CHAPTER VIII
📚📚📚
"So, kamusta naman kayo nung nangungulit sayo?" Out of the blue na tanong ni Ate Marissa ng sunduin niya ako, "Isang buwan ka ng kinukulit niyan ha, simula pa July. August na ngayon."
"Kinukulit pa rin ako," ibinaling ko ang tingin ko sa bintana, "pero magkaibigan na kami."
"Sinasabi ko na nga ba," natutuwa ang tono ng boses na sabi niya kaya't napakunot ang noo ko.
Agad ko siyang tiningnan, "Lately, napapansin kong palagi kang good mood, anong meron?" Usisa ko na agad niyang inilingan.
"Nako, wala naman," tanggi niya, "masaya lang."
"Yang mga paganyan-ganyan mo, ikaiiyak mo na naman yan." Naiiling na babala ko sa kanya pero imbis ma-bother ay nginitian niya pa ako.
"Iba siya," hindi mawala ang ngiti sa labi na depensa niya, "I swear, iba 'to dun sa gago."
"Huwag papakasiguro," paalala ko at hindi na siya umimik, mukhang tinamaan na naman ang tanga kong kapatid, nakakatakot na naman ang ganitong phase ng buhay niya dahil noong huli ay literal na bumaliktad ang mundo niya ng masawi siya sa pag-ibig.
Ang mahirap lang, hindi ko alam kung sino iyon dahil hindi naman niya binabanggit o ipinaaalam.
Isang buwan pa ang matuling lumipas at sumapit na ang Oktubre ngunit paulit-ulit pa rin niya akong kinukulit.
"Hiii!" Masiglang bati ni Jam ng magkita kami, "Hiii!" Ulit niya ng hindi ako umimik kaya't napabuntonghininga ako, isinara ko ang librong binabasa ko saka nag-angat ng tingin para tingnan siya.
"Ano?" Walang emosyong tanong ko pero iprinisinta niya sa harap ko ang paperbag na hawak niya.
"Sabay na tayong mag-lunch break?" Aya niya saka naupo sa katabi kong silya, isa-isa niyang inilabas ang laman ng paperbag at inilatag iyon sa mesa.
"Hindi ko sigurado kung anong flavor ang gusto mo kaya binili ko na lang lahat, pili ka na lang." Sabi niya saka iminuwestra ang nasa mesa.
Naitikom ko tuloy ang bibig ko at pinigilan ang sarili na magsalita na naman ng hindi maganda, ewan ko pero bigla na lang akong nakaramdam na dapat ay huwag ko na siyang sungitan dahil sa mga pinapakita niya sa akin. Ayokong magpa-uto pero pakiramdam ko, ayoko rin namang iparamdam sa kanya na hindi ko naa-appreciate ang mga ginagawa niya para libangin ako.
"Alin?" Nag-iintay na tanong niya kaya't inangat ko ang kamay ko saka nahihiyang itinuro yung vanila flavor dahilan para mapangiti siya, "Vanilla pala ang favorite mo?"
Tumango ako bilang sagot kaya inilapit niya sa akin yung tatlong vanilla ice cream sandwich na binili niya.
"Andami," mahinang reklamo ko.
"Ubusin mo yan ha, ikaw lang kasi ang kakain niyan."
"Bakit?" Kunot ang noo na tanong ko.
"Hindi naman kasi ako kumakain ng vanila ice cream, mas gusto ko ng chocolate."
Napatango-tango ako, "Salamat," mahina pa rin ang boses na sambit ko kaya napakunot ang noo niya.
"May problema ba?" Tanong niya na agad kong inilingan, "Bakit parang hindi ka ata nagsusungit? Ang hina ng boses mo, masama ba ang pakiramdam mo?"
"H-Hindi, ano...ayos lang ako,"
"Ano nga?" Pangungulit niya, "Nalulungkot ka pa rin?"
"Hindi naman basta-basta nawawala yon,"
"Sabagay," sang-ayon niya, "Anyway, kain na tayo?" Pag-iiba niya saka nagbukas na ng pagkain.
Napabuntonghininga ako saka ginaya na lang din siya, kung may isang bagay akong parating napapansin sa kanya simula ng kulitin niya ako. Iyon ay ang pakiramdam na para bang hindi naman talaga siya totoong interesado sa akin, pakiramdam ko nagpapanggap lang siya pero sa tuwing mapapansin ko ang mga kinikilos at ginagawa niya, taliwas naman iyon sa nararamdaman ko.
Nitong mga nakaraan ay parati kong napapansin na sa tuwing may babanggitin akong isang bagay, pinakikinggan naman niya ngunit mabilis niya ring dini-dismiss na para bang hindi siya interesadong makinig sa akin.
"May gagawin ka ba mamayang uwian?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan namin.
"Wala naman," sagot ko. "Bakit?"
"Gusto mo bang sumama sa akin? Ipakikilala kita sa barkada ko, baka sakaling may magustuhan-"
"-nako," agap na putol ko sa sasabihin niya, "a-ayoko, h-hindi pa ko interesadong magka-nobyo." Natatarantang tanggi ko na ikinatawa niya.
"Chill, hindi kita irereto," natatawang sabi niya, "Ang ibig kong sabihin, baka may magustuhan kang kaibiganin sa barkada ko, baka kasi maging busy na ako sa mga susunod. Hindi na kita masasamahan,"
"S-Sorry," napahiyang sambit ko, "S-Sige."
"Hindi mo kasi ako pinatapos e, nag-panic ka kaagad," natatawang paninisi niya, "Tsaka hindi kita irereto, bakit ko gagawin yon? Nandito naman ako." Nakangiting dagdag niya na hindi ko inimikan dahil ayokong mag-assume na may laman iyon.
Pagkatapos iyon ay sa uwian na kami ulit nagkita, halos magulat pa ako ng makitang nakatayo siya sa harap ng classroom ko.
"Hi," nakangiting bati niya.
"H-Hi,"
"Tulungan na kita," offer niya saka kinuha sa akin ang mga librong hawak ko.
"S-Salamat,"
"Tara na?" Aya niya na tinanguan ko at nauna na siyang maglakad kaya't sumunod na lamang ako.
Halos nakayuko lang ako habang naglalakad dahil pinagtitinginan siya ng mga nadaraanan namin, pagkalabas namin sa building ay huminto siya saka nilingon ako.
Hinawakan niya ang braso ko saka hinila ako palapit sa kanya, "Para namang hindi tayo magkaibigan sa distansya mo, wala naman akong sakit. Malapit ko ng isipin na ayaw mo talaga sa akin." Puna niya.
"S-Sorry, hindi ganon." Napalingon ako sa building na pinanggalingan namin, "Kanina kasi, pinagtitinginan ka ng lahat. N-Nahihiya lang ako,"
"Hindi ko alam na hindi mo pala gusto ang ganoong atensyon. Pasensya ka na, hindi ko magagawan ng paraan na alisin iyon, ganoon na talaga ang lahat kapag nakikita ako."
Napatingin lang ako sa kanya, para bang gustong tumikwas ng kilay ko dahil sa sinabi niya, para bang ang dating sa akin ng sinabi niya ay may laman, ine-expect niya ba na mag-eenjoy ako sa fame na meron siya? Hindi ko alam na may ganoong hangin pala na umiikot sa ulo niya.
Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating sa student park, hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay kumakaway na ang mga kaibigan niya habang may ngiting nang-aasar sa mga labi ng mga ito.
"Hi guys," bungad niya, "I would like you to meet, Maria," bumaling siya sa akin, "Maria, these are my friends."
"H-Hi," nahihiyang bati ko.
"Ayiee! Bagong girlfriend mo?" Nang-aasar na sabi nung isa na agad niyang inilingan.
"Kaibigan ko," pagtatama niya at napatango-tango na lang ang mga ito kahit pa animo'y hindi kumbinsido.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro