Chapter Nineteen
Sa San Vicente kami nagtago ni Hans matapos ang pagkikita namin nang gabing iyon. Sa tabing dagat kami nanirahan bilang Alvaro at Cara. Pinutulan ko ang mahaba kong buhok baka sakali lang na may makakilala sa akin dito, Palawan pa rin ito kahit pa sabihing maliit ito kumpara sa San Jose at Soledad.
"Cara, halika, anak. Saluhan mo kami nina Mary Gail maghapunan," si Aling Sita iyon, kumakatok sa maliit na kubong nagsisilbing tahanan namin ni Hans sa loob ng lagpas isang buwan naming pananatili dito. "Baka gabihin na naman kasi sa laot ang mga asawa niyo, malipasan kayo ng gutom!"
Si Mary Gail ay anak nito, matanda lang ng kaunti sa akin. May asawa itong mangingisda, si Pedring, iyon naman ang kasama ni Hans mangisda araw-araw. Iyon ang trabaho niya simula nang mapadpad kami sa lugar na ito. Likas na masipag si Hans kaya hindi siya nahirapang kunin ang tiwala ni Mang Ambo, asawa iyon ni Aling Sita. Marami itong bangka na ginagamit sa pangingisda, bukod kay Hans at Pedring, marami pang taga sitio ang nagtatrabaho rito bilang mangingisda.
"Sige po, susunod na lang po ako may aayusin lang sandali." Sabi ko kay Aling Sita bago muling isara ang kawayang pintuan ng kubo.
Naglinis lang ako sandali, kaunting walis walis sa paligid tapos ay bumaba na rin ako. Sinundan ko sina Aling Sita sa nakahandang hapag sa kabilang kubo. Maliit lang ang komunidad, kaya halos lahat ay nagsasalu-salo lang sa kainan.
The moment I eloped with Hans, my father raised hell. It was as if a storm had erupted, one that I had only ever seen glimpses of until now. My father's wrath was boundless, and he unleashed it with a fury that shook the very foundations of our lives.
Sinimulan nitong pakialaman ang scholarship ni Hans, sisiguraduhin talagang mahihirapan itong makatayo sa sariling mga paa. My father wasted no time in cutting it off. The De Salvo Foundation, which my father had significant influence over, revoked the financial aid that Hans had worked so hard to earn. Hindi ako naniniwalang walang magagawa si Uncle Exodus sakaling lapitan ko ito upang humingi ng tulong, but if I did that ay siguradong matutunton ako ni Dad.
That scholarship was Hans's ticket to a better future, the culmination of years of dedication and hard work. My father destroyed it in a single, ruthless move. Dahil lang kaya niya.
Hindi pa doon natapos ang lahat. Dad was determined to ruin Hans completely, to make him regret ever getting involved with me. He filed a warrant for Hans's arrest, accusing him of kidnapping me. The absurdity of the accusation didn't matter; the power and influence my father wielded ensured that the warrant would be taken seriously. Hans became a fugitive, mabuti na lang at kadalasan sa mga taong pumaparito sa San Vicente ay lokal o 'di naman ay turista.
Dad's actions were meant to coax me out of hiding, to force me to return home and submit to his will. He believed that by making Hans's life a living hell, he could break my resolve. But he didn't understand the depth of my determination. He didn't realize that his attempts to control me only strengthened my resolve to stay with Hans, to fight for our love against all odds.
"Napakaganda mong bata talaga, Cara," masuyong sabi ni Aling Sita habang kumakain kami. "Bagay na bagay kayo ni Alvaro, ano? Matipuno at guwapo rin ang batang iyon!"
Maging si Mary Gail ay napangiti rin sa pahayag na iyon ng ina nito.
"Ilang buwan na nga kayong kasal?" Tanong nito na halos magpa-ubo sa akin. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila nang unang dating namin ni Hans dito, hinayaan niya naman akong magsinungaling. Syempre, alangan sabihin ko na nagtanan kaming dalawa! "Wala pa ba kayong balak na magka-anak? Itong sina Mary Gail nga ay balak nang gumawa ng pangalawa!"
Agad na namula at nahiya si Mary Gail bago umiling. "Nay, ano ka ba?! Hindi pa namin iyan napapag-usapan ni Pedring! Isang taon pa lang si Lea, hindi ko alam kung dapat na bang sundan! Kayo lang ni Tatay ang may gusto, eh. Kayo na lang kaya ang mag-anak!"
"Naku! Kung puwede lang ay nasundan ka! Kaso sa'yo pa lang ay hirap na akong magbuntis, eh!" Irap ni Aling Sita tapos ay muli na naman akong binalingan. "Ano, Cara? Kayo ni Alvaro? Wala pang balak?"
Umabot ako ng tubig at nilagok iyon. Kung sana alam lang nito ang lahat ng kaguluhang kinakaharap namin, ang pag-aanak ang nasa pinakadulo ng gusto naming gawin sa ngayon. We weren't ready for that. Kung mag-aanak kami ay nagdamay lang kami ng sanggol sa mga problema namin. There's a time for that. Naniniwala akong darating iyon.
"Wala pa po," mahina kong tugon. "Gusto pa namin i-enjoy ni Ha—Alvaro ang mga unang taon ng pagiging mag-asawa namin."
"Tama 'yan! Dahil kapag nagka-anak na kayo, lahat ng atensyon niyo ay doon na matutuon!" Sabi ni Mary Gail.
Umikot pa sa ganoon ang usapan habang nanananghalian kaming tatlo. Tipid at maingat ang mga nagiging sagot ko sa mga ito lalo na kapag inuusisa nila ang pagsasama namin ni Hans. Sabi ko na lang ay galing kaming Manila, doon kami nagkakilala at kinasal.
For a while, our life in San Vincente worked. Pilit kaming hindi nagpapaapekto sa lahat ng panggigipit ni Dad. Hanggang maaari ay sinusubukan naming maging masaya at panlabanan ang pangamba.
"Tinatanong ako nina Aling Sita noong nakaraan kung may balak na raw ba tayong mag-anak," kuwento ko kay Hans isang umaga na nasa kama kami. Nasa ibabaw ko siya, parehas na walang saplot at tanging manipis na kumot lamang ang nagbibigkis sa aming dalawa.
We just had sex, kaya naalala ko.
"Hm? Natural lang na itanong nila 'yun, sabi mo kasi mag-asawa tayo, eh." Nanunukso siyang tumawa bago sumiksik sa aking leeg at halikan ako doon. "Mahal na mahal kita, Caice..."
Walang umaga na hindi niya iyan sinasabi sa akin. Wala ring pagkakataon na hindi niya pinapatunayan. "Sabi ko'y hindi pa tayo handa... Hindi pa naman talaga."
"Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa'yo, sa piling ko... Hindi ganito." Iyan na naman ang tono niyang iyan na para bang sinisisi niya ang sarili niyang nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa.
"Kuntento na ako sa ganito, Hans," marahan ko siyang itinulak para magkaharap kami. I touched his face and met his gaze. "Ikaw lang ang kailangan ko at hindi ang kahit ano pa..."
He shook his head, ang mga daliri ay pinaglandas sa ngayo'y maiksi ko ng buhok. "Pahahabain natin ulit 'to... Hindi na natin kakailanganin pang magtago."
In the short period of time that Hans and I had been in San Vicente, we managed to carve out a small pocket of happiness amidst the turmoil. Our days were simple and quiet, filled with moments of peace that felt like stolen treasures. We would walk along the beach, the waves lapping at our feet, or sit under the shade of a large tree, talking about everything and nothing. It was a life far removed from the chaos we had left behind, a sanctuary where we could breathe and be ourselves.
But as the days turned into weeks, the reality of our situation began to weigh heavily on us. The tranquil life we had built felt increasingly fragile, like a delicate bubble that could burst at any moment. The start of the school year loomed on the horizon, a stark reminder of the future we had put on hold.
Hans had always been driven, his eyes set on his dreams with unwavering determination. The loss of his scholarship was a devastating blow, and though he tried to hide it, I could see the worry in his eyes. He needed to continue his studies, to pursue the future he had worked so hard for. And so did I. But how could we do that now?
At night, when Hans was asleep beside me, I would lie awake, my mind racing with thoughts and fears. The peace we had found in San Vicente felt like a temporary reprieve, not a solution. We couldn't stay hidden forever. The longer we stayed, the more our unresolved futures gnawed at me. I couldn't stop thinking about what we were sacrificing, about the dreams we were putting on hold.
The pressure was mounting. Every day, the weight of our circumstances bore down on me a little more. I could see it in Hans too. He would often sit quietly, staring out at the horizon, lost in thought. The spark that had always driven him seemed dimmed, and it broke my heart to see him like that.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya isang hapon na makita ko siyang nakaupo sa dalampasigan, nakatanaw sa papalubog na araw.
Tumango siya at agad na umusog upang bigyan ako ng sapat na espasyong mauupuan sa tabi niya. "Gising ka na pala,"
Gusto kong sana sabihing hindi naman talaga ako nakatulog nang magpaalam ako sa kaniyang sa kubo muna ako para mag siesta. Nababagabag ako, eh.
"Malapit na ang pasukan, Hans," sabi ko nang maupo ako sa tabi niya, agad niyang hinapit ang aking bewang palapit para makahilig ako sa kaniyang dibdib. "Kailangan natin bumalik sa San Jose."
Kung paano ay hindi ko pa alam, pero gagawin ko ang lahat, hihingi ako ng tulong kahit kay Tita Chi. Makikiusap ako sa kaniya. Kahit ano! Basta makapag-aral lang si Hans.
Walang pag-aalangan siyang tumango. "Iyan rin ang iniisip ko. Kailangan mong mag-enroll, eh. Hindi ko alam kung magkano ang tuition fee mo, pero siguro naman ay sasapat ang naipon ko para sa isang semester, tapos pag-iipunan ko na lang ulit ang sa susunod pa."
"What?" Napalingon ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa narinig. Siya itong iniintindi ko tapos siya pala ay ako naman ang inaalala! "You've been thinking about how to send me to school?"
Tumango siya muli, ang mga mata'y puno ng determinasyon. "Oo, Caice. You need to finish your studies. It's important, lalo't may kailangan kang patunayan sa lahat ng tinalikuran mo para sa atin."
Umiling ako, halos hindi makapaniwala. "Hans, no. I didn't want to go back to San Jose for myself. I wanted to go back there so you could continue your studies. Your dreams, remember? That's what we're fighting for. I'll find a way to help you."
"Caice," he sighed, his hand gently squeezing my waist. "You're important too. I want to see you succeed. If I have to work double time to make sure you can stay in school, then I'll do it. Hindi naman pwedeng ako lang ang mangarap. Isa pa, alam mo bang ikaw ang pangarap ko?"
Gusto kong matunaw sa kaniyang sinabi, pero pangarap ko na rin na matupad niya lahat ng pangarap niya. I reached out and cupped his face, looking deep into his eyes. "Hans, listen to me. You've already sacrificed so much for me. I can't let you give up on your dreams. We're going to figure this out together. Kakausapin ko si Reid, hihiram ako ng pera sa kaniya para makapag-enroll din ako. I know my father has told everyone in the family to never extend help for me. Pero alam ko rin na walang pakialam si Reid sa sasabihin ni Dad. He would help me, sigurado ako. Tapos iyong ipon mo, gagamitin natin iyon para sa'yo naman. Hindi mo kailangan ng scholarship. Makakapag-aral ka, tayo."
Hindi nagsalita si Hans kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para magpatuloy.
"Alam kong hanggang ngayon ay may warrant pa rin laban sa'yo. I'll talk to Tita Chi. I know she'll help us. I'm sure she can make Dad drop those charges."
Hans shook his head, his expression softening. "Caice, I can't ask you to do that. It's your family. I don't want to put you in a position where you have to beg for help."
"But I will if I have to! Kinabukasan nating dalawa ang pinag-uusapan dito, Hans. At ang pamilya ko ang sumisira noon. Dapat lang na may gawin ako!"
Nasa ganoong usapan kami nang tumunog ang cellphone ni Hans mula sa bulsa ng suot na pantalon. He changed his number when we left, gagamitin lang sana namin iyon kung sakaling may kailangan kaming tawagan o ano. Kunot-noo ko siyang tinignan, we never used that phone to reach out to someone.
Or not that I know of, dahil mukhang may nakakaalam na ng numerong iyon. May tumatawag na sa kaniya.
"Sinong tumatawag?" I frowned and asked. Sinulyapan ko iyon nang kunin niya mula sa bulsa, Cynthia Almacen. Sino 'yon?
"Si Mrs. Almacen, malipit magpa-maintenance ng mga kotse sa talyer. Nagkasalubong kami sa palengke noong isang araw nang magbaba kami nina Mang Ambo doon ng isda, nang hingi ng numero dahil may binabalak daw siyang buksan na negosyo dito sa malapit, naisip na puwede niya akong kuning trabahador."
Tumango ako, kahit pa sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ako mapalagay. "Sige na, sagutin mo na. Papasok na muna ako sa loob at maghahanda ng hapunan."
Nang gabing iyon din ay tinawagan ko si Reid, sa lahat sa aming magpipinsan ay alam kong siya ang malalapitan ko sa usapang pinansyal. He has his own money. Matanda sa akin si Reid ng ilang taon pero halos kasabay ko siyang lumaki kaya nasisiguro kong hindi niya ako pahihindian.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil nasisiguro ko naman na alam nilang lahat ang nangyayari sa amin ni Dad ngayon. Kung hindi pa'y lahat sila ay pinagbawalan nitong tulungan ako, o sinabihan na ipaalam agad rito oras na may lapitan ako sa pamilya.
"I'm outside, Caice," iyon ang sabi ni Reid matapos kong ihayag sa kaniya na kailangan ko ng pera. Ni hindi niya na ako tinanong ng kahit ano, wala nang mahabang paliwanagan at pakiusapan.
And outside meant he wasn't in the country na siyang madalas naman mangyari. Damn! Ibig sabihin pala ay overseas ang tawag na ito. Sayang sa load! Pero hindi iyon ang dapat kong pagtuonan ng pansin ngayon. I had no bank account I could use. Kung meron man ay delikado, traceable. Dad might find us.
"I need it in cash, Reid," I sounded desperate. Damn, I was desperate!
"Figured," he said. "You know you can always count on Uncle Roy, right?"
Naisip ko nang lapitan si Uncle Roy, hinding-hindi niya ako pahihindian. Kaya lang, ayaw ko nang idapmay pa siya sa gulo namin ni Dad.
"I know. Ayaw ko lang dagdagan pa ang hindi nila pagkakaunawaan ni Dad. Malalaman at malalaman niya kung tutulungan ako ni Uncle Roy." Iyon ang kaibahan kung sakaling kay Reid ako lalapit. He wouldn't tell a soul about this call, dahil hindi naman hailig makipag-usap ang lalaking 'to.
"Yeah," he sounded bored.
Oh, I'm sorry, Reid Franco! My problems were boring you! Napairap ako sa hangin. Kung hindi ko lang talaga kinakailangan ang tulong niya ay hindi ko siya guguluhin.
"Where are you?"
I hesitated a bit. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kahit kanino, gusto ko kasi sana na ito, itong buhay namin dito sa San Vicente ay sa amin na lang dalawa.
"I will ask my wi—Spring to send you the money," pagkuwa'y sabi niya.
"Spring? Spring Mendrez?" Kumunot ang aking noo, iyon lang naman ang Spring na kilala ko. Are they friends? Hindi ko alam na may nakikipaglapit pala kay Reid na hindi namin kamag-anak.
"Yeah, Mendrez..."
Gusto ko pa sanang magtanong kaya lang baka mainis. Isa pa, I should return the courtesy. Hindi niya nga ako tinanong kung kailan ako magbabayad, eh. Pakikialaman ko pa ba siya sa buhay niya?
Iyon ang napagkasunduan namin ni Reid. Ibinigay niya sa akin ang numero ni Spring para siya na ang tawagan at kausapin ko tungkol sa pera na ipapaabot sa akin ni Reid. Sa San Jose ko binalak makipagkita sa kaniya, hindi ko na sinabi kay Hans because I knew that if I did, he would want to come. At delikado, baka mamaya ay bigla na lang siyang arestuhin sa sandaling bumalik siya doon. Tama nang ako na lang.
The next day, Hans had just left to go fishing when I made my decision. I waited a few minutes to make sure he was out of sight. Naiwan sa akin ang cellphone niya, nagdahilan kasi ako na baka tawagan pa ako ni Reid mabuting nsa akin ito. Hindi naman na nagtanong pa si Hans, hinayaan niya lang ako.
I took a deep breath and dialed the number Reid had given me, feeling a knot of anxiety tighten in my stomach. It was Spring's number. Meeting her alone felt like a gamble, but I had no other choice. If there was any chance to resolve this without further harm to Hans, I had to take it.
"Hello?" a woman's voice answered after a few rings.
"Spring?" I asked, kinakabahan pa ako. Sana nasabi na sa kaniya ni Reid ang kailangan ko.
"Yes, this is Spring. Who's this?"
"It's Caice. Reid gave me your number. Can we meet?"
There was a pause, then she replied, "Yes, we can meet. Nasabi na sa akin ni Reid, mag-withdraw lang ako tapos ay magkita tayo. Saan at kailan, Caice?"
"How about today, at the Slice of Heaven pizzeria? Around noon? Kung ayos lang sa'yo."
"Okay," she agreed. "I'll see you there."
I hung up, feeling a mix of dread and determination. I quickly packed a small bag, making sure to take only the essentials. I left a note for Hans, explaining that I needed to go to San Jose for something important and that I would be back soon. I knew he would worry, but I couldn't let him follow me into potential danger.
Catching a tricycle to the bus terminal, I boarded the next bus to San Jose. Saglit lang naman ang biyahe mula San Vicente pa San Jose, walang isang oras ay naroon na ako. Pagbaba ko pa lang ng bus ay agad na akong pumara ng tricycle patungong Slice of Heaven, maraming tao sa paligid pero palagay ko naman ay hindi nila akong agad na makikilala dahil sa halos panlalaki kong gupit, bukod pa sa lalo akong nangayayat. Kahit anong kain naman kasi ang gawin ko ay sapat ng diet ang stress na ibinibigay sa amin ni Dad.
Sa labas lang ulit ako ng pizzeria naghintay, umorder lang ng isang basong milkshake para naman hindi nakakahiya. Tanghali ang usapan namin ni Spring at medyo napaaga ako, kaya naman abang na ako ng abang sa daan. Panay rin ang yuko ko sa cellphone na dala ko at baka may text siya doon.
After what felt like an eternity, a motorcycle pulled up in front of the pizzeria. The rider, dressed in a leather jacket, removed her helmet, revealing Spring. She spotted me almost immediately and smiled, making her way over.
"Hi, Caice," bati niya, umupo sa harap ko. "I like what you did to your hair."
"Thank you," I replied, a bit taken aback by her straightforwardness. "It's good to see you."
"Likewise," she said, not wasting any time. She pulled an envelope out of her jacket and placed it on the table between us. "Here's what you need. I didn't want to waste time, so let's get this sorted out."
I blinked, surprised by the swiftness of the transaction. "Thank you, Spring. This means a lot to us."
Kaya marahil nagustuhan siya ni Reid. Hindi nagsasayang ng oras.
She nodded, her expression calm and composed. "I know. Reid explained the situation. Your dad's really putting up a fight, huh?"
"Yeah," I said, feeling a lump form in my throat. "He's determined to make our lives miserable."
Spring leaned forward, her eyes serious. "Listen, Caice. This money will help for now, but you need a long-term plan. Your dad won't stop until he gets what he wants. You and your boyfriend need to be smart about this."
"We're trying to figure things out, but it's hard." I said, gripping the envelope tightly.
"Of course it is," she said with sympathy in her voice. "Kung may kailangan ka pa ay magsabi ka lang sa amin ni Reid. You have my number naman."
"Thank you, Spring,"
Tumango siya tapos ay tumayo ng muli, niyuko ang suot na relong pambisig. "I'm really sorry pero may kailangan kasi akong puntahan. Alam kong ikaw rin ay may mga kailangan ka pang gawin, siguro sa susunod ay puwede tayong magkita ulit."
"Thank you," I repeated, feeling a bit more hopeful as I tucked the envelope into my bag. "I really appreciate it."
She nodded, putting her helmet back on. "Take care, Caice."
I watched as she started her motorcycle and drove off. Nang mawala si Spring ay nagulat pa ako nang may lumapit sa akin. Si Minnie.
Mainit at galit ang tingin na ibinibigay niya sa akin, para bang nang-aakusa. Hindi ako makapagsalita, pinanuod ko lang siyang lumapit sa aking kinauupuan at maupo sa binakanteng espasyo ni Spring.
"Nasan si Hans, Caice?" Iyon ang agad niyang tanong. "Malapit na ang pasukan, ah. Ano? Hindi na siya mag-aaral? Wala na siyang balak? Ano? Ihihinto niya na lang ang mga pangarap niya para sa'yo? Sinisira mo ang buhay ni Hans, Caice! Sinisira niyo ng pamilya mo!"
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na anuman ang nangyayari sa amin ni Hans ay sa amin na lang iyon. Wala siyang pakialam doon. But she was right. Pamilya ko naman talaga ang sumisira kay Hans! Daddy ko ang nagpapahirap sa kaniya. Magsasalita pa lang sana ako ngunit dinugtungan niya ang kaniyang sinabi.
"Hindi pa ba sapat ang ginawa ng tatay mo sa pamilya niya? Kailangan ba talagang patungan pa iyon ng walang hanggang paghihirap dahil lang ang pinakamamahal niyang anak ay nahulog at napamahal sa batang inalisan niya ng ama!" Matigas niyang sabi na halos magpatigil ng mundo ko.
"What did you say?" Halos bulong na lamang iyong lumabas sa aking bibig.
"Oh, didn't he tell you? Ang daddy mo ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ni Hans at ang marami pang residente ng Matahom dalawang dekada na halos ang nakalilipas. Maraming namatay, Caice. Maraming hindi nabigyan ng hustisya at isa na si Hans doon. Tapos ngayon ay hindi niyo pa rin titigilan si Hans? Maawa naman kayo doon sa tao!"
Oh, God. Pakiramdam ko ay papanawan ako ng lakas sa aking narinig. No. It wasn't true, was it? Hindi magagawa ni Dad iyon! Hindi magagawa ng sinuman sa pamilya namin ang ibinibintang niya. At kung totoo, bakit hindi sa akin sinabi ni Hans ang bagay na ito? Why would he keep this as a secret from me?
Biglang tumunog ang cellphone ni Hans na nasa lamesa. Cynthia Almacen, iyon na naman ang tumatawag. Papatayin ko sana nang magsalita na naman si Minnie.
"Ano 'yan? Naghahati kayo ni Cynthia kay Hans?" Medyo nang-iinsulto niyang sabi, naroon pa rin ang poot nang magtama ang aming mga mata. "I didn't know na hanggang ngayon pala ay may relasyon pa rin sila ni Mrs. Almacen, ang akala ko'y natigil na nang ipabugbog siya ng asawa nitong seloso. Hindi pa rin pala..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro