Heartbeat 2.1
SA ISANG silid ay may isang batang babaeng labindalawang taong gulang ang nakaupo sa kanyang malambot na higaan. Tulala ito at nakatungo sa kawalan. May mga bahid din ng luhang tila natuyo na sa kanyang maamong mukha. Hindi rin maipagkakaila na nangangayat na ang batang babae dahilan para maging matamlay siya sa loob ng mahabang panahon.
Biglang bubukas ang pinto ng kwarto ng bata at iluluwa nito ang isang lalaking balbas sarado. Hindi siya tinapunan ng tingin ng bata na ibig sabihin ay wala siyang pakialam sa taong ito kahit na ito pa ang kanyang ama.
"L-Lylia, anak." Hindi na maatim ng lalaki na makita ang kanyang anak sa ganyang sitwasyon. Umupo rin ito sa kama katabi ang anak. "Please live not for me or for others but for yourself." Dito na bumigay ang luha na simple niya ring itinago sa anak.
"This is all your fault Dad."
Tinitigan ng masama ng bata ang ama. Kahit nasa murang edad pa lang ito ay namulat na siya sa mundo ng realidad, realidad na dalawa na lang sila ng kanyang ama na magkapiling.
"That's because of your business. Mas inuuna mo pa iyon kaysa sa amin. Kung kasama lang kita ng mga panahong iyon edi sana buhay pa sila!"
"I'm very sorry Lylia, hindi ko sinasadya." Pinigilan ng ama ang kanyang emosyon. "Hate me and I will just love you more."
Napailing-iling na lang ang batang si Lylia.
"First, Mom was gone while giving birth to me and now Lolo and Lola died because of me. Dad I can't take this anymore!" Muking dumaosdos sa bata ang mga luha nito. Para bagang gripo ito sa dami ng inilalabas na kahit ilang buwan na siyang ganyan ay hindi nauubos ang luha niya.
"No. You must live Lylia. Mahal na mahal ka ng Mom mo, pati ng Lolo't Lola mo." Mapapalingon si Lylia sa ama habang malalim na iniisip ang sinabi nito. "Isang taon ka ng nagkakaganyan at malulungkot lang sila kung makikita ka nilang ganyan. Make your heart happy and we will be happy for you my daughter."
Lilingon ang bata sa kanyang ama. Magsusukatan sila ng tingin hanggang sa pupunasan ng ama ang luha sa mukha ng anak at yayakapin ito ng kay higpit.
Sa pagitan ng pagkakayakap ay magsasalita ang batang si Lylia, "I'll do to live but I won't promise that my life will come back like before."
* * * * *
TAHIMIK NA papasok ang isang batang babae sa unang taon niya ng high school. Pagkalipas ng isang taon ay tsaka lang siya nakabalik sa pag-aaral dahil sa nangyaring aksidente sa kanya na nagdulot ng matagal na lungkot sa puso niya.
Diretso niyang tinungo ang kanyang silid. Kita sa dala niyang gamit at malinis na uniporme ang antas niya sa pamumuhay. Isang matagumpay na businessman ang ama ng bata pero mas pinili pa rin nilang makapag-aral ito sa pampublikong eskwelahan na pagmamay-ari rin nila.
Umupo siya sa dulo at pinagmasdan ang kanyang mga kaklaseng walang sawang nagtatawanan at nagkukulitan. Seryoso lang ang batang babae dahil sa isip niya ay walang rason para maging masaya at makipagkaibigan siya dahil maaaring maiwan na naman siya ng mga taong mamahalin niya.
"Hi miss."
Nagulat siya ng bigla na lang may kumalabit sa kanya at pagtingin sa kaliwa ay tatlong gusgusing batang lalaki ang nakatingin sa kanya. Nanatiling kalmado ang batang babae at iniwasan na lang ng tingin ang mga lalaki.
"Ang sungit naman." Anas ng isang lalaki at tsaka hinarap ang babae. Napairap na lang ang babae bilang tugon.
"Maganda sana kaya lang ang sungit naman---"
"Hoy bakit niyo siya ginugulo? Ha?!"
May isang boses pa ng batang lalaki ang lumapit. Nangibabaw ang baritono niyang boses sa tatlo pa pero kahit gano'n ay walang pakialam ang babae sa nangyayari sa paligid niya.
"Isa pa 'to mayabang naman---"
"Anong sinabi mo?!" Pinatunog pa ng lalaking bagong dating ang kanyang kamao na kunwari'y nanghahamon ng away.
"Ah wala wala." Sabay takbo palayo ng tatlong lalaki. Sinamaan muna nila ng tingin ang dalawa bago tuluyang iwan.
Biglang tumahimik sa pwesto ng babae hanggang sa marinig nito ang kaluskos ng isang silya. Huli na ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Sumulyap ito sa katabi at bumungad ang maamong mukha ng isang batang lalaki na hindi tulad kanina ay kaaya-aya ito dahil nakapostura pa ang katawan.
"Ayos ka lang?"
Muli na namang napairap ang babae at pinako na ang tingin sa harap. Mayamaya ay nagulat ang batang babae ng hilahin ng katabi ang kanyang kamay.
Tinaas baba nito ang kamay nila na ang ibig sabihin ay tanda ng pakikipagkaibigan. "Ako nga pala si Franco, Franco Ramirez III."
* * * * *
"HEY."
PAMBUNGAD na bati ni Franco sa batang babae pagkapasok niya sa kanilang silid. Agad nitong tinungo ang kanyang pwesto katabi ng babae habang kay lapad ng ngiti. Ito at nakatungo na naman sa kawalan ang babae gaya ng nakagawian.
"Kamusta naman ang araw mo?"
Ito ang laging senaryo sa pagitan ng dalawa. Papasok si Franco at babatiin ang babae pero hindi siya papansinin nito. Patuloy lang sa pagkausap sa kanya si Franco hanggang sa dumadating ang kanilang guro. Alam ni Franco na naririnig siya nito kaya patuloy lamang siya sa pagsasalita na kinukwento naman ang buhay niya.
"Alam mo ba kanina nag-aaway na naman sila sa bahay kasi wala kaming kakainin ngayon araw."
Labas sa tenga lang ng babae ang naririnig habang ang lalaki ay patuloy na pinapatay ang oras sa ginagawa. Iniisip niya na kahit hindi siya pansinin ng babae ay malaman nito na mabuti siyang tao at pwedeng pagkatiwalaan.
"Sana kaya ko ring maging katulad mo na walang pakialam sa paligid." Biglang napalingon ang babae sa kanya na seryoso ang mukha. Tinitigan niya ang mga mata ng batang lalaki na siyang ikinagulat nito.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Akala ko magiging habang buhay ka ng mannequin. HAHAHA!!!" Kumunot ang noo ng babae kaya napatigil ang lalaki sa pagtawa.
Mayamaya naman ay dumating na ang kanilang guro kaya napaiwas na ng tingin ang babae at simpleng napangiti dahil sa lalaki.
* * * * *
"KANINA PA kita hinahanap nandito ka lang pala." Bungad ng lalaki sa babae ng makita niya itong nag-iisa sa kanilang canteen. Nasa dulo ito na walang masyadong tao. Solo ng babae ang mesa na kumakain ng burger, fries at orange juice samantalang may dala lamang na isang biscuit ang lalaki.
"Kamusta ang araw mo?" Tila hindi nagagasgas ang tanong na ito sa batang lalaki na alam niyang hindi rin siya sasagutin ng babae. "Ako ito hirap na hirap sa quiz kanina tapos may babayaran din pa lang 500 pambili ng electric fan para sa room natin."
Patuloy lang sa pagkain ng fries ang babae. "Feeling ko mas better kung kumausap na lang ako ng bato kasi baka iyon pa ang magsalita."
"HOY!!!" Naagaw bigla ang atensyon ni Franco at ng babae sa boses ng tatlong lalaking sumigaw. Sila ang mga lalaki noong nakaraang araw. "Amin na iyang pagkain niyo!" Nasa harapan na nila ang mga ito.
"Paano kung ayaw ko?" Tumayo si Franco at biglang hinawakan ang kamay ng babae.
"Kung ayaw niyong masaktan ibigay niyo na sa amin iyan."
Mabilis pa sa kidlat ay kinuha ni Franco ang juice at hinagis ito sa mga lalaki dahilan para madumihan ang uniporme nila.
"TAKBO!!!" Sigaw ni Franco at kumaripas na sila ng takbo paalis.
Sa kakatakbo ay napadpad sila sa likurang bahagi ng eskwelahan at ng mapagtantong hindi ligtas dito ay pumasok sila sa isang maliit na silid.
"Sorry if tinapon ko juice mo papalitan ko na lang---" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil sa biglaang pagsasalita ng babae.
"No it's okay. I can buy a new one by myself." Natameme si Franco dahil sa unang pagkakataon ay kinausap siya nito. Napakalambing ng boses nito na nagdudulot ng ngiti sa labi ng batang si Franco.
"Where are we? Bakit ang baho?"
Bumalik sa realidad si Franco dahil sa tanong nito. "E-Ewan ko." Nauutal na pahayag niya. "H-Hindi ako iyon ha b-baka ikaw."
"What?!" Gulat na tanong ng babae dahil sa nakitang karatula sa pinto. "We're in a restroom? Yuck!" Nandidiring pahayag niya at halos masuka na siya ng makitang nasa likod niya ang isang sobrang duming inodoro.
"Ewww so gross."
"Psst ano ba baka marinig nila tayo." Agad na tinakpan ni Franco ang bibig nito.
"No one in our house would believe that I hide in an abandoned restroom. It's so disgusting." Napatingin ito sa lalaking katabi. "But anyways, thank you for saving me."
"W-Walang anuman."
Hinila ng babae ang kamay ng lalaki.
"Hello there." Nanatiling tahimik si Franco. "I'm Lylia Irithel Merced. Nice meeting you Franco in a nasty way."
Hindi makapaniwala si Franco sa nangyayari dahil ang mannequin na kanyang kinakausap ay ngayo'y gumalaw at nagsalita na.
"Now I know that a mannequin will move if she is in danger." At biglang tumawa ito na ikinakunot noo ng babae.
"Anong ginagawa niyo rito?!"
Halos mapatalon sa gulat si Franco at Lylia ng biglang bumukas ang pinto at ang kanilang guro ang bumungad dito. Kasama nito ang tatlong lalaki na ngayon ay walang tigil sa pagtawa sa kanila.
"Go to the principal's office, now!"
* * * * *
"LYLIA WHAT happened?"
Nagtatakang tanong ng ama ni Lylia pagdating nito sa principals office ng kanilang eskwelahan. Nagmadali na itong pumunta rito kahit na may importanteng meeting pa siya.
"Mr. Roger Policarpio nakita namin ang anak niyong si Lylia kasama ang kaklase niyang si Franco sa likurang bahagi ng eskwelahan. Magkasama sila sa isang abandonadong banyo roon."
Nilingon ni Roger ang anak na agad ding umiwas ng tingin mula sa kanya. Kita niya ang napakarumi nitong uniporme. Nasa kaliwa naman ni Lylia ang isang batang lalaki na nakayuko lang at parehas ng anak ay marumi rin ang damit.
"Sinabi ko na po Ma'am na sila ang nauna. Tumakbo lang kami at nagtago roon."
"Pero Franco tinapunan mo raw sila ng juice kaya sila nagalit sa inyo."
"Ma'am balak nilang saktan si Lylia at ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong may babaeng nasasaktan sa tabi ko. Not even Lylia."
Sabay na napalingon si Roger at ang anak na si Lylia kay Franco. Naagaw kasi ng pansin ni Roger ang mga sinabing iyon ng batang lalaki habang si Lylia ay simpleng napangiti. Dito na siya nakaisip ng isang mabigat na desisyon.
"Ms. Odette can we just settle this? Mukhang nagsasabi ng totoo ang mga bata. I know that this cause too much trouble so we need to fix this as soon as possible."
Napabuntong-hininga na lang ang guro habang nag-iisip. "Ano pa nga bang magagawa ko. Sana ay hindi na ito mauulit dahil delikado sa likod ng eskwelahan na ngayon ay pinamamahayan na ng mga ahas. Hayaan niyo at kakausapin ko rin ang tatlong bata ukol dito."
"Maraming salamat Ms. Odette at pasensya na sa abala ng mga bata." Nakipagkamay ito sa guro at sinenyasang lumabas muna ang dalawang bata.
Pagkalabas ni Franco at Lylia ay agad na humagalpak sa tawa si Franco na siya namang ikinagulat ng seryosong si Lylia.
"Anong nakakatawa?" Naguguluhang tanong niya.
"Hindi mo ba alam Lylia kung pang-ilang beses ko ng pumunta sa principal's office ngayong linggo?" Muli itong tumawa habang si Lylia ay tahimik lang na pinagmamasdan ito. Naalala nito bigla ang mga sinabi ni Franco kanina.
"Talaga bang gusto mo akong protektahan?" Seryosong tanong niya kay Franco.
Agad itong napatigil sa pagtawa. "Ah eh oo naman bakit hindi." Napakamot bigla sa ulo ang batang lalaki.
"Kung gan'on dito ka lang sa tabi ko at protektahan mo ako hindi tulad ng ama ko na laging wala sa tabi ko."
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Franco. "Teka ano bang sinasabi mo Lylia?"
"Lylia it's a tough day mabuti pa sigurong umuwi na tayo." Bungad ng ama ni Lylia pagkalapit sa kanila ni Franco.
"Wait Dad may sasabihin ako."
"Ano iyon Lylia?" Nagtatakang tanong nito. Si Franco naman ay nanatiling nakatayo at patuloy na naguguluhan kay Lylia. Heto at pinapanood niya lang ang mag-ama.
"This is Franco Ramirez III." Nagulat si Franco ng higitin siya ni Lylia palapit sa kanya.
"Dad, he's my boyfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro