Kabanata 5
Start
Kahit mamaya pa naman talaga ang live band ay halatang excited na excited ang mga estudyante sa school kanina. Inaayos na rin ng mga event organizers ang gym pati na rin ang naglalakihang sound systems at lights.
Saglit lang kaming nagkita ni Ashley sa skwelahan dahil kasali siya sa mga dance presentations. Wala naman akong ibang gagawin sa school kaya umuwi nalang ako. Sakto at lunch time na kaya sa bahay nalang din ako kumain.
Tuwang-tuwa pa si Raki nang makita akong maagang umuwi ng bahay. Nagluto lang ako ng kanin at sa labas na bumili ng ulam. Tatlong hitang fried chicken ang binili ko. Dalawa sa akin tapos isa kay Raki.
"Babalik ba ako sa school?" bulong ko sa sarili.
Nakapang bahay na rin ako dahil pawis na pawis ako kanina pauwi. Sobrang init kasi at medyo na traffic pa ako kanina sa Jolibee highway. Dinampot ko ang pocket book ko na pinatong ko lang sa divider namin sa sala at naglakad na palbas ng bahay.
Sakto lang naman ang bahay namin. Sa terrace namin ako madalas nagbabasa ng mga libro with a cup of coffe. Sa harapan ng terrace ay ang frontyard kung saan naka hilera ang mga bulaklak ni mama.
Sa left side namin ay ang maliit na garahe. Sa right side naman ay another walk in tamabayan ko. May dalawang puno ng pandan doon kung saan sa gitna ay nakasabit ang duyan ko. Usually mga hapon ako natatambay ro'n kasi hindi kita ng araw.
"Tao po!"
Gulat akong napatingin sa gate namin. Nilapag ko ang hawak na libro at naglakad papunta sa gate. Napatingin ako sa gate namin nang bahagya niyang inikot-ikot ang lock para mabuksan ang gate.
Pagka bukas ay mukha ni Ashley ang bumungad sa akin. She grinned at me.
"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya sabay tingin sa kabilang mata niyang may kulay gold na glitters eye shadow. Sa isa naman ay kulay pink na mga glitters. Trippings na naman ang babaeng 'to.
"Eh, ikaw bakit ka nandito?" taas kilay rin niyang sinabi.
Inirapan ko siya at humahalukipkip akong naglakad pabalik sa terrace. Kaaagad naman itong sumunod sa akin.
"Raki, Ashley is here!"
Ang natutulog na Raki sa sala ay kaagad lumabas pagkatawag. He happily beamed to Ashley as my friend pet him immdiately.
Bumaling si Ashley sa akin habang ang kamay ay nananatiling nasa ulo ni Raki sabay haplos.
"I can't believe you just ignore this kind of event. Hinahanap kita sa mga kaklase mo pero nag half day ka raw."
"Na b-boringan ako kanina kaya umuwi na ako," kibit balikat kong sinabi.
"Edi sana nanood ka ng game nila Zul!" Her grinned became widely.
After what happened, nahiya na ako kay Zul. Kahit wala naman talaga siyang alam sa naging ideya ko tungkol sa aming dalawa ay hindi iyon naging hadlang para hindi ako mahiya ng husto. I should've just let myself to know him more. Bukod kasi sa alam kong Muslim siya ay wala na akong alam.
Ngayon ko lang na realized na kung patuloy kang makikinig sa mga sinasabi ng ibang tao ay para mo na ring tinatrato ang sarili mo na isa sa pinaka bobo at tangang tao sa mundo.
Mabuti nalang at kaagad kong nasita ang sarili. Those nonsense gossips from people fuels me to push something trashy. Gusto ko pa namang i-justify iyong guts ko towards Zul. Buti nalang at agad niya iyong nilinaw sa akin.
Sampal iyon sa akin. Hindi ibig sabihin na playboy siya ay magiging target na niya ako para gawing biktima. He wasn't challenged by me. He was confused. And I wasn't that attractive para mapansin ako ni Zul sa ibang paraan.
"Tulala ka, 'teh?" natatawang tawag sa akin ni Ashley.
Tinabangi ni Raki ang ulo niya para matingnan ako ng mabuti. Tumikhim ako sabay iwas ng tingin. Gosh, am I that too occupied?
"May iniisip lang..."
"By the way..." Ashley said excitedly. Nilingon ko siya.
My brow creased when she handed me a ticket. Nang tinitigan ko lang 'yon ay nilapag niya ito sa malit na mesa sa harapan ko kung saan nakapatong din ang tasang may laman pang kape at libro.
"Ano 'yan?"
She rolled her eyes. "Ticket. Bigay 'yan ni Zul. Iyong deparment nalang kasi nila ang may natitira pang ticket...Muntik pa nga ako maubusan."
Akala ko libre lang 'yong live band kasi foundation day namin at nakapag bayad na naman ang admins no'n. Or maybe this ticket will serves as a passage para walang outsiders ang makakapasok.
My lips portruded. Kinamot ko ang ulo sabay dampot no'ng ticket. Bahagyang nanlaki ang mga ko nang makitang VIP standing iyong ticket. Hindi naman malaking banda ang pupunta para makapag react ng ganito sa ticket na binigay niya. But the thought of giving this kind of comfortably to see the band closely just screams....thoughtfulness.
"I know right...Dalawa 'yan," Ashley chuckled. "Nasa akin ang isa."
Alas otso ang start ng live band. Wala akong interes sa ganito kaya hindi na rin sana ako pupunta pero nandito na ako. Si papa na ang naghatid sa akin at tatawagan ko nalang daw siya kapag natapos na ang event.
I wore my burgundy knitted long sleeves and a comfortable white sweat pants. Sout ko rin ang bagong bili ni mama na puting crocs at mini bag pack from online. Itong si mama kahit anong nakikita sa online na sa tingin niya bagay sa akin ay binibili. At wala naman akong choice kundi soutin ang mga 'yon para hindi siya magtatampo sa akin.
As usual, I just bun my hair as my baby hairs starting to fall. From my forehead, down from temples, to my nape. Pinabayaan ko lang din sila dahil feel ko cute naman ako.
"Hi, Dorothy!" Tawag sa akin ng mga seniors namin.
Ashley shoo them when I just looked away. Sa totoo lang, akala nila suplada ako at rude. The fact is everytime boys notices me, I feel shy. Kaya kung may mga ganitong insidente ay hindi ko nalang sila pinapansin at iniiwas nalang din ang tingin.
"Hindi ka nag e-effort sa sino-sout mo pero lumilitaw naman ang ganda mo.." ngisi sa akin ni Ash.
Ngumisi ako sa kanya sabay iling. Unlike sa akin na parang nakapambahay, she wore a denim shorts jeans and spaghetti strap red top. Pinatungan lang din niya iyon ng puting blazer.
Mataas pa ang pila kaya umupo muna kami ni Ash sa mga benches. Sobrang ingay at gulo ng paligid. Iyong iba super excited para mamaya samantalang iyong iba naman ay nakakalat sa campus sa mga stalls at quadrangle at todo pose para may pang upload sa facebook.
Sinipat ko ang sout na relo. Malapit na mag a-alas otso pero sobrang haba pa ng pila.
Napatayo kami ni Ash nang may lumabas na tatlong organizers sa back door ng gym.
"Iyong mga naka VIP ang ticket, dito po tayo..." ani ng isang organizer.
Kaagad kaming naglakad ni Ashley sa nasabing puwesto. Napahawak ako sa batok ko nang biglang umihip ang pang gabing hangin.
"Ticket..." sabi ng organizer sa akin. Bitbit ko lang naman ang ticket kaya kaagad ko itong binigay sa babae.
Nalagyan na rin ng stamp si Ash at hinihintay nalang din niya akong malagyan. Nang matapos na ako ay iginiya kami ng isa pang organizer sa dapat puwesto namin ni Ashley.
Sobrang komportable at luwang nga rito sa harapan. Unlike sa likod namin kung saan nakatayo ang mga estudyante ay siksikan sila. Siguro naka gen ad lang sila. Ngumuso ako nang maalala ko si Zul. Kung hindi lang sana ako nabigyan ay isa na rin sana ako sa mga estudyanteng nagsisik-sikan doon sa likod.
I scoffed. Hindi rin kasi hindi naman talaga ako pupunta.
Nang umakyat na sa stage ang mga p-perfrom ay biglang nagsigawan ang mga tao--including Ashley. Tinakpan ko ang magkabilang tainga lalo na at sinabayan pa iyon ng isang sobrang lakas na intro ng banda.
Malapit pa naman kami sa mga naglalakihang sound system kaya mas tromiple pa ang ingay rito sa amin. Ashley was squealing, shouting, and jumping like a maniac.
Tinitigan ko isa-isa ang mga lalaki sa entablado. They are full of handsome men. Ang ilaw na parang mga alitaptap ay para ako nitong binubulag.
"Before we will start our first set, we will introduce ourselves first," the man in the middle said using his sexy voice.
I think ito iyong vocalist.
Iyon lang naman ang sinabi ng lalaki pero halos mabaliw na ang mga tao rito kakasigaw. Nilingon ko si Ashley na kulang nalang iiyak sa sobrang sigaw niya at cheer.
"I am Lorenzo.." iyong vocalist.
"Cremer.." maikling pakilala no'ng isang gitarista na mukhang suplado.
"Hello, I am Janscent. Nice meeting you all po!" Masiglang pakilala noong isa pang gitarista. He seems soft boy and friendly.
"Brent here!" ani ng drummer sabay kindat niya.
Naglikha naman ng sobrang ingay dahil sa ginawa niyang pag kindat. Ito iyong literal na playboy. His aura seems like a very bad guy. Iyong feeling na kahit menor de edad pa lang ay papatulan na niya rin. May silver earring pa ito sa right brow niya.
"Third here.." pakilala naman ng pianist. He just smiled and waved to the crowd.
"We are the TimeWr3cker... Hope all of you will enjoy the night with us!" The vocalist exclaimed with a note followed by a hype song.
Mas lalong nabaliw ang mga tao. Pawis na pawis na nga rin si Ashley sa tabi ko kahit hindi pa nga nagsisimula. May mga nakatabi rin siyang katulad niyang nababaliw na sa puwesto.
"Wreck mo rin bee lot ko, Cremer!" Sigaw ng isang babae sa likod namin.
Ang kaninang hiyawan ay biglang tawanan dahil sa sigaw na 'yon. Kahit napapantastikohan ay hindi ko na rin napigilan ang paghagalpak sa tawa.
Jusme. Hindi na ako magtataka kung mumultuhin siya no'ng madre mamaya na nagpapakita rito sa campus.
Iginala ko ang tingin. Napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo makalapit lang sa amin. I wonder kung nakita niya rin ba kami kanina? But does that matter?
He is laughing with his friends. Minsan ay ibinabaling niya kay Tiffany ang pansin kapag nagsasalita ito. He will even leaned very close to her so that he can hear Tiffany clearly.
Nang makuha ang sinasabi ng babae ay tumatango si Zul sabay ngisi. Iniwas ko nalang ang tingin at nakikipag sabayan nalang kina Ashley.
Kinakanta nila iyong mapapa sayaw ka at mapapatalon ka sa sobrang hype. The vocalist was so good and amazing. Sobrang kalma ang boses niya pero malalim at mapanganib. Nagulat pa ako nang biglang sinala ni gitarista nilang si Cremer ang ikalawang chorus. And damn, lahat sila kumakanta at sobrang gaganda ng mga boses!
Nang biglang love song ang kanta ay mas lalong umingay ang paligid. The crowds went wild and crazy.
Pinagpaiwasan na silang lahat and with that, the crowd began chanting.
"Huhubad na 'yan! Huhubad na 'yan!" Sigaw nila.
Humahalakhak ang vocalist sabay iling. "Ay, bawal. This is a christian school.."
"Bahala na! Mapagpatawad naman ang Dios!" Sigaw ni Ashley.
Siniko ko si Ashley sabay tawa. Naghagalpakan na naman ang mga tao sa sinabi ni Ashley as they agreed so loudly.
Narinig iyon ng vocalist dahil nasa malapit lang naman kami. Again, the vocalist just shook his head and laughed again.
Isang love song na naman ang kinanta nila. Kung hindi ako nagkakamali, this song is from Adie. Ito iyong Tahanan niya na kanta.
Nagsimula ng kantahin ni Lorenzo ang intro at naglakad-lakad siya malapit sa amin (sa taas siya ng stage tapos kami sa baba). He was singing in refrain when our eyes met. Or it's just the light?
Nagulat ako ng tinuro niya ako. "Will you come with me, beautiful miss?"
Naghiyawan ang mga tao. Si Ash naman at ang mga kaibigan niya siguro ay nagsisigaw na. Tinulak-tulak na nila ako habang ako ay kinakabahan na ewan.
"H-Hindi...A-ayok--"
"Sige na!" tulak na naman nila Ash sa akin.
"Please?" he chuckled.
Nilapitan ako ng organizers at ngumiti sila sa akin. Kinuha nila ako at para naman akong tuod na nakasunod lang sa kanila. Pagka akyat ko sa stage ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobrang nagsisigawan ang mga tao lalo na at sinalubong ako ni Lorenzo.
All members of the band look at me. They smiled and nodded. Lorenzo offered his hand na ikina ingay na naman ng mga tao. Nagdadalawa pa akong tanggapin iyon pero siya na mismo ang kumuha sa kamay ko.
And again, another sqauelling from people bomb in. Hindi ko klaro ang mga tao sa baba dahil ang mga malalaking ilaw ay naka sentro rito sa entablado.
"What's your name?"
"D-Dorothy..." utal kong sagot.
Ngumisi siya sa akin. Guwapo nga siya. Pero..
"Mas maganda ka pala sa malapitan.."
My heart is now beating so darn fast! I laughed awkwardly sabay iling. Pagkasabi naman niya non ay kung ano-ano na naman sigaw ng mga tao katulad nalang ng, 'sana all'.
He continued singing the song and never left my left hand vacant. Iyong right hand ko naman ay pa minsan-minsang nadadapo sa mukha ko dahil sa hiya. Tuwang-tuwa naman si Lorenzo sa reaksyon ko.
Siguro kasing pula na ako ng kamatis ngayon. Hindi humuhupa ang sigawan ng mga tao nor the temperature of my face.
"Dito ka sa piling ko..O dito ka lang..dito ka lang..."
Inikot niya ako at dahan-dahan niya akong inilakad sa hagdanan para makababa na stage. Pagkababa ko ay kaagad akong kumaripas ng takbo pabalik sa puwesto namin ni Ashley.
Pagkarating ko ro'n ay niyugyog niya ako sabay tili nang tili.
"OMG! Alam mo bang pangarap ng mga babae iyong tinatamasa mong moment kanina? Kainggit!" Tili na naman ni Ashley. The other girls besides her squealled too.
Natatawa ako sa reaction nila at ibinaling nalang ulit ang tingin sa entablado. Nakangiti pa rin akong nakatingala sa kanila when I feel like someone was staring at me.
I tilted my head at Zul's direction. Nagulat ako sa nakita. He was now looking at me...coldy. Kung kanina ay isang kalabit ni Tiffany ay kaagad itong lumilingon ngayon ay hindi na.
Tiffany tried harder but Zul's attention were on me. Kung hindi pa siya siniko ng kaibigan para sabihing tinatawag ni Tiffany ay hindi pa ito babalingan ang babae. Tiffany pouted and said something.
Tumikhim ako. He was just concerned again...alam ko.
"Matutulog na naman kaming inggit.." Tukso ng mga estudyante nang nasa labasan na kami.
Kakatapos pa lang ng live band at nagsihintayan nalang kami sa mga sundo namin. I just laughed and shook my head.
"Kung siguro kasing ganda mo ako, ma n-notice rin ako!" hirit pa ng isa.
"Ay, 'teh hindi ka pa rin ma n-notice at wala rin ang ganda mo kung naka gen ad ka lang!" Natatawang bara ni Ashley sa kanila.
Naghagalpakam kami sa tawa. Nagpaalam na rin sila at isa-isa nang sumakay sa mga sumundo sa kanila. Si Ash ay tinatawagan na rin ang kanyang kuya para magpapasundo na.
Kinuha ko na ang cellphone ko at tinagawan na rin papa. Saglit pa itong nag ring bago niya nasagot.
"Hello, anak..." ina antok na sagot ni papa.
Tiningnan ko ang orasan. Malapit na rin palang mag a-alas onse.
"Papasundo na po sana ako, pa.."
"O, sige. Babangon na ako."
"Sige po, mag-ingat ka.." sagot ko.
Ashley is now busy on her cellphone as I ended the call to papa. Nilingon ko ang mga babaeng kaka labas pa lang ng campus. It's Tiffany and her friends. Isang kotse ang dala nila at nagtatawanan silang pumasok doon.
Hindi siya ihahatid ni Zul?
"Sana pala hindi nalang kita binigyan ng ticket," a cold as the night wind spoke behind me.
"Uh-oh.." bulong ni Ash at talagang dumistansya sa akin.
Nakapamulsa itong naglakad palapit sa akin. He is wearing a dark blue shirt and a white pants. Parang ito ang pants no'ng uniform nila. Nakita ko rin kasi ang iilang criminology students na naka sout pa ng uniforms kanina tapos ang pang itaas lang ang pinalitan.
I smiled genuinely on him. "Thank you, huh?"
Umigting ang panga niya sabay iwas ng tingin. I smirked. You want to be friended with me, right? Then let's start again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro