ka! 'Wag mo idamay ang grandparents ko rito! Minahal kita Franco alam mo iyan. Kahit alam kong pera na lang ang habol mo sa akin nagbulag-bulagan ako para lang hindi ka lumayo sa akin kahit na sa simula pa lang ay kasunduan lang ang lahat."

Walang humpay ang pagbatis ng luha ni Lylia dahil sa bigat ng kanyang nararamdam. Sobrang sikip ng dibdib niya dahil sa tindi ng poot at galit. Si Franco naman ay nanatiling kalmado dahil sa nangyayari. Isa-isa na ring dumadami ang mga taong nanonood sa eksenang ginagawa nila.

"Tapusin na natin ito Lylia. Break na tayo, wala kang kwenta." Nagsimula itong maglakad. "At higit sa lahat ay gusto kong sabihin na hindi talaga kita minahal. Napakabobo mo na ikaw pa ang nahulog sa sarili mong laro." Nilapitan ni Franco ang babaeng nakasalampak sa sahig. "Let's go Lesley. Let's make true love."

Walang ibang nagawa si Lylia kung 'di pagmasdan ang paalis na dating kasintahan. Napakabigat sa loob niya ang nanyari. Ang hirap itapon ng mga alaala nila ni Franco sa loob ng anim na taon. Sadyang nakaukit na iyon sa kanyang puso. Higit pa roon, halos kakasimula pa lang ng totoong pagtibok ng puso niya ay agad naman na itong nagwakas dahilan para madurog ng lubos ngayon ang puso niya. First break up is the hardest to forget and the most painful at all.

Dumiretso na si Lylia as parking lot at doon pinatuloy ang paghikbi ng iyak. She still can't believe that Franco lied to him that he loves her.

"Bakit?" Pinagsusuntok niya ang kotse niya na sa tingin niya ay paraan para maubos ang matinding galit sa puso niya. Muli na namang nadudurog ang puso niya at sa pagkakataong ito it is a heartbreak caused by a one sided love. Nangyari na ang sobrang sakit na senaryong ito noong mamatay ang Lolo't Lola niya.

"Hey." Napatigil siya sa pag-iyak ng may marinig na boses ng isang lalaki sa likod. "Are you alright miss?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi siya nilingon ni Lylia.

"I'm fine. Just fvcking leave me alone."

"Okay okay but please take it." Mayamaya ay naramdaman ni Lylia ang isang malambot na bagay sa braso niya. Isang panyo. "You can take it." Kinuha ito ni Lylia at pinunas sa mga luhang walang humpay sa pagbagsak.

"Mr. Buenavidez kailangan ho kayo sa loob. May isang lalaking nagwawala."

Tumango lamang ang lalaki sa kausap.

"I know you will be fine miss---"

Hindi na natuloy pa ng lalaki ang sinasabi dahil pumasok na sa kotse niya si Lylia at agad na pinaharurot ito palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro