Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven




Nang mga sumunod na araw ay mas dumalas pa ang pagsama sa akin ni Hans sa pamamasyal at pangangabayo ko sa palibot ng rancho, kahit pa maaliwalas naman ang panahon. Noong una'y akala ko napipilitan lang siya na makipagkaibigan sa akin, but then, he never made me feel like I was nothing more than an obligation.

"Message mo na lang ako kung sasabay ka sa akin mamaya pabalik ng villa para hintayin kita," sabi ni Kade matapos ihinto ang truck sa tapat ng kuwadra, mamamasyal kasi ako ulit.

Tumango ako bago tumalon pababa. "Salamat, Kade!"

Kumaway pa ito sa akin bago muling paandarin ang truck, sa farm ang tungo niya ngayon dahil malapit na ang anihan, mas kailangan siya doon ni Uncle Roy. Nang tuluyang makaalis si Kade ay naglakad na ako papasok ng kwadra, agad kong nakita si Hans na nasa pinakadulong stall, iniikot at inililigpit ang hose na ginamit sa paglilinis.

Ganito ang madalas naming eksena nitong mga nakaraan. He would finish all his tasks as earlier as he could, tapos ay sasamahan na niya akong mamasyal. Kung minsan, kapag sobrang daming gawain ay ako naman ang maghihintay sa kaniya. Wala namang kaso dahil natutuwa naman akong panuorin siyang mag-trabaho.

"Kunin ko lang ang damit ko," sabi niya sa akin nang malingunan akong nakatayo sa gilid.

Sukat doon ay biglang bumaba ang aking tingin sa hantad niyang dibdib. Kitang-kita ko ang pagkislap ng pawis sa kanyang balat, his sweaty torso was once again keeping my eyes in place.

"Sure," pilit akong tumango. "I'll wait here."

Tinungo niya ang maliit na quarters nila sa likurang bahagi ng stable at nang mawala siya sa aking paningin ay pasimple kong isinandal ang aking bigat sa katabing poste, sinusubukang kalmahin ang aking mabilis na tibok ng puso. I never had a crush on someone, sa school man o saan. Kaya hindi ko masisiguro kung ito na nga ba iyon. But Hans has had this effect on me since the first time I saw him.

Ilang sandali pa ay bumalik siya, suot na ang isang puting kamiseta na bahagyang nabasa dahil hindi man lang niya tinuyo ang dibdib niya bago magbihis, basta na lamang isinuot iyon.

"Tara na?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin. "Nananghalian ka na ba?"

Umiling ako, nagmadali kasi akong makapunta rito. Kahapon kasi ay sumama ako sa Manila para ihatid si Kourtney, babalik na kasi silang California. Gabi ang flight nila kaya naman umaga na kami nakabalik ng rancho ni Mama Nae.

"I had breakfast though," sabi ko sa maliit na tinig. Baka kasi mamaya ay hindi niya ako samahan na mamasyal dahil lang sa hindi ako kumain ng tanghalian. Mabilis ko rin kinuha mula sa messenger bag ko ang maliit na ziplock na may lamang dalawang pirasong caramel brownies na gawa ni Mama Nae, ipinakita ko iyon sa kaniya. "I have this pa, oh. Tig-isa tayo!"

Hans's gaze lowered to the brownies I was showing him, and he twitched his lips as though fighting a smile. Clearing his throat, he said, "sa kubo muna tayo. Mananghalian tayo doon, hindi pa rin ako kumakain."

He walked towards the hook where the keys hung and grabbed the one for the truck parked outside.

I nodded, slightly pouting as I tucked the brownies back into my bag. Ayos lang naman, kaya lang hindi ko kasi gusto ang idea na pupunta kaming dalawa sa kubo. Naroon kasi 'yung mga may crush sa kaniya, sabi pa nga ay nililigawan niya 'yung isa. But then, sabi niya ay hindi naman. Kainis! Sana pala kumain na lang muna ako sa villa bago nagtungo dito.

The ride to the kubo was filled with a comfortable silence, the only sounds coming from the gravel crunching under the tires and the occasional rustle of the wind through the trees. Hindi ko gustong magpanimula ng usapan dahil hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Si Hans naman ay natural ng tahimik kaya tutok lang ito sa daan.

Nakatanaw na ako sa bintana ng sasakyan papalapit pa lang kami sa kubo. At kahit na hind ko gustong narito kami ngayon, I still couldn't help but admire the rustic charm of the place. It was a small, wooden structure nestled among the trees, offering a serene view of the surrounding landscape. Kaya gustong-gusto rin na tumambay doon ng ilang ranchero, bukod pa sa pagkain.

Hans parked the truck and stepped out, holding the door open for me. Ganyan siya palagi kung hindi ko uunahang bumaba. Hinawakan niya ang siko ko at inalalayan ako patungo sa kubo.

Saktong malapit na kami ay siya namang paglabas nina Dumas at Tatang, katatapos lang mananghalian. Sa akin muna tumama ang tingin ni Dumas bago bumaba iyon sa kamay ni Hans na nakakapit sa siko ko.

"Caice, Hans!" bati nito sa amin sa pinasiglang tinig. "Manananghalian kayo?"

Ako ang tumango at sumagot, inunahan ko na si Hans. Pasimple ko ring binawi sa kaniya ang aking braso, hindi rin naman kasi lubak ang daan kaya hindi ko na kailangan na maalalayan. "Makikikain sana kami, hindi ako nakapananghalian sa villa, eh."

"Ganu'n ba? Sakto ang dating niyo, katatapos lang ni Nanay Inez na magluto ng pangalawang batch! Napasarap ang kain ng ilang ranchero kaya muntik pang magkaubusan," kuwento nito, marami pa sanang sasabihin ngunit tinapik na ito ni Tatang matapos bumati sa amin ni Hans. "Sige, balik na kami sa kuwadra, Caice. Medyo maraming naiwan na gawain, eh. Enjoy your lunch!"

"Salamat, Dumas. Ingat kayo," I smiled back, naramdaman ko rin na tinanguan ni Hans ang mga ito bago ako muling igiya papasok ng kubo kung saan may ilang ranchero pang naiwan sa hapag.

Syempre, agad kaming sinalubong ng tatlong alagad ni Nanay Inez. Halos mapaikot pa nga ang aking mga mata nang sadyain ng isa na ibaba pa ng husto ang neckline ng suot na bestida nang makita si Hans. Laki ng dede! Ganoon ba ang mga tipo niya?

"Hans!" Masigla at halos sabay-sabay nilang bati sa katabi ko, para bang mga kabayo na may blinders at si Hans lang ang nakikita nila. Like, hello? Nandito rin kaya ako! Katabi lang ako ni Hans!

Imbes na pansinin sila ay niyuko ako ng tingin ni Hans at marahang tinanong. "Saan mo gustong maupo?"

Sa malayo dito! Gusto ko sanang sabihin, buti ay napigilan ko. Imbes na sagutin siya ay tinungo ko na lang ang bangko sa sulok, sinusuklian ang bawat bati na natatanggap ko mula sa mga nanananghalian na mga ranchero. 

Susundan sana ako ni Hans pero naharang na siya nu'ng tatlo. Kainis! Baka naman kaya gusto niyang pumunta kami dito ay dahil din dyan? Hindi kaya?

"Caice! Nandito ka ulit!" Si Nanay Inez iyon na agad inabala ang sarili sa pag-asikaso sa akin. "Tamang tama at bagong luto itong adobo sa gata! Sinong kasama mo?"

Sasabihin ko pa lang sanang wala, kaya lang lumapit na sa amin si Hans. Hindi rin tulad ng dati katapat ko siyang kumain, sa tabi ko siya naupo.

"Ako ang kasama ni Caice, Nay," siya ang sumagot. And yes, hindi na niya ako tinatawag ng Señorita tulad ng siyang gusto ko.

"Oh, si Hans naman pala!" Masuyong nginitian rin siya ni Nanay bago agad na pumitik upang utusan ang tatlong si Hans lang ang nakikita. "Bilisan niyo, Crista! Ang Señorita Caice niyo ay hindi pa nanananghalian!"

"Opo, Nay," agad namang tumalima ang mga ito.

Walang limang minuto ay may pagkain na sa harap namin ni Hans. Hindi naman siya makakain ng maayos dahil panay ang ginagawang pagkausap sa kaniya ng tatlo, nakapalibot pang talaga.

"Tinatawagan kita noong Sabado, Hans. Hindi mo naman sinasagot!" May hinampong sabi nung isa, kung hindi ako nagkakamali ay iyon si Geraldine. Ito rin ang nagbaba ng husto ng neckline ng suot na bestida. "Bigla ka na lang hindi nag-reply!"

Hindi nag-reply, meaning magka-text sila? Hindi rin tuloy ako makakain ng ayos dahil naiirita ako sa mga ito. Ganito ba talaga sila sa iba pang mga kumakain dito o kay Hans lang?

"Kaya nga! Akala namin ay sasama ka na, hindi ka na naman nagparamdam." Sabi naman nung isa, hindi ko kabisado ang mga pangalan nila. Magkakamukha rin kasi, tapos maging ang mga suot ay iisa, iba-iba lang ng kulay. Kourtney would call them The Powerpuff Girls kung makikita niya ang mga ito.

"Sinabi ko naman na, wala akong oras sa mga ganyan. Abala ako palagi," Hans responded politely, tapos ay binalingan ako para alamin kung may kailangan ako. Pinunuan pa niya ang napapangalahati ko pa lang na inumin.

Hindi nakuntento sa naging sagot niya si Geraldine, naupo pa talaga sa kabilang gilid niya. "Palagi ka namang walang oras,"

Medyo nainis ako. Siguro naman ay alam nilang maraming trabaho si Hans, 'di ba? Ako nga ay alam ko! Kung minsan nga ay pinapanuod ko pa! Kung kaya ko lang ang mga ginagawa niya ay tinulungan ko na, kaso every work niya sa rancho ay mabibigat. Minsan sinubukan ko naman, hindi lang niya ako hinayaan dahil baka masaktan lang daw ako.

"Sa Linggo, birthday ko..." Lumambing ang tinig nito, lalo tuloy akong nairita. "Siguro naman ay makakapunta ka na? Simpleng handaan lang naman sa bahay namin sa San Jose, malapit lang iyon sa talyer ng tito mo."

"May trabaho ako sa Linggo, sa mga De Salvo sa kabila." Muling magalang na tugon ni Hans. Buti na lang talaga ay hindi siya nauubusan ng pasensya sa mga ganitong pangungulit dahil ako ngang nakikinig lang ay nabibuwisit na!

"Hapon naman iyon, ah. Hindi ka pa rin puwede?"

Girl? Hapon nga ang sinasabi nitong birthday party, pero buong araw magttrabaho si Hans! Hindi mo na lang ba ibibigay sa kaniya ang natitirang oras ng araw para makapagpahinga? Nakakaloka!

"Oo nga, Hans! Pagbigyan mo na itong si Geraldine! Para tuloy siya ang nanliligaw sa inyong dalawa!" Tumawa 'yung isa na nasa likuran.

Huh! Iyan na naman ang ligaw ligaw na 'yan! Sabi ni Hans ay hindi niya naman nililigawan at kung pagbabasehan rin ang madalas niyang pagtanggi sa mga paanyaya nito ay mukhang hindi nga. But what made these girls think na nililigawan nga ito ni Hans?

Binalingan ko si Hans sa unang pagkakataon simula nang maupo kami dito. Napalingon rin siya sa akin, pareho kaming hindi makakain ng maayos. Tinaasan ko siya ng kilay at pakiramdam ko'y nakuha niya na ang ibig kong sabihin.

"Hindi ko naman nililigawan si Geraldine," parang mas sa akin niya iyon sinasabi kaysa sa mga ito. Umingos bahagya ang babaeng nasa kabilang gilid niya, halatang hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi.

"Ah, hindi?" Tumaas ang kilay nung isa, iyon ata 'yung Crista. "Pero naghahalikan kayo?"

Humagikgik naman ang isa pa na hindi ko alam ang pangalan. And also, naghahalikan? Hindi umimik si Hans, nanatili lamang na nakatingin sa akin na para bang binabasa ang magiging reaksyon ko. Hm, pakialam ko naman kung nakikipaghalikan siya. Matanda na siya, normal nang gawain iyon ng mga ganyan ang edad.

Umirap lamang ako, akmang tutuloy na sa pagkain nang muling umimik ang isa sa tatlo.

"Mahiyain ka pala, Hans. Hindi mo gustong pinag-uusapan sa harap ng marami ang tungkol sa inyo ni Geraldine." Binuntutan pa iyon ng maharot na hagikgik.

Okay. Naiinis na talaga ako. Hindi dahil sa kung ano pa man, kundi dahil sa wala bang respeto ang mga ito? May mga kumakain, oh. Hindi naman lahat ng narito ay interesadong marining ang anumang pag-uusapan nila! Hindi man lang nahiya! Señorita nila ako!

May idudugtong pa sana doon 'yung Crista nang sulyapan ko sila. Agad na natahimik ang tatlo.

"Puwedeng mamaya niyo na kausapin si Hans? Kung hindi rin naman kayo kakain ay lubayan niyo ang mga narito para mananghalian. Hindi lahat kami ay interesadong marining ang mga pinag-uusapan niyo." Malumanay ngunit may riin kong sabi. Maging ang mga ibang ranchero na kumakain sa kubo ay napalingon sa akin.

Pinamulahan ng pisngi sa hiya ang tatlo, sabay-sabay na humingi ng paumanhin sa akin at nag-uunahan na pumasok sa loob ng kubo upang tulungan si Nanay sa kung anong gawain pa ang naiwan roon.

"Sorry, Señorita Caice," narinig ko pang sabi nung isa.

Pero hindi pa ako tapos magalit, nilingon ko si Hans na nakayukong nakatingin rin sa akin. "Ikaw! Bilisan mong kumain dyan, may mga naghihintay sa'yo!"

Kairita!

"Hindi bagay sa'yo ang nagsusungit," sabi niya bago umabot ng tubig at uminom para itago ang ngiti. At talagang ngumingiti pa siya, huh? May nakakatawa ba sa ginawa ko? Hindi rin naman ako sanay na nagsusungit! "May nakaplano ka bang puntahan ngayon o sa peak ulit?"

Hindi ako sumagot dahil iritado pa rin ako sa kaisipang nakipaghalikan nga siya doon sa Geraldine. Oo na't wala na dapat sa akin iyon, pero kainis lang!

Mabilis kong tinapos ang aking tanghalian nang hindi na iniimikan si Hans. Dalawang beses niya pa akong tinanong tungkol sa plano ko ngayong hapon pero walang pagkakataong sinagot ko siya.

Lumabas ako agad matapos magpasalamat kay Nanay Inez, tinanggihan ko na rin ang panghimagas na alok nito kahit mukhang masarap iyon. Hayaan na't may brownies naman ako sa bag.

Tinalikuran ko si Hans nang makalapit siya sa akin, nauna kasi ako sa truck. Sasakay na nga sana ako nang mapagtantong naka-lock iyon. Hinintay ko siyang buksan ngunit hindi naman siya gumalaw.

"Tara na! Bumalik na tayo sa kwadra at kunin ang mga kabayo!" Iritado kong sabi.

Hans still didn't move. I turned to him, raising a brow in question. He shook his head, his expression stern. "Hindi tayo aalis hangga't sinusungitan mo ko, Caice."

I sighed, feeling the frustration boil over. "I'm not nagsusungit, huh?"

Hans crossed his arms, looking at me pointedly. "At itinatanggi mo pa, huh?"

Okay, maybe naiinis nga ako pero sino ba naman ang hindi? Imbes na sagutin siya ay kinuha ko na lang ang phone ko sa bag. "I'll just call Kade to pick me up. Wala na rin naman akong gana mamasyal."

Hans watched me, his eyes narrowing slightly. Before I could guess what he was about to do, he snatched my phone from my hand.

"Hey!" I exclaimed, trying to grab it back, but he was tall, and I couldn't reach it. "Ano bang ginagawa mo?"

Hans held my phone up, toggling something on the screen. "Sandali lang," he said, ignoring my protests.

Two seconds later, his phone started ringing from his pocket. And then, he handed my phone back to me, a triumphant look on his face.

"There," he said. "Nilagay ko ang number ko sa cellphone mo. Text me whenever."

I stared at him, my irritation mixing with confusion. "Why?"

Hans sighed, his expression softening. Nag-iwas siya sa akin ng tingin na para bang alangan rin sa ginawa. "Matatapos na ang bakasyon mo. Hindi ba't uuwi ka na sa isang araw? I won't see you around as much. Kaya i-text mo ako kung gusto mo, kung gusto mo lang naman. I'll do the same."

I didn't know what to say. Part of me was still angry, but another part of me was touched by his gesture. At syempre, medyo kinikilig rin!

"You could have just asked," I muttered, slipping my phone back into my bag.

Hans shrugged, a hint of a smile playing on his lips. "Paano? Sinusungitan mo nga ako."

Huh! Pinaalala niya pa! "Baka mamaya, i-text kita tapos hindi mo rin ako replyan katulad ng ginagawa mo sa mga babae mong nasa kubo."

"Huh? Baka ako ang hindi mo na pansinin kapag abala ka nang masyado doon kay Lagdameo," pabulong niyang balik, binuksan na rin niya ang pinto ng truck at inalalayan akong makapasok.

Inirapan ko siya habang kinakabit ang seatbelt, paano'y nakadungaw pa rin siya sa akin. "Never naman akong naging busy kay Julian. Ikaw nga ang palagi kong kasama, 'di ba?"

"Sa ngayon," iyon lang ang sabi niya bago umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan.

As we drove back to the stable, I couldn't help but think about how different things had been these past few days. Hans and I had spent more time together than I ever thought we would. Every afternoon, he would show me around the ranch, revealing places I hadn't yet explored. Madaling napalagay ang loob ko sa kaniya at sigurado akong ganoon rin siya sa akin.

"Akala ko ba hindi mo nililigawan 'yung Geraldine?" Ito na naman ang bibig kong hindi ko mapigilan!

"Hindi nga,"

"Eh, bakit ka nakikipaghalikan sa hindi mo naman pala girlfriend o nililigawan?"

Pakialam mo ba, Caice! Dammit!

"Hindi ko siya hinalikan." Tahimik niyang sabi, ang mga mata ay pirming nasa daan lang.

"Hinalikan ka niya?"

"Hindi rin," sandali niya akong binalingan matapos ihinto ang truck sa tapat ng kwadra. "Hindi kami naghalikan, Caice."

"So, bakit iyon ang alam ng mga babae sa kubo?"

He shrugged, taking the keys off the truck nang hustong mapatay ang makina nito. "Hindi ko alam kung saan nila nakuha iyon."

Kinalas ko na ang seatbelt, inirapan ko siya at akmang bababa na ng truck nang balingan niya ako atsaka tumikhim bago nagsalita.

"Caice, hindi tayo mamamasyal kung ganyang mainit ang ulo mo. Hindi ka rin mag-e-enjoy mag-ikot sa rancho." His voice was gentle, para bang alam na alam na naiinis ako kaya kailangan niya talagang kalmahin ang loob ko. I didn't understand why I was acting this way! Dapat ay hindi naman! "Hindi ko nililigawan o girlfriend si Geraldine. Hindi kami kailanman naghalikan at wala talaga akong alam kung saan nila nakuha ang balitang iyon. Ni hindi ko nga pinauunlakan ang ilang imbitasyon nila. Masyado akong maraming ginagawa para magkaroon ng oras sa ganyan."

I felt a rush of shame as his words sank in. He was right. He had too much on his plate for me to bother him with these nonsensical thoughts. I shouldn't be letting rumors get to me, especially when I knew how hardworking he was. Bakit nga naman niya uubusin sa mga iyon ang kakaunting oras na meron siya na puwede niyang gamitin para makapahinga man lang?

He sighed deeply, his eyes softening as he reached for my arm. Iniharap niya ako sa kaniya, walang pakialam kahit pa nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na lumabas na si Dumas mula sa kwadra, hindi tinted ang mga salamin ng sasakyan kaya kita kami nito kung tititigan ng husto.

"Aalis ka na sa isang araw, Caice. Gusto mo ba talagang ang ganyang damdamin ang namamayani sa'yo sa natitirang oras ng pamamasyal mo?" His voice was soft, almost coaxing.

I shook my head, feeling a lump in my throat. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiinis."

He gave me a small, reassuring smile. "Wala akong gusto kay Geraldine, kung iyon ang gumugulo sa isip mo. She's not even a part of my life in that way."

"Pero may iba kang gusto?" Huli na bago ko pa mapigilan ang aking sarili. Bakit naman kailangan ko pa iyong itanong? Anong inaasahan kong magiging sagot niya?

Hans gently squeezed my arm. "Hindi ko pa puwedeng gustuhin, eh. Hindi pa puwede..."

I felt a wave of confusion wash over me. What did he mean by that? My mind raced, trying to decipher his cryptic response. I opened my mouth to ask him, but before I could say anything, he got off the truck and walked around to my side, opening the door for me.

"Halika na, mamasyal na tayo," he said, guiding me out and into the stable. His actions were deliberate, clearly aimed at avoiding any further questions.

Agad na lumapit sa amin si Dumas kaya hindi na rin ako nakapagtanong pang lalo tungkol sa huli niyang sinabi.

"Mamamasyal na kayo?" Tanong nito sa akin nang mauna na si Hans sa loob ng kwadra.

"Oo, sa peak lang siguro ulit." Sabi ko kay Dumas, huminto rin ako sa kung nasaan ito ngunit ang aking mga mata ay nakasunod kay Hans.

"Kung wala lang akong kailangang gawin ay sasama sana ako," may panghihinayang sa tinig ni Dumas, sandali ko siyang binalingan tapos balik na naman kay Hans ang tingin ko.

"Sa susunod siguro ay puwede ka namang sumama sa amin," I smiled at him, not wanting him to feel that mind was off the subject kahit pa iyon naman ang totoo. Nagpapaulit-ulit kasi sa akin ang huling sinabi ni Hans sa sasakyan.

Inihanda na niya ang mga kabayo at si Astron ang unang inakay palabas ng kwadra. Agad ko iyong nilapitan, si Dumas naman ay tinulungan akong mag-check ng saddle kahit pa maigi na iyong naikabit ni Hans. Sumampa na ako sa kabayo, hinihintay na lang siyang matapos.

"Uuwi ka na sa isang araw, 'di ba?" Tanong ni Dumas sa akin.

Hm, mukhang kalat na ang balitang iyon sa buong rancho. Tumango ako, napalingon nang lumabas na si Hans mula sa kwadra sakay ng itim na stallion ni Tita Chi.

"Sige, mag-iingat kayo, Caice!" Kumaway si Dumas, tinanguan rin nila ni Hans ang isa't isa bago kami tuluyang tumulak. May pahabol pang sigaw si Dumas mula sa kwadra. "Enjoy!"

Hans and I rode out into the open fields. Mataas ang sikat ng araw ngunit hindi iyon masakit sa balat. Malapit na akong umuwi kaya dapat talaga na samantalahin ko na ang mga natitirang oras ko dito sa rancho. Hindi ko na muna iisipin ang mga bagay na hindi ko naman kailangang pakaintindihin. I let myself relax and enjoy the moment. The ranch was truly beautiful, and I realized how lucky I was to be able to spend my days exploring it.

We reached a particularly scenic spot, a gentle hill that offered a stunning view of the surrounding area. Pinatigil ko si Astron, ganoon rin ang ginawa ni Hans habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.

"I don't think I've been here before," tahimik kong sabi. I looked around, taking in the breathtaking view. Masyado talagang malawak ang rancho, meron at meron pa rin akong hindi pa napupuntahan. "Ang ganda dito, Hans!"

Agad kong kinuha ang camer ko mula sa bag, I took a few shots of the surroundings. Nagulat ako nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay.

"Akin na, kukuhaan kita para mas maganda..."

Mas maganda...

Maganda...

Iyon lang ang narinig ko. Wala sa loob na ibinigay ko iyon sa kaniya. I didn't think I posed for a shot, ni hindi nga ako lumingon at pinanatili lang ang aking tingin sa magandang tanawin kahit pa alam kong kinukuhaan niya ako ng picture. I was scared to turn and find him staring at me. Hindi ko rin alam kung bakit pero kinakabahan ako isipin pa lang iyon.

"I'm really going to miss this," I admitted. "Miss you."

Wala ng dahilan para pigilin ko pa ang sarili kong sabihin iyon sa kaniya. Totoo naman!

He looked at me for a long moment, his expression serious. Ibinalik niya sa akin ang camera bago nagsalita. "Puwede mo naman akong i-text kung may libreng oras ka..."

Mukhang palaging magkakaroon pag dating sa kaniya. Hindi ko iyon isinatinig.

"Tatawag rin kita kung may pagkakataon... at kung ayos lang sayo, syempre."

Kinagat ko ang aking ibabang labi para paliitin lang ang malapad sanang ngiti na sisilay doon. Ayaw ko namang isipin niyang gustong-gusto ko ito kahit pa nga totoo!

"Yes, you can call me... Kung gusto mo lang rin." I feigned nonchalance.

"Gusto ko... And I will call you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro