Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Can't be

Hindi ko alam kung kailan namin sisimulan ang 'deal' na napagsunduan namin pero kinakabahan ako sa ideyang 'yon. Hindi pa nga kami nagsisimula ay parang gusto ko nalang din umatras.

But then, Zul's annoying smirk appeared in my head saying, "Chickening out?" then an evil laugh came out from his mouth.

Iritable kong iniling ang ulo. Hindi puwede!

Magiging 'lovers' lang naman ang dalawang tao kung mutuals ang feelings nila para sa isa't-isa, hindi ba? So, why Zul offered me that kind of deal? Did he do it on purpose or just a kind of teasing me again?

Enemies turned to lovers, huh? Uso naman iyong mga ganoong concept pero hindi sa totoong buhay. Huwag niyang sabihin sa akin na alagad siya sa mga ganoong konsepto sa isang libro o sa television?

Napatulala ako. Hindi kaya pinag e-eksperimentohan ako ng gagong 'yon? Umiling ulit ako. He can't be gay, right? Dios ko!

"Grabe ka na, 'te. Naaaning ka na," litong-litong titig ni Ash sa akin sabay tawa.

Sabay kong ikunulong ang mukha sa magkabila kong palad at itinuko ang mga siko sa table. Nandito kaming dalawa ngayon sa library at nag s-study for our final exam.

"Si Zul ba 'yan? Ano, na fall ka na ba?" tukso niya.

I winced of what she said. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko at umayos na sa pagkaka-upo. Tiningnan ko ang kaibigan sabay tapik sa librong hindi niya pa binuksan at parang wala yata siyang planong basahin.

"Magbasa ka nalang diyan para may kabuluhan na ang lalabas diyan sa bibig mo."

Tumawa siya nang malakas sa sinabi ko. Agad naman siyang sinita ng school librarian namin sa ginawa niyang pag tawa. I just shook my head once again and rolled my eyes.

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang malalim ang iniisip mo tapos bigla-bigla ka nalang iiling!"

Nananatili ang mata ko sa pahinang binuklat kong libro. Am I that too obvious? Tumikhim ako at sinenyasan siyang manahimik na. Buti nalang at sumunod naman siya at nagsimula na ring magbasa.

Pagkababa ko sa building namin ay nagulat ako nang may humarang sa akin na tatlong babae. Kakatapos lang ng exam namin at uwian na rin.

Kunot noo ko silang pinasadahan ng tingin. Hindi ko sila kilala pero sa tingin ko ay kilala nila ako. Binulungan ng dalawang babae ang babaeng nasa gitna.

"Ikaw ba si Dorothy Maeve Andino?" Taas kilay na sinabi no'ng babaeng nasa harapan ko na.

"Anong kailangan n'yo?" kunot noo kong sagot.

"Hinahanap ka ng kaibigan namin. I want you to come with us, kid," aniya sabay ngisi.

Humahalukipkip ako sabay taas din ng kilay. They are acting mean girls infront of me, huh? Memorize kaya ng mga 'to ang mission and vision ng school namin? Or even the Preamble and 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, alam kaya nila?

Isa pa iyong nasa kabila, feeling maganda. Hindi naman pantay ang pagkakagawa sa kanyang kilay. Iyong isa pa hindi match iyong eye shadow sa lipstick niya. Itong nasa harapan ko naman...namamasa pa ang kilikili.

Seryoso ba sila sa ginagawa nila sa akin ngayon?

"Pinagmamaldithan tayo nito, beh o," natatawang utas no'ng nasa kaliwa.

Humakbang palapit sa akin iyong babaeng nasa gitna. Naaasiwa pa ako sa kilikili niyang namamasa. "Alam mo mabait naman kami sa mga bata kaya sumama kana sa amin--"

"Paano 'yan, e hindi ako mabait sa mga matatanda katulad n'yo?" I said as I raised my brow.

Ano bang kailangan ng mga 'to sa akin? Sinipat ko ang relong sout. Alas kuwatro na ng hapon. Inirapan ko sila at lalagpasan ko na sana sila kaso hinila ng babaeng nasa kanan ang braso ko.

Nagsilaglagan ang dala kong mga libro dahil sa ginawa niyang paghila. Galit ko silang hinarap. "Ano ba! Hindi ko kayo kilala at wala akong ginagawa sa inyo. Antatanda niyo na nang-aaway kayo ng menor de edad? Mahiya nga kayo!" sigaw ko sa pagmumukha nila.

May ideya na ako kung kanino 'tong mga kampon, e. Bukod kay satanas ay mga ampon din ito ni Tiffany. Now I recognize them all. Kahit naka sibilyan ang mga 'to ay alam kong taga college department sila.

"Bakit hindi iyong kaibigan n'yo ang paharapin sa akin total ay siya naman itong naghahanap sa akin? Ayaw niya bang masira ang reputasyon niya bilang isang conservative at pa banal na babae?"

Natahimik silang tatlo at matalim lang akong tinitigan. I can't believe they will stoop down this low dahil lang sa lalaki. Aware kaya si Zul sa mga kahibangan ng mga babae niya? Padabog kong pinulot ang mga gamit kong nahulog.

Pagkatayo ko ay pinukol ko rin sila ng masamang tingin. "Aasim n'yo..." I spat then walked away.

Nasabi ko kay Ash iyong nangyaring insedente nong nakaraan. Tawa nang tawa ang siraulo pagkasabi ko pa sa kanya non. Nasa cafeteria kami ngayon at napapansin kong parang maraming mga estudyante ang nandito ngayon; halos pa mga college students from different departments.

Nanliit ang mga mata ko nang makita kong pumasok sa caf si Zul kasama ang maarteng Tiffany. She was acting sweet and kind if Zul's around. I smirked.

"Psst, si Zul," ani Ashley.

Pagkaupo nilang dalawa kasama ang iilang mga kaibigan ni Zul ay tumayo na si Tiffany para mag order. Nakatanaw lang ako sa kanila habang may madilim na akong ideya sa utak.

Nagsipolan ang mga kaibigan ni Zul nang nagdala ng maraminf order si Tiffany para sa kanila. Mas lalong nanliit ang mga mata ko nang napansin kong nasa cellphone lang si Zul at parang may binabasa. Bahagya pang nakakunot ang noo nito at seryosong-seryoso.

Automatic napataas ang kilay ko nang bahagyang humilig si Tiffany kay Zul. I bit my lower lip at tumayo na.

"Huh? Saan ka pupunta?" nagtatakag sambit ni Ash.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglakad.

Ang kaninang naka bun kong buhok ay nilugay ko 'yon. Deal, huh? I'll start mine, Zul Qurnain Rabanni. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko at tinuloy-tuloy ko na ang paglalakad patungo sa table nila. Sakto at naka pencil skirt ako ngayon at fitted ang upper ko. Nang malapit na ako sa table nila ay laglag panga akong tinitigan ng mga kaibigan ni Zul.

Bago pa man nila masiko si Zul para sabihan ay nakatayo na ako sa tabi niya. I smiled sweetly on the guy sitting besides Zul. Nang makuha ang gusto kong sabihin ay tulala ito sa akin habang dahan-dahang umalis sa stool.

I stopped myself from grinning. Ang kaninang gulat na mukha ni Tiffany ay unti-unting nabahiran ng galit. Hindi ko alam na sa deal naming 'to ni Zul ay magkaka confident ako.

I used to be shy lalo na kung may mga lalaki sa paligid but look at me now...dealing the deal.

Nasa cellphone pa rin ang tingin ni Zul at hindi pa tapos sa kung anong binabasa niya roon. Nang napansin niyang natahimik ang table nila ay nag-angat siya ng tingin sa wakas.

When our eyes met, muntik pa akong napa atras. The coldness and ruthless of his eyes immediately disappeared when he saw me. Tumikhim ako sabay ngiti sa kanya.

"Pasensya sa disturbo, guys. May sasabihin lang ako kay Zul," I said sweetly on them.

Hindi na ako nag-abalang lingunin si Tiffany dahil wala namang nagbago sa tingin niya sa kanina. Parang mas lumala lang siguro ngayon dahil sa sinabi ko.

"Can't you see, kid? We are having--"

"Ihahatid mo ba ako mamaya, Zul?" baling ko kay Zul.

He slightly creased his brow. Ano, hindi mo ba ito inaasahan? Tinatrabaho ko na iyong akin, boy. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sabay hawak sa pala pulsuhan ko. I gritted my teeth at sinubukang ipiksi pulso ko mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo lamang niya iyon hinihigpitan.

"Ano ba! Kapag sa akin puwede ka mang gulo pero 'pag sa 'yo hindi puwede?! Let me go!" galit na reklamo ko.

Napadpad na kami sa open field kung saan walang ka tao-tao. Nang sa wakas naipiksi ko na ang pala pulsuhan ko sa kanya ay dali-dali kong hinubad ang isang pump ko sabay bato ko sa kanya dahil sa pagkakarita!

Umigting ang panga niya dahil sa ginawa ko. I rolled my eyes at hinayaan ang isang paa na nakaapak sa damuhan. Humahalukipkip ako at ibinaling nalang ang tingin sa paligid.

"Ano bang trip mo?"

Nilingon ko siya. "Nagtatanong lang naman ako kung ihahatid mo ako, ah? Bakit pressed na pressed ka?"

His brow shot as his lips portruded. "Bakit mo pa itatanong sa akin 'yan kung alam mo namang ihahatid naman talaga kita? Isa pa, ikaw naman itong ayaw nag magpapahatid sa akin, ah?"

Napakurap-kurap ako sinabi niya. Sasabihin ko bang tinatrabaho ko na iyong deal namin? Umismid ako. Ayoko nga. Baka isipin niya pang masyado akong hands on doon.

"Well..." ani ko at pilit humahagilap ng mga salita. "Ihahatid mo na ako pauwi. Sira iyong Mio.."

He gave my a lopsided grin na ikinaikot naman ng mga mata ko. Fine! Hindi sira iyong Mio pero wala akong pakialam sa iisipin niya. Pero kung ayaw naman niya, e 'di ayaw! Hindi naman ako namimilit!

Yumuko siya para pulutin ang pump ko.

Pagkapulot niya no'n ay naglakad siya palapit sa akin. My eyes widened when he squated infront of me. Bahagya akong umatras pero tiningala niya ako na may pagbabanta sa kanyang mga mata.

"Ilagay mo lang diyan! Ako na ang magsout!"

"Nag iinarte pa!" pagsusuplado niyang sambit.

Nagbuntong hininga ako at binigay ko nalang sa kanya ang isa kong paa na medyo may dumi na. Ayoko kasing nag m-medyas sa pump dahil hindi ako komportable. Pero hindi naman namamaho ang papa ko. Tss.

Uminit ang magkabila kong pisngi nang pinagpag ni Zul ang mga duming dumikit sa paa ko bago niya pina sout sa akin ang pump.

Tumayo na siya sabay ngisi sa akin. "Ihahatid kita. Ihahatid na kita palagi kaya huwag ka nang magmatigas, Dorothy.."

Bukas na iyong kasal ni Tita Sittie at kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Isang kalabog galing baba ang nagpapagising sa akin. Pagka tingin ko sa bed side clock ko ay alas kuwatro pa lang ng umaga.

Dali-dali akong bumaba. Nakita ko si mama na may dalang maliit na basin at may bimpo sa kanyang balikat. She looked sleepy and tired at the same time.

"A-Ano pong nangyari, ma?"

"Si papa mo sobrang taas nang lagnat.."

Sinamahan ko na si mama sa pagpasok ng kanilang silid. Nag-alala akong dinaluhan ang ama nang makitang nanginginig ito sa lamig. Naka baluktot ito ng makakapal na kumot pero parang hindi yata iyon sapat.

"Mahal, dalhin na kaya kita sa hospital?" mahinahanong sambit ni Mama. Pinupunasan na rin ni Mama ang noo ni Papa gamit no'ng basang bimpo.

Umiling si Papa sabay tingin sa akin. "H-Hindi na. Lagnat lang naman 'to. Mawawala lang 'to..."

Luminawag na ang paligid nang magising ako. Sa silid ako nina Mama ulit nakatulog at pinapagitnaan namin ni Mama si Papa sa pagtulog. Nang kinapa ko ang noo ni Papa ay wala na ang lagnat nito.

I smiled and left their room. Tulog na tulog pa silang dalawa nang lisanin ko ang silid. Pagka pasok ko sa sariling kuwarto ay napatulala pa ako sandali.

Mamayang nine am iyong kasal kaya nagmamadali na rin ako sa pagligo dahil seven am na rin. Pagkalabas ko sa banyo ay nagulat ako nang bumungad sa akin si mama na may kasamang isang bakla.

Mabuti nalang at naka roba ako! Mama naman, e!

Napako ang mata ko sa isang blue gown malapit sa tukador ko. Wow. Iyan ba ang sosoutin ko sa kasal?

"Ay, madam hindi mahirap ayusan itong anak mo dahil ke-gandang bata pala!" masayang bungad sa akin noong bakla.

"Sige na at mala-late ka na!" si Mama.

"Ha? Ako lang ang pupunta don?" halos pasigaw kong sinabi.

"Medyo masama pa kasi ang pakiramdam ng Papa mo kaya hindi siya makakasama. Dito lang kami at ikaw na ang dumalo roon. Susunduin ka naman ni Zul."

Binalingan ko muli ang napakagandang blue withe sleeve gown sa tukador. Sayang naman at hindi ko iyon mairampa. Mukhang napaka mahal pa naman no'n. Sobrang ganda pa lalo na at may mga mamahalin pang seaquins ang naka disensyo roon.

Gusto ko sanang ipalugay ang buhok ko pero sinabi ng bakla na i-bun kuno dahil magsosout ako ng hijab. Kulay blue rin ang hijab at may kung anong mga crystals doon. Hindi ko alam kung totoo ang mga 'yon pero sobrag ganda.

Nang tapos na akong maayosan ay sinout ko na iyong gown. The gown was perfectly fitted on me. Sabi ni mama ay si Tita Sittie raw iyong nagpadala noon para sa akin pati na rin itong bakla para maayosan ako.

"Let's proceed to the hijab.." ani ng bakla at sinimulan na ang pag disensyo niya sa hawak niyang telang inilagay niya sa ulo ko.

Nakapikit lang ako sa harapan ko. Nararamdaman kong may nilalagay rin siyang mga safety pin sa iba't-ibang bahagi ng ulo ko kung saan nakabalot iyong manipis na tela sa ulo ko. They said its called, 'salimot'.

"Tada!"

Unti-unti kong binuksan ang mga mata. I blinked numerous times as I srared myself infront of the mirror. Just...wow. It's like a version of me in other world. Hindi sa pag-aalsa bangko but the hijab really goods on me.

"Sobrang bagay sa 'yo, Dorothy.  Mukha ka na tuloyng arabianna!" manghang titig sa akin ni mama.

Nasa labas na kami ng bahay nang may tumigil na itim na SUV. Nang bumukas ang pintuan ay nadismasya ako nang hindi si Zul ang lumabas doon.

Baka imbitado rin si Tiffany at siya na ang sumundo roon. Tumikhim ako para maalis ang kung ano mang biglang bumukol sa lalamunan ko. Hinalikan ko si mama at sumakay na roon sa SUV.

Tahimik lang iyong driver at mukha rin siyang masungit. If I am not mistaken, ka edad lang ito ni Zul. Kinakalikot ko ang maliit kong bag at hinahanap ang panyo roon. Medyo naiinitan na ako sa sout ko.

Mukhang late na ako at sa venue na kami dumeretso. Hindi ko alam kung may simbahan ba sila kung saan sila ikakasal o sa isang venue gaganapin ang seremonya ng kasal.

Maraming nagkukumpulang mga tao sa labas ng Viridis Countryside Garden pagkarating namin. Sobrang mahal dito. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang lumabas na iyong driver at siya na ang nagbukas ng pintuan para sa akin.

He looks so dashing. Naka brush pataas ang buhok nito pero may iilang hibla ng buhok ang tumatakas sa noo niya. Nang matitigan ko siya ng matagal ay parang namumukhaan ko tuloy siya.

"Tara na sa loob," aniya at inalalayan niya akong makababa.

Lahat na mga taong napapatingin sa gawi namib ay dinidepina sa amin ang kanilang mga mata. Marami ring kakilala ang lalaking kasama ko ngayon. Hindi kaya ay related siya sa mga Rabbani?

Wala akong kilala rito at halos sila ay parehas ko lang ng sout. Of course, Dorothy. Ikaw itong nakiki kasal sa isang kasal na wala kang alam kaya huwag kang ignorante.

Nang nagsimula na ang seremonya ay unti-unting pumasok ang mga tao sa loob. Pumwesto na rin kami nitong lalaki sa napakalaki at elegante na pintuan at iilan pang pares.

Ngitian pa ako noong isang muslim na babae bago sila pumasok. I smiled back and stepped forward. Nang kami na ang susunod ay nilingon ako noong lalaki.

"What's your name?"

"D-Dorothy.."

He nodded and smiled. "I am Hafiz.. Hafiz Rabbani."

My eyes widened a bit. I knew it! This guy is a Rabbani! Mas lalo tuloy akong kinakabahan nang malaman na Rabbani siya at related sila ni Zul.

Nang kami na ang papasok ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa braso niya para doon kumapit. My face heated and bow my head a bit. Bumungad sa amin ang napakalaking chandelier pagkapasok.

The lights gleamed like it was surprised of this version of me. Ang mga maliit na ilaw ay parang namamangha sa tuwa kasabay ang pagkislap nito. I never really imagined myself being in a wedding of Muslims while wearing hijabs and this gown.

"Chin up, bagay sa 'yo ang sout mo.." bulong sa akin ni Hafiz.

Nang makarating na kami sa upuan ay doon ako napanatag. Kada lingon ko sa mga taong nasa paligid ay titig na titig sa akin. Siguro mamaya pa nila ibaling ang attention nila sa mas importanteng bagay kapag lumabas na ang bride. Excited tuloy akong makita si Tita Sittie.

Iginala ko ang mga mata. My heart skipped a beat when I saw Zul looking at me already. Bahagyang naka awang ang labi nito at titig na titig sa akin. He looks handsome and hot of that black tuxedo that he's wearing.

Nang may pinong kumalabit sa akin ay tsaka ko lamang nabawi ang tingin kay Zul. Ang pintig ng puso ko ay hindi pa rin humuhupa. I don't even know why my heart was pounding this fast.

"Ikaw ba iyong anak ni Ma'am Andino?" nakangiting approach sa akin nong mas bata sa akin.

"Yes.." I smiled and nodded.

"Hindi kaagad kita nakilala. Napaka ganda mo.."

My mouth fell half open and then laugh awkwardly. "Thank you. You are beautiful as well."

The wedding ceremony was calm and happy. Sobrang ganda rin ni Tita Sittie sa sout niyang bridal gown. Mukha siyang diwata na na naka upo sa kanyang trono. Samahan pa sa kanyang napaka guwapong asawa.

Nang namataan niya ako ay kaagad siyang ngumiti sabay kaway. I excitedly waved my hand too and gave her my sweetest smile.  Pero nagulat ako nang bigla niya akong sinenyasan na lumapit para makapag picture.

Pagkatayo ko ay inalalayan naman ako ni Hafiz. Hindi ko alam pero kaagad lumipad ang tingin ko sa kinaroonan ni Zul. Matalim ang kanyang tingin kay Hafiz. Si Hafiz naman ay naka angat ang sulok ng kanyang labi at hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

Uh?

Nang malapit na ako kay Tita Sittie ay marahan akong inigaw ni Zul sa pinsan. Humahalakhak lang ang isa at bahagya pang itinaas ang kamay bago umatras. Pinukol ko naman siya ng masamang tingin dahil sa ginawa niya.

"Oh my! May nakapagsabi na ba sa iyo na sobrang ganda mo?!" titig na titig sa akin si Tita Sittie.

"Naku po, sobrang ganda mo nga rin, Tita. Congratulations po!" ani ko sabay yakap sa kanya.

Si Zul naman ay nakasamingot sa tabi ko. Tita Sittie called the photographer so that we can have a picture together. Si Zul ay doon nakatayo sa tabi ng groom at ako naman ay kay Tita.

Pagkatapos noong shot ay nag request pa si Tita na mag picture kaming dalawa ni Zul. Kinakabahan naman akong napatingin sa kanya.

Tita Sittie was grinning on us when Zul walked and stand besides me closely. Pinilit kong huminga ng normal but my heart won't stop from its abnormal beating.

"That hijab really looks good on you.." bulong niya habang mga mata ay nanatili sa harapan namin.

Nilingon ko siya sabay tingala sa kanya. "Inuuto mo lang ako."

Pinantayan niya ang mga titig ko sa kanya. He slowly snaked his arms on my waist that made my entire sytem gone wild.

"Mahirap talagang paniwalaan ang mga bagay na totoo, ano?" he smirked. "You are really beautiful on that hijab, Dorothy...o kahit wala. Pero may mas lamang hindi ko lang mapagtanto kung alin. I am out of focus...baka puwedeng patulong?" aniya sabay kindat sa akin.

Napakurap-kurap ako at mas lalong uminit ang buong mukha. Gosh. Tinatrabaho na rin siguro niya ang deal namin, huh? I hate to admit but it looks like mas malaki siyang pumuntos kesa sa akin.

This can't be.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro