Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five


Hans and I knelt beside Meadow. He gently stroked her sweat-soaked coat, ako naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin sa labis na takot na baka ako ang dahilan kung bakit muntik na kaming mapahamak.

"Natakot lang siya," kalmadong sabi ni Hans, patuloy pa rin sa pag-alo kay Meadow. "Kailangan niya lang ng pahinga."

"What happened? Did I do this to her?" I asked numbly, my mind still reeling from the intensity of the moment.

Hans, still catching his breath, turned to me with a reassuring expression. "Hindi mo kasalanan. Iritable na si Meadow bago mo pa sakyan. It wasn't your doing."

Hindi pa rin ako napalagay. "Ako ang may gamit sa kaniya kahapon at noong nakaraang araw. May sugat ba siya? Napagod ko ba?"

"Huwag kang umiyak, Caice," marahang puna sa akin ni Hans, ang mga mata ay pinanatili sa nanghihinang si Meadow.

I wiped away my tears with the back of my hand. I hadn't even realized I was crying.

"Kailagan niya lang ng pahinga," sabi pa niya. "Mamaya ay ayos na rin 'yan."

Hans was surprisingly gentle, a stark contrast to his usual gruff demeanor. Medyo nakakapanibago pero alam kong hindi ko na dapat iyon pinapansin sa mga ganitong pagkakataon. Si Meadow ang mahalaga! Siya dapat ang inaalala ko.

"She's in heat," pagkuwa'y paliwanag niya. "Hindi dapat siya pinasakyan ni Dumas. Mares can be unpredictable and irritable during these times. Hindi ligtas."

"I didn't know," my voice barely above a whisper.

Hinihintay kong magalit si Hans sa akin, o pagsabihan ako, o ano. Pero wala. Hindi iyon dumating.

"You couldn't have known," tahimik niyang sabi. "Si Dumas ang dapat may alam ng lagay ng mga kabayo. Paano kung napahamak pa kayong dalawa ni Meadow dito sa burol? Wala pa masyadong dumadaan dito ng ganitong oras."

Lumingon ako sa paligid, wala ngang tao. Tumikhim ako bago lakas loob siyang tinanong. "Sinundan mo ba kami dito?"

"Ano sa palagay mo?"

Sungit naman ng taong 'to!

"Bakit?"

"Nakita kong sinakyan mo si Meadow. Alangan pabayaan lang kita kahit alam ko ang kondisyon niya."

Kunsabagay. Hindi na ako nagsalita.

"Si Astron na muna ang gamitin mo. Kabayo 'yan ni Kade. Ako na ang magbababa kay Meadow sa kwadra," sabi niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa katawan nito. "Tumuloy ka na sa peak, mag-ingat ka na lang pababa at medyo matulin si Astron."

I shook my head. Muli kong tinignan si Meadow, kahit pa hindi naman ako aware sa kondisyon niya nang sakyan ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty. Lalo pa't ako ang nagdala sa kaniya dito! I couldn't afford to leave her now.

"Hindi na," I sighed worriedly. "Sasamahan na kitang ibalik si Meadow sa kwadra."

Nilingon niya ako, kunot ang noo. "Hindi mo naman na kailangang sumama. Gawin mo na ang pamamasyal mo, ako na ang bahala sa kaniya."

Totoong nasa plano ko ang pag-akyat sa peak upang doon magpalipas ng maghapon kaya nga nagmadali pa akong umalis ng beach kanina, pero puwede ko pa naman iyong gawin sa susunod na araw. I couldn't abandon Meadow, kahit pa alam kong ligtas naman ito sa mga kamay ni Hans.

"I want to," I insisted, my voice stronger this time. "I need to make sure she's okay."

"She will be okay, Señorita Caice," malamig niyang sabi habang ang buong atensyon ay nakatuon lamang sa kabayong nanghihina pa rin.

Every time he called me 'Señorita Caice,' it felt like a subtle dig, a reminder of the distance he wanted to keep between us. The first time he did that, it was acceptable, almost charming. But now, it felt like he was mocking me. At naiirita na ako sa ginagawa niya!

Pigil na pigil akong sitahin siya. Hindi ngayon na tinutulungan niya ako kay Meadow kahit hindi niya naman iyon kailangan gawin.

"Sige na, take Astron and enjoy your day."

I glanced at him, noticing once again how effortlessly he spoke English, his accent almost indistinguishable. It was rare for him to switch to English, and when he did, it always caught me off guard. It was like hearing a different side of him, one that was smooth and articulate, contrasting sharply with his usual rough and straightforward manner.

Umiling ako at muling nagmatigas, ako ang Señorita niya kaya sa aming dalawa ay ako ang masusunod!

"Sasama na ako sa inyo pabalik ng kuwadra," sabi ko sa pinal na tono.

Hans sighed, finally tearing his gaze away from the horse to look at me. His eyes softened just a fraction, but his expression remained serious. "Wala naman akong mapagpipilian," he conceded, his tone less icy but still firm. "Basta sinabi mo, Señorita. Iyon ang masusunod."

I stared at him for a moment, trying to decipher the emotions behind his words. There was a hint of distaste, a subtle but unmistakable barrier he kept erecting between us. Why did he keep drawing that line? What was it about me that made him feel the need to keep his distance?

Si Dumas naman ay hindi ganoon.

Kahit ang iba pang trabahador ng rancho.

Ilang sandali rin naming hinintay na medyo umayos ang kondisyon ni Meadow bago ito alalayan ni Hans na tumayo at maglakad. He let me ride Astron while he walked Meadow. Mabagal ang patakbo ko para sabayan ang ginagawa niyang pag-alalay sa kabayo pababa ng burol at pabalik sa kwadra.

As we walked, I couldn't help but steal glances at Hans. Katulad ko ay tahimik rin siyang nakatuon sa dinadaanan ang atensyon na para bang may kung anong interesante sa mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid.

"Why do you do that?" I asked suddenly, breaking the silence.

Hans glanced at me, his brow furrowing in confusion. Hindi siya nagsalita at hinintay lamang akong dugtungan ang aking sinabi.

"Call me 'Señorita Caice'," I explained. "It feels... different. Like you're mocking me."

Hans's expression shifted, a flicker of surprise crossing his features before he masked it with his usual stoicism. "It's a sign of respect,"

"Is it?" I challenged gently, trying to keep my voice calm. "Because it doesn't feel that way."

He was silent for a moment, his gaze returning to Meadow as we continued our slow trek. When he finally spoke, his voice was quieter, almost reflective. "Iyon naman talaga ang dapat kong itawag sa'yo, 'di ba?"

"It feels like an insult... dismissive. Like you don't want to acknowledge me as an equal." Hindi ko rin alam kung bakit mahalaga sa akin ito, kung bakit kailangan ko pang ipakipag-usap ito sa kaniya. I shouldn't care. May iba rin naman na tumatawag ng ganoon sa akin, tulad ng mga babae niya sa kubo.

Hans stopped for a moment, turning to face me fully. His eyes, usually so guarded, showed a flicker of something deeper—an emotion I couldn't quite place. "Hindi naman talaga. Iba ka sa akin, Señorita Caice. You come from a different world. One that I'm not a part of. Hindi ko sinasadyang insultuhin ka."

My frown deepened as I tried to understand his words.

"What do you mean by that, Hans? Are you drawing boundaries because of social status?" Mahinahon kong tanong kahit pa nababagabag ako ng husto sa sinabi niya. "I don't remember an instance where I made people feel as though I was out of reach."

Hans looked away, his jaw tightening slightly. Muli kaming nagpatuloy sa mabagal na paglalakad. "Hindi mo naman kailangan pang iparamdam iyon. Nariyan na, De Salvo ka at lahat nakatingala sa inyo."

I licked my bottom lip. I could physically feel the gap between us widening even more. "Hans, I don't see it that way. De Salvo ako pero tulad mo'y tao lang rin ako. And I want to be your friend, kung sana'y babawasan mo lang ang pagsusungit mo sa akin."

Niyuko ko ang aking mga kamay na nakakapit sa renda ni Astron. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gusto kong maging magkaibigan kami ni Hans. Marami naman akong puwedeng kaibiganin, 'yung hindi ako susungitan. Pero sa lahat ay siya pa talaga ang napili kong lapitan. Maybe because he intrigued me. Yeah, I would settle for that.

Hans let out a humorless laugh, shaking his head. "Friends? Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan lang, Señorita Caice."

I turned sharply at him, my irritation flaring. He wasn't looking at me, his gaze fixed on some distant point as if avoiding the confrontation. "At bakit naman hindi?" I demanded, my voice rising slightly with frustration.

"Hindi uubra," he said simply, as if that explained everything.

What the hell does that even mean? Lalo akong nainis! "But you can be friends with Geraldine and the other girls, huh? Just not me?"

Okay. I hated that I sounded more like Kourtney, spoiled and entitled. But what could I do? I was pissed. Hindi ko nga lang alam kung bakit.

His eyes flashed with something—guilt, perhaps?—before he quickly masked it with indifference. "Iba ka,"

Ano? "What makes me so different that you can't even consider being friends with me?"

"It's not about you, it's about me." Hans rubbed the back of his neck, clearly uncomfortable. "Ayaw ko lang na kaibiganin ka. Hindi ba puwedeng tapusin natin doon ang usapan? Nasisiguro ko naman na may iba kang kaibigan, marami. Hindi kawalan kung hindi ako mapapabilang sa mga 'yon."

"I'm just asking for friendship, Hans. Nothing more. Kung tanggihan mo naman ako ay parang sobra ang hinihingi ko sa'yo." Tahimik kong sabi habang lihim rin na pinapagalitan ang aking sarili. Kung ayaw niyang makipagkaibigan sa akin, eh 'di huwag!

"Kung tatanggapin ko ang pakikipagkaibigan mo'y ako ang hihingi ng labis sa'yo, hahangad..." Masyadong mahina ang kaniyang tinig na hindi ko masyadong nakuha ang nais niyang ipahiwatig.

"Ano?" Tanong kong muli, ngunit hindi niya na inulit pa ang kaniyang sinabi. Damn, I should've listened carefully!

Hans remained silent, his gaze dropping to the ground. Lumalapit na kami sa kwadra, hindi pa rin siya muling umiimik.

"Is it because you think I'm just some spoiled rich girl?" I challenged. "Someone who doesn't understand the realities of your life?"

Umiling siya. He then took a deep breath, his eyes locking onto mine. "Marami na akong nakitang tulad mo, Señorita Caice," he said quietly. "People who think they can change things, bridge gaps. Pero sa huli ay sumusuko rin, umaalis, nang-iiwan and we're the ones left picking up the pieces."

His words hit me harder than I expected. There was a rawness to his voice, a vulnerability that he rarely showed. I softened, my anger dissipating as I realized the depth of his scars.

"Hindi ko ugaling sumuko," I didn't know why I said that. "Hindi rin ako basta umaalis."

"You say that now, but things change. People change. Mabuti nang ganito, makipagkaibigan ka na lang sa iba. Huwag na sa akin, Señorita Caice. Maraming salamat na lang."

I stayed there, my mouth opening and closing, failing to utter a response as we reached the stable. Agad na sumalubong sa amin si Dumas nang makita kaming paparating, kumunot pa ang noo nito at nag-alala nang mapansin na matamlay si Meadow habang hila-hila ni Hans.

Dumas looked between Hans and me, his frown deepening. "Ano'ng nangyari?" he asked, his eyes narrowing in worry.

Hans, without a word, walked Meadow inside the stable, bringing her to her stall with practiced ease.

I opened my mouth to answer, but no words came out. The frustration and rejection churned inside me, making it hard to speak. Hans had rejected my offer of friendship, a simple gesture that felt monumental to me. To say that I was pissed was an understatement. It was the first time I had offered friendship to someone—especially to a guy—and he had thrown it back in my face.

Hindi ko na pinansin pa si Dumas, I pulled Astron's reins with a sudden, forceful tug.

"Caice, sandali! Saan ka pupunta?" he called out, but I ignored him, my anger propelling me forward.

I mounted Astron and urged him into a swift gallop, heading back up the hill. The wind whipped around us as we sped up the familiar path, my frustration pouring into each movement. The landscape blurred around me, and I focused on the rhythm of Astron's hooves against the ground, trying to lose myself in the motion.

Ano kung ayaw niyang makipagkaibigan sa akin?

Hindi dapat ako ganito kaapektado! Desisyon niya naman iyon, ah! Malaya siyang mamili ng mga kakaibiganin at papapasukin niya sa buhay niya. Pero tuwing naaalala ko kung paano siya makitungo sa mga babae sa kubo, nagagalit ako! Hindi rin niya tinanggi na kaibigan niya ang mga iyon, ibig sabihin lang ay mapalad masyado sila Geraldine para kaibiganin niya.

At hindi ako naniniwalang ang pagiging De Salvo ko ang dahilan kung bakit hindi niya ako gustong kaibiganin. He was friends with Kade! And Kade is as much a De Salvo as I am! Pero hindi naging hadlang iyon! Bakit sa akin biglang dahilan niya na iyon?

Dumas's voice calling after me grew fainter, and I pushed Astron harder, needing to escape the overwhelming emotions clawing at me. I reached the peak, dismounting quickly and letting out a scream of frustration into the open air. The vastness of the view did little to calm the storm inside me.

Tears stung my eyes, but I blinked them away, pacing back and forth, my mind replaying the encounter with Hans. How could he just dismiss me like that? His words echoed in my head, each one a dagger of rejection. I kicked at a loose rock, sending it tumbling down the hill.

Bakit ko ba hinahayaang maapektuhan ako ng husto? Sino ba siya? Hindi ko naman siya dapat pinagtutuunan ng pansin! Mas lalo ng damdamin! Lalong hindi ko dapat pinagsasayangan ng galit! Ang sabi ni Mommy ay ang galit ang pinakamahalagang emosyon na puwedeng mong maramdaman sa kahit sino, because it acts as a powerful catalyst for change, highlighting injustices, protecting our boundaries, and driving us to take action where it matters most. Kaya hindi dapat basta-bastang nagagalit, hindi dapat basta na lang pinapakawalan ang ganoong emosyon.

After what felt like an eternity, I sank to the ground, my anger slowly giving way to a deep sadness. Why did I care so much? Why did his rejection hurt more than I wanted to admit?

The sound of hoofbeats approached, and I looked up to see Kade riding towards me. Bakas ang labis na pag-aalala sa kaniyang anyo nang tumalon siyang pababa ng kabayo upang lapitan ako.

"Pabalik ako ng kwadra nang makita kitang humahagibis paakyat ng burol," sabi niya bago walang pag-aalangan na naupo sa aking tabi.

Kade was one of my closest cousins, kaya kumportable akong makita niya na umiiyak. Ilang beses niya na ba akong nakitang ganito mga bata pa lang kami, kung minsan nga ay siya pa ang gumagamot ng ilang sugat ko sa binti at tuhod.

"Anong nangyari, Caice?"

I shook my head, not trusting myself to speak. The tears I had been holding back finally spilled over, and I covered my face with my hands. Agad kong naramdaman ang kamay niya sa aking balikat, marahan iyong pinisil at hinila akong palapit sa kaniya.

"Si Hans ba?" Maingat niyang tanong.

Saglit ko siyang nilingon. How did he know?

"Nakita ko siyang nakasunod sa'yo dito, pinabalik ko na sa baba at sinabihan kong ako na ang bahala sa'yo." Kade didn't try to stop me from crying, hinayaan niya lang ako. "What did he do, Caice?"

"He rejected my offer of friendship," I finally managed to choke out between sobs. Shit. I sounded pathetic. Hindi ko dapat iniiyakan ang mga ganyan kasimpleng bagay, eh! "Bakit ganun siya sa akin, Kade? Wala naman akong ginawang masama."

Kade sighed, his grip on my shoulder tightening slightly. "Hans has his own issues, Caice. It's not about you. He just has a hard time letting people in."

"Parang hindi naman siya nahihirapan na kaibiganin 'yung mga babae sa kubo, Kade!" Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay nasabi ko na iyon.

Marahang natawa si Kade, gusto ko tuloy bawiin ang nasabi ko ngunit para saan pa? He heard it na!

"Do you like Hans?" He cleared his throat, trying to sound less interested than he seemed.

"Gusto ko siyang maging kaibigan," was the safest answer I could give. Hindi ko naman puwede sabihin na hindi dahil kung gano'n ay bakit ako nagmumukmok dito. Kung sasabihin ko rin naman na oo ay isang malaking kalokohan, kasi hindi rin naman ako sigurado na gusto ko nga siya, at least sa ganoong paraan. "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako gustong maging kaibigan samantalang ikaw at ang iba ay ayos lang sa kaniya. May criteria ba na hindi ako aware? Did I not tick those boxes he had made?"

Sandaling hindi nagsalita si Kade na para bang pinag-iisipan ng husto ang kaniyang sasabihin. "Caice, sometimes people build walls around themselves because they're afraid of getting hurt. Hans has been through a lot. Give him time."

"Paano siyang masasaktan kung makikipagkaibigan lang naman ako, Kade?"

Gusto ko sanang itanong kung ano ang ibig niyang sabihin na maraming pinagdaanan si Hans, kaya lang ayaw ko naman na usisain iyon sa kaniya. Buhay pa rin iyon ng ibang tao, hindi namin dapat na pinag-uusapan.

Kade simply smiled, his expression kind and understanding. He reached out and gently wiped away the tears that had started to form again. "Caice, sometimes the best friendships take time to build. Hans just needs some time to adjust to the idea of you. He's not used to people like you wanting to be close to him."

"People like me?" I echoed, kumunot ang noo ko sa kaniya. Pareho lang naman kaming dalawa pero bakit siya ay kaibigan ni Hans at ako ay hindi. "I don't want to be seen as different."

"I know you don't," Kade said softly. "But to Hans, you are different. You represent something that he's not used to—kindness without strings, genuine interest without expectations. Hindi mabilis paniwalaan iyon sa mundong iniikutan niya."

I sighed, looking down at my hands. "It just feels unfair. Wala naman akong masamang intensyon!"

"Friendship isn't always easy," Kade replied. "Just give him some space. Show him that you're here to stay, that you're not just passing through. He'll come around."

"But what if he doesn't?" Damn! Bakit ba ipinipilit ko ang ayaw?

"Then at least you'll know you tried your best. And sometimes, that's all you can do."

Dalawang araw makalipas ang usapan naming iyon ni Kade ay hindi ko nakita si Hans sa rancho. Hindi rin naman ako nagtanong kay Kade at lalong hindi kay Uncle Roy. Tuloy pa rin ang pamamasyal ko sa palibot ng rancho tuwing hapon, ibang kabayo nga lang ang gamit dahil kailangan ni Meadow ng sapat na pahinga. Dinadalaw ko rin siya sa kwadra at tinutulungan si Dumas na alagaan ito maging ang ilang mare doon na may kaparehong kalagayan. Mukhang hindi naman iyon kailangan ipag-alala, ang sabi naman kasi ni Kade ay ganoon talaga tuwing mating season.

Sa ikatlong araw ay binalak kong agahan ang akyat sa rancho dahil nagpapasama sa akin si Kourtney na pumunta sa bayan mamaya, may mga bibilihin daw siya sa mall, hindi ko na tinanong kung ano dahil nasisiguro kong kung anong kaartehan na naman iyon.

"Caice, beh! Halika na saluhan mo kaming mag-almusal sa komedor," si Mama Nae iyon na sandali akong sinulyapan bago muling magbaba ng tingin sa mga envelope na hawak nito. "Naroon na sina Uncle Roy mo. Aakyat ka rin bang rancho?"

Sinundan ko ito patungo sa komedor. Napansin marahil ang suot kong riding boots. "Opo sana. Si Thalia ho ba ay nasa silid niya? Isasama ko sanang mangabayo kung nariyan siya,"

"Maagang kinuha nina Romee si Taling, eh. Maliligo sa dagat, tinatanong nga kung gusto niyong sumama kaso tulog pa kayo ni Kourtney, hindi ko na kayo pinagising. Sumunod na lang kayo sa Monteguerro kung gusto niyo,"

I entered the dining room, my eyes immediately zeroing in on Hans, who was sitting beside Kade, eating breakfast. My heart skipped a beat as I noticed him there. Siguro ay dahil sa ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya ganito na lamang ang reaksyon ko. I took a deep breath, trying to steady my nerves, before pulling a seat next to Mama Nae. Katapat niya!

Hans caught my eye then, his gaze steady as he met mine. There was a flicker of something in his eyes—was it understanding? Sympathy? I couldn't quite tell, but it sent a shiver down my spine nonetheless.

Damn! Hindi naman siguro sinabi sa kaniya ni Kade na iniyakan ko siya noong nakaraan, 'di ba? Nakakahiya 'yun! He shouldn't know I was that affected!

"Tinatanong ng daddy mo kung kailan mo balak magpasundo, Caice," si Uncle Roy iyon sa kalagitnaan ng almusal, binuntutan nito iyon ng maiksing taw. "Natatakot siguro na wala ka nang planong umuwi sa inyo. Dalawa na kayo ni Kade kung magkataon."

Kade just smirked, glancing over at me.

Muling nagtama ang mga mata namin ni Hans. I quickly looked away, focusing on my breakfast as I tried to calm my racing thoughts. This was ridiculous, I scolded myself. Why was I so affected by his presence?

"Next week na lang siguro, Uncle Roy. Hindi pa naman magsisimula ang klase," I simply answered. "Tatawagan ko na lang po si Daddy mamaya para sabihin sa kaniya."

"Tinatanong rin kung may bumibisita sa'yo rito," sumeryosong bigla ang tinig nito. Si Mama Nae naman ay pasimple akong sinulyapan, may kakaibang ngiti sa mga labi. "Isa sa magkapatid na Lagdameo ang tinatanong ng ama mo. Ang sabi ko'y wala naman sa pagkakaalam ko, o wala nga ba?"

"Bakit ako ang tinitignan mo, Roy Christian?" Umirap si Mama Nae nang siya ang balingan ni Uncle Roy sa huling sinabi. "Hindi ko alam kung nagpapaakyat sila ng mga manliligaw nila dito, ha! I wasn't aware!"

"Hindi naman pumunta dito sina Julian, Uncle Roy. Malamang ay inisip iyon ni Dad dahil kasama namin sila ni Kourtney noong nakaraan, nagpunta kami sa resort para maligo." Hindi ko alam kung bakit pero parang mas na nagpapaliwanag pa ako kay Hans kaysa kanila Uncle Roy, nakatingin pa rin kasi siya sa akin hanggang ngayon! "Kaibigan ko lang si Julian, at hindi rin naman po siya nanliligaw sa akin."

"Oh! Iyon naman pala, eh! Sabihin mo kay Vince 'yan para kumalma!" Irap ni Mama Nae. "Wala naman kamong ibang pinagkakaabalahan itong si Caice dito kundi ang mangabayo sa rancho."

I tried to laugh it off, but the tension in the air was palpable. I felt Hans's gaze on me like a physical weight, making it hard to concentrate on anything else. It was as if he could see right through me. Bakit nga ba siya ganyan kung makatingin?

As the meal came to an end, Uncle Roy stood up, signaling that he and Kade were about to leave for their weekly delivery to the Mendrez.

"Kay Hans ka na lang sumabay paakyat ng rancho, Caice. Huwag kang masyadong lumayo sa pangangabayo at hindi maganda ang panahon ngayon. Mukhang uulan mamayang hapon," paalala ni Uncle Roy. "Mabuti pa'y isama mo na lang rin si Hans mangabayo. Mas kampante akong walang mangyayaring masama sa'yo."

My heart sank at the suggestion. Ride with Hans? Alone? The idea sent a flurry of butterflies dancing in my stomach, but not in a good way. I wasn't sure I could handle being alone with him, especially after the awkwardness of our last conversation. Nasabi pa ni Kade na susundan sana niya ako paakyat sa burol kung hindi lang pinigilan. Isa lang ang ibig sabihin nu'n, he knew that it affected me badly.

Before I could protest, Mama Nae chimed in. "Oo nga, Caice. Mas mapapanatag rin ako kung si Hans ang kasama mo. At saka, hindi ka niya basta-basta iiwanan kung may mangyari man."

I bit my lip, feeling a surge of anxiety. I glanced at Hans, hoping to find some disapproval in his expression, but he was unreadable as ever. It seemed like I had no choice in the matter.

"Sige po, Uncle Roy," I said finally, forcing a smile as I stood up from the table.

Uncle Roy grinned, clearly pleased with himself. Sandali itong lumapit kay Mama Nae upang humalik at magpaalam.

"Ingat kayo ni Hans ha," huling sabi nito sa akin bago tuluyang umalis kasunod si Kade.

Wala pa man, I was already dreading this day. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro