Chapter Eight
True to his words, Hans stayed in touch. Hindi kami maya't maya magka-text dahil marami siyang trabaho at ako naman ay naging abala na rin sa school na magsimula ang pasukan. Pero wala ring araw na hindi kami nagpapalitan ng text messages, maiksi man ang mga usapan namin ay nakukuntento na ako doon.
Sinubukan ko siyang hanapin sa Facebook pero wala siyang profile doon. Kunsabagay, mukhang wala naman na siyang panahon para sa mga ganitong bagay. Sayang, mas maganda sana kung nakikita kong panay ang mukha niya kahit sa picture lang. Well, meron naman pala akong picture niya, iyong kinuhaan ko habang sakay siya ng kabayo. Doon ko na lang pinagsasawa ang aking mga mata.
"Caice, totoo bang kayo na ni Julian?"
Kunot noo kong nilingon ang kaklase kong si Therese matapos saglit na replyan si Hans upang ipaalam na tapos na akong mananghalian, nagtanong kasi ito.
"Saan mo naman napulot ang balitang 'yan, Therese?" Umiling ako at nagpatiuna nang naglakad papalabas ng canteen, agad naman siyang nakasunod. "Hindi kami. Kaibigan ko lang si Julian."
"Hindi ka kasi namin nakasama buong bakasyon, ang update lang na nakita namin sa socials mo ay ang mga naka-tag sa iyong pictures. At puro kayo lang ni Julian ang naroon!" Paliwanag niya.
I rolled my eyes, nakuha niyang kami na ni Julian dahil lang sa mga iyon? I did not even post those photos. "Well, hindi kami."
"Okay, so hindi nga kayo. Pero si Jeric naman ba at ang pinsan mong nagbakasyon mula sa states?" Usisa pa rin niya. Mabait naman si Therese, siya at si Lulli ang tanging mga naging kaibigan ko dito sa unibersidad.
"Siguro," I shrugged. Hindi ko na alam kay Kourtney kung anong nangyari sa kanila ni Jeric pero pakiramdam ko'y natapos na rin bago pa ito bumalik ng California. Hindi naman kasi si Kourtney ang tipong magtitiis sa long distance relationship lalo't marami namang lalaki doon sa kanila.
"Naka-post kasi sa Instagram ni Jeric ang mga larawan nila sa beach pero wala naman sa profile ng pinsan mo."
Typical Kourtney.
"Hindi ko alam, Therese. I don't know if sila pa or what, pero noong nakaraan pa bumalik ng US si Kourt, so I'm guessing hindi na."
Nakabuntot pa rin siya sa akin hanggang sa makabalik kami sa Biology building. Masyadong maraming tanong si Therese pero hindi naman ako naiinis, nasanay na ako. Tulad ko'y bilang rin kasi sa daliri ang mga kaibigan niya.
"Nakakulong ka lang ata sa rancho ng Uncle mo buong bakasyon," sabi niya nang makapasok kami sa classroom para sa susunod naming klase, naroon na si Lulli dahil hindi naman ito sumama sa amin na mananghalian. "Siguro'y ang lungkot mo doon..."
Oh, if she only knew. I had the best vacation! Hindi maihahalintulad sa ilang beses na pamamasyal namin sa Paris, kahit pa iyong ilang beses na paglilibot namin sa Champs-Élysées na sagot ni Tita Chi ang lahat ng gusto naming bilhin!
"Hindi naman, nag-enjoy rin naman ako." I downplayed my reaction dahil ayaw kong usisain pa niya ako ng husto tungkol sa bakasyon ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking skirt, dinukot ko iyon at pasimpleng niyuko. My heart skipped a beat when I saw Hans's name. I immediately opened his reply and saw it was just one word: 'Good.' I twitched my lips in slight frustration and put the phone back in my pocket without bothering to send another message.
This was typical of Hans. Napansin ko na ito sa kaniya; tuwing magte-text siya sa akin habang nasa klase ako, it was only to remind me to eat lunch or to stay safe on my way home. Kung minsan naman, gaya ngayon, kapag nag-inform ako sa kaniya ng isang bagay, isa o dalawang salita lamang ang magiging tugon niya.
His replies during the day were always short, one-word responses that didn't require any further interaction.
Pero sa gabi, doon siya madalas mag-text ng mahaba-haba, lalo na kapag natapos ko na ang lahat ng aking mga assignment at iba pang gawain. Ipinapaalam niya sa akin kung gaano ka-abala ang buong araw niya, kung paano niya tinulungan sina Uncle Roy at kung anong mga gawain ang natapos niya. Doon ko din unti-unting naisip na sinasadya niya iyon upang hindi ako madistract habang nasa eskwela.
Naging abala ako buong araw dahil medyo dumarami na ang mga gawaing ibinibigay sa amin pagpasok ng ikalawang linggo. Kaya nga si Lulli ay mas pinili na lang magbasa ng advance lessons kaysa sumama sa amin mag-lunch.
"Caice, may notes ka ba kahapon? Puwedeng patingin ako, parang mali ang pagkakaintindi ko sa discussion, eh." Lumabi ito habang nakatutok sa screen ng iPad na hawak, tapos ay sumulyap pa sa nakabukas ng module mula sa laptop. "Hindi nagtutugma sa mga narito sa module."
Inabot ko sa kaniya ang iPad ko na ginagamit ko for notes. Nang lingunin ko naman si Therese ay iba ang kaniyang pinagkakaabalahan. She was stalking my cousins on Instagram! Hindi manlang nababahala na baka biglang magpa-quiz si Miss Gonzales mamaya, ang mahalaga ay matitigan niya ng husto ang abs ni Oxygen na naka-display na naman sa account nito!
"Huy! Omg! Ang hot nito! Sino 'to?" Impit siyang tumili na siyang nagpabaling sa amin ni Lulli. "Hindi mo 'to pinsan, Caice! Sigurado ako! Sino 'to? Kilala mo ba 'to? Walang naka-tag na profile, eh!"
Curious, I turned my gaze to her phone screen where she was showing me Oxygen's latest post. He was hanging out with Zach and a few other friends, all shirtless and enjoying what looked like a beach day. But what caught my eyes wasn't Oxygen and his friends—it was Hans, standing just behind Oxygen. He wasn't looking at the camera, but he too was shirtless! When was that taken? My eyes quickly scanned the caption, but there was none. It was indicated, however, that Oxygen had posted it fourteen hours ago. And Hans was the man Therese was gushing over.
"Sino 'yan, Caice?" Patuloy niyang pangungulit, itinuro pa ng mahaba niyang kuko si Hans mula sa screen para siguradong masasagot ko.
Ayaw ko nang sabihin! Ewan pero gusto ko na lang ipagdamot si Hans sa lahat.
"Hindi ko kilala," sabi ko na lang.
Hans did mention na sumama siya kanila Oxygen sa resort noong isang araw dahil may ipinagawa rin si Uncle Exodus, hindi ko na inusisa kung ano iyon. Baka nang matapos ay nagkasiyahan silang saglit. Medyo napalagay naman ang loob ko na kahit paano ay kaibigan niya rin ang mga pinsan ko. Well, hindi rin naman salbahe ang mga anak nina Uncle Exodus. Si Oxygen ay parang si Kade rin naman, matatas lang magsalita and a bit brusque.
"Grabe! Ang guwapo niya! Crush ko na siya! Kaya lang mukhang walang socials, hindi ko ma-follow!" Umingos si Thereses. "Nagbasa ako sa comment section baka may mag-tag, kaya lang wala! Panay rin ang tanong ng ibang mga babaeng follower ni Oxygen kung anong pangalan, hindi naman pinapansin ni Oxygen. Walang reply!"
Lihim kong ikinatuwa iyon, buti na lang at suplado si Ox sa Instagram. May sasabihin pa sana si Therese nang pumasok na ang professor namin at simula na ulit ng klase.
The days passed by in a blur of classes, homework, and fleeting moments of laughter with friends. But amidst the busy routine, there was a constant thought that lingered in the back of my mind: Hans. We hadn't seen each other since I left the ranch, and I missed him more than I cared to admit.
I found myself eagerly anticipating the evenings, not because of the end of the school day, but because it meant I could text Hans. Ang iilang palitan namin ng messages ang nagiging highlight ng araw ko. Kung minsan pa nga ay para akong tanga na binabalik-balikan iyon kapag umaga at wala masyadong ginagawa sa school. We talked about everything and nothing—his day at the ranch, my classes, funny anecdotes, and sometimes just random musings. It was during these exchanges that I felt closest to him, even if it was only through the screen of my phone.
Huwebes ng gabi, pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Medyo marami rin kasi talagang ginawa ngayon sa school, hindi na talaga ako makapaghintay na mag weekend! Gusto kong magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng uniform na hindi ko pa nagagawang hubarin dahil sa sobrang pagod. Inuna kong i-text si Hans. It had become a routine: I would text him a simple 'Good evening' and wait for his reply. It was a comforting ritual that I had grown to love.
Nagulat pa ako nang imbes na simpleng vibration ang maramdaman ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, indicating an incoming call from Hans! My heart skipped a beat. He was calling me. He never called me!
Mabilis ko iyong sinagot, at kahit anong pilit ko'y hindi ko maikubli ang excitement at kilig nag magsalita ako. "Hans! Hi!"
Gosh! Ito ang unang beses na makakausap ko siya sa phone!
"Caice," he replied, his voice deep and steady, a sound that instantly made me feel at ease. Napapikit ako nang matanto na pati ang boses niya ay na-miss ko! "Wala ka na bang ginagawa? Baka naaabala kita."
"No, not at all," agad kong tugon. Sandali akong huminto para huminga ng malalim dahil tunog sabik na sabik akong makipag-usap sa kaniya! "Nagpapahinga lang ako. Mamaya lang ay kakatukin na ako para sa hapunan. Ikaw ba? Baka may ginagawa ka o nagpapahinga kaya?"
"Kakauwi ko lang galing talyer," sabi niya. Minsan nang nabanggit sa akin ni Hans na kapag simula na ng klase niya sa sa bahay ng tiyuhin niya na sa San Jose siya uuwi dahil malapit iyon sa community college na pinapasukan niya.
"So, nagpapahinga ka?" Wala sa loob akong tumango, kagat ang aking ibabang labi ay muling nagsalita. "Kung mag-text na lang kaya tayo para mas makapahinga ka ng husto."
Ako nga ay pagod, siya pa kaya? Sa school lang ako buong araw, nag-aaral at kumportable pa ang kondisyon. Samantalang siya'y nagbanat na naman ng buto sa talyer, tiyak ko pa na sumaglit 'yan sa rancho kaninang umaga dahil ganoon lagi ang ginagawa niya sa halos araw-araw na magka-text kami.
"Hindi na, ayos lang." Pagtutol niya. "Mas gusto ko ang ganito... Naririnig kita,"
The admission caught me off guard, and I felt my cheeks flush. "I miss you, Hans," I confessed softly, my heart pounding in my chest.
He chuckled, a warm sound that sent shivers down my spine. "Kumusta ang araw mo? Marami ka ba ulit ginawa? Nakakapagod?"
Gusto kong sabihin na oo, kaya lang naglaho na ang lahat ng pagod na nararamdaman ko nang marinig ko pa lang ang tinig niya.
I sighed, sinking deeper into my pillow. "It's been busy, as usual. Lots of studying and assignments. But I've been thinking about the ranch a lot. I miss it there."
"Ang mga kabayo?" he teased gently.
"Ang mga kabayo," I echoed, smiling. "But mostly the people."
"The people, huh?" Lumambing pang lalo ang kaniyang tinig, parang ayaw ko na tuloy matapos ang anumang pag-uusapan pa namin. "Sino pa ba dito ang miss mo bukod sa'kin?"
Kinuha at niyakap ko ang isang unan na maayos ang pagkakasalnasan sa kabilang bahagi ng kama. Kung siguro nasa harapan ko si Hans ngayon ay nayakap ko na ng ganito!
"Sina Uncle Roy, Kade, at Mama Nae," simple kong sagot. Sino pa ba, 'di ba?
"Hm,"
"Bakit parang ayaw mo pang maniwala?" Tumawa ako ng maiksi, nahuhulaan na kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "Ikaw lang ang miss ko, hindi si Dumas!"
"Who says anything about Dumas?" Medyo sumungit siya.
"Wala, baka lang iniisip mo na miss ko rin siya. Eh, hindi naman."
"Bakit mo naman ako nami-miss? Palagi naman tayong magka-text."
"Hindi ko rin alam. Siguro iba pa rin 'yung ganitong magka-usap tayo, iba rin 'yung nagkikita, ganyan." I didn't know how I felt comfortable telling him all that. Na para bang natural lang na ganito ang maramdaman ko dahil may katagalan na rin since nang huli ko siyang makita. "Ikaw ba? Hindi mo ako nami-miss?"
Tapang mo, Caice! Paano kung sabihin niyang hindi? Eh, 'di, mukha kang tanga!
"Hindi kita tatawagan kung hindi," tahimik niyang sagot.
Napangiti ako ng husto sa sinabi niya. Well, mabuti naman at pareho kami ng nararamdaman. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang may gusto nitong pirmi naming pagte-text-text. Siya rin!
We fell into a comfortable silence, the kind that only two people who truly understand each other can share. It was incredible how just hearing his voice could make me feel so connected to him, despite the distance that separated us.
"Tell me about your day," I prompted, wanting to keep the conversation going. Ayaw ko pang magpaalam. Gusto ko pa itong pahabain kahit bago man lang ako katukin ni Mommy for dinner.
"Medyo abala sa talyer, maraming mga sasakyan na kailangang ayusin ng mabilisan dahil magsisimula na rin ang klase sa lunes." Pagkukuwento niya.
Right! Mas nauna kasi ang start ng classes sa amin kaysa sa San Jose Community College na siyang pinapasukan niya. Nasabi niya sa akin noong nakaraan na enrolled na siya for this semester, maging sa sa SDL-Air program ay ayos na rin ang lahat. Sa Lunes ang simula ng pasok siya sa pareho.
"Ang dami mo talagang alam gawin, huh? Maging sa pag-aayos ng sasakyan ay may alam ka."
He paused for a moment, as if thinking about it. "Bata pa lang ako ay nakikita ko nang ginagawa iyon ng tiyuhin ko, kaya natutunan ko rin. Nakahiligan kalaunan, mainam na ring dagdag kaalaman."
No wonder my uncles liked and trusted him. Sa lahat ng bagay ay mukha puwedeng asahan si Hans. Naniniwala rin ako na kung may hindi man siya alam gawin ay madali rin niyang matututunan. He was focused and determined. Hindi lahat ay tulad niya.
I could almost picture him, grease-stained and focused, working diligently on an engine. Bakit ang hot na naman niya sa imagination ko?
"Alas-kuwatro ang tapos ng klase mo bukas, 'di ba?" Paniniyak niya. I sent him a copy of my class schedule nang makuha ko iyon.
"Yes, why?" Friday bukas, mas lalong maraming gagawin at may mga pabaon pang assignments syempre.
"Kung wala kang pupuntahan pagtapos ng klase mo ay dadaanan sana kita. Baka puwede tayong lumabas, sa malapit lang..." Maingat niyang sabi, humina pa nga ang kaniyang tinig na parang nag-aalangan, natatakot. "Kung ayaw mo naman ay ayos lang..."
I grinned, my heart skipping a beat at his hesitant tone. He seemed genuinely scared I would say no. Why the hell would I say no? Eh, sinabi ko naman na kanina na miss ko na nga siya!
"Of course, I want to see you tomorrow," I said, unable to keep the excitement out of my voice. "I'd love to go out with you, Hans."
Wala akong pakialam kung saan niya pa ako dadalhin. Sasama ako sa kaniya bukas!
There was a brief pause on the other end, and then he let out a relieved sigh. "Talaga? Naisip ko kasi baka masyado kang abala sa eskwela o—"
"O ano?" I interrupted, teasing him a little. "You think I'd turn down a chance to spend time with you?"
I was really at a lost sa kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob kong makipag-usap na lang ng ganito sa kaniya.
Mahinang tumawa siya sa kabilang linya. "May gusto ka bang puntahan kung sakali?"
Gusto ko sanang sabihin na sa rancho, kaya lang masyadong malayo iyon. Kahit saan naman, basta with him ay okay sa akin! "Ikaw na ang bahala kung saan mo ako dadalhin."
Kinabukasan, dahil sa usapan naming iyon ni Hans, ay nagsabi ako sa driver namin na si Mang Dante na baka mahuli ako ng uwi at magte-text na lang ako kung magpapasundo na. Nagpaalam rin naman ako kay Mommy that I would be out with a friend after class, she didn't ask anything, sinabihan niya lang ako na mag-ingat at magpasundo na lang kay Mang Dante kung kailangan.
Halos tutukan ko na lang ang oras habang nasa klase ako nang hapon na iyon. Panay rin ang yuko ko sa suot na relong pambisig, napansin nga iyon nina Therese at Lulli. Inip na inip kasi ako kahit na marami naman kaming ginagawa, gusto ko na lang matapos na ang klase at makita na si Hans.
"May lakad ka ba? Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo, ah." Si Therese iyon habang nananghalian kaming tatlo sa canteen.
"Huh? Wala, Friday kasi, 'di ba? Ano... Excited lang akong umuwi!"
Tumagos ang tingin nito sa aking likuran, maging si Lulli na katabi nito ay napanguso sa kung sino ang papalapit sa amin. I turned to see Julian walking up to us, may magandang ngiti ito at sa akin nakatuon ang mga mata.
"Siya ba ang hinihintay mo?" Kinikilig na tanong ni Therese, si Lulli naman ay tahimik lang na nagmamasid, inaabala ang sarili sa banana bread na kinakain.
Sasagot sana ako na hindi, kaya lang nakalapit na sa amin ito.
"Caice," he smiled and waved to my friends too. "Hi... Lulli and Therese."
Hindi ko na kailangan pang ipakilala sila rito. We were from the same circle, kung hindi pa sa mga party ay sa school naman magtatagpo tagpo ang mga landas namin.
"Hello, Julian!" Kilig pa rin si Therese, hindi niya talaga iyon magawang itago man lang. "Upo ka! Saluhan mo kami."
Ganoon na nga ang ginawa nito, sa tabi ko pa naupo. Wala naman problema, basta wag lang nila akong guluhin sa ginagawa kong paghihintay.
"Kumusta, Caice?" Julian asked, wala atang balak kumain dahil hindi naman siya bumili ng kahit maiinom man lang. Parang ako talaga ang sinadya, nakabaling na kasi siya sa akin ng husto ngayon. "Hindi na kita muling nakita simula nang mamasyal tayo kasama sila Jeric sa resort."
"Ah, napirmi rin kasi ako sa rancho ng ilang linggo," tinapos ko nang mabilis ang aking pagkain tapos ay kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa para tignan kung may message from Hans, to my dismay ay wala pa. "Tapos busy rin agad kahit kakasimula pa lang ng klase."
Sigurado akong naiintindihan niya dahil pareho naman kaming nasa ikalawang taon na ng kolehiyo, magkaibang kurso nga lang.
"Kaya nga, eh," tugon niya bago nanahimik saglit.
Binalingan ko ang dalawa kong kaibigan. Si Lulli ay inaabala ang sarili sa pagkain at panaka-nakang pagre-review ng nakaraang lesson para sa susunod na subject. Si Therese naman ay tutok sa cellphone, base sa repleksyong naaaninag ko mula sa kaniyang salamin ay nagso-social media na naman! Pero alam ko na kahit kunwaring busy ang mga ito ay nakikinig sila sa usapan namin ni Julian.
"May gagawin ka ba bukas? Baka gusto mong sumama sa amin ni Jeric na manuod ng Motocross event, sa may Balayong lang." Paanyaya niya, bahagya ring sumulyap sa dalawang nasa harapan namin. "Sama rin kayo kung wala kayong gagawin."
Nagtinginan sandali ang dalawa. Si Therese ang naunang sumagot.
"Negative! May swimming kami nila Kuya Lem bukas sa El Nido, eh!"
Si Lulli naman ay umayos muna ng upo bago tumanggi. "Hindi rin ako puwede. May bible reading bukas sa bahay, nangako ako kay Mommy na I'll be there dahil may dalawang linggo na akong hindi nadaluhan."
Tumango si Julian atsaka ako binalingan. "Ikaw ba, Caice?"
Wala akong maisip na dahilan para tumanggi. Bakit ba masyadong mabait ang mommy ko at namana ko iyon? Hindi tuloy ako makapagsinungaling!
"Hindi ko pa sigurado kung may lakad kami nila Mommy bukas," there. At least hindi lie iyon! Totoo naman! Anong malay ko kung biglang mag-aya sina Dad papuntang Soledad?
Kita kong maging sina Therese ay nagulat sa hindi man direkta ay obvious na pagtanggi ko pa rin kay Julian. Why wouldn't they? Eh, inaakala nga nilang si Julian ang binibilangan ko ng oras sa maya't maya kong pagsulyap sa relo.
"Gano'n ba?" Tunog dismayado si Julian pero nakuha pa ring ngumiti. "Hindi ka pa naman sigurado, 'di ba? I-text mo na lang ako mamayang gabi, hihintayin ko."
Wala na akong nagawa pa dahil may tumawag na rito, isa siguro sa mga kaklase niya. Tumayo na siya at nagpaalam sa aming tatlo. Nang mawala ay agad akong inulan ng tanong ni Therese, si Lulli naman ay tahimik lang.
"Hindi ba si Julian ang kanina mo pa inoorasan? Kung hindi siya ay sino naman pala? Bakit hindi ka pumayag na sumama bukas? Palagay ko naman ay wala kang gagawin! Hindi mo ba gusto si Julian?"
Wala ni isa sa mga tanong nito ang sinagot ko. Ipinagpasalamat ko na lang rin na tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break at kinakailangan na naming pumunta sa susunod naming klase.
As we shuffled to our next class, my thoughts were only half-present. The anticipation of seeing Hans later was like a constant hum in the back of my mind, making it hard to focus on anything else. Every tick of the clock felt agonizingly slow, and the lectures seemed to drag on endlessly. Biglang parang nakakatamad lalong mag-aral!
In history class, Mr. Cruz droned on about the intricacies of pre-colonial trade, but I couldn't bring myself to care. My notes were sparse, my doodles plentiful. I kept glancing at the clock, willing it to move faster. Why did time have to crawl when you were looking forward to something? Kainis na!
By the time we moved on to chemistry, I was almost vibrating with impatience. Miss Santos's enthusiasm for chemical reactions couldn't penetrate the fog of my distraction. Even the periodic table, which usually fascinated me, was just a blur of elements that didn't seem to matter today. I tried to take down the formulas and equations she scribbled on the board, but my heart wasn't in it. I wanted to be anywhere but here.
In the back of my mind, I replayed the conversation Hans and I had last night. His voice, soft and hesitant, asking if I wanted to go out with him. The way he seemed genuinely relieved when I said yes. It all felt surreal, like something out of a dream. I wondered where he would take me. Kahit saan pa'y sigurado naman akong sasama ako sa kaniya, bago man o hindi sa akin ang lugar.
The final class of the day was math, and it was the hardest to endure. Numbers and equations danced in front of my eyes, refusing to settle into any coherent pattern. Hindi ko na halos maintindihan ang tinuturo at mga sinasabi ni Miss Villanueva sa harapan dahil mas abala akong bumaling maya't maya sa orasan na nakasabit sa tuktok ng pinto.
Could this day be any longer?
As the hands of the clock crept closer to four, my heart rate increased. I could feel the anticipation building, making it almost impossible to sit still. I tapped my foot impatiently, earning a few glances from my classmates. But I didn't care. All I could think about was seeing Hans, his easy smile, the way his eyes lit up when he talked about something he was passionate about.
Finally, the bell rang, and I nearly jumped out of my seat. Gathering my things with lightning speed, I made a beeline for the door. Hindi ko na nga inintindi ang mga pagtawag nina Lulli at Therese sa akin. Bahala na! Magkikita naman kaming tatlo sa Lunes.
As I navigated through the sea of students crowding the hall, my phone buzzed with an incoming call. I pulled it out of my pocket and answered it without looking at the screen, knowing it could only be one person.
"Hello," medyo kinakapos pa ako ng hininga sa parehong pagmamadali at excitement.
"Hey, nandito na ako sa labas ng school mo. Hintayin na lang kita..." he said, his voice sending a rush of warmth through me.
"Sige, pababa na ako." I replied, quickening my pace.
The anticipation built with each step as I hurried out of the building, my heart pounding in my chest. When I finally stepped outside the gate, I saw him standing by the stalls of street food that lined the street just outside the university. Kahit pa maraming tao sa labas ng school ay agad siyang nahanap ng aking mga mata at hindi ko na siya inalisan pa ng tingin.
Hans was wearing his usual attire—a simple t-shirt and blue jeans. Despite the casual clothes, he stood out among the crowd. His height and drop-dead gorgeous looks were impossible to miss. At hindi lang ako ang nakakapansin noon, may ilang mga napapalingon rin sa kaniya. Hm, sarap ibulsa!
His thick brows furrowed slightly as he scanned the crowd, his lips forming a thin line. But when his eyes settled on me, his expression softened, and he broke into a small, relieved smile. God, I had missed him truly!
Iba na talaga ang tama niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro