Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

Tahimik kaming pareho ni Hans sa byahe paakyat ng rancho, hindi ko gustong magbukas ng usapan at nasisiguro ko rin na wala itong balak gawin iyon. Kaya naman minabuti kong panatilihin ang aking tingin sa mga nadadaanan naming mga bukirin. Nakakainis lang dahil hindi matigil ang aking isipan sa paglilikot sa kung bakit nga ba wala siya ng dalawang araw sa rancho? Wala naman akong pakialam doon, kung ano man ang ginawa niya ay sa kaniya na 'yun.

"Didn't see you around the past days, huh?"

Dammit, Caice! Agad kong pinagalitan ang aking sarili pero huli na ang lahat, nasabi ko na. I immediately felt pathetic. Ito ako, parang tanga na pilit nakikipag-usap sa taong ayaw naman akong kaibiganin.

Hindi ako inimikan ni Hans, as expected. Nang balingan ko siya ay tutok ang kaniyang atensyon sa daan na para bang isang bagay lang at a time ang kaya niyang pagtuonan ng pansin, and it wasn't me.

Bigla kong naalalang inaya nga pala siya nung mga babae sa kubo last time. Hindi ko alam kung saan sila pumunta, baka kasiyahan. Kaya siguro wala siya ng dalawang araw. Napairap ako sa kaisipang iyon. Pero kunsabagay, sabi nga nililigawan niya 'yung isa sa mga iyon. Expected na hindi siya tatanggi sa paanyaya ng mga ito.

"Huwag mong kagalitan ang camera mo, baka masira."

Natigilan ako nang basagin ng baritonong tinig ni Hans ang katahimikan na namayani sa amin ng ilang sandali. Doon ko lang rin napagtanto na halos pigain ko na pala ang disposable camera na aking hawak, agad ko iyong ikinulbi sa messenger bag na nasa aking kandungan.

"May pinatrabaho sa akin ang mga De Salvo sa kabila," sabi niya nang hindi ako magsalita, patungkol sa ilang araw niyang pagkawala. And by the 'De Salvo sa kabila' meant sa kanila Tita Moana at Uncle Exodus. "Pinapaayos ang lawn ng mansion nila at kailangan ng karagdagang tao na ttrabaho."

Hindi naman niya kailangan na magpaliwanag, but it made me glad he did. Pero... "Eh, may lakad ka nu'ng Sabado, 'di ba? So, kahapon ka lang sa kanila?"

Saglit niya akong sinulyapan bago pihitin pakaliwa ang manibela at muling tutukan ang daan. "Dumiretso ako doon pagtapos ng lahat ng gawain ko rito sa rancho Biyernes pa lang ng gabi," simple niyang paliwanag.

"Hm," napabaling ako sa labas ng bintana. "Magtatampo 'yung nililigawan mo..."

"Wala akong nililigawan, Señorita Caice." Magaan ang paraan ng pagkakasabi niya nu'n, parang nanunuyo. Dammit! Bakit naman siya manunuyo? Wala naman dapat suyuin!

"Hindi ata 'yan ang alam doon sa kubo," kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ba ako puwedeng manahimik na lang? Nakakahiya na ang mga sinasabi ko! I shouldn't care kung may nililigawan nga siya o wala. Buhay na nila 'yan!

"Pero iyon ang alam ko," his gentle voice soothed my ears in ways it shouldn't have. "Saan mo pala balak mamasyal ngayon, Señorita Caice?"

Right. I was his job now. Hindi syempre siya makakatanggi dahil iyon ang utos sa kaniya ni Uncle Roy. Napanguso ako habang sinisilip ang langit mula sa bintana ng sasakyan. Hindi naman iyon madilim, ngunit hindi rin naman maaliwalas.

"Huwag mo na akong samahan baka mas kakailanganin ka sa rancho,"

"Hindi naman siguro ako uutusan ng tiyuhin mo na samahan ka kung may mga kailangan siyang ipatrabaho sa akin sa rancho," he replied, his voice steady.

I sighed, feeling a mixture of frustration and helplessness. The last thing I wanted was for him to feel obligated to accompany me, kahit pa nga ba hindi nakikisama ang panahon sa gagawin kong pamamasyal. Puwede ko naman sanang ipagpaliban, kaya lang tuwing maiisip ko na bilang na lang ang pananatili ko sa rancho at uuwi na naman ako sa amin ay nanghihinayang ako.

"I will be fine by myself, Hans. You could use your time elsewhere, like maybe rest? Or visit the girls in the kubo," I said, trying to sound casual. Hm, pero ang isipin pa lang na sa kubo nga ang tungo niya kung hindi ako magpapasama ay naiinis na ako.

Hans smirked, shaking his head as he pulled the truck to a stop in front of the stable. "Señorita Caice, sasamahan kita buong araw. Hindi ligtas na maglibot sa rancho sa ganitong panahon. Lalo't hindi mo naman gaanong kabisado ang mga daan."

I frowned, feeling a bit cornered. "Hans, you don't have to babysit me. I'm perfectly capable of taking care of myself."

"I'm sure you are," he said, his tone still calm but firm. Puwede bang huwag na lang siya mag-English? Mas nakakaloko kasi ang tono niya kapag ganyan! "Alam kong alam rin ng Uncle mo 'yan, kaya lang hindi naman iyon ang inaalala niya. Kapag ganitong may malaking tyansa na bumuhos ang ulan anumang oras ay piligrosong lalo ang ilang mga daan. Mabuti na may kasama ka–"

"Si Dumas!" Putol ko sa anumang sasabihin pa niya, sakto kasing nakita ko si Dumas na lumabas ng stable bitbit ang ilang bungkos ng dayami. "Siya na lang ang sasama sa pamamasyal ko! Kabisado rin naman niya ang buong rancho tulad mo. I'll be safe with him!"

Hans's expression darkened, his brows furrowing and his lips forming a thin line. "Alam mo bang gusto ka ni Dumas?"

I raised an eyebrow, taken aback. Anong ibig niyang sabihin? At bakit parang lalo siyang sumeryoso? "He's just polite and friendly. That doesn't mean he likes me."

"Huwag mong paasahin si Dumas na kaya mong suklian anumang damdamin ang meron siya para sa'yo. Lalo't tulad ko'y iba ang mundong ginagalawan namin kumpara sa inyo." Hans shook his head, his jaw set. "Isa pa, hindi ba't may boyfriend ka na? Iyong anak ng gobernador sa kabilang lalawigan."

Huh? Si Julian ba? Saan naman niya nakuha ang kaisipan na 'yan? Binalingan ko siya ng matalim na tingin, nagtataka pero mas na naiinis. Una sa lahat, ano na naman at sinasabi niyang iba ang mundong ginagalawan namin? Bakit ba palagi niyang inilalagay iyon sa pagitan naming dalawa? It felt so unfair that he was using that as a barrier! Hindi ko naman siya o si Dumas minamaliit at minamata, ah! I never did that to anyone!

Pilit kong kinalma ang aking sarili bago muling magsalita. "Julian is not my boyfriend, Hans."

"Ah, hindi ba?"

Bakit parang hindi siya naniniwala? At ano naman sa akin kung hindi siya maniwala? Bahala siya!

"Siya 'yung nagbaba sa'yo noong nakaraan sa bukana, 'di ba? Kasama mo rin sa party sa mansion nila." Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin nang balingan ko siya. "Lilituhin mo lang si Dumas, Caice."

"Julian is my friend, Hans," tinaasan ko siya ng kilay. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko ng walang Señorita. It sounded better. "Why do you care so much about who I hang out with?"

"Mabuting tao si Dumas, hindi mo dapat siya pinapaasa."

Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya halos mapairap na lang ako.

"I'm not leading him on. I've never given him any reason to think that I'm interested in him that way." At hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag pa sa kaniya. "Sinusuklian ko lang ang pagiging mabuti niya sa akin. I've been taught to treat everyone around me fairly."

Hans did not respond, hinugot lamang ang susi ng truck atsaka ibinulsa ng walang salita.

"At gusto ko ang ginawa mong pagtawag sa akin ng Caice, without the Señorita. Do that more often, Hans. Magkakasundo tayo!" Mabilis ko siyang tinalikuran at tumalon nang pababa ng truck bago pa siya may masabi.

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang tinutungo ang stable, alam kong kasunod ko lang si Hans dahil sa kaniya agad nalipat ang tingin ni Dumas nang makalapit kami.

"Caice! Mamamasyal ka?" Masiglang tanong nito sa akin, todo pa ang pagkakangiti. Maybe Hans was right, Dumas did like me.

"Kami," pagtatama ni Hans bago ako lagpasan at unahang pumasok sa stable. "Mamamasyal kami."

Kita ko agad ang pagsasalubong ng mga kilay ni Dumas kaya nginitian ko ito at nagbigay ng munting paliwanag. "Pinasasamahan ako ni Uncle Roy kay Hans dahil baka biglang umulan."

Dumas nodded, though the disappointment was obvious in his eyes. I offered a small, apologetic smile before heading into the stable where Hans was carefully guiding Astron out of his stall.

I walked over to help Hans put the saddle on Astron, my movements automatic. Ginagaya ko lang naman siya kaya nasisiguro kong tama naman. Hans glanced at me but didn't say anything, his focus on the task at hand. Once Astron was ready, I turned to Meadow who was still lying in her stall, looking weary.

"Maayos na ang lagay niya. Kailangan lang talaga ng pahinga," Hans said, his tone softening slightly as he followed my gaze.

I nodded, feeling a pang of guilt. "I know. I just hate seeing her like this."

"Babalik rin ang lakas niya. Hindi naman siya napapabayaan dito," paniniyak ni Hans para panatagin ang aking loob. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi ko pa rin ang aking sarili kahit pa nga ba sinabihan na naman niya ako na hindi ko iyon kasalanan.

Tulad nga ng sabi ni Uncle Roy ay sinamahan ako ni Hans na mangabayo at maglibot sa rancho nang umagang iyon. I used Astron, siya naman ay sakay ng isa sa mga kabayo ni Tita Chi na nasa kuwadra. Hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Hans pero tuwing tatanungin ko siya ng tungkol sa mga nadadaanan namin ay sinasagot niya naman ako.

As we approached a fork in the trail, I noticed that one path was cordoned off with a makeshift barrier. "Bakit sarado ang daang iyon, Hans?"

Natatandaan ko kasi minsan na naming tinahak iyon nila Reid noong mga bata pa kami. Doon maraming mayayabong na halamat at makukulay na bulaklak.

"Naapektuhan ng nagdaang bagyo," paliwanag niya, tumuturo sa mga bahagi ng daan na mukhang jagged at hindi pantay. "Mula sa gitna, pababa. Hindi pa naayos kaya delikado pang daanan."

Tumango ako. Sayang, maganda pa naman sana iyong tahakin paakyat. I took out my camera, unable to resist capturing the beauty of our surroundings. The light filtering through the trees created a serene atmosphere, and I wanted to preserve it. Hindi katulad nina Mommy at Icen, wala akong talent sa pag guhit, ultimo nga stick drawings ko ay hindi pa maintindihan ng mga titingin. But I had a knack in photography, lahat ng kuha ko ay maganda at maayos.

After taking a few shots of the landscape, I found myself pointing the lens towards Hans. He was atop a black stallion, looking effortlessly handsome. Ang puting t-shirt na suot niya ay humahakab sa kaniyang katawan, emphasizing his broad shoulders, at ang itim nitong pantalon ay yumayakap rin ng husto sa kaniyang matipunong mga binti. He was a sight to behold!

Bahagya pang inililipad ng payapang hangin ang kaniyang buhok na kanina'y napansin kong sinusuklay niya gamit ang mga daliri. Kung hindi ko lang alam na nagtatrabaho si Hans sa rancho ay iisipin kong isa siya sa paminsang mga bisitang tinatanggap nina Uncle Roy sa villa. I snapped a few candid shots, trying not to be too obvious.

Halos mabitawan ko ang camera na aking hawak nang lingunin niya ako at mahuli sa aking ginagawa. "Ah... Ayos lang naman siguro kung kukuhanan kita ng picture, 'di ba?"

"Walang problema. Huwag mo lang ibebenta," hindi siya tumawa o ngumiti man lang pero nasisiguro kong biro iyon.

I laughed softly, lowering the camera. Ito ata ang unang beses na nagbiro siya sa akin. It was so unlike him to say something like that, at least to me. "For my personal collection lang,"

As we continued our ride, I couldn't help but steal glances at Hans. There was something about the way he carried himself that was both intimidating and captivating. Despite his gruff exterior, there were moments of gentleness that peeked through, hindi naman siya bastos at salbahe pero tila ba iyon ang paraan niya para mas palawakin ang kung anong nakapagitan sa aming dalawa na siya rin naman ang naglagay.

"Bakit mo naisipang dito magtrabaho sa rancho, Hans?" I asked, curious to know more about him.

He was silent for a moment, as if contemplating whether to answer. "Mabubuting tao ang mga tiyuhin mo. Iilan sila sa mga nakilala kong hindi mahirap pagkatiwalaan, bukod pa sa gusto ko rin ang mga ginagawa ko rito sa rancho."

I moved Astron closer to him, curiosity getting the better of me. "Paano mo nakilala sina Uncle Roy?"

Hans glanced at me, then back at the trail ahead. "Nagtatrabaho ako sa palengke noon, nagbubuhat ng mga kahon at kung anu-ano pa. Nakita ako ni Uncle Roy isang araw na nagde-deliver siya ng mga gulay doon. Kailangan niya ng tulong sa mga crates, wala siyang kasama nang araw na iyon, kaya tinulungan ko."

"Binayaran ka ba niya?" Sinubukan ko pa ring itanong kahit pa alam ko naman na ganoon sina Uncle Roy, they would pay people for their services lalo't alam nila na nangangailangan. Mas gusto rin nilang tumulong sa mga nagsusumikap.

"Sinubukan niyang bayaran ako, pero tinanggihan ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam ng tumanggap ng pera para sa simpleng pagtulong lang. Isa pa'y hindi naman ako naabala nang araw na iyon. Pero hindi rin siya palagay na walang naibabalik na buti, kaya inalok niya ako ng trabaho sa rancho. Ipinakilala pa niya ako kay Exodus De Salvo dahil baka kakailanganin nito ng tulong sa kung anu-anong gawain paminsan-minsan."

I could see the sincerity in his eyes as he spoke. "Kaya ka napunta dito..."

Tumango siya. "Bukod sa magandang magpasahod, ay maayos mamalakad at mamuno ng rancho ang Uncle Roy mo. Makatao, kahit ang asawa niyang si Tita Naya ay hindi mapangsino."

As we guided our horses to a steeper path, Hans reached out to hold my arm, helping me navigate the rough terrain. His touch was firm yet gentle, and it ignited a spark within me that I tried to ignore. I focused on the path ahead, but the warmth of his hand lingered.

"Where's your family? Sa malapit lang ba kayo nakatira?" I asked, trying to distract myself from the sensation of his touch.

Hans furrowed his brows before answering, his voice quieter. "Matagal nang patay ang ama ko. Namatay siya noong bata pa ako."

"I'm sorry to hear that," I said softly, genuinely feeling for him.

"Matagal na iyon. Wala na akong masyadong maalala sa kaniya," he replied, may bigat sa kaniyang tinig. "Si Nanay naman, sumunod noong halos katorse anyos pa lang ako."

My heart ached at the thought of a young Hans losing both his parents. Hindi ko kayang isipin na mawawala sa akin sina Mommy at Daddy. Totoong hindi naman ako sobrang dependent at clingy sa mga ito, but it would ruin me in ways I couldn't even begin to imagine. "May mga kapatid ka ba o mag-isa ka na lang?"

"May tiyuhin ako sa San Jose, may talyer siya doon kaya minsan ay doon ako tumutuloy lalo kung wala naman nang gawain dito sa rancho. Dagdag kita na rin."

We reached a particularly steep section, and Hans tightened his grip on my arm, guiding Astron with expert precision.

"Dahan-dahan lang," he instructed. "Huwag kang kabahan, hawakan mo ng maayos ang renda."

Iyon ang ginawa ko at sandaling itinuon ang aking atensyo kay Astron. Once we were on more even ground, I couldn't help but admire how easily he handled the horses and the situation. At hindi lang iyon, kundi maging ang labis niyang kasipagan.

"How old are you, Hans?" I asked, curiosity getting the better of me.

"Bente-dos," he replied.

He was only five years older than I was, yet he seemed to know so much more about life. "Nag-aaral ka rin ba? College?" I asked again, wanting to know more about him. He seemed educated to me, hindi nga ba't matatas rin naman siyang mag-English at confident rin kausap.

Hans turned to me, a slight smile on his face. "Naalok ako ng scholarship ng Uncle Exodus mo dalawang taon na ang nakalipas sa ilalim ng De Salvo Foundation. Dahil doon, nakapagpatuloy ako sa kolehiyo."

I smiled, feeling genuinely happy for him. "Really? What course?"

"Aviation," he replied simply.

I frowned in confusion. Walang unibersidad dito ang nag-aalok ng kursong iyon. Pero kamakailan lang ay alam kong nag simulang mag offer ang SDL Air ng apat na taong Aviation program para sa mga karapat-dapat. Ang alam ko ay iilan lang ang natatanggap sa programang iyon dahil exclusive.

"Ang Aviation-Program ba ng SDL Air?"

Hans nodded. "Oo, required akong kumuha ng ilang units ng Aeronautics sa San Jose Community College."

Damn! He must be really smart to seize opportunities like that. "Magiging piloto ka pala balang araw..."

"Sana," he said, his eyes shining with determination.

"Siguradong magiging magaling kang piloto," I said with a smile. "Kaya mo ang lahat ng 'yan. Nakikita ko kung paano ka magtrabaho rito, at alam kong kaya mong abutin ang pangarap mo."

Hans turned to me and stared into my eyes for a fleeting second. It seemed like he was reading me, trying to understand the sincerity behind my words. His gaze was intense, and for a moment, I felt a connection that went beyond our usual interactions.

He then whispered, almost to himself, "Yeah, some dreams..."

Bago pa ako makapagtanong ay pinihit na niya muli ang renda ng kabayong sinasakyan. We continued riding in silence for a while, the sound of hooves on the ground and the occasional bird song the only noises around us. The scenery was beautiful, with the rolling hills and the distant mountains providing a picturesque backdrop.

"Why do you want to be a pilot, Hans?" Tanong ko dahil lang ayaw kong tapusin ang ganitong usapan namin. I could talk to him all day at alam kong hindi ako mabuburyong.

"Nakakaakit kasi ang idea na makalipad, na makitang maganda ang mundo mula sa itaas. Para sa akin, simbolo ng kalayaan ang paglipad."

Habang pinagmamasdan ko siya, napansin ko kung gaano siya kaseryoso sa bawat salitang binibitiwan niya. There was a sincerity in his eyes that I rarely saw in others. Hindi ko mapigilang humanga sa kaniyang dedikasyon at pananaw sa buhay.

"Ikaw? Anong pangarap mo?"

"Gusto kong maging isang marine biologist," sagot ko bago ngumiti. "I want to explore the depths of the ocean and uncover the secrets hidden within it. The ocean has always captivated me as if it holds countless stories waiting to be discovered beneath its surface."

Exploring the depths of the ocean had always been my passion, and expressing it to Hans made me feel even more determined to pursue it.

Nang muli ko siyang balingan ay titig na titig lamang siya sa akin. I noticed a thoughtful expression cross Hans's face, as if he was contemplating something profound. Before he could respond, I felt a few raindrops on my arm, signaling the onset of rain. I glanced up at the sky, realizing that we were about to get caught in a downpour. Ito na marahil ang ulan na pinangangambahan ni Uncle Roy.

Turning back to Hans, I found him staring at me intently, kung bakit ay hindi ko rin alam. The rain began to fall more steadily around us, but neither of us made a move to seek shelter.

After what felt like an eternity, Hans finally spoke up, ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa akin. "May kubo sa bandang gitna, pahingahan iyon ng mga ranchero na napapadpad dito. Puwede tayong doon magpatila."

"Oh, uh, that sounds like a good idea," I stammered, my heart racing with anticipation.

Without another word, Hans guided his horse in the direction of the kubo, with me following closely behind. The rain continued to pour down around us, soaking us to the bone, but I hardly noticed as I was lost in my thoughts.

As we reached the kubo, Hans dismounted gracefully and extended a hand to help me down from my horse. I accepted his offer gratefully, feeling a strange warmth spread through me at his touch.

Isinilong niya ang mga kabayo at sinigurong hindi sila aabutin ng ulan at mababasa bago kami pumasok sa loob ng kubo. We sat in comfortable silence, listening to the rhythm of the rain outside. Tanging tikatik lamang ng ulan ang namamayani sa aming dalawa.

"Hans..." Mahinang tawag ko sa kaniya, hindi niya ako nilingon pero alam kong hinihintay niya ang idudugtong ko. "Magkaibigan na ba tayo?"

Ilang sandali ang lumipas na wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya hindi ko na inaasahan pang sasagutin niya iyon.

"Kung gusto mo pa rin..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro