Kabanata 4
Masarap
"May inimbitahan daw ang school natin na banda for foundation day. May alam ba kayo kung anong banda?"
Ngumuso ako at pumangalumbaba sa inuupuan ko. Sobrang ingay ng classroom dahil wala kaming instructor dahil may meeting ito together with the other instructors and school admins for the incoming foundation day.
"Wala pang memo, e. Baka pagkatapos ng meeting ay doon na natin malalaman.."
"Paano mo naman nalaman na may bandang inimbita kung wala pa palang memo?"
Nagtawanan sila. May point naman.
"Iyong mga SSG officers proposal daw nila iyon. Malaking chance na ma aprubahan iyon kasi nga 'di ba mommy ni Tiffany ang Dean ng Education department?"
Pumantig ang tainga ko pagkarinig ko sa pangalang 'yon, ah. Kinunot ko ang noo at dinampot nalang ang ballpen para makapag scribble ng kung ano sa note book.
"Yes! At isa sa mga alipores ni Tifanny ang president ng SSG kaya tutulungan niyang ma aprubahan 'yon," natatawa nilang sinabi.
"Palagi silang magkasama ni Zul, ano? I wonder kung sila na ba.." pasaring nila.
I shifted on my seat at hindi na ako nag-abalang lingunin sila. Kakapal ng mukha. Anong gusto nilang palabasin? That I am into him? Ha! At sa pasaring nilang 'yon ay akala nila masasaktan at magseselos ako?Asa! Naiiirita, oo!
Isa pa, sila lang naman ang nag assume na "item" kaming dalawa ni Zul. Mga ulol. Imbento ampota.
Badtrip akong bumaba para mag take na ng recess. I bun my hair as my baby hairs keeps falling. Pinaglalaruan ko ang key chain ng purse ko at naglakad na papuntang cafeteria.
Wala pa si Ashley kaya sa malapit sa entrance ako pumwesto dahil bakante rin naman 'yon. Hindi pa ako umorder at hinintay nalang muna si Ashley para sabay na kami. Kinuha ko nalang muna ang cellphone ko at naglaro ng offline games nang biglang may naglapag ng mga pagkain sa table ko.
I immediately lift my gaze. Ito iyong lalaking nasiraan ko ng scientific calculator. Nakatingala lang ako sa kanya at naghihintay sa kanyang sasabihin. Makiki share ba siya ng table? But this is just for two. Saan ko ilalagay si Ashley?
He cleared his throat and tapped the server plate where the foods are. "Hindi mo ako kailangang bilhan ng bagong calculator. I didn't ask you to buy a new one."
Napakurap-kurap ako. Noong araw na ibibigay ko sana sa kanya ang calculator ay sa kaklase niya ko nalang pinasuyo dahil nasa computer lab daw sila. Hindi ko personally naabot sa kanya ang calculator kaya ngayon niya pa lang ako na kompronta.
I smiled awkwardly. "H-Hindi...gusto ko lang talaga palitan 'yon. Ako naman talaga kasi iyong nakasira."
Umiling siya sabay abante niya nong mga pagkain. "Thank you then.." aniya.
Isang milk shake, carbonara, at chicken sandwich ang nasa harapan ko ngayon. Bago pa ako maka tanggi ay ngumiti na ito sa akin bago naglakad palabas ng cafeteria.
I bit my lower lip. Nakakatakam naman itong ni libre sa akin ni Mr. Calculator. Bahagya akong natawa sa naisip. Not that he is my type. Gusto ko sanang malaman ang pangalan niya nang sa ganoon nakapagpasalamat din ako sa kanya ng maayos.
I raised my both brow sabay dampot noong milk shake. May minty leaf pa sa taas katabi ng straw. Uminom ako roon at bahagyang iginala ang mga mata.
Nang mahagip ko ang mga mata ni Zul ay para akong nabilaukan. Napaubo ako at bahagyang inatras ang baso ng milk shake. Zul stared at me with his dark and serious eyes.
Ka table niya ngayon ang mga kaibigan niyang nagtatawanan. Kahit dumating na rin ang mga orders nila ay hindi pa rin niya tinatantanan.
I mouthed 'what?' as I raised my right brow. Iritable naman niyang iniwas ang mga mata sa akin at bahagya pa itong tumalikod sa gawi ko. Problema no'n?
"Ay, wow! Sosyalin!" bungad ni Ashley pagkarating niya.
Nakatingin siya sa mga pagkain na nasa harapan ko pagkatapos ay inilibot ang tingin sa kabuuan ng cafeteria na parang may hinahanap.
"Hind ako naniniwalang ikaw bumili nito. Kuripot ka, e," natatawang sinabi ni Ashley.
I shrugged. "Tama..ni libre lang 'to sa akin.."
Her eyes widened as she dramatically gasped. "OMG?! Who's the thicked face guy?"
"Hindi ko siya kilala, e."
"Huh? Hindi mo tinanong?"
Uminom ulit ako ng milk shake. "Nakalimutan ko."
Dali-daling umorder si Ashley ng kanya para makakain na siya habang dadal-dalin na naman niya ako. Muntik niya pang mabangga si Zul dahil bumili rin ito ng tubig at nakapila ito sa likod ni Ashley.
Pagkabalik ni Ashley sa table namin ay nagpipigil ito ng tawa. "Gago, muntik ko nang maitapon kay Zul ang lemonade ko!"
Zul still looked annoyed and irritable. Kaya siguro siya ganyan kasi hindi sumipot si Tifanny. Parehas naman silang college. He should understand that college life isn't easy. May mga pagkakataon talagang hindi sila magkakasabay dahil baka busy ito.
Tss. Neknek n'yo.
"Okay, class. The foundation day will be next week. Maraming mga activities na puwede ninyong salihan. May mga booths din tayong gagawin," our instructor announced.
Humikab ako at hindi na nakinig sa kaniya. I am not interested anyways. Labas na siguro kung may plus points. Isa pa, hindi ko rin makakasama si Ashley that day for sure dahil magiging abala iyon panigurado. Mahilig pa naman iyon mag sali-sali ng kung ano-ano.
"Ma'am, approved po ba 'yong live band?" tanong ng isang kaklase namin.
"Yes.."
Naghiyawan ang mga kaklase ko sa naging balita ng instructor namin. I shook my head and throw my gaze outside of the window. Tagal naman ng uwian. Uwing-uwi na ako.
"Sa end of the day ba ng foundation day ang live band, Ma'am?"
"Sa tingin ko ay, oo. Sa biernes..para sabado na kinabukasan at makapagpahinga. Then the classes will continue on monday."
Next week ang foundation day tapos three days. So, mag s-start ang nasabing araw ng miyerkules then mag e-end ito ng friday night for the live band.
Nandito kami ngayon sa library para sa contemprary world na report namin. Tatlo kaming babae at dalawang lalaki para sa report na 'to. Nakatambak ang mga libro sa harapan na related sa topic namin at isa-isa kaming nag g-gather ng informations.
"Dorothy.." bulong sa akin ni Mary.
I throw a smack glance on her as I continued taking notes the informations I gathered.
"Naging kayo ba ni Zul?"
Napatigil ako sa ginagawa. I gave him a dry look bago ko siya inilingan. Gosh. Kailan ba ako maka alis sa issue na 'to.
"Pero palagi namin kayong nakikita na magkasama, e. Sabay nga kayong umuuwi, hindi ba?" hagikhik ni Yel.
"Naka angkas pa nga.." dugtong pa ni Matt sabay kindat sa akin.
Sinubsob ko ang mukha sa libro. They are really testing my patience, huh? Irita kong sinarado ang librong hawak. Huminga ako ng malalim at umupo ulit ng komportable. Hindi ko na sila sinagot at pinukos nalang ang sarili sa dapat.
"Marami ka nang nakuha, Andino?" Hamdan spoke. Ito lang ang hindi nang-asar sa kanila.
I nodded sabay bigay ng notebook ko sa kanya. He read my notes as I follow his eyes too of how he read my notes. May sout itong eye glasses and he is the nerd of our class.
"Tama itong nakalap mo.." aniya sabay abot ulit sa akin no'ng notebook ko.
Not to mention how genius he was. Isa na talaga sa napaka fulfilling as a student iyong may naka grupo kang matalino.
"Huwag ka kay Zul, Dorothy. Nakita namin siya ngayon na kasama si Tiff tapos kinabukasan ay iba na naman.."
I stilled. I saw how Hamdan threw daggers stares to Yel when she said that. Tumikhim ako. Alam kong playboy siya kaya nga iniiwasan ko na siya dahil mahirap nang gawin kang biktima.
Palagi ko nang iniiwasan si Zul sa natural na paraan. Kung tinatanong ko naman ang sarili kung bakit ay hindi ako sigurado sa naging sagot ko. Iniiwasan ko siya dahil ayokong maging target niya. He saw me as a challenge dahil hindi ako nagpapansin sa kanya katulad ng mga babaeng nagpapansin sa kanya.
Pero pakiramdam ko, iyon 'yon kaya ako ang napili niyang target.
Kapag naabutan niya ako sa kung saan sa campus ay napipilitan akong pumunta sa isang lugar kahit na wala naman talaga akong sadya doon. Ginawa ko ang lahat na posibleng paraan para hindi kami magkalapit but he's just too annoying.
Humupa na rin ang mga kakilala ko na umaasar sa amin ni Zul dahil sa ginagawa kong pag-iwas. Or probably...because Tifanny is always with them...him.
Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagdilig ng mga halaman. May event sa school namin ngayon which is foundation day pero hindi ako nag-abalang pumunta roon. I just don't like to socialize for now. Unlike Ashley na walang piling araw na ganado sa lahat ng mga taong nakakapaligid sa kanya kahit hindi niya naman ito close.
Naglalaro si Raki sa likuran ko at hinahabol niya ang mga maliit na anak ng mga inahing manok ni mama.
"Raki! Baka makalimutan mo 'yan at makain mo!" sita ko sa aso.
Tumigil naman ito at dumapa na lamang habang tinitingnan ang mga maliliit na anak ng inahing manok para pumunta sa sulok.
Si papa nasa baranggay si mama naman obviously nasa skwelahan kaya kami nalang ni Raki rito sa bahay. Napatingin ako sa gate ng may narinig akong sume serbato.
Sinipat ko ang wrist watch na sout. Pasado alas diez pa nang umaga. Baka may nakalimutan lang si papa kaya bumalik.
Nilapag ko ang bitbit kanina na at hose at in-off ang faucet. Raki barked as I walked to our gate to opened it. But instead Papa, si Zul ang bumungad sa akin.
He is still in his uniform. Bagong motor ang dala niya ngayon at hindi ito pamilyar sa akin pero alam kong mamahalin..syempre. And, damn he looks good on that motorcycle of his. Kulay itim pa rin ito.
Tumikhim ako at pinagbuksan siya ng gate. Saglit nagtagpo ang mga mata namin bago niya ito binaba para matingnan si Raki. Medyo kilala naman siya ni Raki kaya hindi na siya nito kinaholan. Maybe because Raki realized that may kasalanan pa siya kay Zul.
"Hindi ka pumasok..." he pointed out.
Humalukipkip ako. "Wala namang pasok?"
He glared at me. "Iniiwasan mo ba ako?"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya. I badly want to shout at him the word, 'yes' but I refused not to.
"Huh? Bakit mo naman iyon naisip? 'Tsaka, busy ako.."
"Busy ka, huh? Talaga?"
"Bakit, ang mga college students lang ba ang may karapatan na maging busy?" irap ko sa kanya.
Saglit niya pa akong tinitigan bago siya bumaba ng tuluyan sa kanyang mamahalin at magarang motor. Shems. Kapag iyan nagasgasan, iyak malala...kapag sa akin 'yan.
"Baka ibang busy ang ibig mong sabihin?" aniya.
Humagalpak ako sa tawa. Abnoy rin ang isang 'to. Siya naman itong sa ibang bagay nagiging abala pero hindi ko naman siya pinapakialaman.
"Ano naman sa 'yo? Hmm...busy rin ako sa isang college student.." nakangisi kong sinabi sa kanya.
I saw how his jaw clenched as he looked away. Hinilot niya ang kanyang sentido at tumingin siya ulit sa akin. His brow shot up and pursed his lips.
I gave him an annoying smile that makes him more irrtable. Bakit ganyan ka ngayon maka asta sa akin, Zul? Are you losing your patience and doubts your own charms because you can't tame me and be one of your victim?
"Look, you are too young for that...a kid," kunot noo niyang sinabi. "Concern ako sa 'yo. Gusto kitang maging kaibigan, Dorothy... pero nagulat nalang ako na bigla mo na akong iniiwasan."
Ang kaninang ngisi sa aking mga labi ay unti-unting naglaho. Am I exaggerated things? Am I assuming too much? Baka naman hindi niya naman talaga ako target para gawing biktima?
I was deprived by the people assumed about Zul and I. Nakakagawa ako ng ideya sa utak ko na sobrang layo pala sa katotohanan.
And I am just a kid like what he said...a minor. He is a criminology student at alam niya ang mga ganitong ka simpleng bagay na bawal. Kung may gagawin man siyang katulad ng mga hinala ko ay sa mga babaeng ka edad niya lang.
Hindi sa batang katulad ko at menor de edad pa.
I laughed dryly. "J-Joke lang! Pero hindi talaga kita iniiwasan. Nagkataon lang..." napalunok ako. "W-We will do the things we're doing every school dismissal...again."
Pagkasabi ko noon ay ngumiti sa akin si Zul sabay gulo ng buhok ko.
That night, I figured all the things Zul treated me. It's like an older brother trying to protect his sister. Ang mga ideya lang talaga na galing sa mga tsismosa ang naging sanhi ng pangit kong impression sa mga ginagawa ni Zul sa akin.
Hindi rin naman sasahihin ni mama at papa na kaibiganin ko si Zul kung may pangit itong reputasyon bilang tao. His sides of having girls is just a part of him being a man.
"Malapit na ang ani ng palay natin, Riri. Puwede ka nang gumala ulit sa bukid.." nakangiting balita sa akin ni papa.
Dapat ngayon ay sobrang lapad na ng ngisi ko dahil sobra ko na rin na miss ang simoy ng hangin sa bukid. It's like I nedded it now.
Tipid akong ngumisi sa kanya sabay inom ng tubig pagkatapos kong kumain. Nagpaalam na ako kay mama at papa na may gagawin pa ako para hindi na nila ako ma interoga.
Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Nakakahiya. Buti nalang at hindi ko isinumbat kay Zul ang bagay na bumabagabag sa akin tulad nalang kung bakit ko siya iniiwasan.
Siguro ako ang pagtatawanan niya kung sakali. He will think I was being paranoid and so full of myself.
Gusto kong sumigaw nang sumigaw lalo na at sobra talaga akong napahiya. I need to throw these negativity that filled me. Kapag matapos na talaga ang week days sa bukid na talaga ako didiretso.
At hindi ako uuwi hanggat hindi kami nagkakaintindihan ng sarili ko. Damn it.
Second day ngayon ng foundation day at napagdesisyunan kong pumunta. I just wore a fitted white long sleeves and blue fitted jeans. I tied my hair in a pony tail and wear my white sneakers. Nagdala na rin ako ng malit na to-go black leather bag ko at nagmotor na.
I chatted Ashley pero hindi ito nakapag reply. Nagtungo na akon sa booths namin at may tinda rin sila ng kung ano-ano.
"Si Riri! Bakit ka nga pala wala kahapon? Sayang at hindi mo nakita ang opening!" bungad nila sa akin.
Dumukot ako ng ten pesos sa bulsa ko para makabili ng fresh gulaman sa amin.
"Hindi ko lang feel. Bakit?"
"Hay naku, sobrang sweet nila Zul at Tiffany as they are strolling around!"
"Sayang nga at hindi ko nakita," sagot ko sabay kibit balikat.
Umupo ako sa bakanteng stool at tahimik na inubos ang gulaman sa plastic cup. Infairness masarap manampal ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro