Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34

Hayati

Zul and I parted ways when we went outside of that resto. May dala naman kasi akong kotse at ganoon din siya. Isa pa, kailangan na si Zul sa kampo kaya kahit gusto niya pa akong ihatid sa bahay namin ay ako na ang nagpumulit sa huwag na. Nagbilin na rin ako ng mensahe kay Andrew na mauna na akong umuwi.

My brows creased when I saw a familiar man standing infront of Mama. Nanlaki ang mata ni Mama pagka kita sa akin. Na sa malapad silang living room namin at may kung anong namuong atensyon sa pagitan nila no'ng bisitang kaharap niya.

Before I could guess who's this visitor, my jaw dropped when I realized it was Datu Aqil! Kaagad akong nagmano kay Mama pagkalapit ko at binalingan si Datu gamit ang nagtatakang tingin.

"N-Napadalaw po kayo?" tanong ko kay Datu sabay sulyap kay Mama.

"Ah..." Datu trailled off and side eye Mama. "Gusto ko lang humingi ng pasensya tungkol sa mga nangyari. Sa inyo ng Mama mo," he said formally yet tenderly.

I blinked numerously and forced myself to process everything. I always think that Datu Aqil is terror man alive that I could even met along with his brothers. Iyon talaga ang palaging sumasagi sa utak ko kapag naririnig ko ang pangalan niya  Sa pagkakaalam ko, mas matindi ang iba pang mga Rabbani, particularly Hafza's father.

"Uhm..." I responded confusedly. Hindi ko tuloy alam kung totoo bang iyon lang ang pakay niya rito o may iba pa siyang pakay maliban sa gusto niyang humingi ng pasensya sa mga nangyari.

Mama cleared her throat and look at Datu with full composure and respect. "We understand, Aqil. As long as they didn't touch a single strand of my daughter's hair then we are good."

Nagkatitigan sila saglit si Mama bago nag-iwas si Mama ng tingin. Datu Aqil nodded and lifted his gaze to Mama with more respect and amazement. The way he looked Mama, natatak sa isipan ko na parang ganitong klaseng tingin ang ipinipukol sa akin ni Zul sa tuwing seryosong bagay ang pinag-uusapan namin. Pero may mas higit...hindi ko lang alam kung kanino sa mag ama.

"Thank you for the time, Rachel," Datu Aqil said breathily. Mama looked away as she nodded---parang labag pa sa kalooban na tumango.

"Mauna na ako, Dorothy," paalam ni Datu sabay ngiti niya sa akin.

"S-Sige po. Mag-ingat ka po."

Hindi na ako nagtanong ni Mama tungkol saan ba ang napag-usapan nila ni Datu bago ako dumating. Basi na rin sa naabutan ko, Mama was just standing there looking cold and prim as the tension was in between habang si Datu Aqil naman ay binalewala ang kung ano mang bara na pinakita at pinaramdam ni Mama.

Nagising ako katulad ng normal kong umaga. Pero wala si Mama sa kusina nang nakababa na ako. This is...unusual.

"Manang, hindi pa po ba nakababa si Mama?" tanong ko pagka upo ko sa dining.

Ready na ang mga pagkain at nakakapanibagong wala si Mama rito sa dining para samahan akong mag-agahan. O kahit hindi naman siya nag-aagahan ay mas maaga siyang bumangon kaysa sa akin para mag prepara dahil may duty rin siya sa skwelahan bilang principal.

"Maagang nagising ang Mama mo. Nag timpla lang 'yon ng tsaa rito at umakyat ulit sa kuwarto. Siya nga ang naghanda ng mga 'to," kunot noong sinabi sa akin ni Manang sabay turo sa mga pagkain sa hapag.

I sighed. Tiningala ko ang palapag kung saan ang kuwarto niya. Wala naman sigurong sakit ang Mama? Baka iniisip niya lang 'yong nangyari sa kanila ni Datu Aqil kagabi.

Alam kaya ni Zul na nagpunta ang Papa niya rito?

I shooked my head and started eating. Pupunta pa ako sa extended land para matingnan ang construction site. Mafu and Maia will be there as we will continue fill the other plans that I wanted to build.

I walked unto the construction site as roamed around. Naka fitted-faded maong pants lang ako, long sleeve white knitted top and white shoes. Parang wrong choice pa na nagputi ako ng sapatos dahil medyo madumi pa ang kabuuan ng site.

Tinali ko ang buhok ko into ponytail at nagpatuloy na sa paglakad. Mas nauna pa siguro akong dumating kaya sa magkapatid dahil hindi ko naman sila mahagilap dito.

I looked around warily at the noise activity around me. I can see that the building was still in the early stages of construction. The foundation was poured, but the walls and roof were not yet in place. I could see the workers from here milling around, hammering, measuring, sawing, and lifting  heavy loads.

Napabahing ako nang makalanghap ako ng alikabok o hindi kaya ay semento. Sana pala nag mask ako rito.

"Hello po, Ma'am. Mawalang galang na po pero ikaw po ba iyong kaibigan ni Engineer Mafu na sinasabi nilang boss namin?"

Napalingon ako sa may edad nang lalaki. Namamawis pa ito at halatang kanina pa nag t-trabaho. Kaagad akong tumango sa matandang lalaki sabay ngiti.

"Ah, oo po. Binisita ko lang po 'tong construction site,"

"Tama nga si Engineer no'ng sinabi niya sa aming napakabait mong boss. Kaya pinag-iigihan talaga namin ang trabaho."

I chuckled and thanked him for their hardwork. Mga ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating si Mafu at Maia. Pa sulyap-sulyap pa ako sa cellphone ko at nagba baka sakaling may mensahe si Zul pero wala. Kagat labi akong nakatitig sa numero ni Zul at nag-iisip kung tatawagan ko ba siya o hindi.

I sighed. Am I a clingy girlfriend now? I groaned.

"Anong problema?" Natatawang untag ni Mafu.

Si Maia naman ay nabitin sa ere ang iinuming juice sa baso dahil natigilan ito sa ginawa kong pag daing. Nasa maliit na opisina kami nitong construction site kung saan ginawa ito ni Mafu dahil minsan dito nalang daw siya natutulog kapag nagabihan na.

"W-Wala..." naiiling kong sagot at umupo na ng maayos.

"Nag o-over think na 'yan," tukso ni Maia.

Humagalpak si Mafu sa tawa dahil sa komento ng kapatid. I glared at him sabay duro ko sa kanya. "Ayan, kaya ka basted kay Ashley!"

Si Maia naman ngayon ang humagalpak sa tawa. Mafu rolled his eyes on me as he lend his attention on the blue print he's holding. Tiklop ka pala, e.

"Alam mo ba iyong balita, Ate?" biglang pag-iba ng topic ni Maia.

My brows creased in instant. "Anong balita?"

"Kailangan pa raw ng mga sundalo sa Jolo. May bakbakan daw ro'on at sa tingin ko ipapadala ang mga Rabbani roon. Iyon iyong sinabi ng kuya ng kaibigan ko."

Napatulala ako sa kawalan. Unti-unting umusbong ang kaba na naramdaman ko lalo na at may nakita nga akong balita tungkol sa gyera sa Jolo. Pinasadahan ko ang buhok gamit ang mga daliri ko. Dorothy, ano naman? Zul is a soldier! If the country needs them, wala kang magagawa.

Lunch na ng napagdesisyunan kong umalis na pero nauna na si Maia sa amin ni Mafu kanina dahil may kikitain pa raw siyang kliyente na. Si Mafu naman ay sasabay na raw sa mga construction workers dahil may kusinero naman daw sila. Gusto ko  rin sanang maki sabay sa kanila pero biglang tumawag sa akin si Ashley at gusto raw niyang  mag FOC kitchen.

Pagkarating ko sa FOC kitchen ay kaagad kong namataan si Ashley. May order na siya roon at animo'y limang tao kaming kakain. She smiled widely when she saw me. May iilang normal na taong kumakain dito at pa simpleng tumitingin sa gawi namin ni Ashley.

"Dami naman nito. May kasama ka pa?" I winced. May grilled chicken dalawa. Large two bowl of Halo-Halo and one medium plate of special pansit. Itong special pasit favorite ko rito sa FOC kitchen pati na rin itong Halo-Halo nila.

"Na miss ko lang ang pagkain nila rito, ano ka ba!" irap sa akin ni Ashley at nagsimula nang kumain.

Natakam na rin ako sa pansit kaya iton ang inuna kong kinain. Napalingon ako sa mga kapapasok lang na mga Muslim. Nang ngumiti sila sa akin ay kaagad ko rin sila ngitian pabalik. One thing I admire here is that this kitchen is HALAL. Kaya maraming kumakain na mga muslim dito dahil walang pinagbabawal na mga pagkain.

"Tama ka na, 'te. Masyado kang carried away sa mga 'yan," pag-susuplada ni Ashely as she craned her neck to see the other muslims girls on the table.

Inikotan ko siya ng mga mata. "Bitter ka lang!"

Ngumuso siya at sinumalan na niyang halu-haluin ang isang bowl ng halo-halo. I looked at my friend in a puzzled way as I slowly bring the fork with noodles on it.

"Riri..." aniya sa napakaliit na boses.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Gago talaga 'yang si Mafu," she rolled her eyes and combined the halo-halo eggresively. What with her temper?

"Argh! I can't believed he just fucked me in that construction site!" nangingigil niyang singhal pero sa boses na kami lang dalawa ang nakakarinig.

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaibigan. Nabitawan ko ang hawak kong tinidor sabay sandal couch nitong ti-nable namin.

"What?!" sigaw ko habang nanlaki pa rin ang mga mata.

Mabuti nalang at kami lang ni Ashley itong nandito sa tago at dulo sa FOC kaya walang masyadong nakakakita sa amin. Oh my God?!

"Yes!" parang naiiyak sa frustration na sagot ni Ashley.

"Kailan lang?! I thought you two isn't a...thing? You hated him!" hindi ko na napigilan ang marahang pagtaas ng boses ko.

"Iyon na nga, Riri," she groaned sabay hilamos ng mukha gamit ang magkabilang palad.

"You are fucking virgin yet he fucked you in the construction site?! Saan? Sa pag-aari kong site?"

Natigil siya sa pag gulo ng buhok niya at bahagyang nag-isip sa sinabi ko. Stressed ko naman siyang tinitigan. God! Can't believed they just did that! Hindi pa nga tapos ang shelter na 'yon, bininyagan na nilang dalawa ni Mafu!?

"Bale pangalawa na 'yong sa construction site," aniya na parang isang normal lang na bilihin na nakalagitnaan niyang bilhin sa isang palengke.

I laughed dryly and lifted my sight on top. Mababaliw na ako sa rebelasyon ng isang 'to. What the fuck? Akala ko ba hindi nila gusto ang isa't-isa tapos ganito pala ang ginagawa nila kung silanh dalawa lang?

Dahil sa stress na stress na ako sa mga nalaman ay naubos naming dalawa ni Ashley ang lahat na inorder niya. Nagpadagdag pa ako ng isang medium serve ng pansit dahil parang na drain ako sa mga nalaman. I can't. What the hell?

Dahil na sa loob  ng mall ang FOC, nag gala-gala nalang kaming dalawa. Bagabag pa rin ako sa pinagsasabi niya sa akin kanina but I refused to think of them again. Habang namimili si Ashley ng sandals ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe ba or tawag si Zul pero wala.

"He's just busy, Riri..." bulong ko.

I pressed my lips and starting to type a message for Zul. Sana naman hindi mag a-assume ang lalaking 'to na nagpaka clingy girlfriend ako sa kanya.

Ako:

Hi. I am with Ashley. Na sa mall kami at nag w-window shopping. Are you on duty?

Kagat labi ko iyong sinend at saglit ko munang tinitigan ang mensahe kong 'yon bago ko ibinulsa ang cellphone at sinundan na si Ashley.

"Oh my God, Dorothy?"

I immediately turned to see who it was. It's Tiffany! Manghang napatitig ako sa kanya. She looks very mature now and beautiful. Medyo na bother lang ako sa falsies niyang alam kong pinakabit niya.

"T-Tiff..." ani ko sabay ngiti sa kanya ng pahapyaw.

Hindi naman kami magkaibigan kaya hindi ko alam kung paano siya pakisamahan. But I am sure that we are not that bad before we separate ways. Ang alam ko, she already accepted her fate. She accepted that only Dorothy Maeve Andino can make Zul turned his head and beat his heart harmoniously.

"Kamusta ka? Mas lalo kang gumanda, ha?" aniya. Her bitchy attitude was still there as her voice was still the same back in our teen days.

"Okay lang naman. Ikaw ba? Are you already married?"

She grinned as she showed me her ring finger. Kuminang ang batong diamante roon. "I am engaged and I am here to look for wedding stilletos."

Wala sa sariling  napangiti ako sa kanya. Yeah, not to mention that me and Ashley is here in Hermes shop.

"Congratulations!" I greeted.

Funny way back in our teens, she loved dearly Zul. Inaaway pa ako dahil ako ang gusto ni Zul. But look at her now. Halatang kuntento at masaya sa buhay. Ganito siguro kung sang-ayon at masaya ang lahat para sa inyong dalawa.

"Ikaw? Alam kong mas bata ka pero...how's Zul and you?" she said as her brow raised a bit.

"He's my boyfriend and we planned to get married, too," puno ng kasiguraduhan kong sinabi.

My heart beats wildly when I said those. Ngumiti ako kay Tiffany para masabi niyang sigurado ako at hindi ako nagdadalawang isip sa dineklara ko sa kanya.

"I know you two will end up together. Pasalamat ka sa akin at hindi ko inagaw," biro niya sa akin sabay halakhak.

I smirked and laughed with her too. Grabeng idioms naman 'yan, Tiffany. Mukhang imposibleng may meaning. Gusto kong humagalpak sa tawa pero ikiniling ko nalang ulo.

"Oo nga pala. Imbitahan kita sa kasal ko basta imbitahan mo rin ako sa kasal n'yo." May kinuha siyang puting invitation sa mamahalin niyang hand bag at ibinigay iyon sa akin.

Her name and her finacee's name was beatifully written at the front of the invitation. Ngumisi ako sa kanya sabay tanggap at tango.

"Sige."

Nag-irapan silang dalawa ni Ashley nang maabutan kami ni Ashley na nag-uusap. Umalis na si Tiffany at nagpa assist na sa sale lady tungkol sa hinahanap niya ring wedding stilletos.

"Inaaway ka ba non?" Ashley asked.

Kaagad akong umiling. "Gaga, may nang-aaway bang ganoon? Hindi. She invited me to her wedding." Binigay ko sa kanya ang invitation.

"Taray ni, bakla. Parang kailan lang inaaway ka niya kasi ikaw gusto ni Zul. Weird," halakhak ni Ashley.

Hapon na ng makarating ako sa bahay. Parang binundol ang puso ko nang makita kong naka parada sa labas ng bahay ang Jeep Wrangler ni Zul. Inayos ko ang sarili at kabado akong naglakad sa gate. Nilingon ko ulit ang Jeep Wrangler niya.

Why is that there's so many things in there? Baka gamit niya galing kampo. Huminga ako ng malalim at tinulak na ang gate para makapasok na.

Kaagad sumalubong sa akin si Raki pagka pasok ko. He barked as if he's telling me that someone was waiting me inside. Ngumisi ako sabay kay kay Raki.

Naabutan kong parang tapos lang mag-usap si Mama at Zul nang masinsinan. Kaagad tumayo si Zul sa sofa nang makita ako. His military uniform isn't his everyday get up everytime he is on duty. He's well equiped. Naka sout pa siya ng military hat.

Even there's already a hint on me, parang ayoko.

"Zul!" pina sigla ko ang boses nang hinagkan ko siya. Mama looked at lovingly.

"Tita, hihiramin ko muna saglit si Riri..." paalam ni Zul. Kunot noo ko siyang binalinginan but he just looked at me with full of assurance and security.

"Sure," hindi nagdadalawang isip na sagot ni Mama.

Sa likod ng Jeep Wrangler  niya ay ang full pack niyang mga gamit. Kandong ko si Raki habang bumi biyahe kami patungong lupa kung nasaan ang punong Narra.

I know where this will be going pero ayokong magsalita. Pinanatili ko ang positibong isip at pilit pinapakalma ang sarili. Nang nilingon ko si Zul ay puno ng pinilidad ang postura nito.

The sun was ready to set when we arrived at the spot that I wanted to turned my back this time. Feeling ko kapag aabot kami roon, doon siya magpapaalam sa akin. I tried to hold my tears as I casually held his arm as we are silently walked up on the hill. Nauna naman sa amin si Raki habang naglalaro na ito.

Pagkarating namin sa burol kung nasaan ang Narra ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Kaagad ko iyong pinalis para hindi niya makita. Nang inangat ko ang tingin sa kanya ay nakatingin na pala siya sa akin. The rays of the sun now was pointing at Zul's face. It's like the sun was giving me enough sight to look Zul's face   closely.

"Alam mo ba noong nag patrol kami rito, nadiskubre ko na iyong routa na gusto kong pagawan ng irrigation ay daan iyon papuntang simbahan ng St. Francis Xavier Parish?" panimula niya. It's like he is giving me space for the thought what's my mind was circulating in this moment.

"Diyan..." turo niya sa likuran ko.

We are now facing the vast of fields as the Mahogany trees on its row was planted there. Hindi ko alam na ang simbahan na 'yon ay routa iyon papunta rito.

"Bagay sa ipapagawa kong irrigation na ipapangalan sa 'yo," bulong ni Zul sa likuran ko.

Tumingin ako sa itaas para tigilan ang sarili sa pagiging emotional. Huminga ako ng malalim at pinapatatag pa ang sarili. Huwag kang mahina, Dorothy.

"Riri..." tawag niya sa akin gamit mababang boses.

Dahan-dahan akong humarap sa kanga. I heared his heavy sigh sabay hawak niya sa magkabila kong kamay.

"Riri....May tiwala ka ba sa akin?"

My heart went numb as my tears stung in instant. I pressed my lips as I slowly nodded.

"Naniniwala ka ba sa akin?"

Yumuko pa ako at hinayaan nang mangilid ang mga luha. Fuck this. "O-Oo, Zul...magtitiwala at maniniwala ako sa 'yo," I uttered in a pain voice.

Humigpit ang pagkakahawak ni Zul sa kamay ko. This man had been serving the country for many years, and those years was tough for him. Knowing that he loves me, alam kong mas mahihirapan siyang umalis kung magpaka hina ako. Nagkita at nagkasama na naman kami ng matagal-tagal pero bakit mukhang kahapon lang ang lahat?

"Riri..."  napapaos niyang tawag sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulhol. Kung hindi ko lang nakita sa balita kung ilang buhay ang nasawi sa Jolo, hindi ako matatakot mangagamba ng ganito.  Kung hindi ko lang alam ang nangyari doon, hindi ako iiyak ng ganito.

"If you trust and belived in me, plese don't react this way," he whispered and pulled me a hug. "Kasi sa tuwing umiiyak ka, nanghihina ako. I want you to be strong because you are my source of courage and bravery."

Mariin kong ipinikit ang mga mata as I felt his heart beating loudly and nervously.

Now, it was time for him to leave. He knew it would be hard for me to let him go, but he had to do what was best for the country. As he hugged me I can feel his body reacting on what he sees on me kaya kailangan kong kumalma!

When I looked up to him,  I could see the sadness in his eyes. May namuong luha na rin sa kanyang mga mata.

I pressed my lips together as I hugged him tightly as tears streaming down on my face....again. "I don't want you to go," I whispered.

Zul tightened our hug as he was holding every inch of me closely. "I know, but I have to," he said. "I have to serve our country, and it's my duty. So, baby...be strong for me...for us."

Kahit masakit ay dahan-dahan akong tumango as I wiped my tears away. "I-I will," I said painfully and hardly. "M-Mahirap pero para sa atin...titiisin at kakayahin ko. I-I'll miss you so much," again my voice broke.

Ngumiti si Zul sabay angat sa mukha ko. He smiled in a very gentle and okay if possible trying to make ne feel better. "I'll miss you more, hayati..." he said soulfully and lovingly. "But we'll make it through this. We'll stay in touch, and I'll come back to see you as soon as I can."

I sniffed and nodded again and again---trying to be strong. "I'll be waiting for you," bulong ko.

Zul level our face and leaned more closer to me. I closed my eyes as his soft lips mets my trembling lips. Nang maglapat ang mga labi namin ay doon lang ako napanatag at nalagay sa payapa.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. I closed my eyes as I felt already the night breeze hugging both of us. "As long as you are waiting, I will bring myself back to you. Kahit gaano kahirap...kahit gaano pa katagal. Sa 'yo lang ako babalik, uuwi, at magpapahinga."

Masakit kong ipinikit ang mga mata at dahan-dahang tumango. "Mahal na mahal kita, Zul. Maghihintay ako...hihintayin kita," I whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro