Kabanata 33
Misis
Halos hindi humihinga ang magkapatid nang pumasok sila sa opisina ko nang makitang natutulog si Zul. Naka unan ito sa hita ko habang ang mukha nito ay nakaharap sa tiyan ko. Nakayakap pa ito sa akin para makakasiguro siyang hindi ako aalis.
Mafu shook his head and smirked on me. Inginuso naman ni Maia si Zul habang may pagtataka itong napatitig sa akin. I shrugged and give them a silent sign.
"Ate, may naghahanap sa 'yo sa lobby," bulong ni Maia.
I was about to answer when Zul's grip tightened. Gising na yata ang lalaking 'to. I brushed his hair using my fingers and then lifted my gaze to Maia.
"Sino?"
"Si Mang Kanor..."
I pressed my lips and looked down to Zul again. Nakapikit pa rin ito habang ang magkabilang kilay ay nakakunot. So bossy and maldito.
"Zul?" tawag ko sa kanya sabay haplos sa panga niya. His stubbles went shiver on my spine as I touched it. Uminit ang pinsgi ko.
Hindi siya sumagot at mas lalong isiniksik niya ang mukha sa tiyan ko. Tahimik na humahagikhik si Maia. Siniko naman siya ni Mafu para matigil.
"Zul, may kailangan pa akong bisitahin sa Cathedral Falls. Si Pandi at Elias ay may sakit."
When he turned his head to look at me, his brows was slightly furrowed. "Sino 'yan?"
"Remember the dog we met---doon sa Cathedral? I named him Pandi. Tapos iyong Elias naman ay kapatid niya. Hindi mo pa siya nakita...." I said gently.
Ang kunot sa noo niya ay unti-unting nawala at naliwanagan siya sa sinabi ko. Tumango siya at bumangon na.
"Sige. Ikaw lang ba?" aniya sabay sulyap kay Mafu at Maia na naka upo sa kabilang sofa. Napa igtad naman si Maia sa panandaliang tingin ni Zul.
"O-Oo..." ani ko.
He nodded and stood up. "Babalik muna ako sa kampo tapos uuwi na rin muna. Call me when you get there. Balitaan mo ako," aniya sabay halik sa noo ko at nagpaalam na.
Pagkalabas ni Zul sa opisina ko ay patiling humarap sa akin si Maia. Natatawa akong inilingan siya habang si Mafu naman ay todo saway sa kapatid.
"Totoo pala talaga, Ate? My God!" Tili niya ulit.
"Sabi nila, Zul and Zandra divorced because of you?" naguguluhang tanong ni Mafu.
Nawala ang ngiting naka plaster sa mukha ko nang marinig 'yon. Is that the reason why people here looked at me earlier in aw strange way?
I cleared my throat as I carefully remember what Zul said. "Their marriage was a plain fake and void."
Kaagad tumango si Mafu. It's a relief knowing there's still out there believing in you. May mga taong alam naman talaga ang totoo but they refused to believe what's true because it's against of what they believe. Nakakatawa.
Nabili ko na iyong kakailanganing gamot ni Pandi at Elias. When I arrived in my small facility in Cathedral Falls, I saw a lady petted Pandi while Elias was sleeping soundly.
Pagkapasok ko ay kaagad lumingon sa akin si Pandi and jumped from the couch to greet me. Kasabay nang paglingon sa akin ni Pandi ay ang paglingon din no'ng babae.
"J-Jahara?" gulat kong tanong sa kanya.
W-Wait, did she just hold and pet Pandi?
Kaagad siyang ngumiti sa akin. She's not with her Hijab anymore. Her brown, long wavy hair was bouncing at her back. It's my first time to look at her with no Hijab. Anong nangyari?
"H-Hi!" aniya sabay kaway sa akin.
Pandi barked at me kaya sa kanya natuon ang pansin ko. I squated and pat his head.
"Na miss kita, Pandi," I chuckled. Pinanggigilan ko ang mukha niya. Buti nalang at hindi nagtatampo ang mga aso kong 'to dahil sa hindi ako nalalagi rito para magbisita.
"I finally understood why you loves dogs," Jahara spoke lovingly but sadly. "I finally realized why Zul loves you..."
I smiled and stood up to face her. Magkasing tangkad lang kami ni Jahara. But I am wearing a stilleto right now kaya parang mas matangkad na ako ngayon sa kanya.
"Nang nalaman kong sa 'yo itong facility ay palagi na akong nandito. Crazy, right? Bawal kami sa aso but it somehow gives me comfort everytime I am here....cuddling with your dogs."
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. I was stunned of what she said...and flabbergasted. Wala akong masabi.
"Hindi kami puwede sa mga kristyano yet Zul find comfort on you...." ngumiti siya at saglit nanubig ang mga mata niya. "G-Gusto ko lang mag sorry sa 'yo at kay Zul. I was blackmailed by his mother. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin." Bahagya siyang yumuko at huminga ng malalim bago ako ulit hinarap.
"J-Just like Zul, I was in a relationship with a christian," nanginginig niyang pag-amin sabay tulo ng kanyang mga luha.
Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha ko habang nakatitig sa kakambal ni Hamdan. I bit my lower lip and nodded to her. Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin sabay hagulhol.
"I-Im so sorry for being weak and coward, Dorothy. S-Sorry kung ginawa ko iyong bagay na ikasisira ninyo ni Zul. I-I was just scared...for him." Bawat bigkas niya sa mga salita niya ay may halong pagsisisi, galit, at sakit.
"Shhh. Tapos na 'yon. The important here is me and Zul are still together. He have me and I have him. Kung hindi nangyari ang bagay na 'yon, hindi kami tatag kaya freed yourself from guilt, Jahara."
Naramdaman kong tumango siya habang nakayakap pa rin sa akin. Pandi and Elias now was looking on us with awe. Maluha kong tiningnan ang mga aso. Thank you for bringing Jahara a comfort, my babies.
"Wow, talaga?" namamanghang titig sa akin ni Jahara pagkatapos kong sabihin na iyong iba pang mga aso na nasa maliit na facility na 'yon ay may bago nang titirhan na mas malaki at komportable.
I chuckled. "Oo. Akala ko nga isa ka sa mga nag donate roon sa gagawin kong shelter."
"Si Hamdan panigurado," naiiling na sambit niya.
Nakatayo kaming dalawa sa railings habang tanaw namin ang napakagandang Cathedral Falls na maingay na bumabagsak mula sa taas.
"Kaya ka siguro gustong-gusto ni Tita Sittie kasi hindi ka duwag at matapang ka," ani ni Jahara na ikinalingon ko sa kanya.
I stared at her. Para siyang si Hamdan but in a softer and angelic version. Her fair skin and red lips and almond eyes made her more like an angel. Pamilyar sa akin ang ganitong hitsura niya.
"Nakakamangha ka naman talaga. I wonder if you want to be a Rabbani and gave birth a Rabbani?" she chuckled.
Naiiling akong ibinaling muli ang tingin sa talon with a smile on my lips. "Bakit?" I asked.
"So that the future Rabbani's can have your genes?" she said jokingly but factly.
Tumawa ako at inaalala iyong mga plano namin ni Zul. "'Tsaka na kapag hindi na magulo ang pamilya..." ninyo. Idudugtong ko sana.
She sighed and nodded. "Oo nga. But I am hoping that you two will end up together in a wedding ceremony," she uttered hopefully.
I smiled. Sana nga, Jahara. Si Zul lang ang nakikita kong magiging ama ng bubuoin kong pamilya at wala nang iba. I didn't see anyone that could be a father of my children, siya lang.
Nauna nang umuwi sa akin si Jahara. Nang may natira pa akong oras ay parang feel kong mag window shopping. Kung mayroon man akong magugustuhan ay baka bilhin ko nalang.
Napadpad ako sa mall at anv Victoria's Secret ako napadpad. May mga bagong labas sila ng mga lingerie at nakaka temp na mag purchase. When I saw the maroon with a hint of red color ay dadamputin ko sana iyon nang may dumampot na no'n.
"Oh, sorry?" Zandra look at me with sorry.
I shool my head sincerely. "No, it's okay," ani ko sabay bigay sa kanya ng palakaibigang ngiti. "Mukhang mas bagay naman sa 'yo iyan."
The sales lady smiled on us as if we are talking here heart to heart where in fact I want to strangle Zandra too bad!
"Mas bagay talaga ito sa akin. Lalo na itong bra na kapares nito," she said proudly and then looked at me with belittlement.
Pinanatili ko ang ngiti sa muka ko. "Hindi nga bagay sa akin 'yan kasi you have big boobs while I don't."
She raised her left brow on me. She's with her color pink body con dress na bagay sa hubog ng katawan niya but heck I'd tell her that! I admit, mas malaki ang dibdib niya kaysa sa akin. And her boobs makes her sexier lalo na at kung naiipit. Sure ba si Zul na never niya pinantasyahan si Zandra? Bigla na naman akong nairita sa naisip.
"Yeah, my breast aren't big just like yours but know what's suited on my breast? Zul's hand, Zandra," I said in a girly voice sabay pitik ng buhok ko at naglakad na palabas ng shop ng Victoria's Secret.
Laglag panga niya akong tinitigan habang namula ang pisngi niya sa galit. The saleslady near us chuckled na mas ikinagalit ni Zandra.
Kainis! Doon nalang ako maghahanap ng bra at panty sa SO-EN!
Hapon na ng mapagdesisyunan kong umuwi na. Hindi ko nalang siguro ibabalita kay Zul na nagkita kami ni Zandra. I sighed. Kailan ba ako magkakaroon ng tahimik na buhay?
Nang may nadaanan akong coffee shop ay bumaba muna ako sa sasakyan para bumili ng kape. Pagkapasok ko ay kaagad nahagip ng nga mata ko si Andrew. May kausap itong kaibigan na sa tingin koy ka edad niya lang. It's a guy.
His friend patted him and then sabay silang tumingin sa akin. Andrew stood up with a delight in his eyes. Naka business suit ito ganoon din ang kaibigan.
"Hi! Nagulat ako nang makita ka rito. Are you alone?" aniya sabay tingin sa likuran ko.
"Y-Yeah. I just want a coffee tapos aalis na ako," agaran kong sagot.
"Hindi ka naman nagmamadali siguro? Dinner?" magaang alok niya.
I looked at him in hesistant way. Hindi pa ako nakapagpaalam kay Zul tungkol dito and it would be unfair to him if I will not tell him about this.
"S-Sure. Saglit lang," paalam ko at lumabas muna nag coffee shop para tawagan si Zul.
Nakailang tawag pa ako sa kanya bago niya sinagot ang tawag. The sun was already set at kasalukuyan na ring kinain ng dilim ang paligid.
"Hmm?" he answered huskily. I bit my lips when I realized I woke him up.
"S-Sorry, are you sleeping?" I asked dumbly.
"Yeah," he uttered deeply and sleepily. "What happen? Are you home?" sunod-sunod niyang tanong.
Napalunok ako sabay lingon kay Andrew at sa kaibigan niya. Matiim namang nakatitingin sa akin si Andrew habang naghihintay na matapos ang tawag.
"Na sa coffee shop ako pauwi na sana but a friend of mine invited me for a dinner," ani ko sa napakaliit na boses.
He gave me a moment of silence before he speak again. "Which friend?" seryosong tanong niya.
"Si Andrew. Pero kung hindi ka komportable---"
"It's okay. Sabihin mo lang sa akin kung saan."
Tumango ako na para bang na sa harapan ko lang siya. "I will..."
"I love you," he murmured in a hoarse voice.
Pinagdikit ko ang mga labi. "I-I love you too..."
Pagkababa ko sa tawag ay lumabas na si Andrew at kaibigan niya. Nagpaalam na iyong isa at kami nalang ni Andrew ang naiwan sa labas. Halos walang nagbago sa hitsura ni Andrew. He looks an innocent beast as usual.
"May dala ka bang sariling kotse?" Andrew asked.
Kaagad akong tumango. "Oo."
He nodded. "Sa resto ng Tita ko tayo mag dinner. Malapit lang din 'yon dito."
Nang nasa saksakyan na ako ay kaagad akong nagtipa ng mensahe para kay Zul. Sinabi ko sa kanya kung saan kami mag dinner bago ako umusad para sundan si Andrew.
When we arrived, I didn't recieved a reply from Zul. Baka tulog pa ito dahil babalik na naman 'yon sa kampo for duty. The ambiance of the resto was clean and fresh. Sobrang simple pero halatang mamahalin.
Ang mga staffs at waiters na makakasalubong namin ay binabati si Andrew at halatang kilalang-kilalaa nila. Kapag nagagawi naman ang mga mata nila sa akin ay parang nangingilala ang mga 'to at tinatansya kung nakita na ba nila ako o ngayon pa lang.
"Table for two," pormal at casual na sinabi ni Andrew sa waiter.
Nang makakuha na kami ng table ay kaagad akong ipinaghila ni Andrew ng upuan. Habang pinagmamasdan ko siya ay para akong nakatitig sa isang normal na tao. I haven't seen Andrew so formal and casual to me. Parang ibang tao na siya ngayon. O nag mature lang talaga siya Iba noong mga college pa lang kami. He's open, sweet, and joker.
Siya na rin ang pinag order ko ng pagkain and he's okay with it. Alam naman niya kung ano ang kinakain ko kapag nagagawi kami sa isang restaurant.
"So, kamusta ka?" aniya. May bahid nang ngiti sa kanyang labi habang pinagtuoan niya ako ng pansin kaysa sa pagkaing nakahain na sa harapan namin.
"Okay lang naman. Ikaw?" balik tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapa pormal ang kilos at boses ko lalo na at na p-pressure ako sa tingin ng mga tao rito sa resto.
"Kababalik ko lang galing Dubai para sa isang project na gusto kong i close ang deal. It's big project kaya pinagtutuonan ko talaga iyon ng pansin," he said full of composure.
Kaagad akong napatango at nagsimula na ring kumain. Masarap iyong beef, ah infairness. Malambot ang meat.
"Sorry pala noong nakaraang dinner natin. I was just carried away and....I am so sorry," sinsero niyang paghingi ng tawad.
Saglit akong napatitig sa kanya. I nodded carefully at hindi na umimik. He sighed as he continue eating.
Mga pormal na mga tanong lang naman ang tinantanong sa akin ni Andrew at hindi tungkol sa personal kong buhay. He asked about my work and how is it. Shi-nare ko na rin sa kanya ang tungkol sa extended land and he looks amazed about it.
"I can lend donations for that, Riri," nakangiti niyang sabi sa akin.
I smiled before I drink my lemonade. "Thank you."
Nag ku-kwentuhan pa kami tungkol sa trip niya sa Dubai at one week touch down niya sa Japan nang biglang may nahagip ang mga mata ko na papasok pa lang ng resto. Na sa harapan ako sa mismong entrance ng resto habang si Andrew naman ay nakatalikod doon.
Zul eyed on me darkly. Napalunok ako nang makitang bagong ahit siya at gupit. He's with his clean military cut. He's with his complete military uniform without his coat. Iyong kulay army green na shirt lang niya ang sout niya na bakat na bakat sa katawan niya na parang hindi pang karaniwang pantahi ang ginamit doon sa shirt. His shirt was probably sewed strongly. Ganitong klaseng katawan ba naman ang sosuot ng shirt.
Naputol ang pagtingin niya sa akin nang may nakakilala sa kanyang bigating tao. Isang matandang may-ari ng planta sa Ozamis City. Zul greeted the old man politely as the old man introduced his daughter to Zul. My brows immediately furrowed when I saw how the girl make that stupid cute face sabay lagay ng buhok niya sa likod ng tainga niya.
"Riri, are you listening?"
Napakurap-kurap akong napabaling kay Andrew. Umiinom na ito ng kanyang red wine at tapos na rin itong kumain. Kaagad akong tumango at nanghingi ng pasensya.
"Y-Yeah, saan na ba tayo?" I laughed awkwardly.
Nagpatuloy naman si Andrew sa pag kuwento niya pero iyong buo kong attention ay na sa kabilang table na naman. Damn it! Am I acting jealous here? What the fuck?
"Maganda sa personal ang Mount Fuji," si Andrew sabay pakita niya sa Iphone niya kung saan may larawan siya doon na na sa likuran niya ang Mt. Fuji.
"Oo, nga. Gusto ko talagang mag Japan para makita 'yan at iba pa," deklara ko.
Gusto ko talaga iyan noon pa. We are already planning that kaso noong nagkasakit si Ashley ay hindi kami natuloy hanggang sa naging busy na kami sa mga prioridad sa buhay.
"We can go there if you want?" Taas kilay na sinabi ni Andrew.
Kaagad akong umiling. "Thank you pero 'tsaka na siguro..."
May hinahanap pa si Andrew sa Iphone niya na gusto niya ipakita sa akin nang marinig ko ang lintik ng halakhak noong babaeng na sa kabilang table. Even the other girls who's now dining here was shamelessly drool over to Zul. Grabe.
Nagkatinginan kami ni Zul. Pansin kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. I pressed my lips when I realized my cami top that I am wearing as was a crop top tapos hinubad ko pa ang coat ko pagkapasok namin ni Andrew.
Nang may sinabi na importante ang matandang kausap ni Zul ay ibinaling niya ang pansin doon.
"Ah, excuse me, Sir. Pinapatawag ka po ni Ma'am Manzo." A waiter came up and talk to Andrew.
"Sige, susunod ako," sagot ni Andrew sa waiter.
"Kung matatagalan ako, puwede ka nang mauna. It's up to you," Andrew said lavishly.
"S-Sige lang," ani ko.
He nodded and went to VIP suite.
Sinundan ko siya ng tingin bago ko ulit tiningnan si Zul. When our eyes met, his eyes went darker and ruthless. He excused himself at tumayo na para maglakad palapit sa akin. Wala sa sariling napatayo ako sabay dampot sa bag at coat ko.
"You done?" kunot noong tanong niya.
"Y-Yes," kabado kong tanong.
He nodded and grabbed my waist. Uminit ang magkabila kong pisngi as the girls went silent when they saw Zul holding me like no one should dare to hold me like this.
Tumigil kami sa table no'ng matanda kasama noong anak niya. Nang magkatinginan kami ay parang bigla siyang nahiya sa inakto niyang pagpapansin kay Zul kanina.
"Sir, I appreciate our little conversation but we need to go. Pagod na si misis," Zul chuckled and tightened his grip on my waist.
"Oh, sorry," halakhak ng matanda at hinarap ako. "Napakaganda naman itong asawa mo, Commander."
Zul smirked. "Indeed, Sir. Beautiful as my Knight's Armament SR-25. Or she's more than that."
Humahalakhak ang matanda sabay tango kay Zul bilang pag sang ayon. Sikreto kong kinurot ang tagiliran niya pero mas lalo lang siyang ngumisi. Kalokohan mo, Rabbani?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro