Chapter Two
Halos madaling araw na nang matapos ang party sa mansion ng mga Lagdameo kagabi. Thankfully, hindi naman uminom si Kourtney o kung nakatakas man siya'y kaunti lang. She was stone-cold sober nang sunduin kami ni Mang Gener at ibalik sa villa kung saan talagang naghihintay sina Uncle Roy at Mama Nae sa amin sa sala. Sa kanila kasi kami ipinagkatiwala ng aming mga magulang, kaya talagang hindi sila matutulog hangga't hindi kami nakakauwi. Hindi rin naman nila kami tini-text o tinatawagan para sabihing umuwi na, talagang hinintay lang nila kami. Kung ako ang nasunod ay umuwi na kami wala pang alas nueve.
"Caice, gising ka na pala! Halika at saluhan mo na kami, beh!" Masiglang sabi ni Mama Nae nang tunguhin ko ang komedor kung saan nakahain ang inihanda nitong almusal. Alam kong ito ang nagluto ng mga iyon sa paraan ng pagkakasalansan sa lamesa.
Ano nga 'yung sabi ni Tita Chi rito isang beses? She was the epitome of a farm wife. Wala dito sa villa ang hindi nito naaasikaso.
"Si Kourtney ba'y tulog pa?" Si Uncle Roy iyon na nasa kabisera.
"Panigurado," Kade, sitting on his right side, chided.
Magsasalita pa lamang sana ako para sabihin na kinatok ko kanina ang silid ni Kourtney bago ako bumaba ngunit pagalit na ungol lamang ng nadistorbo ang isinagot nito sa akin, binato pa nga nito ng unan ang pinto malamang, pero bigla akong natigilan. I felt a knot form in the pit of my stomach as I realized who was sitting next to Kade.
Si Hans.
Si Hans na naman.
Katulad ulit ng suot niya kahapon ng umaga ang bihis niya ngayon, puting shirt at malamang ay kupasing maong ulit ang pang-ibaba. Hindi rin katulad ng ayos niya kagabi sa party, walang pomada ang kaniyang buhok na malayang inililipad at ginugulo ng preskong hangin mula sa mga nakabukas na naglalakihang mga bintana sa palibot ng komedor.
Hans seemed utterly engrossed in his meal, his focus solely on the food before him. His brow furrowed slightly in concentration as he speared a piece of meat with his fork, parang labis naman ata ang interes niya roon.
Kagabi, matapos niyang i-serve sa amin ni Julian ang ginawang inumin ay hindi ko na siya muli pang nakasalamuha. Naging abala na rin sa pag-asikaso ng iba pang mga panauhin. Ako naman ay naging tutok sa pagbabantay kay Kourtney.
"Tulog pa nga po," sabi ko na lang bago dumiretso sa hapag at naupo sa tabi ni Mama Nae, kaharap ni Hans. Hindi ko tuloy maiwasan na titigan siya.
Agad akong inasikaso ni Mama Nae, naglagay siya ng pancake sa aking plato dahil alam niyang iyon lang ang hilig kong kainin sa umaga. She even lined up the syrups for me, letting me pick my poison for breakfast.
"S-si Thalia po?" Pagbubukas ko ng usapan para lang sadyain na alisin sa aking isipan si Hans. I had know idea why he bothered me this much!
"Sa Monteguerro iyon natulog, mamayang tanghali pa ihahatid." Mama Nae replied. "Nakiusap kasi sa amin iyon kahapon, ayaw na naman humiwalay kay Romee."
"Kung wala akong gagawin mamayang hapon ay ako na lang po ang susundo," Kade said, nilingon si Tito Roy. "Itatanong ko na rin kay Uncle Red ang tungkol sa distilerya para mas mapag-usapan."
"Mabuti pa nga," isang tango ang iginawad rito ni Uncle Roy. When it came to deciding for the betterment of the ranch, malaki ang tiwala ni Uncle Roy sa mga desisyon ni Kade.
Nagpatuloy ang kanilang usapan, nauwi na sa ilang mga gawain sa rancho na kailangan matapos bago pumasok ang tag-ulan.
I found myself stealing glances at Hans whenever I thought he wasn't looking. Involuntary iyon! Tuwing mapapa-angat ang aking tingin mula sa kinakaing pancake ay sa kaniya lumalandas dahil siya ang nasa aking harapan. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay pirmi ang pagkakayuko niya sa kinakain, hindi ko tuloy makuha kung naiirita ba siya o ano.
Ilang sandali pa ay natapos na siya, nauna kaysa sa sinuman sa hapag. I felt a flutter of nervousness in the pit of my stomach as his gaze lifted. At dahil nakatingin ako sa kaniya ay hindi inaasahang nagtama ang aming mga mata. Sa gulat ay bigla akong napagalaw sa aking kinauupuan na siyang agad na nahalata ni Mama Nae kaya napabaling ang atensyon nito sa akin, tapos ay kay Hans. Kung bakit kasi hindi ko magawang iiwas rito ang aking mga mata!
"Siya nga pala, Caice, nakilala mo na ba si Hans?" Marahang tanong nito mula sa aking tabi. "Tumutulong siya kay Uncle Roy mo sa rancho paminsan, kung may libreng oras. Sa ibang pagkakataon naman ay bumababa iyan kanila Exodus kung kakailanganin ng tao doon."
I swallowed hard, forcing myself to offer a timid smile. "Hi,"
Hans's response was minimal, a mere quirk of his lips and a nod of acknowledgment. Ni hindi man lang ginantihan ang bati ko sa kaniya, inalis agad sa akin ang tingin. He took a sip of his water, hindi talaga nagsalita.
Hm. Ngayon mas tumindi ang paniniwala kong narinig niya ang usapan namin ni Kourtney kahapon. Malamang ay iniisip nitong masama akong tao, mapang-uri, matapobre. Of course, he would think that! Kahit pa nga ba si Kourtney ang nagsabi nu'n, ako pa rin ang kausap! Pero bakit ko pa pinahahalagahan ang iisipin niya? Ano naman?
Oh, Caice. You knew deep down you never wanted to hurt someone by word or by any means deliberately.
Ipinasya kong kausapin siya mamaya pagtapos ng agahan. Sa labas siguro bago siya tumulak sa rancho. I really need to apologize. Mali pa rin ang sinabi ni Kourtney.
Ilang sandali pa ay natapos na si Kade, tumayo na ito at nagsabi kanila Uncle Roy ng gagawin. "Ikakarga na namin ni Hans sa truck ang ilang kailangan dalhin sa taas, Uncle."
"Sige, susunod na rin ako sa labas," Uncle Roy tossed a key to Hans na siyang agad nitong nasalo. "Dalhin mo ang pulang jeep sa likuran, Hans. Kay Kade na ako sasabay."
Tumango siya kay Uncle Roy at magalang na nagpaalam kay Mama Nae nang hindi man lamang ako binabalingan ng tingin. Not that it was necessary, pero 'di ba?
Binilisan kong kumain, halos sabay na akong matapos kanila Mama Nae at Uncle Roy kahit pa nauna ang mga ito sa akin. Tutulong sana ako kay Mama Nae na magligpit ng mga pinagkainan namin ngunit binawalan na ako nito dahil sila na daw ni Uncle Roy ang gagawa nu'n. Sanay na kami na palagi silang ganyan, hindi tutulak ng rancho si Uncle Roy ng hindi tinutulungan si Mama Nae.
I hurried into the patio, doon ay naabutan ko si Hans na nasa loob na ng pulang jeep. The engine rumbling to life as he prepared to leave for the ranch. Nakababa ang bintana nito kaya nang tawagin ko siya ay narinig niya ako, huminto siya sa akmang pag-alis.
"Hans," sabi ko bago maglakas loob na lumakad patungo sa jeep.
He turned to look at me, his expression unreadable. Ayan na naman ang ganyang paninitig na hindi ko mawari kung anong kakaibang kaba ang dinudulot sa akin.
Luminga akong bahagya sa paligid nang hindi naman siya magsalita. "Si Kade?" Sabi ko na lang, hindi ko kasi alam kung paano magsisimula.
"Kumuha ng damit pamalit sa silid niya," tugon niya sa buong buo at mababang tinig.
I opened my mouth to speak, but no words came out. I felt tongue-tied, my mind racing as I struggled to find the right thing to say. Nagmumukha tuloy akong tanga.
The silence stretched on between us, thick and suffocating.
"May kailangan ka pa ba?" He asked, ang mga kamay ay nasa manibela na.
"I... I just wanted to say... I'm sorry for what Kourtney said yesterday," I mumbled. Hindi ko na siya matignan ng diretso sa hiya.
For a moment, there was silence, broken only by the distant hum of the engine and the sound of my own racing heart. I glanced up at him, searching for any sign of emotion on his face, but there was nothing—no anger, no hurt, no anything. It was as if he had become a statue, cold and unyielding. Ganito ba talaga siya?
He nodded, a curt and final gesture. "Mauuna na ko,"
Iyon lang? Iyon lang ang sasabihin niya sa akin?
Pero ano nga ba ang gusto kong marinig mula sa kaniya? Ayos lang? Eh, hindi naman talaga ayos ang asta na iyon ni Kourtney! Nadismaya akong bahagya sa naging tugon niya. Baka naman ganitong klase lang talaga siya. Hindi pala imik, hindi pala kibo.
Marahil nga.
Tumango na lamang ako at wala ng nagawa kundi panuorin siyang magmaniobra, pulling away from the curb. Baka sadyang masungit lang siya, 'di kaya?
Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na muling naabutan si Hans sa villa, hindi na siya sumasabay ng almusal o tanghalian. Alam ko lang na tuloy siya sa pagttrabaho sa rancho dahil paminsan-minsan ay nababanggit ni Uncle Roy sa ialng mga usapan sa hapag.
I didn't understand why I felt a bit disappointed for not seeing him around. Dapat ay wala naman akong pakialam. Hindi naman magkaibigan na dalawa. Isa pa'y suplado siya! Masungit! Hindi ko gusto ang ganyan.
"Bored, aren't we?" Tukso sa akin ni Kade isang tanghali nang maabutan ako sa patio na nagbabasa ng Persuasion, kita ko pang tumaas ang kaniyang kilay nang masulyapan ang binabasa ko. Alam niya kasing pang ilang ulit ko na ito.
Napalabi ako bago kumibit ang aking mga balikat. "Tulog pa si Kourtney, eh. Wala akong magawa."
"Sama ka sa'kin sa rancho, gusto mo? Mangabayo ka," he offered, pabalik na kasi siya sa rancho matapos magpalit ng damit na halos puro putik na. Narinig ko ang kuwento niya kay Mama Nae kanina na maging ang dala niyang pamalit sana ay nadungisan matapos pakalmahin ang ilan sa mga nagwawalang kabayo sa stable.
Agad ako tumalong pababa mula sa marmol na hamba. "Sige! Pero hindi ba ako makakaabala sa mga trabaho niyo doon?"
Ewan pero excited akong sumama kay Kade pabalik sa rancho.
"Hindi," kumunot ang noo niya. "Mamamasyal ka naman, 'di mo naman kami papanuorin."
Gusto ko lang naman makasiguro. Ngumiti ako kay Kade at masayang tumango. "Okay, sasama ako!"
"May riding boots ka ba?" Tanong niya.
Umiling ako dahil kaunti lang ang baon kong mga gamit. "Titingin na lang ako sa silid ni Tita Chi sa itaas,"
"Hintayin kita dito,"
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, mabilis akong umakyat at nagpalit ng pantalong maong at abuhing polo shirt. Itinali ko rin ng maayos ang mahaba kong buhok para hindi sasaboy sa aking mukha, mahangin kasi panigurado sa rancho. Matapos kong kunin ang isa sa mga riding boots ni Tita Chi ay bumaba na ako.
As Kade and I drove to the ranch, I couldn't contain my excitement. It had been far too long since I last rode a horse. Yeah, that must be it. Kaya ako excited ay dahil doon.
"Can't wait to get back in the saddle,"
Kade chuckled, shooting me a sideways glance tapos ay muling binalingan ang daan. "I can tell. You've been practically bouncing in your seat since we left."
Natawa naman ako sa napansin niya. Sa aming magpipinsan ay kay Kade at Kourtney ako mas malapit, dahil na rin siguro sa halos magkakapareho lang kami ng edad. "It's been too long since I've been out here."
"Ikaw lang naman kasi ang hindi bumibisita. Palagi lang namang narito ang rancho, Caice." May hinampong sabi ni Kade.
"Now you sound more like Uncle Roy," biro ko.
Marami nga ang naipagkakamali itong anak ni Uncle Roy at hindi ni Uncle Kurt, lalo pa't mas kuha ni Kade ang hulma ng mga De Salvo, mestisuhin na asul ang mga mata.
The ranch came into view, sprawling fields stretching out as far as the eye could see, punctuated by the occasional clump of trees and the sturdy buildings of the homestead. It was a sight that never failed to stir something deep within me, tuwi ay papasok sa aking isipan ang alaala ng aking pagkabata. Dito kasi kami madalas, naglalaro, nagtatakbuhan, nangangabayo o kung ano pang maisipan naming gawin.
We pulled up to the stable, and I practically leaped out of the car. Doon na ako binaba ni Kade, siya ay nanatili sa sasakyan dahil didiretso siya sa farm tiyak ko.
"Dumas," tawag niya sa namamahala sa stable. "Pakiasikaso si Caice, bigyan mo ng isa sa mga kabayo ni Uncle Vince sa loob."
"Sige, Kade, ako na ang bahala." Nakangiting sabi ng tinawag niyang Dumas. "Si Meadow na lang ang ibibigay ko,"
Tumango si Kade bilang pag-apruba sa sinabi nito, tapos ay binalingan ako. "Sa farm muna ako, Caice. Kung may kakailanganin ka, doon mo na lang kami puntahan ni Uncle Roy."
"Thank you, Kade!" Nakangiti kong sabi bago sumunod kay Dumas nang igiya ako nito papasok ng stable.
Malaki ang kuwadra, maraming mga kabayo ang nasa loob. Ang alam ko'y anim sa mga kabayo ni Dad ang nasa pangangalaga ni Uncle Roy dito sa rancho. Marami pa iyon dati kaya lang ang ilan ay namatay na sa katandaan.
"Ito po, Señorita Caice," Dumas pulled the magnificent Arabian chestnut mare from its quadrant, and my eyes widened in admiration at the sight of the graceful animal.
Her coat shimmered in the sunlight, her mane flowing like silk as she moved with effortless grace. Sobrang ganda at sobrang lusog!
"Wow, she's beautiful," I remarked, unable to tear my gaze away from the mare.
Dumas smiled proudly, a hint of shyness in his expression as he led the horse towards me. "Oo, Señorita Caice, ito po ang pinakamagandang kabayo dito sa rancho. Si Meadow."
Nilapitan ko ang kabayo at bahagyang ngumiti kay Dumas, medyo nailang kasi ako sa tawag niya sa akin. "Thank you, Dumas. But please, just call me Caice. I'm not really comfortable with the titles."
Alam ko naman na gumagalang lamang ito, pero hindi kasi ako sanay sa ganyan. Isa pa'y kay Kade nga ay Kade lang ang tawag niya. Ganoon na lang rin sana sa akin.
"Ay, pareho naman po pala kayo ni Kade," nahihiyang ngumisi ito, napakamot ng ulo. "Si Señorita Kourtney ho kasi ay iba."
I rolled my eyes. Of course! Kourtney and Kade were twins, but they were as different as night and day.
Dumas began to saddle up Meadow, pinanuod ko itong maigi. May katagalan na rin kasi simula nang huli kong sakay sa kabayo.
Sinigurado ni Dumas na lahat ay nasa ayos at safe na sakyan si Meadow bago ako balingan. "Ayos na ito, Caice. Puwede mo na siyang sakyan."
With a quick thank you to Dumas, I hoisted myself into the saddle, adjusting the reins in my hands as I settled into position. Kahit naman matagal rin akong hindi nakapangabayo ay kabisado pa naman ng katawan ko ang galaw sa ibabaw. I knew I wouldn't fall.
Meadow shifted beneath me, her movements fluid and controlled as she responded to my touch. I could feel the power and strength of her muscles rippling beneath her sleek coat, para bang kinikilala ako nito.
With a gentle nudge of my heels, I urged Meadow forward, kaya nagsimula na itong maglakad palabas ng stable. Kinawayan ko si Dumas. "See you later, Dumas!"
"Ingat, Caice!" Kaway nito pabalik.
The wind whipped through my hair, the rhythmic pounding of Meadow's hooves against the earth echoing in my ears as we galloped across the open plains. Mabuti talaga at tinali ko ang buhok ko.
For a brief moment, all thoughts of the outside world fell away, wala akong ibang naiisip kundi ito lang, ang ginagawa ko ngayon at kung gaano kaganda ang bawat sulok ng rancho.
When they entrusted Uncle Roy with full control of the ranch, they made the right decision. Alam nito kung paano pangalagaan ang buong Soledad, and it was important dahil ito mismo ang puso ng buong angkan naming mga De Salvo. This ranch would forever remain our shared heritage.
The vast expanse of Soledad stretched out before me, a patchwork of green pastures, rolling hills, and clusters of trees. It was a sight that never failed to captivate me, reminding me of the beauty and resilience of this land that had been in our family for generations.
Bumaba pa kaming lalo ni Meadow sa field kung saan nadaanan namin ang ilang mga masisipag na ranchero, they were tending the crops at hindi alintana ang mainit na sikat ng araw. Mabuti na lang talaga at mahangin rin dito sa rancho.
Tiningala kong saglit ang kalangitan at natanto ang unti-unting pagbaba ng araw, it casted long shadows across the landscape. Mas nagpatuloy pa ako sa ginagawa kong paglilibot. Here, nestled among the trees, stood the old hacienda, its weathered walls bearing the scars of time. Doon dati nakatira si Lolo Lucas bago niya ipinasyang mamalagi na sa Spain. Ang alam ko'y ipapaayos iyon ni Lolo Brad para doon na sila ni Lola Cam mamamalagi after ng retirement niya.
Iginiya ko si Meadow papasok sa courtyard. I couldn't help but marvel at the beauty of the architecture, the intricate carvings and wrought-iron details, nagtataglay ang mga iyon ng kuwento ng nakalipas.
Kahit saan ako magpunta ay nasasamyo ko ang mababangong bulaklak, pinuno ni Uncle Roy ng iba't ibang klaseng bulaklak na puwedeng itanim at pangalagaan sa klimang meron ang Pilipinas itong buong rancho, kung kaya natural ang lahat ng narito.
Hindi naman magulo ang aking damdamin pero para bang napayapa ako sa munting pasyal na ginawa ko. I knew that this ranch would always be a constant in my life, our lives. Alam kong maging ang mga pinsan ko ay ganoon ang nararamdaman sa lugar na ito. It wasn't just me.
Halos isang oras rin akong naglibot-libot sa rancho nang maisipan kong magpahinga. Saktong malapit lang naman sa huli kong pinasyalan ang kubo ni Nanay Inez, isa sa mga matatagal ng katiwala ng rancho. Doon rin ang pahingahan ng mga ranchero, madalas na nanananghalian ang karamihan sa mga ito sa kubo. Niyuko ko ang aking relong pambisig, halos alas dos na ng tanghali, malamang ay wala na masyadong tao roon dahil tapos na ang kainan. Kung meron man ay si Nanay Inez na lang siguro.
As I approached the kubo, I frowned when I heard giggles coming from the vicinity. Nakakainis! I thought I would have some peace and quiet here. Pero bakit may ganito? Hindi ako masungit na tao pero nairita akong bigla sa hagikgikan.
I tied my horse to the nearby tree and cautiously made my way closer. Hahanapin ko sana si Nanay Inez para humingi ng tubig for Meadow, but something inside me felt suddenly off, annoyed even.
My frown deepened when I saw Hans sitting at the long table just outside the kubo, surrounded by three girls. Sa lamesang iyon madalas nagsasalu-salo ang mga ranchero tuwing tanghalian, pero sa nakikita ko'y wala namang ibang ranchero doon. Siya lang.
They were all laughing and chatting animatedly, hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila at nasisiguro ko rin na hindi ako interesadong alamin. Parang wala silang pakialam sa mundo. Ewan ba bakit bigla akong nainis, lalo pa nang makitang tatawa-tawa si Hans. Marunong pala siya nu'n? Bakit sa akin ay panay ang pagsusungit niya? Ni hindi ko nga inasahan na nakikipagkuwentuhan pala siya? Ang akala ko'y para lang siyang si Uncle Red, tipid sa salita.
Napanguso pa ako nang mapansin na wala siyang suot na pang-itaas, his bronzed skin glistening with sweat and dirt pero hindi naging sapat iyon para pandirihan at layuan siya ng mga nakapaligid sa kaniya. Mukhang mas gusto pa nga nila iyon, eh. Marumi!
His muscles flexed as he reached for his food, the sinews beneath his skin rippling with every movement. He looked every bit the rugged ranch hand. Ito namang tatlong babae, wala ring pakialam kung makaabala sila sa pagkain ng isa.
Hay, landi.
I cleared my throat, trying to get their attention. Unang nag-angat ng tingin sa akin si Hans, mukhang hindi naman siya nabigla na narito ako sa rancho. Siguro ay sinabihan na ni Kade.
The girls around him straightened their stance and greeted me. "Magandang tanghali po, Señorita Caice."
Halos sabay-sabay pa sila. I didn't like being putting a title before my name, pero hinayaan ko sila. Hindi ko sinaway. Ang akala ko'y aalisin na ni Hans ang tingin niya sa akin kagaya ng ginagawa niya sa ilang engkwentro namin, but I was wrong. Hanggang ngayon kasi ay nakatitig pa rin siya sa akin.
"Good afternoon," ganting bati ko sa kanila, sandaling sinulyapan bago muling ibalik ang tingin kay Hans. "I'm looking for Nanay Inez. Do you know where she is?"
One of the girls, with dark hair tied in a loose bun, spoke up. "Umuwi po si Nanay sa kanila para makapagpahinga, Señorita,"
Tumango ako, bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ng katabi nito.
"May kailangan po ba kayo, Señorita?"
I twitched my lips into a half-smile. Hindi rin ako kumportable na nag-uutos kung kaya ko namang gawin, pero imbes ako na lang ang kumuha ay naupo ako sa bangkong kaharap ni Hans. "A glass of water would be nice," totoong pumunta naman ako rito para uminom ng tubig. Hindi iyon pagsisinungaling! "And also, if you could give Meadow a drink of water. Mainit kasi, siguradong uhaw na rin siya."
The girls nodded eagerly, sabay-sabay na tumalima sa aking sinabi. "Opo, Señorita. Kami na po ang bahala kay Meadow."
As they disappeared into the kubo to fetch the water, I turned my attention back to Hans, who was watching me with unreadable expression. Pilit ko man unawain ang paraan ng paninitig niya sa akin ay nabibigo ako.
Siya ngayon ang naunang magbaba ng tingin, hindi pa rin nagsasalita. I watched Hans continue eating with his bare hands, tapos ay bigla akong nagutom kahit pa kumain naman ako ng tanghalian.
I glanced down at his plate, taking in the sight of perfectly cooked rice, grilled fish adorned with ripe tomatoes and slices of salted egg. My stomach rumbled in protest. Damn! Gusto ko rin!
Hans seemed to sense my gaze on him, lifting his head slightly to meet my eyes. For a moment, our gazes locked in a silent exchange, his expression inscrutable and unreadable.
Ang akala ko'y may sasabihin siya, o 'di naman ay iimbitahin niya akong kumain rin. But instead, he simply continued eating, his movements deliberate and unhurried.
I watched in silence, unable to tear my eyes away as he picked up a piece of fish with his fingers, tearing off a small portion tapos ay dadalhin niya iyon sa kaniyang bibig. I couldn't help but notice how his tongue darted out to lick the corner of his mouth, capturing any stray juices that threatened to escape. The sight was strangely mesmerizing, the way his lips parted slightly to accommodate the food, the way his tongue moved... Sinasadya niya ba 'yan? Ganyan siya kumain? Parang nasa commercial?
I tore my gaze away, feeling a flush of heat creep up my cheeks. Bigla kasing kung ano ang pumasok sa isip ko lalo pa't wala siyang suot na pang itaas.
Kung anu-ano kasi ang binabasa mo, Caice!
Pasimple kong pagalit sa aking sarili.
I shifted uncomfortably in my seat, suddenly aware of the gnawing hunger in my stomach and the awkwardness of the situation. I glanced around, hoping to distract myself from the overwhelming urge to reach out and grab a bite of his food.
Agawin ko talaga 'yan, sabihin niyang tagal!
Muling bumalik ang tatlo dala na ang tubig ko, ang dalawa naman sa kanila ay tinungo si Meadow sa ilalim ng puno para painumin.
"Ito na po, Señorita Caice," magalang na sabi ng isang naiwan. Medyo nakakahiyang hindi ko siya kilala. Pero ano ba? Eh, hindi naman ako madalas dito.
"Salamat," sabi ko sabay abot ng baso para uminom. Uhaw na uhaw rin talaga ako.
Ang akala ko'y aalis na ito, pupunta kung saan, maghuhugas ng mga plato sa loob ng kubo na base sa pagkakasilip ko mula sa nakabukas na pinto ay sandamakmak. Ngunit hindi, sa halip ay naupo ito sa tabi ni Hans. Masyadong malapit kung ako ang tatanungin.
"Ano? Makakasama ka ba kaya sa amin nina Crista mamayang gabi sa sayawan? Sa San Jose lang naman iyon," malambing masyado ang tinig nito. Kairita!
Pasimple kong sinulyapan si Hans na hindi naman nilingon ang nagsalita.
"Hindi siguro, Geraldine," mariin niyang bigkas sa pangalan nito. Bakit ba parang sinadya niya iyong iparinig sa akin para malaman ko ang pangalan ng nag-abot sa akin ng tubig? Hm, ako lang siguro ang nag-iisip niyan. "May trabaho pa ako mamaya, eh."
"Trabaho ulit?" Tunog reklamong sabi nung Geraldine.
Ano ba sila? Girlfriend niya ba 'yan? Bakit parang galit na hindi mabigyan ng oras? Kung bigyan mo kayang relo 'yan!
Hindi kinibuan iyon ni Hans, tuloy lang sa pagkain na halos patapos na rin naman.
"Sa susunod kaya, puwede na?" Pilit pa rin nung Geraldine. Ano ba itong isang 'to? Sarap utusan na maghugas ng pinggan, eh! Dami kayang nakatambak sa loob.
Tumikhim ako, baka lang kasi nakakalimutan nilang hindi lang sila ang tao dito. Nilingon ako ni Geraldine bago nahihiyang ngumiti. Si Hans naman ay wala lang pakialam. Tapos na siyang kumain kaya tumayo na siya para ipasok sa loob ang pinagkainan.
My eyes involuntarily darted to his exposed torso, the sight of his bare skin sending a jolt of awareness through me. His jeans rode low on his hips, revealing a glimpse of his toned abdomen and the faint outline of his hip bones.
Gusto kong mag-iwas ng tingin pero ayaw umalis ng mga mata ko doon!
I couldn't help but admire the defined lines of his physique, the way his muscles rippled beneath the surface with every movement. His shoulders were broad and well-defined. Hindi na iyon nakapagtataka, matinding pisikalan ang trabaho sa rancho at nasisiguro kong hindi lang ito ang ginagawa niya. Nasa party nga siya kagabi, 'di ba? Bartender.
Despite the dirt and sweat that clung to his skin, hindi pa rin siya nagmukhang nakakadiring dikitan. Mukhang gusto pa ngang magpayakap ni Geraldine, 'di ba?
Locket!
Iyon ang nakasabit sa necklace niya.
Sandaling pumasok sa kubo si Hans, sinundan naman siyang agad ni Geraldine. Rinig kong ang sayawan pa rin sa San Jose ang binabanggit nito. Wala namang naging dagdag na sagot doon si Hans bukod sa sinabi niya na kanina.
Nang muling lumabas ang dalawa ay nakasuot na ng puting t-shirt si Hans, dinampot niya lang ang baso ng tubig sa lamesa at inisang tungga iyon bago magpasalamat kay Geraldine at sa dalawa pang nag-aasikaso kay Meadow pero nakalingon sa amin nang mapansing aalis na si Hans.
Akala ko'y hindi talaga siya mamamansin, kaya naman nabigla pa ako nang yukuin niya ako ng tingin at magalang na nagpaalam.
"Babalik na po ako sa farm, Señorita Caice." Buong-buo ang tinig niya, medyo paos pa nga sa bahagi kung saan sinabi niya ang aking pangalan.
Tumango na lamang ako, hindi ko kasi gustong magsalita lalo't hindi ko alam paano siya pakikitunguhan. Lalo na't ito ang unang pagkakataon na binanggit niya ang pangalan ko. Bakit parang iba ang tunog kapag siya ang nagsabi?
And damn!
I loved it when he called me Señorita!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro