Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Simula

"Riri, ikaw na bahala maglipat no'ng baka mamaya, ha? Doon mo ilipat malapit sa landahan ni pareng Pako kasi may malaking Narra roon. Ilayo mo sa bagong tubong mga mais ang baka." Si Papa habang nagsisintas ng kan'yang sapatos.

"Opo!" walang problemang sagot ko.

"Huwag ka lang dadaan doon sa kabilang lote. May mga toro pa naman doon na pinapahinga ng mga Rabanni," dagdag niya pa.

"Ikaw nalang ba dadaan kay mama sa skwela, pa?" ani ko sabay sunod kay Papa sa garahe kung saan naka park ang kan'yang motor.

May mga nag s-summer class din kasing mga estudyante kaya kahit summer na summer ay wala pa ring pahinga si Mama.

Minsan kasi ako na ang sumusundo kay Mama sa skwela gamit ang Mio ko. Pero ngayong nautusan akong mag pastol ay parang alam ko na kung sinong susundo kay Mama.

"Oo, anak. 'Tsaka huwag kang masyadong papa hapon doon..."

"Opo! Mag-iingat ka po!"

We have a very balance life. Si mama isang elementary teacher habang si papa naman ay kapitan ng baranggay namin. I am an only child at mulat na sa mga trabahong akala nila lalaki lang ang gumagawa. Katulad nalang ng pagpapastol ng baka, pagkuha ng panggatong, at pag ani ng palay at mais.

Ang naging kasama ko sa bahay kapag wala ang mga magulang ay si Raki---ang Doberman breed kong aso. Palagi ko itong dinadala 'pag nagmumuni ako sa bukid o hindi kaya kapag nagbabantay sa baka ni papa. He is like my brother. A tough one. Regalo ito ni papa noong nag ten years old ako. I love dogs so much at napagbigyan din sa tagal ko nang iniyak na gusto kong magkaroon ng aso.

May lupa kami kung saan kami lang din ang nagtatarbaho at gumagawa sa mga dapat kakailanganin. Hindi rin naman malaki iyon kaya hindi na nag-abala sila papa na kumuha ng tauhan para ro'n. Isa pa, hindi naman iyon naging mahirap sa amin---o sa akin. Lalo na at gusto ko rin naman ang lahat ng ginagawa ko.

It's summer at wala naman akong ginagawa. Igugol ko nalang ang lahat ng panahon ko sa bukid at miss na miss ko na rin ang lupain. Next school year ay senior high school na rin ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kukuning strand dahil sa daming pagpipilian. Kung isang strand lang siguro ay hindi na ako mahihirapan. Kasi kahit gusto ko man ito o hindi ay papasukin ko nalang. Hindi iyong ganitong na p-pressure pa ako kaka-isip kung ano ba dapat.

"Tara, Raki. Pasyal tayo sa bukid.." ani ko sa kan'ya sabay kuha sa kan'yang tali.

Kumahol ito sabay wagayway sa kan'yang buntot. I chuckled when I realized how excited he is. Like me, gustong-gusto rin ni Raki ang bukid.

Muntik pang pinag-awayan ni mama at papa si Raki noon. Ani mama, delikado raw ang mga katulad ni Raki na aso dahil possesive raw ito at territorial. But my father trained Raki well. Kaya ngayon, naging crowd favorite na ito.

"Raki!" masayang tawag ni Mang Kaloy sa aso ko nang madaanan namin ang bahay nila papunta sa lupa namin.

Ngumiti ang matanda sa akin nang namataan niya akong nakasunod kay Raki.

I smiled when Raki hurriedly run to Mang Kaloy and bark at him like he was greeting him also. Kumuha ng isang tinapay si Mang Kaloy at binigay iyon kay Raki.

My lovely dog barked again like he was thanking him. Pinanggigilan naman ng matanda ang aso as he caress Raki's head.

"Saan punta n'yo, Riri?" baling ni Mang Kaloy sa akin.

"Sa lupa po namin. Ipapa-pastol po ni papa ang baka kasi matagal daw ang araw roon sa pinag talian niya."

Tumango sa akin ang matanda. "Mag-ingat kayo. Buti nalang at alisto itong si Raki. Lahat na magtatatangka sa 'yo ay paniguradong malalapa," tumawa nang marahan ang matanda sabay baling kay Raki.

Raki barked--or shall I say he agreed to Mang Kaloy. I laughed. "Oo nga po, e. Mauna na po kami. Raki.." tawag ko sa aso.

Nang makarating na kami ay kaagad kong dinaluhan ang baka para tanggalin ang tali naka nakatali sa Ipil na kahoy. Hindi naman nagmatigas ang baka nang hilahin ko na ito papunta sa landahan kung saan naroon din ang Narra tree na sinasabi ni papa.

Hindi pa kami nakalapit ay biglang kumahol si Raki. Kaagad kong inilibot ang tingin para tingnan kung may ibang tao ba rito maliban sa akin.

"Raki, may tao ba?"

Raki barked and barked as if he saw something I didn't see. "Raki, naman. Huwag ka ngang manakot!"

Raki barked again and pointed himself on the Narra. Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong may pigura nga roon ng tao. Nakaupo ito sa ilalim ng Narra at mukhang natutulog.

"Shh.." sita ko kay Raki.

Tumahimik naman ito at naglakad na kami palapit doon. Hila-hila ko ang baka habang naglalakad kami malapit na sa punong Narra.

Nang akmang malalagpasan na namin siya ay nilapitan siya ni Raki sabay kahol.

Shit!

Kaagad tumayo ang lalaki at akmang babatuhin si Raki sa gulat.

"'Wag! Aso ko 'yan!"

"Arf!" galit ding kahol ni Raki sa lalaki.

Pinukol ako ng galit na tingin ng lalaki. "Atleast train him well!"

Irritation and fear was evident in his eyes. Tumikhim ako at tinawag si Raki. Kahit sino naman talaga ay matatakot 'pag may bubungad sa iyong Doberman na aso habang galit itong kinakaholan ka.

"P-Pasensya na. Kumakahol talaga ang aso sa mga taong hindi nila kilala.."

Irritation in his eyes was still there. Nakatingala naman sa kan'ya si Raki.

He cleared his throat sabay iwas ng tingin. "Ilayo mo sa akin ang aso mo."

Kagat labi akong napatango. "R-Raki!" tawag ko sa aso.

"P-Pasensya na talaga sa abala.."

Hindi siya umimik at nanataili lang ang kan'yang tingin sa maisang hanggang tuhod pa lang ang tubo. Nilagpasan namin siya habang hila-hila ko ang baka. Si Raki naman ay nakasunod din sa akin at hindi tinatantananan ng tingin ang lalaki.

Kaagad naman itong tumakbo papunta sa akin kalaunan.

Kahit sa hapag kainan ay hindi matanggal sa isip ko ang lalaking nakita namin ni Raki kanina. He looks new and really...really handsome.

Matangkad, hawk eyes, tanned skin---but very clean, as his hair was an undercut type. Marami akong mga schoolmates na guwapo but, damn. That man just hit differently.

Alam kong hindi ko ito ka edad, base na rin sa tindig at katawan nito..and I think he's just in his early twenties or hindi pa. Hindi ko alam.

Tumikhim ako sabay tingin kay papa. Si mama naman ay may kung anong kinu-kwento kay papa tungkol sa nakita niyang bagong bukas daw na flower shop sa Maranding.

"Papa.."

Sabay nila akong nilingon nang nakakunot ang noo.

"What is it, anak?" si mama.

Nilingon ko si Raki nang kumahol ito sa akin. Relax, Raki. Hindi kita isusumbong kay papa.

"Kanina kasi may nakita akong lalaking nagpapahinga sa may puno ng Narra. Hindi siya pamilyar sa akin..." ani ko sa napakaliit na boses.

Nagkatingnan ang mga magulang ko. When papa raised his both brows na parang may naalala kalaunan ay bigla akong nabuhayan. What the heck was that, Dorothy?

"Oh. Nakauwi na pala si Zul!" may bahid na galak sa boses ni papa roon.

Mama's face was lightened also. Huh?

"Wala namang ibang lalaking palaging natutulog sa ilalim ng Narra kundi ang ang bunsong anak ni Datu Aqil."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Omg! Anak ni Datu Aqil Rabbani ang muntik nang lapain ni Raki kanina! Omg! Omg! Omg!

Mukhang naiintidihan iyon ni Raki dahil biglang isinsiksik niya ang sarili sa couch. Heard that, boy? Baka ratratin tayo ng mga tauhan nila 'pag nalaman nilang nilapa mo ang bunsong anak ni Datu!

They are a muslim family and they are not a big joke!

"Mabait na bata 'yon, Riri. Hope you two will become friends.." si Papa.

Sana nga, pa. Pero hindi na ata kami maging magkaibigan dahil sa ginawa ni Raki. Hay, buhay parang tinapay na bread.

"Sa tingin mo makakagusto ka sa isang lalaking muslim?"

Nilingon ko ang kaibigan. Nang biglang sumagi sa isipan ko si Zul ay naramdam ko ang biglang pamumula ng pisngi ko. Dios, ko!

Buti hindi na napansin ni Ashley 'yon dahil biglang may kung anong bumunggo na kaklase namin sa likuran.

"Ano ba! Mga yawa!" singhal ni Ashely sa kanila.

Sobrang gulo nang loob ng school bus namin at may kan'ya-kan'yang pinag-uusapan at pinag-guguluhan. Iyong iba excited sa pupuntahan, iyong iba excited sa ibang taong makakasalamuha roon.

"Ano?" siko sa akin ni Ashley na akala ko nakalimutan na niya.

"Hindi ko alam. Ayoko rin namang magsalita ng tapos.." sagot ko.

Hindi ko alam bakit sa dinami-rami niyang ipasok sa kokote niyang puwedeng tanong, iyan pa talaga ang naisipan niyang itanong sa akin.

Tumawa si Ashley sabay ayos ng kan'yang bag pack. Kakababa lang namin sa school bus. We are now here in Tubod MCC for a year end junior high schools field trip for Dinosaurs Alive event.

"Maraming guwapong mga muslim na lalaki.."

"And?" I frowned.

"Hays..ang boring mo talagang kausap!" reklamo niya.

Tinawanan ko nalang siya at hinayaang magmaktol. She's my bestfriend and we have a lot in commons, except talking about boys.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng napakalaking gym. May mga stalls na nagkakalat dito na may iba't-ibang mga paninda. Different kind of dinosaurs standees also are scattered in the field infront of the gym.

May pinapahanginan din ang ibang staffs ng dino balloons para sa entrance mismo ng gym ilalagay. Kahit iyong mga stalls ay maraming mga mini dinos balloons ang nakasabit.

The excitement I felt grew wilder. My anticipation to see dinosaurs even they aren't real kicked in and out. Finally, makakakita na rin ako ng dinos mamaya sa loob ng gym! Atleast.

"Alright, students listen!" Ma'am Castro called our attention. May hawak siyang mini megaphone para mas malinaw naming maririnig ang kan'yang mga instructions.

I pressed my lips and gave my whole attention to her. Inayos ko ang buhok na hindi ko natali kanina at kunot noong nilingon si Ashley na nakikipag daldalan na sa katabi niyang kaklase lang din namin.

They are whispering and giggling about something. Lalaki na naman siguro. Bahala na nga sila riyan.

"You are allowed to stroll around but let me know where y'all going, 'kay?" Taas kilay niyang sinabi.

"Noted, Ma'am!" sagot namin.

"Paano kapag mag b-boy hunting kami? Ipapaalam din ba namin sa 'yo?" bulong ni Ashley kasabay ng hagikhik.

I shook my head and rolled my eyes on them. Dinosaurs ang ipunta natin dito, hindi mga lalaki! Sarap pang singhalan ng mga 'to. Tapos kapag hindi narinig ang sinabi na mga instructions ay magtatanong kasi nga hindi nakikinig at kung ano-ano ang pinanggagawa. Mga bobo talaga.

Nahati kaming grade ten students for this trip. Anim ang sections ng grade ten kaya hinati kami sa tatlo. Every trip ay dalawang section ang magsasama kaya iyong mga nakasama namin dito ngayon ay hindi ko kilala ang iilan--iyong iba ay sa museum, iyong iba naman ay sa isang planetarium display. Tapos ito nga iyong sa amin, ang Dinosaurs Alive.

"Okay, students! Form your line straight" Anunsyo ulit ni Ma'am Castro.

Kaagad kaming nagline. I excitedly lift my gaze on the entrance where two t-rex standee waiting us on the entrance. This is it!

"Omg!" Si Ashley na nasa likuran ko na.

"Omg, Riri tingnan mo iyong mga seniors natin. Iyong mga grade twelve!"

Kamot ulo kong nilingon ang mga seniors namin na naka isang pila rin. Kasabay rin namin sila sa year end field trip na 'to. Bumuntong hininga ako at ibinalik ulit ang tingin sa harapan.

"Tapos na. Natingnan ko na.." I lazily replied.

"May guwapo kasi, Riri! Iyong isang matangkad!" hirit niya pa.

I know she will pest me kaya pinagbigyan ko nalang din. Pagkalingon ko ay saktong nakatingin na rin ito sa gawi namin...o sa akin? My eyes widened in a seconds bago ko ulit binawi ang tingin.

"Gago, nakatingin siya banda rito!" tili ni Ashley.

What the? Talaga bang si Zul ang nakita ko kani-kanina lang? Ashley continues giggling at sinabayan pa iyon ng iilang kaklase naming babae malapit sa linya namin.

"Dorothy Maeve Andino!" anunsyo ni Ma'am Castro gamit ang megaphone na hawak. "Usad na!" she added.

Uminit ang buong mukha ko dahil sa hiya. Kanina pa pala umusad ang linya namin pero hindi ako humakbang palapit sa entrace. Nakakahiya!

Naghalakhakan lahat ng mga kaklase ko dahil sa nangyari. Dagdagan pa ni Ashley na kung maka hagalpak sa tawa ay akala mo wala nang bukas.

Nang nilingon ko ang gawi nila Zul ay nagtawanan din sila kasama ang mga kaibigan. When our eyes met, he smirked at me.

I turned my lips into grim line at iniwas nalang ang tingin. Ang puso ko kaninang naghaharumentado ay mas lumala lalo--nanlamig din ang mga palad ko at pinagpapawisan ang noo. Kasalanan talaga 'to ni Ashley.

Nang nakapasok na kami sa gym ay nawala lahat ang hiyang naramdaman ko. Kulang nalang ay tumalon ako dahil sa tuwa. Different kinds of dinosaurs are scattered everywhere. May lumipad-lipad pa sa taas namin na robotize dinosaurs (lahat sila rito ay robotize).

"Hello, students!" bati sa amin ng isang staff nang magawi kami sa T.rex section.

"Hello rin po!" tugon namin.

"Did you know, T. rex lived around 67-65m years ago. And they was named in 1905 by the American palaeontologist, Henry Fairfield Osborn.." nakangiting bigay impormasyon sa amin ng staff.

Nakahawak siya ng maliit na parang remote. Nang may pinindot siya roon ay kaagad gumalaw ang T.rex at naglikha ng ingay. Parang may bumundol sa puso ko nang makitang parang buhay na buhay itong nakatingin sa akin.

"T.rex's also are the world's most famous dinosaurs!" the staff added.

"Wow.." ani ko.

"Puwede po bang hawakan?" I requsted.

"Sure!"

Nanginginig pa ang kamay kong hinawakan ko ang ulo ng T.rex. When his head tilted on me ay may biglang gumulat sa akin!

"Ay, T.rex!" tili ko.

Naghalakhakan ang mga kasama ko sa section na 'to kasama na rin ang staff. When I turned my head to see who it was, my heart fell. It was Zul!

"Bakit ka ba nanggugulat!" iritado kong singhal sa kan'ya. Sobrang lakas nang pintig ng puso ko.

Iyong kaba ko halos rinig na rinig ko pa!

Ngumuso siya na parang nagpipigil ng ngiti. "Hindi, ah!"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Anong hindi? Ikaw lang naman nakatayo riyan!"

"Ako talaga 'yon, Dorothy!" halakhakan ng mga kaibigan niyang kadarating lang sa likuran niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pati na rin ang mga kasama niyang nasa likuran niya lang din. Gumaganti siguro ang mokong na 'to sa akin.

"Buti nalang hindi ko naitumba 'yong T.rex!"

He bit his lower lip sabay lapit sa akin sabay yuko ng bahagya. "Gumanti lang.." bulong niya.

Ha! I knew it. Akala ko sapat na ang paglapit niya sa akin kanina pero mas lumapit pa siya ng mas malapit as he leaned very closer to me. Naaamoy ko pa ang mamahalin niyang pabango dahil doon.

"Sobrang lakas ba ng tibok ng puso mo? Dahil sa akin no'n ay oo.." aniya.

"H-Hindi naman sinadya iyon ng aso ko. Kinakaholan ka niya dahil hindi ka niya kilala at hindi ka pamilyar sa amin....P-Pasensya na kung kinakabahan ka no'ng kinakaholan ka ni Raki--"

"This is not about the barks of your dog...it's about I saw you there.." he whispered.

I blinked in hundred as my heart pounded so darn fast. A-Ano raw?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro