CHAPTER I
📚📚📚
"MARIA!" Malakas na sigaw mula sa labas ng silid ko kasabay ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwartong kinalalagyan ko dahilan para maalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagtulog.
"Saglit lang po!" Sagot ko saka nagmamadaling bumaba sa kama, agad kong hinagilap ang tsinelas ko at lumapit sa switch upang buksan ang ilaw bago tinungo ang pinto para buksan iyon.
Sa aking pagbukas ay bumungad ang galit na galit na mukha ng aking ina, nakapantulog pa siya habang mayroong mask na kulay puti ang nasa mukha niya, marahil ay nagpapaganda siya bago sumugod sa akin.
"Ano hong problema?" Takang tanong ko dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit galit siya, alam ko naman kasi sa sarili ko na wala akong ginawang mali.
"Alam kong magkakuntsaba kayo ng ate mo, nasaan siya?!" Galit pa rin ang tono ng boses na akusa niya.
Agad akong napailing habang nanlalaki ang mga mata, "Nawawala na naman si ate?!" Pekeng gulat na sambit ko, kailangan kong galingan sa pag-arte kung hindi ay parehas kaming malalagot ni ate.
"Huwag ka ng magpanggap! Saan na naman pumunta ang ate mo?!"
"Mommy," napapabuntonghininga kong sambit, "Gabi-gabi na lang tayong ganito, hindi ko nga ho alam kung nasaan siya. Maaga akong nakatulog sa sobrang pagod pagkauwi galing sa school, di ba ho, ang sabi niyo'y magpahinga ako?"
Napahinto siya ng marinig iyon ngunit salubong pa rin ang mga kilay, "Malaman ko lang talagang magkakuntsaba kayo ng suwail mong kapatid, pati ikaw ay palalayasin ko!" Galit na banta niya saka tinalikuran ako at naglakad palayo.
Napasimangot na lamang ako saka isinara ang pinto, ini-lock ko pa iyon upang hindi basta-basta makapasok ang kahit na sino. Pinatay ko ring muli ang ilaw bago ako bumalik sa kama at kinuha ang cellphone kong nasa may lampshade para i-text si ate.
Alam na nila Mommy na tumakas ka na naman, siguraduhin mong hindi ka makikita na dito sa kwarto ko manggagaling kundi itatakwil kita.
Napabuntonghininga na lamang ako saka inilapag sa may lampshade ang cellphone bago nahiga, at kung nagtataka kayo kung bakit mas chill pa ako kesa sa hotdog sa freezer kahit pa nagbabanta si Mommy? Iyon ay dahil sanay na sanay na ako sa ganitong gawain ni Ate Marissa, hindi naman siya babansagang 'Blacksheep' ng pamilya kung hindi siya ganyan.
Fifteen pa lamang ako ay ganyan na siya, sa tuwing hindi siya papayagan nila Mommy na mag-party o di kaya ay gumala sa gabi ay talagang tumatakas siya, ganoon kalakas ang loob niya na wala siyang pakealam kung kinabukasan ay parurusahan siya ng mga magulang namin.
Nariyang pumuslit siya sa gitna ng gabi para lamang mag-out of the country kasama ang mga kaibigan niya at pagbalik niya kinabukasan ay grounded siya ng isang taon, minsan na rin siyang tumakas para mag-bar kasama ang mga barkada niya na naging dahilan para ikulong siya nila Mommy ng isang linggo sa loob ng kwarto niya pero sinong nagsabing mapipigilan siya ng mga parusang iyon? Sa katunayan ay hindi, dahil ang totoo, nagagawa pa rin niyang tumakas habang pinarurusahan siya.
Madalas ay pinagsasabihan ko siya, noon, ngunit ngayon ay hinahayaan ko na lamang at kahit papaano ay pinagtatakpan, hindi dahil kinukunsinti ko siya kundi dahil may punto ang bawat bagay na ginagawa niya.
Bata pa lamang ako ay wala na akong ibang gustong gayahin kundi siya, lumaki ako na ang nakikita kong idolo ay ang perpektong buhay na mayroon siya. Sabi ko pa, paglaki ko, gusto kong maging katulad niya ngunit ngayong nasa hustong gulang na ako, saka ko lamang napagtanto na ayoko pala ng buhay na mayroon siya.
Ayokong maging katulad niya, ayokong maranasan lahat ng pinagdaanan niya na siyang naging dahilan ng pagrirebelde niya sa kasalukuyan, siguro, kung magkakaroon ng pagkakataon baka ni hindi ko gustuhing mapabilang sa pamilyang mayroon ako ngayon, sa kabilang buhay, maging sa mga susunod na buhay ay hindi ko gugustuhing bitbitin ang apelyedong hindi ko kayang sikmurain ang pamumuhay.
"Tapos ka ng kaawaan ang sarili mo?" Napaangat ako ng tingin ng marinig iyon, ibinaling ko ang tingin sa sliding door at nagsalubong ang mga kilay ko ng makitang nakatayo na siya doon habang may ngisi sa labi, nakatikwas ang isang kilay at nakatingin sa akin samantalang may hawak na paperbag sa isang kamay.
"Hindi ba't sinabi kong huwag ka dito dumaan?!" Mahina ngunit pagalit na sambit ko.
"E sa ito lang ang bukas na pinto?"
"Bwisit ka, idadamay mo pa ko sa kalokohan mo."
"Kaya nga inuwian kita ng paborito mo e," sambit niya saka pumasok na at inihagis sa akin ang paperbag na agad kong sinalo.
Nagsalubong ang mga kilay ko, "Sinusuhulan mo ba ako?"
"No, pampalubag loob yan, para kung madamay ka at least bago ka ma-grounded natikman mo ang paborito mo."
"Demonyita ka," inis na sabi ko ngunit tinawanan niya lang ako saka lumakad palapit sa pinto, pinihit niya ang knob at dumiretso palabas, ni hindi man lang ako nilingon hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Napabuntonghininga na lamang ako saka bumaba sa kama, lumapit ako sa sliding door at binuksan iyon. Saglit kong inilapag sa mesa ang paperbag para magsuot ng sweater bago kumuha ng libro at pumuwesto sa silya sa balcony kung saan saktong-sakto ang liwanag ng buwan habang tahimik ang paligid.
Isa-isang inilabas ko ang laman ng paperbag bago ako nagsimulang magbasa ng panibagong libro na napili kong basahin, oo na, alam ko, libro ang binabanggit ko dahil wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang magbasa kaysa atupagin ang pamilya ko.
Pagsapit ng alas-dos ay isinara ko na ang libro, iniligpit ang mga kalat at pumasok na sa loob para muling matulog, umaga na at bahagyang sumisikat na ang araw ng sunod na imulat ko ang mga mata ko. Agad akong bumangon at nagtupi saka pumasok sa banyo para mag-asikaso, paglabas ko ay nakabihis na ako kaya't nagmamadaling sinukbit ko ang bag ko sa balikat at lumabas ng kwarto.
Pagliko ko sa hallway ay nakita kong chill na naglalakad si Ate habang sinusuklay ang buhok dahilan para bumagal ang lakad ko hanggang sa magkasabay kami.
"Parang mas puyat ka pa kaysa sa akin," puna niya na ikinairap ko.
"Kung hindi mo ko iniistorbo ay malamang hindi ako magmumukhang puyat."
"Ang sabihin mo, nagpuyat ka na naman kababasa ng story ng kinababaliwan mong mga fictional characters." Ismid niya.
"At least, hindi ako nababaliw sa totoong tao."
"Tatamaan ka rin," naiiling na sabi niya saka nilampasan na ako ngunit pagdating sa sala ay muling bumagal ang lakad ko ng makitang huminto siya, pagtapat ko sa kanya ay bahagya niya akong itinulak, "Mauna ang paboritong anak," sambit niya na ikinasimangot ko.
Walang laman ang salita niyang iyon, alam kong hindi niya ikinaiinggit na palagi akong pinupuri bagkus ay ginagamit pa nga niya iyon para makaligtas siya mula sa mga sermon at pagalit nila Mommy.
Akmang papasok na ako sa dining ng may maalala, bago pa man ako makita nila Mommy ay agad akong umikot papunta sa likod niya at itinulak siya papasok dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga iyon.
"Shit," mahinang sambit niya ngunit wala na siyang magagawa dahil nakita na siya ng mga ito.
Isang segundo lamang mula ng makita siya ay nagsimula ng manggalaiti si Mommy kaya't agad na sumunod na ako upang hindi na siya magisa pa.
"Oh, ito na pala si Maria!" Puna ni Ate saka dumiretso sa silya.
"Sinong may sabing pwede kang maupo?!" Galit na puna ni Mommy pero ipinagkibit-balikat niya.
"Wala, pero kung hindi ako uupo, hindi niyo malalaman na nag-rank one lang naman si Maria sa Division Office para sa Quiz Bee." Pagbibigay alam niya na ikinangiwi ko, inabot niya pa ang certificate ko para sa bagay na iyon.
Napairap na lang ako ng mapagtantong kaya pala siya ang um-attend para samahan ako at kaya pala niya hiningi iyon sa akin ay dahil ipambabala niya iyon kanila Mommy, ano pa nga bang aasahan ko? Palagi kaming ganito.
"Omyghad! You never failed to make us proud, hija!" Overdramatic na sambit ni Mommy, "Hindi katulad ng isa dyan, suwail." Dagdag niya saka umirap na ang tinutukoy ay si Ate Marissa na balewalang nagsandok ng pagkain.
"Tapos na ako sa ganyan," balewalang sabi niya.
Tumayo si Mommy at hinawakan ako sa magkabilang braso upang igiya sa mesa saka maupo sa silya, animo'y isang importanteng tao ako na kailangan niya pang asikasuhin ng ganoon, exaggerated nga siguro dahil pati pagkain ko ay inayos niya pa ng makaupo ako. Gustuhin ko mang makaramdam ng saya sa pag-aasikaso niya ngunit alam ko namang kaya lamang siya ganyan dahil ang pagkapanalo ko ay dagdag pampabango sa pangalan ng pamilya namin.
"Dapat lang," rinig naming sambit ni Daddy dahilan para mapahinto sa pagkilos ang lahat, "Or else, I'll throw you out of this house." Seryoso at puno ng awtoridad na sambit niya na siyang nagpatayo ng balahibo ko sa mga braso, palagi naman, ang bawat salita niya ay naghahatid ng kilabot at takot sa amin, palibhasa'y bukod sa madalang siyang magsalita ay hindi rin naman kami ganoon kalapit sa kanya.
Mula sa pagkakayuko ay sinulyapan ko si Ate Marissa na nasa tabi ko dahil sinipa niya mula sa ilalim ng mesa ang paa ko, lihim na nag-thumbs up siya upang isensyas kung ayos lang ba ako, bagay na ginaya ko upang ipaalam na ayos lamang.
Wala namang bago, palagi namang ganito sa tuwing kasama namin sila, sa hapag man o sa kahit saan, wala silang ibang ginagawa kundi iparamdam na sobrang awkward makasama sila sa iisang lugar. Nakakasawa na rin minsan pero walang pagpipilian kaysa naman sa iwasan sila at kinabukasan ay parurusahan ka.
Tahimik na hinawakan ko ang kubyertos at nagsimulang kumain kahit pa parang hindi ko naman malunok ang isinusubo ko dahil ramdam kong parang may umiikot na kung ano sa tyan ko, kung ano iyon? Walang iba kundi ang anxiety ko na palaging nati-triggered sa tuwing kasama ko sila.
Inilapag ko ang kubyertos at napahawak ako sa bibig ko ng maramdaman kong para bang umakyat sa lalamunan ko pabalik sa bibig ko ang kinakain ko, napangiwi ako ng maramdaman kung gaano ka-acid iyon kaya't agad kong inabot ang tubig at uminom.
"Hija, you okay?" Animo'y concern na tanong ni Mommy habang may panghuhusga ang mga mata.
Tumango lamang ako saka tumayo, "P-Pasok na ho ako," sambit ko saka muling sinukbit ang bag sa balikat at nagmamadaling umalis, ni hindi ko na sila nilingon man lang hanggang sa makalabas ako ng main door.
"Bilisan mo naman," ismid ni Ate Marissa ng makalabas ako ng gate at itinulak niya pabukas ang passenger seat habang nakaupo na siya sa driver seat.
"Si The Flash ka ba?" Inis na tanong ko saka sumakay at isinara ang pinto, nagsimula naman siyang magmaneho paalis doon.
"Basta't kailangan silang takasan, oo naman." Nakangiti na namang sambit niya.
Napairap na lang ako saka isinandal ang likod sa sandalan, ipinikit ko ang mga mata ko at hindi na siya pinansin.
"Tutuloy ka ba sa Regional?" Rinig kong tanong niya.
"Para may pambala ka ulit?"
"Oo naman, para alam ko kung kailan ako a-absent."
"Pag-iisipan ko," tanging sagot ko saka bumaling sa bintana upang pagmasdan na lamang ang daan sapagkat hindi rin naman kami sanay na pinag-uusapan ang ibang bagay maliban na lamang kung konektado sa mga magulang namin o tungkol mismo sa angkan namin.
Kusang bumagal ang patakbo niya ng malapit na kami sa school at tuluyang huminto sa tapat ng gate ng makalapit na kami.
Inalis ko ang seatbelt at isinuot ang strap ng bag ko samantalang muli niyang itinulak palabas ang pinto sa side ko, hindi ako umimik at bumaba ngunit bago ako makatalikod ay sumaludo siya.
"Enjoy your day, maldita," sambit niya saka hinatak pasara ang pinto at pinaharurot na ang kotse palayo dahilan para sundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko.
Napailing na lamang ako saka lumakad upang pumasok sa gate, nasa pila na ako upang i-inspect ng may kumapit sa braso ko, napasaltak na lamang ako at tiningnan iyon.
"Hi, besty!" Nakangiting bati niya kahit pa wala namang nakakatuwa.
"Himala, maaga ka." Puna ko na ikinawala ng ngiti niya.
"Huwag mo kong punahin, ayoko munang alalahanin." Inis na sabi niya saka bumitaw at pumila sa likod ko.
Hindi ako umimik at hinintay munang makalagpas kami sa gate bago ko siya binalingan.
"Anong nangyari?" Usisa ko dahil tahimik siya.
"Bwisit si Alfresco,"
"Nag-away kayo ng kakambal mo?" May diin na tanong ko, halos i-emphasize ko na ang salitang kambal upang idiin sa kanya.
"Ano ba! Oo kambal ko yon!" Inis na sabi niya ng mapansin ang pagdiin ko sa salita, "Bwisit yon! Argh! Bakit ba naging kakambal ko yon?!"
"Dahil sabay kayong na-develop sa tyan ni tita?" Hindi siguradong sagot ko dahil talagang hindi naman namin sigurado kung na-develop ba talaga ang utak ng kakambal niya o hindi, paano'y talaga namang nakakaubos ng pasensya ang mga desisyon ng lalakeng yon sa buhay.
"Huwag ko lang talagang makitang bitbit niya yong laptop ko, ihahampas ko sa kanya yon!"
"Laptop mo?"
"Oo! Hiniram niya noong nakaraan tapos ngayong kinukuha ko na, ibinalik na raw niya kahit pa wala akong maalalang ibinalik niya!"
"Baka naman ulyanin ka lang talaga?"
"No, sigurado akong hindi pa niya naibabalik! Malilintikan talaga siya sa akin kapag nalaman kong ibinenta niya iyon!" Galit ng banta niya, paano'y may ganoong sakit sa utak ang kapatid niya, hindi naman gipit sa pera pero napaka-hilig magbenta ng mga gamit, ang masiste, hindi naman sa kanya ang ibinibenta niya, madalas ay palaging nabibiktima ng lalake ang kakambal niya kaya't ganoon na lamang manggalaiti si Queeny sa kanya.
"Huwag mo ng asahang maibabalik pa ang laptop mo, pinera na yon ng kakambal mo."
"Bwisit siya! Bwisit!" Galit na sigaw niya na halos mapalingon na ang nadaraanan namin ngunit wala siyang pakealam at hinayaan ko lang siya dahil sino ako para pigilan ang nararamdaman niya?
Lumakad kami diretso sa building kung nasaan ang classroom namin at pumasok sa klase ngunit hanggang duon ay todo rant pa rin siya na napasimangot na lamang ako dahil wala na akong maintindihan sa tinuturo dahil sa daldal niya.
"Isa pang daldal, itatarak ko sayo 'tong ballpen." Banta ko na ikinasimangot niya saka tahimik na humilig sa balikat ko habang nakapulupot na naman sa braso ko.
Pagsapit ng recess ay napasaltak na lamang ako ng hindi ko na maramdaman ang balikat ko habang siya naman ay mahimbing ang tulog, napabuntonghininga ako saka binawi ang balikat ko dahilan para magising siya.
Agad niya akong sinimangutan, "Dapat ginising mo ko!" Reklamo niya.
"Nakakakunsensya,"
"Bwisit ka din," inis na sabi niya saka inirapan ako at inayos ang sarili.
Hindi nagtagal ay nag-aya na siyang pumunta sa canteen, "Dito na lang ako," sambit ko ng mapansing siksikan sa loob.
Napangiwi din siya ng mapansin iyon, "Mag-McDo na lang tayo?" Aya niya na tinanguan ko dahilan para mapailing siya ng bahagya, "Mamamatay tayo ng maaga, hindi ka man lang humihindi."
"Kung mamamatay ay mamamatay,"
"Favorite motto ni Maria Slya Clemente."
"Kapag iniwanan ka ng boyfriend mo, ipagpalit mo sa lima, huh?" Paalalang sambit ko sa kabaliwan na motto niya dahilan para mapatango-tango siya, nagawa pang mag-thumbs up ni gaga.
"I won't be name Queeny for nothing, sis."
Umirap ako, "Whatever, you man-hunter."
"At least, makulay ang buhay?"
"Maggiginataang gulay na lang ako."
"Ang oldy mo talaga!" Ismid na naman niya, "Makulay ang buhay sa ginataang gulay, eww!"
Walang emosyon na tiningnan ko lang siya at hindi ako umimik dahilan para hilahin niya ako papunta sa parking lot kung saan naroon ang motor niya, iniabot niya sa akin ang helmet ng makarating kami sa kung nasaan naka-park iyon, walang imik na sumakay ako at pinaandar niya iyon.
Hindi ko maiwasang mapakapit ng mahigpit dahil daig niya pa ang jeep na hari ng kalsada kung magpatakbo, mas matulin pa sa kung paano magpaharurot ng kotse si Ate Marissa, animo'y wala siyang pakealam kung madisgrasya.
Bumagal lamang siya ng makarating kami sa malapit na McDonald's, ipinarada niya ng maayos ang motor niya saka kami magkasabay na pumasok sa loob diretso sa counter para umorder, walang pakialamanan iyon, kung anong nais niya ay bibilhin niya at ganoon din ako.
"Deserve ko ba talaga 'to?" Natatawang tanong niya ng makitang marami siyang binili na ngayon ay nasa mesa na namin.
"Araw-araw kang ganyan, wala ng bago."
"Napaka-gandang motivation sa buhay, ha." Sarcastic na sabi niya saka inayos na iyon at nagsimula na kaming kumain.
Walang imik na kumain kaming dalawa, animo'y hindi magkakilala at kanya-kanya muna, kumbaga mind your own business talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro