Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Deal

Walang alam ang mga magulang ko na hindi ako nahatid ni Zul ngayon. I didn't complained when he said he couldn't bring me home. Pero no'ng sinabi niyang may pupuntahan silang dalawa ni Tiffany ay doon ako nabagabag.

Why am I feeling like this? Hindi ko alam but I felt something in me. I am upset...very. Sobrang consumable ba ng oras ang paghatid sa akin pauwi para hindi niya ako maihatid? I gritted my teeth.

Hindi naman niya ako responsibilidad. If having me by his side can destroy his time for his girl then I will willingly bring my own vehicle so that I can't consume his time...para hindi na niya ako ihatid pa sa bahay.

Kinabukasan ay nagulat si papa nang makitang maaga kong pinaliguan ang Mio. Humihikab itong lumabas ng bahay at may dala pa itong tasa ng kape.

"Good morning, pa!"

"Ang aga mo yatang nagising, Riri? Kaka-alas singko pa ng umaga," aniya sabay hagod ng tingin sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy lang sa pag sabon ng motor. Every uwian lang ako nakakasakay sa motor ni Zul. Uwian lang. Si Papa na iyong maghahatid sa akin sa skwelahan tapos ang bano na ang maghahatid sa akin pauwi.

Nagtataka na siguro si Papa kung bakit ko pinapaliguan ngayon ang Mio.

"Mag m-motor ka?" nagtatakang tanong ni Papa.

"Opo. Baka hindi na po ako maihatid ni Zul sa susunod pang mga araw. Busy na rin kasi siya at ayoko muna siyang abalahin..."

Pagkatapos kong maligo at mag prepara ay lumabas na ako ng bahay. Nauna na akong kumain nila mama at papa at nagpaalam na pagkatapos.

"Pa, si Raki, ha? Iyong vitamins niya rin po!"

I kissed my dog and headed outside. Pagkarating ko sa skwelahan at nag park na rin ako. Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa likuran ko.

It's the pest again. What a face to destroy my entire day. Inirapan ko siya sabay lock ng motor. Binunot ko ang susi at tinalikuran ko na siya.

"Bakit ka may dalang motor?"

Kaagad ko siyang binalingan. My brow creased when I saw how his face slowly turned serious. May bahid ding iritasyon doon.

"Na miss ko lang mag dala ng motor. Bakit, hindi na ba ako puwede magdala?"

"Hanggang kailan ka naman magdadala ng motor?"

"Hangga't gusto ko.."

His lips turned into grim line. Ang mga mata niya naman ngayon ay tila naninimbang. Tumikhim ako sabay iwas ng tingin.

"We can still see each other and pest me into death if you will come to our house. Welcome ka naman doon at alam mo 'yon..." ani ko. I sighed. "Huwag mo na akong ihatid pauwi."

Hindi siya umimik at nanatili lang itong nakatitig sa akin. I cleared my throat once again and turned to get in the campus. Hindi pa ako nakapasok sa gate nang marinig ko ang malambing na boses na tumawag sa kanya.

Right. I just made a great decision.

"Nagiging hobby na ninyo ni Zul ang mag-asaran at magpikunan, ano?" natatawang sinabi ni Ashley pagka upo namin.

Nilapag na namin sa table ang mga inorder naming lunch at hindi na gaanong pinansin ang sinabi ng kaibigan. Gutom na gutom na rin kasi ako dahil hindi ako bumaba kanina para mag recess.

"Siya kasi itong mahilig mang-asar. Alangan namang pabayaan ko nalang siyang ginaganon ako?"

Mas lalong tumawa si Ash sa sinabi ko. Ngumuso ako at nagsimula nalang ding kumain.

"Enemies turned to lovers daw ika nga nila!"

Inilingan ko siya at hindi napatinag sa sinabi. "Stop watching koreanovelas."

Ma drama niya akong sinungitan. "Naku, totoo talaga 'yan! Love has it own ways to build. Maybe starts in romantic ways...and the other one is what you..." she paused and pointed me using her spoon. "And Zul right now. Annoying, arguing, and fighting over and over," aniya sabay hagikhik.

Hindi ko nalang siya pinatulan at pinabayaan nalang ang kaibigan sa kanyang ilusyon. Hindi ako naniniwala sa ganoon. How those annoying each other turned into love? Hindi ba ay mas lalo lang kayong maging distansya kapag ganoon?

Napatigil kami sa ginahawa nang makita kong naglalakad si Nathan sa direksyon namin. Ashley looked at me suspiciously. Binaba ko ang hawak na tinidor at kutsara para maka inom ng tubig.

"Hi, ladies...Can I join here? Wala na kasing bakante.." Nathan smiled at me.

For four kasi ang table na nakuha namin ni Ash kaya ayos lang kung sa amin sa sasabay. Bago pa ako tumango ay mat umupo na sa tabi ko. Kinakabahan ko itong nilingon nang maamoy ko ang pamilyar na pabangong 'yon.

"Z-Zul..." gulat kong utas.

Napakurap-kurap ako sa kanya pati na rin si Ashley na laglag na rin ang panga. Nagsimula na rin kaming pagtitingan ng mga estudyante rito. Iyong iba naninibago, iyong iba naman ay sanay na sa aming dalawa ni Zul na magkasama.

"Oh, I think I need to find another table," si Nathan.

Umiling ako. "Huwag na. May isang bakanteng upuan pa naman malapit kay Ashley."

"O-Oo! Dito ka lang!" medyo awkward ding sinabi ni Ashley.

Saglit pang napatingin si Nathan kay Zul bago ako nito tinanguhan.

Walang dalang pagkain si Zul. I wonder kung tapos na ba itong kumain? Napairap ako sa isip. We are not friends to ask him if he already ate or still didn't.

"Baka gusto mo ng carbonara with shrimp, Dorothy," nakangiting alok sa akin ni Nathan.

"Allergy siya sa mga hipon," malamig na utas ni Zul sa tabi ko.

He's right. Sa pagsasama naming dalawa ay mga mga bagay na rin kaming natutunan kahit papano galing sa isat-isa. Like he knows I am allergic to shrimps or any sea foods while he doesn't like sours. Ayaw niya nga rin ng sinigang.

Pero hindi niya naman kailangang sagutin si Nathan ng ganoon. It seems like he was being rude to him..or he really was.

Hinilot ko ang sentido sabay baling sa kanya. Pinukol ko siya ng matalim ng tingin. Hindi kita ng dalawa sa harapan ko ang ginawa kong pagpatay ni Zul gamit ang mga mata dahil nakalingon ako sa kumag habang ang isang kamay ay nasa noo ko na. Ang mahaba ko ring buhok ay tinago ang kalahati sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo?" mariin kong bulong sa kanya.

"Educating your boy?" balik bulong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What? He is not my boy!" mariin kong bulong sa kanya ulit.

Tumikhim si Nathan sa harapan kaya napatuwid ako sa pagkaka-upo. I gave him a stiff smile while my bestfriend looked at me with a tease in her eyes. I warned her as my eyes darted on her.

Nagsimula na kaming kumain habang si Zul naman ay inom nang inom sa lemonade ko. Ang awkward tuloy nito! Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa pressure.

Does he really did this for purpose?

Humanda ka talaga kapag nakita ko kayo ni Tiffany na kumakain o magkasama. I will pest you two to death, too. I smirked at my own thought.

Hindi na ako naabutan ni Zul no'ng uwian namin. Pagkarating ko sa bahay ay nagulat ako nang makita ang bisita ni mama. Nasa teresa sila at nag k-kwentuhan. It was Ma'am Sittie. She's with her all black get up with a black hijab also. She is very stunning.

"Magandang hapon po.." bati ko sa kanila. Nagmano ako kay mama at bumaling ako kay Ma'am Sittie para maka bati sa kanya ng mabuti.

"Ang bilis mong lumaki, Hija. Parang kailan lang kapag bumibisita ako rito ay kinakandong kaagad kita," Ma'am Sittie uttered and smiled.

"Iyon na nga, Sittie...ayaw na nga rin magpa baby sa amin nga Papa niya," marahang tumawa si mama sa sinabi.

"Mag e-eighteen na nga ako, ma.." angil ko naman sabay kamot sa ulo.

Mama and Ma'am Sittie laughed of what I said. Parang ayaw pa akong sang-ayunan. Ma'am Sittie is a fresh graduate and passed immediately from board exam. Hindi ko alam kung dalaga pa ito o may asawa na. She looks so young.

"By the way, hindi puwedeng hindi ka sumama sa mama mo, huh?" nakangiting baling sa akin ni Ma'am Sittie.

My brow creased as my gaze alternatively looked them. "Po? Saan po, Ma'am--"

"Hay, Dorothy. Just call me Tita.."

I pressed my lips. "Tita..." nahihiya kong sambit.

"Sa wedding niya, anak. Gagawin ka niyang isa sa mga brides maid niya.."

Nanlaki ang nga kong napatitig sa kanya. OMG? This will be my first time attending a Muslim wedding! Lumapad ang ngisi ko at hindi nagdadalawang tanguhanan silang dalawa ni Mama.

"Congratulations, po!"

Pinapainom ko muna si Raki ng vitamins bago kami pumunta sa bukid. Ani ngayon ng palayan namin kaya pupunta ako kasama ang aso. Si Mama nasa isang kaibigan na naman dahil may dala raw itong bagong bulaklak galing Manila.

Si Papa lang iyong nasa bukid at iilang tauhan para mag ani. Nahuli na rin iyong mga addict na tumakas sa facility kaya heto ako ngayon puwede na gumala.

Pagkarating ko sa kubo ay wala na ang mga tauhan at si Papa. Nasa palayan na sila at nagsimula nang mag tabas. We didn't use harvester para may masunod pa ang mga batang nais ding makapag hanap buhay. Kapag kasi tinatabas lang ang palay ay may naiiwan pang mga tangkay na puwede nilang pulutin at ipunin.

Because of the generosity and kindness of my father, people of Baranggay Clarin loves him. Kaya no'ng tumakbo siya bilang kapitan ng baranggay ay majority of the votes was his.

Nagtatakbo-takbo na si Raki sa harapan ko at may hinuhuling paru-paro. Tumawa ako nang dumapa na ito na tila'y pagod na. He's tired chasing of someone he can't have. My smiled slowly faded when I realized the thought that just crossed in my mind. Saan ko naman 'yon galing?

Nang namataan ako ni Papa ay kumaway siya sa akin. Nagsi kawayan na rin ang mga tauhan pagkakita nilang kumakaway na ako sa kanilang lahat. I smiled widely.

Raki barked loudly at them as his greetings. Nagtawanan naman silang lahat.

"Mabuti nalang talaga at hindi lumaking spoiled itong si Riri, Kap.."

Nahihiya akong yumuko sabay kain no'ng saging na kaka luto lang ni Mang Bert. Tumawa si Papa sabay baling sa akin. Nagbabalat ito ng nilagang saging para kay Raki. Si Raki lang ata ang kilala kong asong kumakain ng saging na saba.

"No'ng bata pa kasi 'yan ay sinanay na talaga namin 'siya ni Rachel. Hindi puwedeng hindi niya alam ang totoong takbo ng buhay," sagot naman ni Papa.

They all agreed.

"Hindi lang lumaking mabait, masipag, at matulungin kundi lumaki ring maganda!" sabay ni Mang Bert.

I chuckles. "Salamat po..."

Natutuwa ako sa mga biruan namin habang kumakain. The wind blew as the crops dances in glee. Nilapad ang napakahaba kong buhok kaya kaagad ko iyon sinikop.

This is what I wanted so bad. Feeling ko sa tuwing humahangin dito sa bukid sabay dampi sa balat ko ay para akong binabalot ng kapayapaan. It always calms me and cleares my mind.

Nang nakapag pahinga na sila ay nagpatuloy na sila sa pag tabas ng palay dahil malapit naman daw iyon matapos. Tatapusin daw nila ngayon para makapag thresher na sila bukas.

Ako na ang naglinis sa mga iilang kalat at tinupi ang mga sakong hindi pa ginagamit. May mga straw rin doon na pang tali ang hindi naayos kaya inayos ko na rin sabay rolyo.

Pagkatapos kong gawin ang mga 'yon ay saglit akong nagmuni-muni bago ako nakapag desisyon na maglakad-lakad.

Sinayaw ang sout kong sky blue na bistida habang nagpatuloy ako sa paglalakad. I also braided my hair earlier so that the wind can't disturb them again. Nakasunod naman sa akin si Raki at may kung ano na namang hinuhuli.

Namataan ko na naman ang nakapalaking Narra. Sobrang tayog no'n at masarap talaga siya gawing tambayan. Mahangin din kasi at tago pa sa init ng araw. Perfect din siyang gawing date spot kung hindi pa corny sa kanila itong ganitong set up.

Before the shade of the tree hit me, a man came out from the tree. Gulat akong napaatras pagkakita sa kanya. He smirked as his eyes was shamely brushing on my entire being. Nanglalalit na naman siguro 'to panigurado.

"Anong ginagawa mo rito, Ririmon?"

It's his version calling me 'jejemon'. Kapal naman ng lalaking 'to. Siya naman itong jejemon dahil nakikipag date kay Tiffany! Matalim ko siyang tiningnan na ikinatuwa naman niya.

"Ano sa tingin mo?"

He twitched his lips and smile. Binaling niya ang tingin sa ibang direksyon habang ang multo sa kanyang labi ay halatang-halata.

"Sinusundan mo ako, 'no?" paratang niya.

Suminghap ako at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Kapal talaga! Humahalukipkip ako sa harapan niya at iniisip kung saan banda rito sa lupa ko siya pwedeng ilibing ng buhay.

"Feeling mo naman. Hindi naman kita type para sundan nang sundan!" Irap ko sa kanya pagkatapos.

Humagalpak siya sa tawa.

"Wala naman akong sinabi na type mo ako, Dorothy. Bakit mo naman naisip 'yon?" nanunukso niyang sinabi.

"Stop putting malice of what everything I said. Para kang babae."

He just shrugged his shoulders. I frowned on him and rolled my eyes. I crossed my arms and just put my eyes on the nice view infront of us.

The Narra tree is in a small hill. Dito kaming dalawa unang nagkita. He was very angry and irrirated when Raki barked at him. Napangiti ako nang maalala ang senaryong 'yon.

"Why are you smiling? Iniisip mo ba ang lalaking 'yon?"

Nilingon ko si Zul. Nakatingin na rin siya sa harapan kung saan ang haring araw ay unti-unting bumaba at nagiging kulay kahel.

"Tss. Problema mo kay Nathan?"

Sa tagal ko rito sa bukid ay dito lang sa harapan ng Narra nagbabago ang mga sinag ng araw. Every time passed, the sun changing its rays also. Hindi katulad sa plaza kapag pa sunset na, the rays was just steady until its gone.

"Alam mo ba kung bakit dito lang nag-iiba ang sinag ng araw?" biglang untag ni Zul.

I was curious, too. Nilingon niya ako. Saglit kaming nagkatitigan. Siya na ang nagbawi ng tingin habang ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya.

He got a massive breathtaking side profile. Ang matangaos niyang ilong at proportionadong panga ay parang nililok ng mabuti ng Diyos. He's like a greek God. Hindi ko masisi ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya.

"B-Bakit?" kinakabahang ani ko. Bigla kasi siyang lumingon habang nakatitig pa rin ako sa kanya.

"There's a myth that this Narra tree is a place where two people deeply loved each other. Meeting place nila ito.."

Wow. That's lovely and interesting. Hindi halatang may alam siya sa mga ganitong klase na alamat. I didn't interrupted him.

Umupo ako sa damuhan at hindi sinadyang naputol ang pinang tali ko sa buhok. Kumulot ang buhok ko habang unti-unti itong nagsilaglagan sa balikat ko.

Umupo na rin si Zul sa tabi ko at si Raki naman dumapa na sa kabilng tabi ko. Tinanataw namin ang sinag ng araw at ang malawak na palayan sa harapan.

Ang peaceful pala kapag hindi kami nag-aasaran.

"Bakit nag-iiba ang sinag dito? Pero kung sa iba namang lugar ay permamente at deretso?" hindi ko na napigilan ang pag tanong.

"Saksi ang araw sa pagmamahalan nila. Pero isang araw hindi na nakarating ang lalaki rito.."

Aw. That's sad and heart breaking.

"Bakit?"

He tilted his head on me. "Namatay ang lalaki ng hindi alam ng babae...But the lady continued searching the man until she got sick and died, too."

His eyes glistened that unfamiliar to me. Iniwas niya ang tingin sabay tingala niya sa kalangitan. "Kaya nag-iiba ang mga sinag ng araw rito dahil ang araw na mismo ang nagpatuloy sa paghahanap no'ng lalaki," bulong niya sa hangin.

Wow. What a beautiful myth to hear. Kung nandito man kayong dalawa, I just hope you two reconcile in the name of love. Mararanasan ko kaya iyong ganoong klaseng pag-ibig?

"Sa tingin mo iyong babae ang araw?" namamangha kong tanong.

"Hmm.." sagot na lamang niya.

I pouted. "Naniniwala ka ba sa alamat na 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Oo..." aniya na ikinagulat ko.

"Talaga?"

Hindi siya umimik at kunot noo niya lang akong binalingan.

"Eh, ikaw naniniwala ka ba sa enemies turned to lovers?"

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

"Hindi, ano. Sa mga libro at tv lang iyon nangyayari!"

"Let's make a deal then.." seryosong niyang sinabi pero may multong ngiti sa kanyang labi.

Natigilan ako at hindi kaagad nakabawi. My heart started to beats abnormally when his eyes slowly drowned me. It was gentle, sincere, and pure.

"W-What deal?"

Tumikhim siya. "If you fall inlove with me.." he paused and bathed me with his ruthless stares.  He twitched his lips and darted his eyes on me. "You will cut your hair short."

Kaagad akong umiling. This is ridiculous! He knows how I love my long jet black hair and he's now using it against me. He really knows how to annoy me, huh? At bakit niya naisip na posibleng ma inlove ako sa kanya? Hindi ko nga siya type!

But this is interesting. Gusto ko rin ng experience, right? Pero paano kung matalo ako?

Nananatili ang tingin niya sa akin at hinihintay niya akong sumang ayon sa ka engotan niya.

"Bakit naman ako papayag?" pinanliitan ko siya ng mata.

"To see to yourself. Hindi ka naniniwala, 'di ba? 'Tsaka, hindi naman natin madaliin ang deal na 'to," nakangisi niyang sambit.

Matapang kong sinalubong ang mga titig niya. He's testing me. Nang may ideyang bumuo sa utak ko ay ngumisi ako sa kanya.

"Sige," I nodded. He smirked as he amusingly stare at me. He is now attentive and gave his all attention on me.

"Kapag ikaw ang ma inlove sa akin ay maglalagay ka ng silver earring sa left ear mo tapos daplisan ang kilay mo ng blade," I grinned. Alam kong ayaw niya sa mga ganoon lalo na iyang paglalagay ng hikaw sa tainga--

"Dapat isa lang pero sige...deal," he said with full confidence.

My eyes widened a bit. What?! What if I'll lose? Puputulin ko ba talaga ang pinakamamahal kong buhok?

"What if one of us lose?" Hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako pagkasabi ko no'n.

And Zul falling inlove with me? Parang gusto kong humagalpak sa tawa. Paano naman maiinlove sa akin ang bano na 'to sa menor de edad na babae? Type nito iyong mga malalaki ang hinaharap at may mga balingkinitang katawan, e.

He held his hand na ikinagulat ko. He raised his brow and look at his hand as a sign na tanggapin ko ang kamay niya.

"Let's see if what we could do after.."

Dahan-dahan kong tinanggap ang kamay niya. His calloused hand sent shivers down my spine when both of our hands touched. Kaagad ko iyon binawi at ibinalik ulit ang tingin sa araw na papalubog na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro