Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three


Nang sumunod na araw ay muli akong sumama kay Kade sa rancho matapos mananghalian. Sa kwadra niya ulit ako ibinaba. Gusto ko ulit kasing mamasyal at mangabayo, lalo pa't itinulog na naman ni Kourtney ang buong maghapon. Puyat kasi iyon kagabi, may kung anong pinanuod na panibagong series.

"Caice! Ang ganda naman kung araw-araw ay bibisita ka dito sa rancho," si Dumas iyon, feeling close na. Akala mo'y hindi kami kahapon lang nagkakilala. "Si Meadow ba ulit?"

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Magandang tanghali, Dumas. Oo sana, eh. Ayos ba siya ngayon? Hindi ko naman ba siya napagod ng husto kahapon?"

"Hindi, ayos nga 'yun. Sa dami ng mga kabayo dito sa kwadra, may ilan na bihirang mailabas. Malibang aakyat rito si Thalia at iba mo pang mga pinsan."

"Kung ganoon ay sige, pakikuhang muli si Meadow. Papasyal lang kami sa palibot ng rancho," pakiusap ko kay Dumas. "Kung hindi rin kami masyadong gagabihin ay gusto ko pang akyatin ang peak,"

"Walang problema, Caice. Maganda naman ang kondisyon ni Meadow, kayang kaya niya ang pasyal na gusto mo." Tumalima na si Dumas, muli siyang pumasok sa kwadra upang kunin ang kabayo. Susunod na sana ako nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.

"Kapag si Dumas ay payag kang pangalan lang, sa iba'y kailangan ng titulo."

Napasinghap ako sa sinabing iyon ni Hans. Alam kong narito siya ngayon sa rancho, but I hadn't expected to see him here in the stables. Biglang sinalakay ng kakaibang kaba ang aking damdamin nang dahan-dahan ko siyang lingunin, there he was, shirtless and dirty, his presence sending my heart into a frenzied rhythm. Kung bakit ay hindi ko masagot.

Muli ay hindi ko na naman matanggal ang aking mga mata sa kaniya. He was rugged and raw, his body glistening with sweat in the afternoon sun. His boots were caked with mud, kita mo talagang mabigat ang trabaho dito sa rancho.

But it was his jeans, riding low on his hips, that drew my attention the most.

My gaze lingered on the tantalizing glimpse of skin that peeked out from beneath the denim, the curve of his hips leading down to where the fabric strained against the outline of his sex lines. Kung magiging magkaibigan kami ay reregaluhan ko siya ng sinturon!

Napalunok ako, pilit na hinahamig ang aking sarili dahil kung saan saan na naman lumilipad ang aking isipan. It was wrong to feel this way, to be drawn to him, lalo't hindi ko naman siya kilala bukod sa pangalan.

"Magandang tanghali, Señorita Caice," bati niya sa akin, may lihim na insultong nakapailalim sa kaniyang ngiti bago ako lagpasan. Tinungo niya rin ang papasok sa stable kaya sinundan ko siya.

Ano nga 'yung sinabi niya kanina? Na kay Dumas pumapayag akong pangalan lang ang itawag sa akin? Bakit? Sinabihan ko ba siyang tawagin akong Señorita? Siya naman ang may gusto niyan! Hindi lang ako nagreklamo at hindi ko siya itinama dahil gusto ko ang paraan ng pagtawag niya sa akin ng gano'n. Si Dumas ay hindi naman!

Teka?

Ipinagkakamali niya ba iyon sa kung ano?

"Caice, naayos ko na ang saddle ni Meadow," sabi agad ni Dumas nang makita ang aming pagpasok.

Tinignan ko siya sandali at inestima. Maayos naman ang itsura nito, matangos pa nga ang ilong, kayumanggi ang balat at may katamtamang taas. Mas matangkad sa akin ng bahagya, pero maliit kung ikukumpara kay Hans.

"Thank you, Dumas," nginitian ko siya ng tipid.

Imbes ano pa man ay si Meadow na lang pinagtuunan ko ng pansin. I thought I heard a scoff from behind me, but when I glanced over my shoulder, Hans was already busy checking on the other horses. Maybe it was just my imagination playing tricks on me.

I focused on securing the saddle on Meadow's back, making sure it was snug and secure before I mounted her. Once I was settled in the saddle, Dumas approached me again, a hopeful look in his eyes.

"Gusto mo ba ng kasama mag-ikot sa rancho, Caice?" Maingat nitong tanong. "May alam akong daan patungo sa peak nang hindi ka gagabihin sa pagbaba."

I hesitated for a moment, considering his offer. It would be nice to have some company, especially since I was still feeling a bit unsettled. Baka kasi kapag ako lang ay maya't mayain ko ang balik sa kubo sa hindi malamang kadahilanan. Ano naman kung puwedeng pumunta roon si Hans at mag meryenda kasama sina Geraldine ba 'yun? Pake ko naman!

"Hindi ba makakaabala sa trabaho mo?" I looked around the stable, hindi lang naman si Dumas ang tauhan roon. May dalawa pang mas nakatatanda tapos ay si Hans.

Umiling siya. "May isang oras naman akong break,"

"Oh, eh, dapat ginagamit mo iyon para magpahinga."

"Ayos lang, gusto ko rin sanang mangabayo. Pero kung hindi okay sa'yo ay hindi na ako mamimilit."

Mabait naman si Dumas, magalang rin. Though, medyo ginulat niya ako sa lakas ng loob niyang lapitan ako ng ganito. Nasisiguro kong hindi nito iyon magagawa kay Kourtney.

"Sige," tumango ako. Tama rin naman, hindi ko gustong gabihin pabalik sakaling tutunguhin ko ang peak. Medyo hindi ko na rin kabisado ang daan kaya't kung ako lang ay baka maligaw pa ako. "Kung hindi naman makakaabala sa trabaho mo ay payag ako."

Dumas grinned in response, halatang nasiyahan sa naging desisyon ko. Kumuha siya ng isa sa mga kabayo sa kwadra ni Uncle Kurt at iyon ang sinakyan. He gestured for me to follow him as he led the way out of the stables, his strides confident as he walked beside me.

Hindi ko na muling nilingon pa si Hans kahit pa ramdam na ramdam ko ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin.

Tama si Dumas, ang alam niyang daan patungo sa tuktok ng buong hacienda ay mas madali at hindi aabutin ng dilim sa pagbaba. Masaya rin kasama si Dumas, marami siyang kuwento na nakakatawa. Nalaman ko rin na kahit paano ay malapit sila ni Kade, pero hindi na ako nagtaka doon dahil mabait naman ang pinsan ko. Kahit saan mo iyon ilagay ay magiging kaibigan siya ng lahat.

"Hala! Baka hinahanap ka na sa kwadra," nag-aalalang nilingon ko si Dumas.

Hindi na kasi namin namalayan pa ang oras, medyo napasarap ang kuwentuhan naming dalawa. Isang oras lang ang break niya at alam kong lumagpas na kami sa isang oras na nakatanaw lang sa malawak na lupain mula sa peak.

"Ayos lang, kung hinahanap ako ay tinawagan na akong agad ni Tatay Celso. Wala naman, palagay ko'y kaya naman na nina Hans ang mga gawain sa baba. Natapos ko naman ng halos ang iba sa mga iyon kaninang umaga," medyo mahaba niyang paliwanag kasabay ng pagak na tawa.

I had no idea how they work down there, pero hindi ko naman gustong mapagalitan siya ng dahil sa'kin. "Tara na, bumalik na tayo."

"Sigurado ka ba?"

Parang ayaw pa niya. Ayaw ko pa rin naman sana dahil talagang maganda ang tanawin mula rito sa tuktok, kaya lang hindi rin naman maganda kung papaalisin ko na siya kaya sasabayan ko na lang rin siyang bumaba. Puwede naman akong bumalik dito bukas, alam ko naman na ang daan.

"Oo, medyo mainit na rin kasi." Pagdadahilan ko. In truth, the heat was starting to get to me a little, but it was a small price to pay for this magnificent sight of the entire Soledad.

I took one last look at the breathtaking view from the top of the hill. The landscape stretched out before me, bathed in the warm glow of the setting sun, painting the sky in hues of orange and pink. Ayaw ko nang alisin ang aking mga mata doon. Hay, babalik talaga ako bukas.

With that, I turned my horse away from the view and began to make my way down the hill, agad namang nakasunod sa akin si Dumas. Marami pa kaming naging usapan ni Dumas habang binabaybay ang daan pababa, pabalik sa kwadra.

Nalaman kong dalawang taon lang ang tanda niya sa akin, kaedad siya ni Icen. Naikuwento niya rin ang balak niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa susunod na taon na agad ko namang sinuportahan. He was eager to apply for scholarship under De Salvo Foundation, sina Tita Moana at Mama Nae ang nangangasiwa no'n. Ang alam ko'y ino-offer rin nila ang assistance na iyon sa mga trabahador o anak ng mga trabahador sa rancho, hotel at distilerya.

"Hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan," I smiled, encouraging him to pursue his studies.

"Magaling na rin naman si Itay ngayon, kaya siguro kaya ko nang magpatuloy."

I could still sense hesitation in his voice. Nagkasakit kasi ang ama ni Dumas at kinailangang operahan, walang ibang puwedeng makapag hanap buhay para sa kanilang pamilya kundi siya kaya naman ipinagpaliban niya na muna ang kolehiyo. Uncle Roy helped their family with medical expenses, pati ang sa pang-araw-araw na pangangailangan ay hindi rin ipinagkait sa kanila. Malaking pasasalamat nila dahil hindi mahigpit at makatao ang pamamahalang meron ang rancho. Sabi pa nga ni Dumas ay kinausap siya ni Uncle Roy na huwag nang tumulong sa rancho at tanggapin na lamang ang munting tulong na ibibigay nito sa kanila hanggang sa gumaling ang kaniyang ama para hindi na niya kailangan pang tumigil sa pag-aaral, kaya lang para sa kaniya ay labis na iyon. Nahihiya na siya at hindi niya gustong abusuhin ang kabaitan nito.

"Ano namang kurso ang balak mong kunin kung sakali?" Dahan-dahang kong hinihila ang renda ni Meadow dahil baka dumausdos kami kapag nagmadali ito sa pagbaba.

"Accounting sana. Mahusay kasi ako sa numero,"

"Hm," nilingon ko siyang bahagya. "Kahinaan ko 'yan."

"Ikaw? Anong kurso ba ang kinukuha mo?"

"Marine Biology," sabi ko. "Gusto sana ni Daddy na business course ang ipakuha sa akin, kaya lang wala akong hilig sa ganoon. Ayaw ko rin humawak ng kahit anong posisyon sa hotel sa kalaunan. Maswerte na lang ako na hindi na niya ako pinilit nang minsan kong tanggihan ang suhestyon niya."

Papalapit na kami sa stable at hindi na nakasagot pa sa akin si Dumas dahil agad kaming natanaw ng tinatawag niyang Tatay Celso. Nakasimangot ito sa kaniya, mukhang kanina pa nga siya hinihintay na makabalik.

"Isang oras lang ang pahinga mo, Dumas!"

I turned to him, and he grinned sheepishly.

"Pasensya na, Tay! Napasarap ang kuwentuhan namin ni Caice sa tuktok ng burol, eh. Itinuro ko ho sa kaniya ang daan para bukas ay alam niya na."

"Sorry po, we lost track of time." Nahihiya kong sabi kay Tatay Celso.

Binalingan naman ako nito at nginitian. "Naku! Señorita Caice, wala ho iyon. Ito lang kasing si Dumas ay hindi marunong magpaalam ng maayos!"

Agad na nitong inutusan si Dumas na bumalik sa kuwadra dahil may ilang mga kabayo pa ang hindi napapakain. Ako naman ay bumaba na rin sa kabayo, balak ko sanang maglakad lakad na lang sa paligid at pagpahingahin na lang muna si Meadow para sa nakaplano kong pamamasyal bukas.

Papasok na rin sana ako sa stable when my eyes caught sight of Hans just outside, busying himself with bathing one of the horses. Katulad ng ayos niya kaninag umaga, wala pa rin siyang suot na pang-itaas! The droplets of water from the hose he wielded glistened under the sunlight as they cascaded down his muscular form.

Kalkulado ang bawat galaw niya, alam na alam ang ginagawa. There was something captivating about the way Hans moved, a raw and rugged energy that seemed to emanate from him effortlessly. Nakakainis lang dahil tuwina lang, kahit hindi ko naman siya gustong pagmasdan o panuorin ay iyon ang malimit na nangyayari.

With a shake of my head to clear my thoughts, I continued toward him, leading Meadow by the reins. Agad na umangat sa akin ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang aking paglapit. Kahit anong pilit ko siyang basahin ay hindi ko magawa, kagaya ng hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa kaniya. Palagi na lang ganito.

"Hi," panimulang bati ko sa kaniya.

Hans nodded in acknowledgment, the corner of his lips quirking up in a half-smile. Kaya lang hindi siya nagsalita, muli lang binalikan ang ginagawang pagpapaligo sa kabayo.

I couldn't understand why, but I wanted him to talk to me. Kagaya kung paanong kinakausap ako at pinagtutuunan ng pansin ni Dumas at ng iba pang mga tauhan dito sa rancho. Hans was different. Wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam sa akin.

I glanced down at Meadow's muddy feet, frowning slightly. Pakiramdam ko ay hindi tama, pero sigurado akong kakausapin niya ako kung uutusan ko siya. "Puwedeng kapag tapos ka na dyan ay si Meadow naman ang isunod mo? Kahit ang mga paa niya lang ang hugasan mo kung hindi pa schedule ng pagligo niya."

Ang alam ko kasi ay every two to four weeks naliligo dapat ang mga kabayo, palagi lang dapat silang lilinisan. Kagaya ng ganito, marumi ang mga paa ni Meadow dahil medyo maputik sa dinaanan namin kanina mula tuktok pababa.

Hans followed my gaze, bahagyang tumango ngunit hindi pa rin nagsalita. Siguro'y mahal ang bayad sa bawat salitang lalabas sa kaniyang mga labi.

Napaatras ako nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakatalungko, sandaling inihinto ang ginagawang pagpapaligo sa kabayong nasa harapan upang si Meadow naman ang pagtuunan ng pansin.

He reached for the hose, itinutok iyon sa mga paa ni Meadow. Ako naman ay napirmi lang sa gilid, pinapanuod siya sa ginagawa. I couldn't help but notice the way his muscles tensed and flexed with each movement. May kakaibang lakas si Hans that seemed to radiate from within. At iyon ang pakiramdam kong naghihila sa akin palapit sa kaniya.

"Thanks," I said softly, breaking the silence that had settled between us.

Hans turned off the hose and stood up in front of me. Niyuko kong saglit ang mga paa ni Meadow at nakitang wala ng putik ang mga iyon. Mabilis rin siyang magtrabaho, huh? Kaya rin siguro gustong gusto siya ni Uncle Roy dito.

Hans cleared his throat. "May kailangan ka pa ba, Señorita Caice?"

I flinched slightly at the mocking tone in his voice, but I refused to let it show. "Wala na. Maraming salamat."

Hans nodded, his expression unreadable as he turned to tend to the other horse. Para akong napako sa aking kinatatayuan na kung hindi pa humalinghing si Meadow ay hindi pa ako kikilos para ipasok na ito sa kuwadra.

Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang meron kay Hans at interesado ako sa kaniya. Mabait at mas palakaibigan si Dumas pero hindi naman niya nakukuha ng ganito ang atensyon ko. Weird.

Nang gabing iyon ay tumambay kami ni Kourtney sa front porch matapos maghapunan. We were having tea, hawak nito ang iPad at abala sa binabasang Danielle Steel novel. Alam ko dahil medyo kinikilig pa siyang magbasa. Mas ayos na iyon sa akin kesa naman mag-aya na naman siya sa kung saang party. Ayaw ko na, nakakapagod!

Kourtney sat perched on the railing, pareho kaming abala sa aming mga binabasa.

"Kami na pala ni Jeric," balewala niyang sabi.

I took a sip of my tea, the warm liquid doing little to soothe my concern. Ibinaba ko ang tasa maging ang librong hawak ko para harapin si Kourtney. Sila? As in boyfriend niya na? Eh, kakakilala pa lang nila sa isa't isa, ah!

"Kayo? Like boyfriend mo? Kailan pa? Alam ba 'yan ng daddy mo? Ni Tita Corrine?" Magkakasunod kong tanong.

Kourtney looked up from her iPad, a mischievous grin playing on her lips. "Ngayong gabi ko lang sinagot. Ang dami mo namang questions! No, syempre hindi ko pa sinasabi kanila Daddy kasi nga kakasagot ko pa lang. And frankly, wala akong balak sabihin. Duh! Hindi naman lahat ng boyfriend ay kailangan pinapakilala sa parents."

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya tungkol sa hindi niya pagsasabi sa kaniyang mga magulang. Desisyon niya na 'yan. Ayaw ko rin siyang pangunahan.

"Since tonight? But...how? I mean, I thought you were just hanging out with him."

She shrugged, returning her attention to her novel. "I don't know, it just happened. We were talking, and then suddenly, we weren't just friends anymore. Gusto niya ako, eh. Besides, he kissed better naman kaya ayos na rin."

Mangha ko siyang pinagmasdan. Minsan ay hindi ko alam kung maiinggit ba ako kay Kourtney o ano, eh. She was carefree, madaling madali niyang desisyunan ang mga ganyang bagay. While I struggled to find someone who could understand me, she had managed to find a boyfriend in the span of a single evening.

"But what about when you leave for LA in two weeks?"

Baka lang kasi nakakalimutan niyang uuwi rin sila. Hindi naman siya dito nakatira.

Kourtney waved off my concerns with a dismissive flick of her hand. "Oh, I'm not worried about that. Jeric is just a boyfriend for here, not for anywhere else. Long-distance relationships are too much of a hassle anyway."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At alam ni Jeric 'yan?"

I couldn't comprehend how she could be so cavalier about matters of the heart. While I admired her confidence and independence, part of me couldn't help but wonder if she was simply masking her true feelings behind a facade of indifference. Para bang may kung anong pinupunan si Kourtney sa loob niya na kahit akong best friend niya ay hindi iyon matukoy.

"Hindi ko alam, at wala na akong pakialam," she replied ruthlessly. "I'm just in it for the fun, you know? It's not like I'm looking for anything serious. Bata pa kaming pareho, siguradong hindi rin seryosohan ang gusto ni Jeric sa akin."

I opened my mouth to respond, but before I could say anything, movement caught my eye from the corner of the porch. It was Hans, walking past the mansion and heading towards the direction of the servants' quarters. I frowned, doon ba siya tumutuloy?

Before I could stop myself, I called out to him, standing up from my seat. Kourtney shot me a questioning look, but I ignored her as I turned my attention back to Hans.

"Hans!"

Nahuli ko ang pag-ikot ng mga mata ni Kourtney nang marahil ay natanto ang rason ng aking ginawang pagtawag kay Hans. I paid her no mind as I waited for Hans to approach. Diretso ang mga tingin nito sa akin, walang kangiti-ngiti sa mga labi. He didn't come up onto the porch, instead opting to stand at the foot of the steps, nakatingala lang siya sa akin habang naghihintay ng sasabihin ko.

Ano nga ba ang sasabihin ko? Ang lakas ng loob kong tawagin pero ngayon na nasa harapan ko na ay natatahimik ako!

"May maipaglilingkod ba ako sa inyo, Señorita Caice?"

Ayan na naman ang nakakalokong tono nito. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin no'n, pero parang patuya iyon kesa pagbigay galang! Kung nu'ng una ay nagustuhan kong tinatawag niya akong Señorita, ngayon ay hindi na. Para siyang galit sa salitang iyon na hindi ko maintindihan.

Ipinilig ko ang aking ulo at hindi na lamang iyon pinagtuonan ng pansin. "I...uh...wanted to talk to you about something," binalingan ko si Kourtney. Baka akala niya ay nakalimutan ko na ang usapan namin na hihingi siya ng tawad kay Hans kung makita niya ito.

Well, he's here.

"May sasabihin si Kourtney sa'yo,"

Kourtney scoffed at my words, clearly unimpressed by my sudden show of concern. "Seriously, Caice? Is this really that big of a deal?"

I shot her a reproachful look before turning back to Hans. "Maaaring sa'yo ay hindi, pero sa iba ay oo."

Hans remained silent, pinanatili lamang sa akin ang mga mata na para bang ako lang ang kaniyang nakikita. He didn't even spare Kourtney one glance.

"Fine. I'm sorry," Kourtney muttered half-heartedly, her tone lacking sincerity. "I didn't mean to offend you or anything."

Nanatili lamang na walang imik si Hans. Sa akin pa rin siya nakatingin kahit na si Kourtney na ang nagsalita. It was clear that Kourtney's apology, or lack thereof, had done little to ease the tension that hung between us.

"Come on, Caice, let's not make a big deal out of this," Kourtney said, rolling her eyes in exasperation. "It's not like he cares anyway. Wala lang sa kaniya 'yan, 'di ba?"

Hans nodded silently in response to Kourtney's dismissive remark, pero hindi niya pa rin ito nilingon. Ako lang. Sa akin lang siya nakatingin. I felt a pang of guilt at his silent acquiescence, knowing that he deserved better than to be treated as though his feelings didn't matter.

"Kung wala na kayong kailangan sa akin ay mauuna na ko, Señorita," pormal nitong paalam. Sa akin lang! Hindi kay Kourtney. Kunsabagay, ako lang naman ang tumawag sa kaniya.

Tumango ako. Wala ng maisip pang sabihin. "Good night, Hans."

For a fleeting moment, I saw a flicker of emotion in his eyes. Hindi ko nga lang mawari kung ano iyon. With a small nod of his head, he turned and began to walk away, his footsteps echoing softly against the night.

I watched him go.

Nang mawala si Hans sa aming paningin ay agad akong sinundot ni Kourtney sa tagiliran. Nang balingan ko siya ay nakataas ang kaniyang kilay, nagtataray at naiirita.

"Don't tell me may gusto ka sa kaniya?" Parang diring-diri siyang isipin iyon.

Wala. Wala akong gusto kay Hans. Pero kung meron, ay masama ba?

I rolled my eyes at Kourtney's incredulous remark, feeling a surge of frustration at her dismissive attitude towards Hans. Tao naman si Hans, ah! At taong walang ginagawang masama sa kaniya!

She raised an eyebrow at me when I didn't respond na para bang nakuha na ang sagot na hinahanap. "Come on, Caice! He's just a stable boy, a ranch worker. You're not seriously considering..."

I cut her off with a sharp shake of my head, unwilling to entertain her narrow-minded perspective any further. Hindi ko naman pinagtatanggol sa kaniya si Hans dahil may gusto ako rito. Hans is a person, just like anyone else. And he deserves to be treated with respect, regardless of his social status. Ano? Mayayaman na lang ba ang kailangan nirerespeto?

"Alam mo, whatever," she muttered dismissively, waving a hand in frustration. "Just don't go getting any ideas, okay? It's not worth it."

Magsasalita pa sana ako kaya lang buo ang pasya ni Kourtney na alisin na kay Hans ang aming usapan.

"Speaking of which," she continued, brightening up considerably, "I was thinking we could make a day of it tomorrow. Jeric and I are going to have a little picnic, and Julian will be there too. It'll be fun! Dapat ka talagang sumama dahil mukhang gusto ka ni Julian!"

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. "Anong oras ba? Balak ko kasi sanang umakyat ng rancho sa hapon, gusto kong mangabayo."

"You've been doing that for days! Sa beach naman tayo! Sa susunod na araw ka na mamasyal ulit sa ranch!"

I sighed in resignation, knowing that arguing with Kourtney would only lead to more frustration. She had a way of bulldozing over any objections with her unwavering determination, and I had learned long ago that it was often easier to simply go along with her plans than to try and resist.

"Fine, fine," pilit akong ngumiti sa kaniya. "We'll go to the beach tomorrow. But can we at least make it a morning trip? I still want to have some time to relax in the afternoon."

Kourtney frowned, clearly not thrilled with the idea of an early start to the day. "Morning? Ugh, Caice, you know I'm not a morning person," she complained, pouting slightly. "But whatever! Sasabihan ko na lang kay Jeric na agahan ang sundo sa atin!"

"Great, it's settled then," I replied with a forced cheerfulness. "We'll go to the beach in the morning, and then I'll have the rest of the day to myself."

"Baka magkapalit na kayo ng mukha ng mga kabayo sa rancho!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro