Chapter Four
Natuloy ang pamamasyal namin ni Kourtney sa beach kasama ang magkapatid na Lagdameo. Si Kourtney ang nagpaalam kanila Tito Roy at Mama Nae, hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa pinaalam na susunduin kami ng dalawa para sana nakatuloy ang mga ito hanggang sa villa, hindi 'yung kinailangan pa namin magpahatid hanggang bukana ng Soledad.
"Malapit na lang dito ang sa inyo, 'di ba?" Tanong ni Julian sa akin habang pareho kaming nakatanaw sa asul na karagatan.
Tumango ako. "Sa kabilang bahagi ng isla. Kalahating oras kung yate ang gagamitin, isa kapag bangka. Kapag speed boat ay mas madali."
"Miss Caice, pinapatanong po ng daddy niyo kung may kailangan pa kayo,"
Tiningala ko ang unipormadong staff ng hotel na lumapit sa lounger namin ni Julian. Kami lang dahil nasa dagat sina Kourtney at Jeric. I didn't feel like swimming, kaya ayos na sa akin itong magbilad. Sinabihan ko naman si Julian na ayos lang sa akin maiwan mag-isa kung gusto niyang saluhan ang dalawa, pero mas pinili niyang dito na lang rin.
"We're fine," I said with a tight smile.
Isa sa hindi ko gusto kapag narito ako ay kapag nalalaman ni Dad. Hindi puwedeng hindi niya ako palalapitan sa isa sa mga staff, pahahatiran ng kung ano, tatanungin kung may kailangan. I understood that he was just doing those things to make sure I was okay, but sometimes, it was borderline suffocating. Hindi ko nga lang ito masabihan dahil mahal na mahal ko ang daddy ko. Bukod pa sa mas maingat ito sa akin kaysa kay Icen dahil ako ang babae.
"And tell him there's nothing to worry about," pahabol ko atsaka sinulyapan si Julian na tahimik lamang na nagmamasid habang sumisimsim sa fruit shake na inorder namin kanina. "Julian Lagdameo ang pangalan ng kasama ko. If he has time, puwede niya kaming babain para ipakilala ko sa kaniya ng personal."
Kita kong halos maubo si Julian sa aking sinabi, medyo nag-panic rin. Ang babaeng kausap ko naman ay dali-daling tumango at tumalima. Totoo naman ang sinabi ko, kung gusto ni Dad na malaman kung sino ang kasama ko ay puwede naman siyang bumaba. Hindi ko naman siya itataboy.
Pero syempre, matapang lang rin ako dahil alam ko naman na hindi 'yan gagawin ni Dad. He had more important thing on his plate para pag-aksayahan ng oras kami ni Julian.
"Bababa ang daddy mo?" Hindi mapakaling tanong ni Julian.
"Oh, relax!" I rolled my eyes, inabot ang aking inumin at muling tumanaw sa karagatan. "Masyadong abala iyon, maraming ginagawa. Hindi niya tayo pagsasayangan ng oras."
Julian continued to fidget and cast nervous glances towards the hotel, natatawa tuloy ako. Para kasi siyang takot na takot kay Daddy.
"Julian, my father has better things to do than spy on us all day." Naiiling na binuksan kong muli ang libro na aking binabasa. "Isa pa, wala naman tayong ginagawang masama. Hindi dapat tayo mabahala katulad ng dalawang 'yun,"
Nginuso ko sa kaniya ang kinaroroonan nina Kourtney at Jeric, malayo man ay halata namang naghahalikan ang dalawa. Hindi ko rin alam kung saan kumukuha ng tapang si Kourtney na gawin 'yan. At dito pa talaga kung saan kilalang kilala siya ng lahat.
Tumawa si Julian pero ramdam kong hindi pa rin siya mapalagay kaya muli ko siyang hinarap.
"Dad might be a bit obsessive at times, but he knows how to respect boundaries. Hindi iyon basta-basta na lang susulpot dito. Ang papuntahan lang ako sa mga staff, 'yan na ang extent ng paninigurado niyang ayos lang ako."
Julian still looked unconvinced, his gaze lingering anxiously on the hotel.
"Julian, hindi naman kita boyfriend. Huwag kang kabahan! Enjoy mo lang 'yung araw! Sayang!" Humalakhak ako.
Kalaunan ay kumalma rin naman si Julian. Kung anu-anong bagay rin ang aming napag-usapan habang nagbibilad sa araw. But as the clock neared ten in the morning, the sun grew unbearably hot, and I could feel my skin starting to burn despite the layer of sunscreen I had applied earlier.
Kaya naman tumayo na kami ni Julian, nilapitan namin sina Kourtney at Jeric na mukhang wala pang balak umahon para magpaalam. Kourtney wanted to stop me, but we had an agreement last night. Kung gusto niya pang manatili ay hindi ko naman siya pipigilan. Basta ako, uuwi na. Gusto ko pang umakyat ng rancho at mangabayo dahil iyon naman talaga ang balak kong gawin sa araw na ito.
Julian suggested grabbing lunch, but I shook my head, wala ng oras. Baka anong oras na ako makaakyat, sayang naman kung hindi ko maaabutan ang sunset sa peak.
Nang alukin ako ni Julian na ihatid kahit hanggang bukana lang ng Soledad kung saan rin nila kami sinundo kanina ay hindi na ako tumanggi. Mas madali kung ihahatid niya ako, puwede naman akong magpahatid gamit ang isa sa mga van ng hotel kaya lang makakaabala pa. Maraming turista ngayon dahil bakasyon, mas kailangan ang mga sasakyan dito sa hotel.
With that settled, we quickly gathered our belongings and made our way back to Julian's car, the hot sand burning our feet as we hurried across the beach. Soon enough, we were on the road, the cool breeze from the car's air conditioning providing some relief from the sweltering heat.
Tahimik lang kaming pareho sa byahe, siguro ay naubos na rin namin ang mga puwede namin pag-usapan kanina sa beach. O baka pareho lang rin kaming pagod at nahihilo sa init ng araw.
Malapit na kami sa Soledad nang makitang may sasakyan na nakasunod sa amin, lumabas ito mula sa daan patungong San Jose. I glanced into the rearview mirror, a flash of red caught my eye, and I realized with a start that it was Uncle Roy's pickup truck following closely behind us. Iyon ang ginagamit nilang madalas sa mga delivery sa bayan at commercial areas ng San Jose.
Si Kade malamang ang may gamit nito. Puwede na akong dito na lang magpababa kay Julian at lumipat kay Kade para hindi na ako tumawag pa sa villa ng susundo sa akin pag nagkataon. Pinigil ko ang braso ni Julian.
"Can you pull over? Dito na lang siguro ako," itinuro ko sa kaniya ang truck sa aming likuran. "Si Kade 'yan. Sa kaniya na lang ako sasabay pabalik ng villa para hindi ka na rin maabala."
Julian furrowed his brow in confusion but nodded, pulling the car to the side of the road. As I stepped out of the car, I could feel the sun beating down on me.
"Sigurado ka ba, Caice?" Tanong muli ni Julian, nagbaba ng bintana ng sasakyan. Nilingon pang bahagya ang truck, parang hihintayin munang makasakay ako doon to be sure I was safe.
I smiled reassuringly. "Oo! Si Kade 'yang kasunod natin. Salamat sa paghatid, ingat ka!"
With that, I waved goodbye to Julian and made my way towards the pickup truck sa buong pag-aakalang si Kade ang nasa manibela. But it wasn't him!
It was Hans.
I reached for the door handle and pulled it open, pero biglang hindi ako makatuloy. He sat there, his gaze fixed on me with an intensity that sent a shiver down my spine. His expression was unreadable, but there was something in the way he looked at me that made my pulse quicken. One hand rested casually on the steering wheel while the other propped up his chin as he studied me.
For a moment, I was frozen in place, unsure of what to do. I had expected Kade, not Hans. Kung alam ko lang sana ay hindi na lang ako nagpababa kay Julian. The door of the pickup truck was already unlocked, and Hans made no move to stop me as I climbed inside.
"Sasabay sana ako hanggang villa," sabi ko sa maliit na tinig. "Akala ko si Kade ang may dala nitong pickup."
I settled into the passenger seat and stole a glance at Julian's car, which was now driving away. Hans didn't say anything as I buckled my seatbelt and closed the door, but his presence beside me felt palpable. Hindi ko naman na inaasahan na may masasabi siya dahil palagi namang wala lang itong imik.
With a silent nod from Hans, the truck lurched forward. Tinanaw ko ang labas ng bintana habang nasa daan kami. Walang usapan na namagitan sa aming dalawa, hindi na ako nagtangkang magsalita dahil alam ko naman na he wouldn't entertain any conversation. Kung bakit ay hindi ko rin alam.
The familiar landscape passed by in a blur as we drove, tanging ang tunog lamang ng makina ng sasakyan ang maririnig sa buong byahe. Hindi naman pipi si Hans, nakakapagsalita siya kung minsa. Maiiksi pero bumuboses naman! Nakikipagkuwentuhan rin siya sa mga babae sa rancho. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa akin ay parang pinagdadamot niya ang bawat salita.
O baka naman naiilang siya dahil sa sinabi ni Kourtney?
It might be.
Kaya rin siguro panay ang 'Señorita' niya sa akin. God, I couldn't stand the awkwardness!
"Galing ka sa San Jose?" Alam ko namang oo, tinanong ko pa rin para may pag-usapan.
Tanging tango lamang ang naging tugon niya.
"Saan sa San Jose? Bakit ikaw ang nag deliver at hindi si Kade?" Ayan! Hindi answerable by a nod ang tanong ko!
"Sa mga Mendrez," simple niyang tugon, ang mga mata ay nasa daan pa rin. "Maagang tumulak sa rancho si Kade."
Sumandal ako sa upuan at pinanatili na lamang ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kapag malapit si Hans. Siguro ay dahil wala kaming mapag-usapan at halatang hindi niya gusto ang presensya ko.
I stole occasional glances at Hans as he drove, trying to gauge his mood. His jaw was set in a tight line, and his eyes remained fixed on the road ahead. I couldn't help but wonder what he was thinking, what was going through his mind.
Itanong ko kaya?
As if naman sasagutin!
"Didiretso ka ba sana ng rancho kung hindi ako magpapababa sa villa?"
Tumango lamang siya.
"Huwag mo na akong ibaba sa villa kung ganoon. Dumiretso ka na sa rancho, doon rin naman sana ang punta ko." Sabi ko, hindi ko na gustong labis pang makaabala sa kaniya dahil hiwalay ang lilikuan ng villa pa-rancho kung manggagaling sa bukana. "Sa kuwadra mo na lang ako ibaba, kung ayos lang."
Hans drove us up the winding road to the ranch. Nanatili kaming parehong tahimik, wala naman kasi siyang naging sagot sa sinabi ko. Alam ko lang na pinagbigyan niya ako nang lagpasan na na,in ang daan na dapat lilikuan papunta sa villa.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang kuwadra. Nilingon ko si Hans at nagpasalamat bago tuluyang buksan ang pinto at tumalong pababa ng sasakyan.
Agad na binitawan ni Dumas ang kargang dayami nang makita akong bumaba ng sasakyan, dali-daling tumakbo upang salubungin ako.
"Caice!"
Halatang excited itong makita akong muli sa kuwadra, medyo nahiya nga ako sa energy nito pero sinubukan ko pa ring ngumiti.
"Dumas! It's nice to see you again!"
I glanced back at the pickup truck, where Hans still sat behind the wheel. Titig na titig siya sa akin at hindi ko ba alam pero pakiramdam ko ay hinuhusgahan niya ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Anong nagawa kong mali? Bakit parang galit siya?
But before I could gather my thoughts, Hans tsked softly, drawing my attention back to him. Or perhaps it was just my imagination playing tricks on me once again.
Pinilit kong ignorahin ang kaniyang reaksyon at muling nagpasalamat na lamang. "Thanks for driving me here."
With a small smile, I turned away and made my way towards the stable. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Hans dahil nasisiguro ko rin namang hindi niya ako sasagutin.
Halos isang oras kaming nagkuwentuhan ni Dumas tungkol sa mga kabayo habang hinihintay ko siyang matapos sa pagpapakain sa mga ito. Inanyayahan niya kasi akong sumabay na sa kaniyang mananghalian sa kubo sa rancho kung saan naroon rin ang ibang mga ranchero tuwing ganitong oras. Wala namang problema sa akin, ilang beses na rin naman akong nakakain doon, kadalasan kami kami nina Thalia at Kade. Masarap rin pati ang luto ni Nanay Inez.
Sakay ng mga kabayo ay tinungo namin ni Dumas ang kubo sa gitna ng rancho. Doon ko lang naramdaman ang kakaibang gutom, halos hindi rin kasi ako nag-agahan sa kakamadali ni Kourtney kaninang makaalis. Tinanggihan ko pa ang alok ni Julian na tanghalian para makaakyat ng rancho.
Nang marating namin ang kubo ay halos isa-isa nang nagpupulasan ang mga ranchero, tapos ng mananghalian at handa nang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho. Sa mahabang lamesa ay dadalawa na lamang ang natitira. Kagaya nang punta ko rito noong nakaraan ay naroon ang tatlong dalagita na kasakasama ni Nanay Inez mag-asikaso sa mga ranchero, sina Geraldine ni Hans.
Hindi ko alam bakit bigla akong nainis kaya naman pilit kong inalis iyon sa aking isipan.
"Caice? Caice! Ikaw nga ba?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Nanay Inez habang pinapanuod akong bumaba ng kabayo.
Of course, she would be surprised. Halos ilang taon rin siguro akong hindi nadalaw sa lugar na ito. Hindi ko rin alam kung nasabi sa kaniya ng mga dalagita niya na pumarito ako noong nakaraan. O baka nakalimutan rin nila kakaasikaso sa nag-iisang ranchero na narito nang hapong iyon? Ngayon ko lang naisip na isa lang siya pero kailangan talagang tatlo ang umaasikaso!
Muli kong nirendahan ang tinatakbo ng aking isipan. Hindi maganda. Hindi dapat.
As I dismounted from the horse, Dumas offered to tie Meadow under a nearby tree, katabi ng kabayong ginamit niya. Nauna na ako sa loob ng kubo at nagmano kay Nanay Inez.
"Kumusta ho kayo, Nay?" Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay amoy na amoy ko na ang bango ng lutong ulam ni Nanay. Binagoongan pa nga ata iyon. "Ang bango naman, Nay! Makikikain ho kami ni Dumas, ah? Ayos lang po ba?"
"Ay! Oo naman! Pasok, pasko!" Pinunasan pa talaga nito ang bangko na aking uupuan. "Teresa, Geraldine! Kuha agad ng plato para kay Señorita Caice niyo! Madali!"
Aligagang inasikaso kami ni Nanay Inez. Umusog akong kaunti nang tabihan ako ni Dumas sa bango, mahaba naman iyon kaya ayos lang. Agad ding binigyan kami ng baso ng malamig na tubig ng mga kasama ni Nanay sa kubo.
"Crista! Labasan ng ulam dito sina Dumas at Señorita Caice niyo!" Ngiting-ngiti si Nanay sa akin habang nilalagyan ng kanin ang aking plato. "Sapat na ba o kulang?"
"Ayos na po iyan, Nay," nakangiti kong sabi. Si Dumas naman ay inasikasong agad ang paglalagay ng ulam sa plato ko nang ilapag iyon ni Crista sa lamesa.
"Nako! Ang tagal ko kayong hindi nakita ni Icen dito sa rancho!" May hinampong sabi ni Nanay Inez nang magsimula na kaming kumain. "Miski ang Mommy at Daddy mo ay hindi na nadadalaw rito. Kung pupunta ng Soledad ay palaging hanggang villa na lang."
"Kaya nga po. Medyo abala po kasi si Daddy sa ilang expansion ng hotel, si Mommy naman ya sunud-sunod ang art exhibit, mas madalas ho siya sa Manila ngayon. Kung minsan ay doon rin si Daddy lalo kapag wala naman problema ang resort dito." Kuwento ko. "Si Icen naman po ay abala sa pag-aaral abroad."
"Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang ay nagtatakbuhan kayong magpipinsan dito sa rancho, kundi naman ay naglalaro ng polo ang mga lalaki habang nanunuod ang mga dalagita."
Napangiti ako because we used to do that.
Masarap pa rin ang luto ni Nanay Inez kagaya ng kung paano ko ito naaalala. Mabenta kasi talaga sa aming magpipinsan ang mga pagkain na inihahanda nito sa kubo tuwing tanghalian. In the midst of our lunchtime reverie, the sound of footsteps approaching caught our attention. I looked up to see Hans entering the kubo, bigla ay parang lumiit ang paligid, sumikip at para akong hindi makahinga. Normal pa ba iyong ganito? Wala naman siyang ginagawa sa akin pero grabe ang epekto ng presensya niya.
"Magandang tanghali, Nay," Hans greeted respectfully, his tone polite but devoid of warmth.
Nanay Inez returned his greeting with a warm smile, her eyes twinkling with kindness. "Hans! Sige na sa loob, maghugas ka na ng kamay at saluhan mo rito sina Caice at Dumas mananghalian!"
Agad na dinaluhan ng tatlong dalagita si Hans, grabe lang! Hindi muna hinintay na maupo, eh. Iba rin ang ngiti ng mga ito sa kaniya. Hindi naman sila ganyan sa amin ni Dumas kanina, ah! Iyong Crista ay dali-daling pumasok sa loob para kumuha ng plato at kubyertos para sa kaniya.
Sandaling pumasok si Hans sa loob ng kubo para makapaghugas ng kamay, muli ring bumalik at dinaluhan kami. Si Nanay naman ay sandali kaming iniwan, may inasikaso sa kusina. Ang mga rancherong nadatnan namin ni Dumas ay natapos na rin kumain kaya kaming tatlo na lamang ang naiwan sa hapag. Sa harap ko naupo si Hans.
"May coke ata sa loob," sabi sa akin ni Dumas. "Gusto mo? Kuha kita."
Tumango ako atsaka ngumiti. "Thank you,"
"Ikaw, Hans? Gusto mo?" Tinanong rin nito si Hans na nagsimula na sa tahimik na pagkain. Sandali lamang umangat ang tingin niya kay Dumas at tanging tipid na pag-iling ang naging sagot.
Umalis si Dumas at pumasok sa loob para kumuha ng inumin. Ang tatlong dalagita naman ay muling pinalibutan si Hans. Puwede ba? Hayaan niyo kayang kumain ng payapa 'yung tao!
Gusto ko sanang mainis kaya lang mukha namang enjoy ang isang 'to! Imbes maasiwa dahil sa init ng panahon ay ngumisi pa kay Geraldine nang tabihan siya nito sa bango at hawakan sa braso.
Niyuko ko ang aking kinakain dahil hindi ko gusto ang aking nakikita, naiirita kasi ako sa hindi ko malamang kadahilanan!
"Baka naman puwede ka nang sumama sa amin bukas, Hans. Sabado naman!" Malambing na sabi ni Geraldine kay Hans, humahaplos pa rin.
"Hindi ko mapapangako," tipid niyang sagot bago muling sumubo at tahimik na kumain.
Mabuti nga at sumasagot siya sa mga iyan, sa akin ay madalang. Tahimik ko na lang ring inintindi ang aking tanghalian. Parang bigla ay nakakaumay, kahit pa ang sarap ng luto ni Nanay, hindi ako ginaganahan sa mga kaganapan sa harapan ko.
"Na naman! Hay nako! Huwag mo nang sagutin, Geraldine. Hindi ka naman magawang paglaanan ng oras nitong si Hans!" Tumatawang sabat nu'ng Crista.
Ligaw? So, gusto niya si Geraldine? Pasimple ko silang tinignan. Hindi naman masama. Maganda at maayos naman tignan si Geraldine. Maputi ang balat at makinis. Ganyan pala ang mga tipo niya.
"Oh, Caice," nilapag ni Dumas ang maliit na bote ng coke sa aking harapan. "Kapag gusto mo pa magsabi ka lang, marami pa sa loob."
"Salamat," kinuha ko iyon at agad na tinungga. Ang init kasi! Nakakadali ring uminit ang ulo tuloy.
Inalis ko na ang aking atensyon sa usapan nina Hans, pilit ko ring iniignora ang katotohanang malaya siyang nakakausap ng mga ito samantalang sa akin ay kala mo'y pipi! Kung hindi tatango ay iiling.
"Saan mo balak mamasyal pala mamaya?" Tanong ni Dumas.
"Sa peak ulit,"
"Sasamahan sana kita kaya lang baka magalit na naman si Tatay Celso,"
"Huwag na, ayos lang naman kung ako lang. Gusto ko lang talagang umakyat doon ngayon," sabi ko, umabot ako ng tubig at nang mapansin na halos wala na iyong laman ay pinunuan iyon ni Dumas kaya agad akong nagpasalamat.
"Hanggang anong oras ka ba? Baka mapuntahan pa kita pag tapos ng mga gawain ko sa kuwadra."
"Siguro hanggang dapit hapon, balak ko kasing doon na lang rin magpahinga."
I couldn't help but notice Hans's intense gaze fixed on me. It was as if his eyes were boring into my soul, para bang wala na ang kaniyang atensyon sa usapan ng tatlo sa kaniyang tabi. Kahit pa nga ba panay ang banggit ng mga ito sa kaniyang pangalan.
Despite my efforts to focus on my conversation with Dumas, I found myself growing increasingly uncomfortable under Hans's scrutiny. Hindi kasi niya inaalis ang tingin niya sa akin, kahit pa nalingunan ko na siya ng dalawang beses. Wala naman akong mabasang ekspresyon sa kaniyang anyo, basta nakakailang lang na pinapanuod niya na naman ako.
I shifted uncomfortably. Was he angry? Pero bakit naman siya magagalit? I couldn't discern his emotions, but the intensity of his stare sent a shiver down my spine.
Trying to maintain my composure, I forced myself to engage more actively in the conversation with Dumas, hoping to distract myself from Hans's unsettling presence. Mabilis ko ring tinapos ang aking kinakain para makapagpaalam na kami ni Dumas kanila Nanay Inez.
"Sige, anak. Bumalik ka rito, Caice! Sabihin mo rin sa Daddy mo ay bisitahin naman kami dito!" Pahabol na sabi ni Nanay nang magpasalamat kami sa kaniya.
Naghiwalay kami ni Dumas nang alisin na nito mula sa pagkakatali sa puno si Meadow. Tinungo na nito ang daan pabalik sa kuwadra, ako naman ay sa peak. I urged Meadow onward, guiding her towards the trail. Kanina ko pa napapansin na may kakaiba kay Meadow, parang wala siya sa mood. Siguro ay dahil sa init.
Today, she seemed restless and easily distracted. She tossed her head and stamped her hooves impatiently, clearly agitated by something unseen. I tightened my grip on the reins, trying to steady her, but Meadow remained on edge, her movements erratic and unpredictable. I could sense her tension mounting, and I braced myself for any sudden movements.
"Meadow, baby... What's going on?" Mahina kong bulong, kinakausap ito na parang kaya nitong sabihin sa akin kung may masakit nga sa kaniya.
Suddenly, Meadow let out a shrill neigh and reared up on her hind legs, threatening to throw me off her back. My heart leaped into my throat as I struggled to maintain my balance. Dammit! Alam kong hindi ko dapat pangunahan ito ng kaba kaso kung babagsak ako'y nasisiguro kong hindi iyon magiging maganda.
Before I could react, a strong arm wrapped around my waist, pulling me back into the saddle.
"Easy, Meadow..." Ang baritonong tinig ni Hans ang aking narinig bago ko pa siya mabalingan.
Hindi ko alam ang aking gagawin, mas lalong bumilis ang aking paghinga nang hindi pa rin matigil si Meadow sa pag galaw.
Sinubukan kong lingunin si Hans na mas humigpit ang kapit sa aking bewang. Seryoso ang tingin niya kay Meadow habang sinasabayan ang bawat galaw nito. He was on top of a stallion, idinidikit nito iyong husto kay Meadow para mas abutin ako.
"Humawak kang maigi sa renda," mariing sabi ni Hans na siyang ginawa kong agad. "She's spooked. Huwag mo iparamdam sa kaniya na kinakabahan ka para hindi siya lalong magwala."
I nodded nervously. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig din ang boses ko habang kinakausap ito. "It's okay, baby. We're just going for a ride."
"Bitawan mo ang renda, Caice!" Mariing utos ni Hans.
Gasping in disbelief, I hesitated for a moment, torn between instinct and trust. But Hans's unwavering confidence reassured me, and with a shaky exhale, I released my grip on the reins.
In one fluid motion, Hans effortlessly pulled me off Meadow's back by the waist, settling me in front of him on his thigh. My breath caught in my throat as I clung to him for support, my hands resting on his strong thighs as he guided the stallion with ease.
Lalong bumilis ang hinga ko, lumakas ang tibok ng aking puso. I couldn't help but feel a rush of adrenaline coursing through my veins. The proximity of our bodies, the strength of Hans's arms around me, it all sent a jolt of electricity sparking through me. Puwede kaming mahulog anumang oras kaya pinagalitan ko ang aking sarili sa kung ano pa ang pinagtutuonan ng pansin!
Humalinghing si Meadow kaya muli akong napabaling sa kaniya. Unti-unting bumagal ang takbo nito, pinahinto ni Hans ang kabayo na aming sinasakyan habang si Meadow rin ay bumabagal ilang metro ang layo mula sa amin.
Her movements grew more sluggish, her breaths labored and strained.
"Hold on tight," Hans murmured, his voice low and urgent. I nodded wordlessly, my heart pounding in my chest as I watched in shock and disbelief.
Pinilit kong huwag bigyan pansin ang ayos namin ni Hans, nakaupo pa rin ako sa hita niya at gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa dahil sa takot na mahulog.
Meadow gradually collapsed.
Nang tuluyang huminto ang kabayong aming sinasakyan ay maingat akong inalis ni Hans sa kaniyang hita at inupo sa kabayo. Hans wasted no time in dismounting, his movements swift and decisive as he rushed to Meadow's side. I followed suit, my legs trembling as I stumbled towards her.
Oh, God! What did I do?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro