Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[B3] Episode 38

🌼
SYNN

"Are you sure about this, Synn? Kapag pumunta ka ngayon sa party, there's no turning back."

Isang tango lang ang isinagot ni Synn sa lalaking nasa harapan niya. Karga-karga nito ang isang buwang gulang niyang anak.

"Yes, I am," simpleng sagot niya sa ama ng bata. "I've hid this from them for months and I don't think it's right to keep hiding from them."

"Then I should come with you," anito. "Dapat ay samahan kita—"

"You don't have to," pigil niya agad dito. "I don't plan on telling them about this, yet. Paisa-isa lang muna."

"But you do plan on telling them, right?" paniniguro nito. "Not now but, eventually?"

Tumango siya. "I will."

"Okay then," he said then smiled. "At your own pace."

She smiled. Isa iyon sa mga nagutuhan niya dito. He's the most patient and understanding person she has ever met.

Noong una ay inakala niyang magkalayo ang mga ugali nila dahil sa agwat ng kanilang edad but boy was she so wrong about that. Napaka-mature nito mag-isip at maintindihin. Hindi rin makakaila ang pagiging mabait ng lalaki na para bang hindi na iyon makatotohanan.

Dahan dahan siyang lumapit sa mag-ama at magaang hinalikan ang noo ng natutulog na anak. Baby Sin stirred pero agad naman itong naagapan ng lalaki. At first she thought he wasn't cut out for this but she was wrong on that one too. Mas magaling pa nga ata itong mag-alaga ng bata kaysa sa kanya, eh.

"Ako ba, walang kiss?" anito when Sin was peacefully sleeping again. She just glared at him in response. "Joke lang. Try ko lang kako baka makalusot."

She hid her chuckle well with a scoff and grabbed her bag lying on the couch. They were staying at his condo since it was more convenient than staying in Bulacan. Umuuwi-uwi pa rin kasi ito sa bahay nito para hindi mahalata ng pamilya.

"Tawagan mo na lang ako kapag may problema," bilin niya dito. "May pagkain 'don sa ref and I also pumped enough milk for Sin. Make sure to heat it just right, okay?"

"Yes, ma'an," pabirong sambit nito sabay saludo. He expertly carried their baby with just one hand. "Tumawag ka din kapag kailangan mo ng resbak. Susugod kami ni Sin para ipagtanggol ka."

Again she rolled her eyes to hide her smile.

"I won't need saving. Hindi ako damsel in distress."

"But you're our Queen," nakangusong sambit nito sabay kampay pa ng kamay ng natutulog nilang anak. "Mahal naming reyna."

"Sira," singhal niya dito. "Aalis na ako. Wag mo pagtripan ang bata while I'm away."

"Yes, boss!" Nakangising sambit nito bago siya tuluyang lumabas ng unit nito.

Naging maingat siya sa pagmamaneho patungo sa hotel na pagdadausan ng bachelorette party ni Yoon. Napilitan siyang sumipot doon dahil katakut-takot na death threats ang natanggap niya mula sa kaibigan maging kay Naia. And would you believe, nakisama pa si George.

She liked that girl. Noong una ay hindi dahil ang alam niya'y babae ito ni Jarvis. But it seems like kay Dos pala talaga ito and was just with the guy to slap some sense into that stubborn man's head. She didn't know much but she can guess it's as complicated as all her other friends' love lives.

Si Naia ang tipo ng babaeng matalino pero napaka-takot sumugal. Si Yoon naman ay ang tinatawag na in-denial Queen. Sobrang layo ng nga nito kay George na kung anong gusto ay gagawin ang lahat ng makakaya para lamang makamit iyon.

Some may argue that she's spoiled. But there's clearly nothing wrong with knowing what you want and doing everything you can to get that. Kung lalaki ito ay paniguradong ise-celebrate at hahangaan ito ng iba. He's be seen as a person who's hardworking and determined. Pero dahil babae ito, she'd be viewed as desperate.

Ang sosyodad talaga. Napaka-judgmental pag dating sa mga kababaihan.

Kaya laking tuwa niya nang mabasa sa chatgroup nila ang balita that Dos and George finally reconciled. They're even on talks of going to a vacation dahil iniwan daw ng babae ang lalaki nung mag-isa itong nagbakasyon sa Europa. Hindi niya lubos akalain na matampuhin pala ang supladong Montecillo. He's probably just soft for the stubborn girl.

Naia found her happily ever after. Yoon too is about to get married to her Mr. Perfect. Sobrang saya siya para sa mga kaibigan. They both deserve it after everything they've been through. Siya kaya?

Well, she has baby Sin. He might've came as a surprise pero, tulad nga ng sinasabi ng iba, the best things in life come unexpectedly.

At hindi dahil "Sin" ang pinangalan niya sa anak ay kasalanan na ito. It was more of a metaphor. Because as what our society dictates, having a child out of wedlock is a mortal sin. But her son isn't that. He will never be that.

Just a few minutes away to the venue, bigla ay nag-ring ang telepono niya. It was Georgina. Dahil nagda-drive siya kaya't nag-hands-free siya para masagot ang tawag.

"George?"

"Are you on your way na 'to the hotel?" bungad ng babae. "And wow. You really answered ha. Yoon's making tampo 'coz you never did answer her calls since she gave birth. You didn't even come to greet your inaanaks ha."

"Kakaayos lang 'nung telepono ko eh," pagsisinungaling niya. Apparently, she's good at lying. Or masking her own true feelings. "Nag-explain na ako sa chat. Di pa rin maka-get over, sis?"

She heard George chuckle. Narinig din niyang may nagmura sa background. Nangunot ang noo niya.

"Nandiyan na sina Yoon?" tanong niya dito.

"Nope. That was Uno," pagtatama nito. "She putting up decorations with Kendall at Mara."

Nangunot ang noo niya.

"Mara? Aki's sister?"

"Yup!" excited nitong sagot. She's always like that. "Ayaw niya sana but I convinced her to stay. The more the merrier, right?"

Bigla ay naalala niya si Aki. Kung nabubuhay pa ito, baka madami nanaman itong nasabi dahil panigurado ay magrereklamo ito dahil mauunahan nanaman bago makasal. Or baka nga kasal na ito at si River. Nasaang lupalop nanaman kaya ang lalaking 'yon? She could only imagine the pain he's going through. Arika had been his whole life for years. At sa isang iglap lamang ay nawala ito.

"Hello, Synn? Are you still there? Malapit ka na ba 'coz I'll go down na. I'll make sundo you sa lobby," pukaw sa kanya ng babae.

Isang tipid na 'oo' ang kanyang sinagot bago lumiko sa may entrance ng gusali. Iniwan niya sa valet ang susi at nang makuha na ang kapirasong papel ay pumasok na agad siya sa loob. Luminga-linga siya sa paligit upang mahanap ang kaibigan.

"Synn!"

Agad siyang napaikot at agad na kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ng kaibigan.

George was wearing a skimpy black dress—too long to be a top but too short to be a dress. Bukas din ang likuran 'non na tanging manipis na tali lamang ang dahilan kaya't hindi iyon bumibigay.

But it looked so damn good on her. She only wished she could pull an outfit like that. Hindi lang dahil bagong panganak siya ngunit dahil wala rin siyang confidence magdamit ng ga'non.

"OMG you're finally here!" George exclaimed as she hugged her. "Ang tagal mong hindi nagpakita, ah. Last time I saw you was... um..."

"Arika's wake," dugtong niya dito na ikinatango ng babae. "Na-busy lang talaga ako. Ang daming deadline eh. I tend to disappear often too when I have books to finish."

"Oh? So I'll be seeing new books na sa bookstores with your name on it?" excited nitong tanong.

"Uh... It needs to be approved first, though," alanganin niyang sagot.

Wala kasi siyang bagong librong lalabas. Hindi niya naman pwedeng sabihin na lang bigla na baby yung pinagkaabalahan niya kaya siya nawala ng halos isang taon.

"Ohh! I'm excited! For sure I'll be seeing your book nanaman sa best sellers. Seven gave me a copy of one of your books and I instantly got hooked!"

Natigilan siya nang ma-mention nito si Seven. That kid, really. Lihim siyang napangiti.

"Hindi pa ba tayo aakyat?" pag-iiba niya ng usapan. "Baka papunta na dito si Naia at Yoon."

"I'm waiting for Dos lang," anito and smiled. "I forgot the sashes and Yoon's crown sa condo so I asked him to get it for me."

Napatingin siya dito. And then sa suot nito. Hindi kaya balutin ito ng lalaki ng kumot kapag nakita nito ang suot ng kasintahan?

"Uh..." she said while eyeing her outfit. Napansin naman agad iyon ng babae kaya't ngumisi ito. Ngisi na parang may masamang binabalak. Naningkit tuloy ang mga mata niya.

"Don't worry," the girl said confidently. "I can handle his wrath. I'm intentionally seducing him because he refuses to touch me ever since he discovered I got off my pills a few weeks ago. Masama ba 'yung gusto ko magka-baby na din kami? Naia and Yoon already have babies. I want one too—ay! He's here na!"

Bigla siyang napaharap sa may entrance. Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki nang makita ang kasintahan. George winked at her before running towards to the clearly pissed-off boyfriend of hers.

Natawa siya. That girl is really something. Bigla niya tuloy naalala ang sarili. She too resorted to wicked ways just to get what she wanted. She did get it but, sa pinaka hindi niya expected na panahon at tao pa.

Hindi pagkakamali ang anak niya. Since the day she realized the fact that she'd be alone for the rest of her life, ginusto niya na talaga ang magkaanak. What she didn't expect was it being so soon. She had already gone through some dates pero hindi niya inaasahang dahil sa isang gabing pagpapakawala niya mabubuo ito.

"So, nag-away kayo?" tanong sa babaeng kanina pa nakabusangot habang nakasakay sila sa elevator.

"No," the girl replied bitterly. "Hindi man lang siya nagreact."

Napataas siya ng kilay. Kitang kita niya kanina ang matabang na timpla ng lalaki. She was so sure he'd lash out. Ganon usually ang mga kalalakihan lalo na't medyo provocative ang suot ng babae.

Unless...

Natawa siya. Napatingin tuloy sa kanya si George.

"Why?"

"He knows," aniya. Sakto naman bumukas ang elevator at lumabas sila mula doon. "He knows what you're doing kaya hindi siya nagpapaapekto sa manipulation na ginagawa mo."

George whined. Sakto naman pinagbuksan sila ng pinto ng dalawang nakababatang babae.

"Hi, Ate Synn!" bungad ni Kendall sa kanila. "Ate Naia and Ate Yoon are on their way here na daw. Medyo nahirapan lang sila itakas si Ate from Kuya Inno."

Natawa siya. That guy is totally whipped for her best friend. Kahit pa noon, hindi maitatanggi ang sobrang pagkahumaling nito sa babae. Yoon was just to blinded with her hatred towards the guy kaya hindi nito napapansin ang papansing lalaki.

But all's well that ends well. Masaya na ang dalawa at may bonus pang kambal.

Hindi nagtagal at dumating na rin ang mga hinihintay nila sa silid na inupahan. It wasn't a surprise anymore dahil nga umepal ang asawa ng bride at hindi daw pumayag hangga't di nalalaman ang dahilan ng pag-alis. Inis na inis tuloy si Yoon.

"Just get revenge na lang kapag nag-Stag Party sila, Ate," Kendall suggested in an attempt to make Yoon feel better. "I heard from Box na they're planning to have one. Di ko lang alam when."

"Alam mo, Ate Yoon, iinom mo na lang 'yan," ani Uno na nilapag ang isang bote ng Jose Cuervo sa tapat nito. "Party na!"

Agad namang napatayo si George at si Naia nang sabihin 'yon ni Uno at hinila rin ang babae. Siya naman ay pinlay ang playlist na kanina pa daw pinagiinitan ni Mara. Maya-maya ay may nag-doorbell. Their food was here.

They were playing games and then singing when all of a sudden ay nag-ring ang telepono ni Yoon. It was Inno. Gusto atang makipag-facetime.

"Ano ba 'yan si Kuya Inno!" bulalas agad ni Uno. "Ang clingy!"

"Maybe he just wants to check if Yoon arrived at the hotel in one piece?" ani naman ni Mara who was elegantly seated at one of the chairs while holding her own glass of alcohol.

Napatingin silang lahat dito dahil sa pagkagulat. Inno? Being a normal boyfriend? Mukhang hindi pa nakukwento ng kapatid nito ang totoong ugali ng isang 'yon.

"Or... maybe not?"

"Sagutin mo na lang, Yoon," ani naman ni Naia. "Para matigil na."

Napairap si Yoon bago sagutin ang kasintahan. Kitang-kita niya ang ngisi ni Inosencio mula sa kinauupuan. She was seated beside Yoon.

"Hi, love!" bati nito. Umakto namang nasusuka si Uno sa ka-konrihan ng lalaki. Natawa naman si Mara at George na malapit din sa kanila. "Kamusta party? May mga lalaki ba? Panigurado may maskara yang mga yan. Mahiya sila kasi di nila mapapantayan kagwapuhan ko!"

Halos sabay-sabay silang napairap sa sinabi ng lalaki.

"Yabang mo eh no, Inosencio?" singhal agad ni Yoon dito. "Bakit ka ba tumatawag? Nangangamusta lang? Teka. Bakit parang wala ka sa bahay? Hoy! Asan yung kambal—"

"Relax ka lang diyan, mahal," nakangisi pa ding sambit ng lalaki sa screen. "Okay yung kambal. Inaalagaan ni Tita Saturn yung mga bata. Pati si Mavi."

Agad naman nangunot ang noo ni Naia.

"Mavi? Bakit? Nasaan ang asawa ko?!" ani agad nito at lumapit kay Yoon para tingnan din ang screen.

"Kasama namin," ani Inno sabay pakita sa mga kasamang pinsan. Mukhang naglalakad ito papunta sa kung saan. "O, ayan. Javier, Borromeo, Isidro, Ricardo, Giovanno. Mag-hi kayo sa vlog ko, mga hampas lupa."

But why does the hallway looked oddly familiar?

"Akala niyo kayo lang magpaparty? Ha! Kami din!" dagdag nito. "Susunduin lang namin yung busy magsunog ng kilay sa condo niya. Para kompleto."

Then the video panned towards a door. A very familiar one at that. Biglang kumabog ang kanyang puso.

No. Not this soon—shit!

"Napaaga ka ata ng uwi—kuya?!"

Lahat ng kasama niya ay napasinghap nang bumungad sa kanila ang tanging kulang na Montecillo. Karga ang isang buwang gulang na anak nila.

"Putangina! May anak ka, Severino?!"

Fuck. She's totally fucked.

🌼

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro