Chapter Nine
"Hey!" I called out as I approached.
Hindi siya agad na nagsalita ngunit mabilis niyang inabot ang bitbit kong tatlong libro. Maninipis lang naman iyon at hindi mabigat, pero hinayaan ko na rin siya nang kunin niya iyon. Abala rin kasi ako sa lihim na pagpapakalma ng aking sarili. Paano ba naman kasi, after so many weeks ay muli ko siyang nakita!
"Kanina ka pa ba dito?" Wala akong maisip na itanong, parang bila akong nahiya ngayong kaharap ko na siya.
"Hindi naman, medyo inagahan ko lang. Ayaw kong ikaw pa ang maghintay sa akin." Iginiya niya ako papunta sa sakayan ng tricycle.
May mga ilang estudyante ang napapalingon sa amin, bukod pa sa nakukuha niya ang atesnyon ng mga ito ay kilala rin ako sa school. Well, wala naman kasing De Salvo ang hindi kilala sa bayang ito.
"Wala akong nahiram na sasakyan sa talyer, eh. Ginamit nila Tiyo ang truck pa-Puerto Princesa. Ayos lang ba kung sasakay tayong tricycle?" Maingat niyang tanong, may pag-aalangan na naman.
Oh, how I wish I can waive off that hesitation in him. Hindi niya kailanman dapat mag-alangan kung ako ang kausap niya. But then, I couldn't just enforce it on him. Kailangan maramdaman niya iyon ng kusa, maiparamdam ko sa kaniya.
"Ayos lang," I smiled at him, humawak ako sa kaniyang braso para mas magkalapit kami habang naglalakad. I felt him tensed, pero hindi niya naman iyon inalis.
We walked to the nearby tricycle stand, and Hans guided me inside. Sumunod rin naman siya papasok at naupo sa tabi ko. Hans was tall and big, and he almost occupied the whole space. It was a tight fit, but I didn't mind at all. Siya ang kasama ko at iyon ang mahalaga. Iyon lang.
As the tricycle started moving, I tried to make myself as comfortable as I could. The seats were a bit cramped, and the ride was bumpy, but I found it endearing. I had never been in a tricycle before, so this was a new experience for me.
Hans noticed me shifting around and put my books on his other thigh to give me more space. Then, he took my hand that was holding his arm, and intertwined his fingers with mine, holding it firmly. Damn!
We were holding hands! Ito ang unang pagkakataong gawin namin iyon at bigla ay lalong hindi ako mapakali!
"Ayos ka lang?" Malambing niyang tanong.
I didn't want him to think that it was the tricycle that was making me all squirmy, because it wasn't! Hindi naman talaga iyon kundi ang pagkakakulong ng aking palad sa kaniya. Tumango ko at sinalubong ang kaniyang tingin. Gusto kong manghina sa paraan ng kaniyang paninitig sa akin.
"Ito ang unang sakay mo ng tricycle..." hindi iyon tanong, nakita ko rin ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kaniyang mga labi sa nagbabadyang ngiti.
"Yeah. First time," I admitted, leaning closer to him. "It's kinda fun, actually."
He smiled, looking down at our intertwined hands. Ikinulong pa niya ang aking braso hanggang sa tuluyan ko iyong mapatong sa hita niya. Ito na siguro ang pinakamalapit na distansya naming dalawa. Thank you, dahil maliit ang tricycle.
The ride was a bit noisy with the engine's hum and the wind rushing past us, but it felt intimate. Being so close to Hans, feeling the warmth of his body next to mine, made the whole experience special.
We rode through the bustling streets, passing by various stalls and shops. People went about their day, unaware of the little world we had created inside that tricycle. I felt a sense of peace and contentment, just being with him. Grabe, sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang gugustuhin kong manatili sa loob ng tricycle ng higit sa nararapat. Parang ayaw kong huminto ito dahil baka bitiwan na rin ni Hans ang kamay ko once makababa kami.
After a few more minutes, the inevitable happened. Kuya driver stopped at our destination. Hans paid him and helped me out of the vehicle. Sandali niyang pinakawalan ang aking kamay para siguraduhin na makakalabas ako ng ayos, tapos ay muli niya iyong kinuha at pinagsiklop sa kaniya. The happier it made me.
"Hindi ko alam kung magugustuhan mo dito, pero ayos naman ang mga pagkain sa loob." Mas inilapit ako ni Hans sa kaniya, I felt his thumb gently caressing the back of my hand in lazy circles.
I looked up at the signage outside what looked like a decent pizzeria. It had a giant pizza slice sign with the name 'Slice of Heaven' in neon lighting. I hadn't been to this place before, but it looked alright. Besides, I was more excited to be with Hans than anything else.
"It looks cute," I said, giving him a reassuring smile. "I'm sure I'll like it."
Iginiya niya na ako papasok. I immediately noticed the warm and cozy atmosphere. May mga estudyante rin doon from different university, maging iba pa na tulad ni Hans ay hindi naka-uniform. The smell of freshly baked pizza filled the air, and the sound of soft music played in the background.
A waiter greeted us at the entrance and led us to a small table by the window. As we sat down, Hans looked around, still holding my hand. Parang wala nga siyang balak bitiwan iyon, hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin.
"Dito mo dinadala ang mga dini-date mo?" Pasimple kong tanong para lang may pag-usapan kami.
"Hindi ako nakikipag-date, Caice," kalmado niyang sagot, masuyong pinaglalaro ang mga daliri sa kamay ko habang nakayuko sa laminated menu na iniwan sa lamesa namin. "Ngayon pa lang. Sa'yo pa lang..."
So, date nga ito. Ngayon ay mas hinayaan ko na ang sarili kong kiligin dahil kumpirmado naman na. Ito rin ang unang pagkakataon na nakipag-date ako. I had been asked a couple of times before, iba-iba pang lalaki ang nagtangka. But none of them had caught my interest the way Hans had. Kaya marahil sa kaniya lang ako sumama.
"Their margherita pizza is pretty good, and if you're into something meatier, the pepperoni's a solid choice too." Sabi niya sabay turo ng picture ng mga iyon mula sa menu na nakaharap sa akin. "Anong gusto mo?"
May pakiramdam akong hindi ako pagagastusin ni Hans dahil date nga ito, kaya naman tinignan ko ang presyo ng mga iyon. Mura lang kung ako ang tatanungin, but if I would think of how Hans was earning his money, ang mga trabahong ginagawa niya sa rancho, talyer, at kung saan pa, ay parang hindi ko na lang tuloy gustong umorder. Sayang, eh.
"Margherita pizza ang gusto ko," mas mura iyon ng sampung piso kaysa sa isa. Kahit paano ay nakatipid pa rin kami.
Hans nodded, tinititigan ako. Sana lang ay hindi niya mahalata ang tinatakbo ng aking isipan dahil ayaw ko naman ma-offend siya o ano. Gusto ko lang rin maging considerate sa kaniya. Sapat na sa akin na gusto niya akong ilabas, hindi na kailangang gumastos pa ng husto.
Itinaas niya ang kaniyang kamay upang tawagin ang waiter para umorder, agad naman iyong lumapit. Nagulat pa ako nang parehong pizza ang orderin niya! Dalawa lang kami at hindi naman ako malakas kumain! Tapos hindi pa siya nakuntento, pinaresan pa ng milkshake.
Gusto ko sanang sabihan siya na sobra sobra iyon, kaya lang hindi ko naman gustong pangunahan siya, nanghihinayang lang talaga ako sa pera. The waiter scribbled down our order and left.
Pilit kong inalis na sa aking isipan ang pagkabahala sa mga gastusin ni Hans. I wanted to soak in the moment, hindi ko alam kung kailan ulit ang susunod naming labas at hindi rin ako mapapalagay kung ganitong gagastos ulit siya. Maybe next time ako na lang ang magsu-suggest ng pupuntahan namin. Picnic siguro, tapos magdadala na lang ako ng food namin, puwede naman akong magpatulong kanila Manang na maghanda.
I looked around the pizzeria, taking in the rustic decor and the friendly vibe. "This place is really nice," I said, turning back to Hans. "Thanks for bringing me here."
Titig na titig siya sa akin, para bang kung puwede niya lang akong hilahin palapit sa kaniya ay ginawa niya na. Miss niya rin kaya ko?
"Miss kita, Caice," biglang sabi niya bago ngumisi na parang nababasa ang tinatakbo ng aking isipan.
Agad na nag-init ang aking magkabilang pisngi sa tahasang pag-amin niya at palagay ko'y nagustuhan niya ang simpleng reaksyon kong iyon dahil mas ngumiti pa siya. I didn't think I've seen him smile like this before.
Gusto ko sanang sabihin na miss ko rin siya kaya lang paulit-ulit! Nasabi ko na sa kaniya iyon kagabi, alam niya na! Hindi na kailangang sabihin na naman, 'di ba?
"Parang hindi mo naman ako miss..." Mahina ngunit masuyo niyang sabi.
Napakunot tuloy ang aking noo habang nakatingin sa kaniya.
"Hindi mo naman masabi..."
I twitched my lips, pinigilan ko ng husto ang ngiti na kanina pang gustong kumawala. Baka kasi pag sinimulan kong ngumiti ngayon ay hindi ko na matigilan at buong gabi na lang akong ganito. "Sinabi ko na iyon kagabi, Hans. Huwag nang paulit-ulit!"
"Iba 'yun," his lips pursed, parang bata na hindi napagbigyan sa hiling. "Sa phone mo lang iyon sinabi. Iba kapag ngayon na magkaharap tayo."
Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin. Kaya ko bang sabihin sa kaniya iyon ng harapan? Matapang lang ako kagabi kasi syempre, tawag lang. Pero ano ba? Kanina pa nga kami magkahawak-kamay, ngayon pa ako mag-iinarte!
"Na-miss rin kita, Hans..." Agad kong itinikom ang aking bibig nang masabi ko iyon.
His eyes sparkled something... Something I couldn't name.
"Marami kang ginawa sa school ngayon? Napagod ka?" Malambing niyang tanong, tapos ay sinulyapan ang mga libro kong inilagay niya sa gilid ng lamesa.
Hay. Kung alam niya lang, mas napagod pa akong maghintay na mag alas kuwatro sa sobrang excitement ko na makita siya.
Pero dahil gusto kong mag-inarte sa kaniya ay tumango ako. "Medyo..."
Umangat sa ibabaw ng lamesa ang isa pa niyang kamay upang abutin ang kamay kong hawak niya na sa kabila kanina pa.
"Akin na, tanggalin natin ang pagod mo," he said softly, starting to massage my hand. The tension began to melt away under his skillful fingers, and I felt myself relaxing.
Parang natutunaw ang puso ko sa simpleng ganyan lang ni Hans. Nasisiguro kong mas pagod siya sa akin pero talagang ako pa ang mina-massage niya!
"Tell me about your day," he prompted again, gustong-gustong naririnig akong nagsasalita.
I sighed, feeling the stress of the day slowly dissipate. "Well, we had a pop quiz in Math, and it was brutal. Then there was a group project in Biochemistry that took forever because half my group didn't do their part. And, of course, the usual classroom drama..."
Hans nodded, listening intently as he continued to massage my hand. His thumb pressed into my palm in just the right spot, making me almost melt into my seat. "Magpahinga ka ng ayos ngayong weekend, tiyak na ganyan ulit sa Lunes."
I smiled at his words, feeling a warmth spread through me. Parang ngayon pa lang ay napapahinga na ako, eh.
He switched to my other hand, continuing his soothing massage. "Text mo lang ako kahit anong oras kapag pakiramdam mo ay nahihirapan ka sa araw mo. I might not be able to fix everything, but I'll always be here to listen."
"Thanks," I replied, feeling a lump form in my throat. His kindness and thoughtfulness never failed to touch me. "I'll remember that."
Sino? Sinong hindi magkakagusto sa kaniya kung ganyan niya ako tratuhin? Yes, naamin ko na sa sarili kong gusto ko nga si Hans. Gustong-gusto!
A few minutes passed in comfortable silence as he focused on massaging my hand. The pizzeria's ambiance wrapped around us like a cozy blanket, making me forget about the chaos of the day. I watched him, noticing the way his brows furrowed slightly in concentration and the gentle smile that played on his lips.
"How about you?" I asked, wanting to know more about his day. "Kumusta ang araw mo sa talyer?"
Hans shrugged slightly, still focused on my hand. "Abala, syempre. Marami pa ring customer, mga nagmamadali pa rin ang karamihan. Kulang nga sa tao, mabuti na lang at mabibilis rin ang ibang mga mekaniko doon."
Oh, 'di ba? Hiyang-hiya ang pagod ko sa mga kailangan niyang pagdaanan sa araw-araw. Hindi na dapat ako nagrereklamo kay Hans, eh! Kaya lang gusto ko 'yung ganito, malambing siya sa akin dahil nga sinabi kong pagod ako.
"Magpahinga ka rin, parang wala ka nang ibang ginawa kundi magtrabaho..." I sighed, sometimes I worry about him. Baka kasi hindi na sapat ang nagiging pahinga niya sa sobrang dami niyang ginagawa palagi. "Sa Lunes ay simula na rin ng klase mo, 'di ba?"
Tumango siya, sandaling binitawan ang aking kamay tapos ay may kinuha sa bulsa ng pantalon. It was a brown leather bifold wallet, halatang may katagalan na dahil nagbabakbak na ang dulo nito. Mula roon ay inilabas niya ang nakatuping papel at inabot sa akin, dalawang piraso iyon na pinagkabit ng stapler.
Tinanggap ko iyon atsaka binuklat. Agad na bumungad sa akin ang kaniyang pangalan na nakaimprenta sa tutok at pinaka kaliwang bahagi ng papel. Coronel, Alvaro Hansen. I couldn't help but smile. I never knew his full name, and it sounded so distinguished. My gaze lowered to his class schedule from San Jose Community College. He only had a few classes and was required to attend just two days a week.
But then I glanced at the other paper, and my smile faded. It was his schedule from SDL-Air. It was far more demanding, with night classes and training sessions nearly every day. A wave of concern washed over me.
"You have such a busy schedule, Hans," I said, my voice laced with worry.
"Kaya naman 'yan," he replied, a small smile playing on his lips.
Ngayon pa lang nga ay duda na akong nakakapagpahinga siya ng ayos. Paano pa kung magsisimula na ang klase?
"Paano ang pahinga mo nito? Kung sa umaga ay magttrabaho ka sa talyer o rancho, tapos sa hapon may pasok ka sa kolehiyo, sa gabi naman ay sa SDL-Air. When do you sleep?"
Hans shrugged, trying to downplay it. "I get by. Isa pa'y hindi naman araw-araw ang klase ko sa kolehiyo, eh. Makakapagpahinga ako, Caice. Ganoon talaga, kailangan magtiis muna sa ngayon."
I couldn't shake off my concern. "But you're pushing yourself too hard. You need to take care of yourself too. Paano kung magkasakit ka sa ganitong gawa mo, Hans?"
He looked at me, his eyes softening with affection. "Caice, huwag kang mag-alala, kaya ko. Kakayanin ko 'yan. Alam kong maganda ang magiging kapalit ng lahat ng pagod na 'yan..."
"Alam ko naman na para sa pangarap mo ang lahat ng ito, Hans..." I sighed. "I just don't want you to burn out. Promise me you'll take care of yourself. Hindi mo sasagarin ang sarili mo. Kapag hindi kaya, huwag mong pilitin."
He reached out and gently squeezed my hand. "Hindi puwedeng hindi ko kaya... Masyadong mahalaga sa akin 'yung pangarap ko, eh. Hindi puwedeng abot kamay ko lang, kailangan kong makuha... Kailangan sa'kin."
I was about to say something, to reassure him or maybe to argue, but our order arrived at that moment. The waiter placed the pizzas in front of us, and I took the opportunity to tuck his schedule inside my bag. Hans gave me a small smile as he picked up a slice of Margherita, and I did the same, the delicious aroma momentarily distracting me from my worries.
We started eating in silence, tanging ang ingay lang ng kung anu-anong usapan sa paligid namin ang maririnig. I kept glancing at Hans, seeing the tiredness in his eyes despite his attempts to hide it. He was trying so hard to achieve his dreams, and I admired him for it. But at the same time, I couldn't help but worry.
I wanted to tell him to slow down on working and focus more on school, but I knew that wasn't possible. Unlike me, Hans didn't have parents who could support him. He was a scholar, yes, but that wasn't enough. He needed to work, and work hard, to live. The reality of his situation weighed heavily on me.
"Masarap ba?" he asked, breaking the silence.
I nodded, forcing a smile. "Yeah, it's really good. You were right."
"Mabuti't nagustuhan mo. Kumain ka lang," he said, taking another bite.
Nagpatuloy kami sa tahimik na pagkain. Kahit na mabilis akong nabusog ay nagpatuloy pa rin ako sa pagkain, pati ang milkshake, kahit malaki iyon at punong puno ay uubusin ko dahil sayang. Pinaghirapan ni Hans ang ipapambayad niya sa lahat ng ito kaya dapat lang na wala akong sasayangin.
"Sinasama pala ako nila Oxygen bukas," pagbubukas niya ng panibagong usapan. Pasimple akong tinitignan na parang inaabangan ang magiging reaksyon ko. "Motocross, sa Balayong lang naman iyon. Gusto ko sanang sumali dahil sayang rin ang premyo kung sakali. Balak rin sanang ipagamit sa akin ni Ox ang isang motor niya."
Sandali akong natigilan. Kung hindi ako nagkakamali ay parehong event iyon sa sinasabi sa akin ni Julian kanina. Motocross? Sasali siya? I didn't even know he races. Pero hindi ba delikado iyon? I had once rode a dirt bike, and it did not end well with me. Kailangang i-cast ang kaliwang binti ko at ilang linggo rin akong hindi nakapaglagad.
Alam kong hobby iyon nila Oxygen at Zach, kaya lang, matitigas naman ang bungo ng mga iyon. Pero si Hans?
"Kung papayag ka lang naman ay sasali ako," dagdag niya. "Hindi pa naman ako nagkukumprima kanila Oxygen."
Wait? Was he asking for my permission? Pero bakit? Bakit ako ang pinagdedesisyon niya? Hindi ako agad makasagot. In one hand, totoong delikado ang race na iyon. But on the other, hindi ko rin naman siya magawang sabihan na huwag na dahil mukhang gusto niya naman iyong gawin. The prize seemed promising. Kung mananalo siya ay baka hindi niya na kailangan masyadong pukpukin ang sarili sa pagttrabaho lalo't magsisimula na ang klase niya.
"Are you asking for my permission?" Maingat kong tanong, ayaw kong magkamali ng intindi.
Tumango siya, sandaling huminto sa ginagawang pagkain. "Ayos lang ba na sumali ako doon?"
Ano bang sasabihin ko? "I didn't know you race..."
"Hindi madalas," sabi niya. "Kapag may pagkakataon lang."
I took a deep breath, trying to process everything. "I don't know how to feel about it, Hans. For me, it's too dangerous. But if you think you can do it, then maybe you should."
Hans nodded, his eyes searching mine for any sign of doubt. "Mag-iingat naman ako. Isa pa, hindi naman iyon ganoon kadelikado dahil monitored at legal ang race. Sayang rin kasi kung mananalo..."
"But what if something happens to you?" I blurted out, my voice shaking slightly. Napahamak na kasi ako dati sa ganyan, hindi ko lang gusto na ganoon rin ang mangyari sa kaniya.
"I'll be careful, I promise. I know what I'm doing. Pero kung maliligalig ka ay hindi na lang ako tutuloy." Malumanay niyang sabi.
I looked into his eyes, seeing the determination and sincerity there. He wasn't asking for permission because he needed it; he was asking because he respected how I felt. That realization made my heart swell.
"I just... I don't want you to get hurt," I said softly. "But if you really believe you can do it safely, then I won't stop you. Just promise me you'll be careful."
Tumango siya sa akin. "Pangako. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko dahil alam kong mag-aalala ka lang lalo."
"Okay," I said, squeezing his hand. "But you have to update me tomorrow about everything. I want to know what's going on."
Muli siyang tumango, pilit akong kinakalma sa pamamagitan ng ngiti.
I hesitated for a moment before adding, "By the way, Julian asked me this afternoon if I would want to watch a motocross event. Maybe that's the same event you're talking about?"
Hans frowned slightly, his brows knitting together. "Sasama ka? Gusto mo bang manuod?"
I swallowed, not knowing how to answer that. "Initially, I didn't. But now that I know you're going to compete, I feel like I should be there. But honestly, I'm scared to watch you."
He looked thoughtful for a moment, then nodded. "Gusto kitang kasama kung gusto mong manuod..."
Hindi ako makapagdesisyon. Baka kasi mas magulo ko lang siya kung nandoon ako at nag-aalala sa kaniya. Hindi pa ako handa, siguro sa susunod na lang ako sasama.
"Hindi na siguro, hihintayin ko na lang ang tawag mo." I sighed. "Tatawagan mo naman ako 'diba?"
Hans smiled and nodded. "Ipahinga mo na lang ang buong Sabado at Linggo mo. Tatawagan kita at babalitaan. Huwag ka nang makipag-date sa iba..."
"Hindi naman talaga!"
Tinitigan niya ako, parang hindi pa rin kumbinsido. "Sa akin lang puwede..."
"Huwag ka rin mag-date ng iba!"
"Hindi naman talaga!" Gaya niya sa akin, nakangisi pa.
"Siguraduhin mo lang, Alvaro Hansen!" I squinted my eyes at him, pilit na sinungitan ang aking tinig kahit pa napapangiti na ako. Ngayon ko lang nalaman ang buo niyang pangalan kaya ngayon ko lang iyon nabanggit.
Maging siya ay natawa. "Sigurado ako, Cara Venice."
I never told him my full name. Oh, well. Hindi naman lihim ang bagay na iyon, lalo para sa mga nagtatrabaho sa rancho na tulad niya. And I kinda like how it rolls off his tongue!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro