Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32

Wrong

"Anak..."

Nilingon ko si Mama. She stared lovingly on me as her eyes was telling me something. Kaka alis pa lang ni Zul at dito na rin siya naghapunan. Mama enjoyed his stay and as usual---still adoring Zul.

Ako na sana ang lalapit sa kanya pero siya na ang naglakad palapit sa akin. Na sa hamba pa kasi ako ng pintuan dahil hinatid ko si Zul sa labas.

"Anak," tawag ulit ni Mama pagkalapit niya.

It's weird because everytime I am talking to my mother, it's like I am talking to my older self. Bumuntong hininga muna si Mama bago niya ako hinarap ulit.

"You are being secretive now," mahinahong sabi ni Mama.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Wala naman akong nakikitang dismaya sa kanya pero sapat na ang sinabi niya para mabagabag ako. I didn't mean to be secretive. It's just I don't want anyone to know about my personal life. Lalo na pagdating sa aming dalawa ni Zul. Hindi ko alam na naaapektuhan na pala ang sarili kong Ina.

"S-Sorry, ma..." ani ko sabay yuko ng bahagya.

She nodded lightly and sighed again. "Matagal ko nang alam ang tungkol sa inyo ni Zul. Kahit sabihin mo pang hindi kayo nagkaroon ng relasyon noon, alam kong mahal mo siya."

Tikom bibig akong napatungo. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon.

"Naiintindihan kita, anak. Ganyan din ang nararamdaman ko noon no'ng minahal ko si Aqil."

Gulat akong nag-angat ng tingin sa Ina. I didn't expected that from her. Ngitian niya ako pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Hindi katulad kapag si Papa ang pinag-uusapan naming dalawa.

"Kaya huwag kang matakot magsabi sa akin tungkol sa inyo ni Zul. Mahirap pakisamahan ang pamilya nila. I don't want you to suffer because of Zul's family," seryosong dagdag ni Mama.

Inawang ko ang labi 'tsaka ako dahan-dahang napatango. Mama was right. Kahit sabihin ko pang iilan sa mga Rabbani at Suldaha ay magaan sa akin, doesn't mean pagkatiwalaan ko sila. Hindi ko alam kung anong posible nilang magagawa lalo na at halatang masyado silang dedidcated sa pamilya.

"I-I will po. S-Salamat, ma..." natatangi kong sagot sa kanya.

Napabalikwas ako ng bangon habang hinihingal. Napahawak ako sa mukha ko na ngayo'y puno na ng luha. I am having a nightmare again. Hinimalos ko ang palad sa mukha at pansamantala ko munang tinabunan ng palad ang mukha ko habang mariing ipinikit ang mga mata.

I can still felt my body shaking and being triggered. Pilit kong pinapakalma ang sarili at kinagat-kagat ang pang ibabang labi.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nahuhuli ang hayop na 'yon. Marami nang taon ang mga nakalipas pero hanggang ngayon hindi ko pa nakakamit ang hustisya na dapat natuldokan na.

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan kong bumaba para uminom ng tubig. Madaling araw na at may pasok pa ako mamaya. I yawned and go directly to the kitchen.

"Oh, Riri magandang umaga sa 'yo. Sobrang aga mo yatang nagising?" gulat na bungad ni Manang.

Humikab akong umupo sa dining chair sabay tuko ng magkabilang siko ko sa mesa. Pinikit-pikit ko ang mga mata.

"Binangungot lang, manang..."

"Binangungot ka na naman? Alam ba ng Mama mo na palagi kang binabangungot?" nag-alalang tanong sa akin ni Manang.

"Hindi po. Bangungot lang naman 'yon. Baka dahil stress lang po at pagod sa trabaho." I tried my best to be natural and like telling all of those to Manang nonchalantly.

Kaagad naman akong sinang-ayunan ng matanda. "Magpahinga ka rin, Riri..."

Natulog ulit ako pagkatapos akong ipinag timpla ng gatas kanina ni Manang. Kaagad na rin akong gumising nang tumunog ang alarm ko. Naligo na ako at nagbihis. Napadpad ako sa closet ko na puno ng pencil skirts and blazer. Ngumuso ako nang maalala si Zul.

Kulay baby blue na trousers at at blazer ang isinout ko. Pinaloob ko nalang ang puting cami top doon imbes tube. Nang matapos na akong mag blow dry ng buhok at mag make up ng kaunti ay naglagay na rin ako ng accessories.

I just wore a silver stud earrings, silver necklace, and silver bracelet. Regalo 'to ni Mama sa akin no'ng gumraduate ako ng college. It's a Chanel jewelries.

Pagkababa ko ay saglit pa kaming nagkulitan ni Raki pagkatapos nitong kumain. Nang matapos ko na rin itong nilaro-laro ay umalis na rin ako para pumuntang DA.

I felt my phone vibrated kaya kaagad ko iyong kinapa sa bag kong nilagay ko sa shot gun seat. Nagmamaneho ako papuntag DA at medyo may traffic pa.

Naabutan ako  ng red sign kaya pansamantala akong natigil. Napangiti ako nang makitang mensahe iyon galing kay Zul.

Zul:

Hi, good morning. Na sa DA ka na ba?

Sinulyapan ko muna ang sign bago ako nagtipa ng ire-reply ko kay Zul.

Ako:

Hello, good morning. Papunta pa lang ako. Ikaw, na sa kampo ka ba?

Zul:

Oo. Wala pa akong tulog simula kagabi.

I pouted when I read his message. Now I can imagine his tired and sleepy face as he's complaining and wants to sleep.  Wala sa sariling napangisi ako.

Ako:

Ano gagawin? :p

Zul:

Gusto ko matulog. Tabi ka ulit sa akin.

I rolled my eyes to stop myself from screaming. Kinagat ko ang pang ibabang labi para tigilan ang pag ngisi. Shit ka, Rabbani!

Ako:

Tse! Matulog ka riyan o hindi kaya sa bahay ninyo.

Nang mag green light na ay kaagad na rin akong umusad at nag drive na papuntang DA. Pa sulyap-sulyap pa ako sa cellphone ko para tingnan kung may reply na ba si Zul sa akin.

Pagka dating ko sa DA ay tsaka pa nakapag reply sa akin si Zul. Dumeretso na kaaagad ako sa opisina ko habang napapansin kong isa-isang nagsi iwas ng tingin ang mga tao sa akin dito. Weird.

Zul:

Mas gusto ko roon sa sun lounger mo tapos katabi ka. Ang bango mo kasi, Ma'am.

Hindi ko na napigilan ang sarili na matawa. Dios ko. Napaka clingy naman nitong boyfriend ko. Nang binuksan ko ang pintuan ng silid ko ay kaagad napawi ang kung anong saya at ngiti na tinatamasa ko kani-kanina lang.

Farrah stood up from the couch when she saw me. Iyong matandang Rabbani naman (Ina ni Zul or should I say his grandmother) ay nananatiling naka upo.

I wasn't ready for this. Bakit sila nandito?

Even in my wry composition, I still chose to be calm and natural. Tumikhim ako at marahang yumuko bilang pagbati. Dumeretso na ako sa table ko at nilagay ang bag ko.

"Ano pong kailangan ninyo?" deretso kong tanong sa kanila.

The older woman stood up and faced me---directly looked into my eyes. Her appearance screams so much elegance and power as her hijab slaps you on its quality. Para siyang reyna.

Nanatili namang tahimik si Farrah sa tabi at malamig na nakatingin sa akin.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Hija. Gusto kong putulin mo ang kung ano mang namamagitan sa inyo ni Zul." Lumapit ang mas matandang Rabbani sa akin ng puno nang kumpyansa sa sarili.

Napatingin ako kay Farrah. I was expecting her to butt in pero nanahimik lang ito sa gilid at pinabayaan nalang muna ang manugang. Igting panga akong umiling.

"Ma walang galang na po pero hindi ko 'yan magagawa---"

"Mahal mo ba ang trabahong 'to, Hija?" kunot noong tanong sa akin ng matanda.

My brow creased as a light smirk appeared on my lips. "Kung iniisip n'yo pong ipatanggal ako rito sa DA ay hindi po ako natatakot."

"Really?" halakhak niya pa.

Aaminin ko, natakot ako no'ng sinabi niya 'yon. They are influential, wealthy, and powerful. But as long as I have a little brave lingers on me, I will use it against odds and bloods.

"Sa tingin mo ano ang iisipin ni Zul kapag nalaman niyang...." sinuyod niya ako ng tingin. It's a disgusting and insulting way.

"Mama..." Farrah tried to stop the old woman but she failed. Gulat akong napatingin kay Farrah.

"Hangga't maari, we wan't a woman for Zul that noble, worthy and...virgin. Are you virgin, Hija?"

Umawang ang labi kong napatitig sa matanda. Wala man lang akong nakitang pagsisisi sa mga binitawan niyang mga salita. It's like that's her final perspective about me. Nanikip ang dibdib kong napatitig sa dalawang taong importante sa lalaking mahal na mahal ko.

"A-Ano naman sa inyo ngayon kung hindi?" taas noo kong sinabi.

Farrah glared at me pero hindi ako nagpatinag. The old woman laughed and looked at me more in disgusted way.

"Alam ko pong magkaiba tayo ng paniniwala. Alam kong nakaka proud maging birhen lalo na kung pinaglalaanan mo ito para sa tamang tao. Pero ni minsan ba naisip ninyong hindi perpekto ang mundo gano'n din ang mga tao? If someone decided to lose their virginity to their short time partners, mayroon ding hindi nila ginusto mawala ang pagka birhen nila," nanginginig kong sinabi.

I can feel the beat of my heart like it wanted to go out because of outburst rage. My image of fighting for my life as that bastard dirt me like a pig triggered me. Nangilid kaagad ang mga luha ko.

"Kung virginity lang naman din ang sukatan ni Zul sa isang babae katulad ninyo. Willing po akong ibalik siya sa inyo...ng buong-buo. Ayoko po sa mga mababaw na mga lalaki." Huminga ako ng malalim bago ko iminuwestra ang pintuan. "Maaari na po kayong umalis," mariin kong sinabi sabay palis sa mga luha ko.

The old woman eyes went wide as the anger in her eyes was evident.

"I will set him for another marriage!" Singhal ng Ina ni Zul na para bang ikatakot ko iyon ng buong-buo at magmamakaawa sa kanilang lahat na huwag nilang gawin sa amin ang bagay na 'yon.

"Leave my fucking office, Ma'am. Wala akong pakialam kahit pang ilan ka pa naging Rabbani!" I screamed back.

Taas baba ako tiningnan ng Ina nila habang si Farrah naman ay matalim na lang itong nakatitig sa akin. Padabog pa nilang isinara ang pintuan ng opisina ko kaya ang painting na nasa likod ng pintuan ay nahulog.

I massaged my temple and shut my eyes. Pagod akong napa upo sa swivel chair at inaalala ang nangyari. I've known some married couple na may ibang paniniwala pero hindi naman sila humantong sa ganitong sitwasyon namin ni Zul ngayon.

I know this is not about our different practices and beliefs. It's about their personal reasons that they can't accept that Zul invalidate it. Kung may mga nangyari man noon sa kanila, bakit ba nila ako dinadamay? Wala naman akong kasalanan doon at labas ako ro'n.

Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone at telephone. Napalunok ako nang makitang si Zul ang tumatawag. Ang una kong sinagot ay ang telepono.

"Y-Yes?"

"Pinapatawag na po kayo sa conference room, Ma'am," ani ng kabilang linya.

Shit. Muntik ko pang nakalimutan na may meeting pa pala kami.

"Sige, papunta na ako."

Nilingon ko muli ang cellphone. Hindi ko naabutan ang tawag ni Zul. Mamaya ko nalang siya tatawagan pagkatapos ng meeting. Kaagad kong kinomposa ang sarili at nag freshen up.

Aalis na sana ako nang tumunog muli ang cellphone ko. I thought it was Zul who called me again but it was Mang Kanor.

"Hello po, Mang Kanor..."

"Riri, Hija. Hindi ko alam kung na sa tamamg oras ba ako para mang gulo pero kasi nagkasakit si Pandi at Elias," nag-alalang deklara sa akin ng matanda.

Pandi and Elias are my dogs that I rescued. Kasalukuyan silang na sa pangangalaga ni Mang Kanor sa may maliit na facility ko malapit sa Cathedral Falls.

"K-Kailan lang po 'yan?"

"Kagabi pa, Riri. Hindi kumakain si Pandi at si Elias naman ay nagtatae."

I sighed as I felt bad. Hindi ko na sila nabisita nitong nakaraang buwan. Dagdagan pa noong nadisgrasya si Raki.

"Sige po, Manong. Pupunta ako riyan pagkatapos ng duty ko ngayong araw."

Pagkarating ko sa conference room ay kaagad kong binuksan ang pintuan. Napako ang mata ko sa lalaking prenteng nakaupo sa kabilang mesa habang naka full suited ito. He shifted on his seat when he saw me. Bakit ito nandito?

Wala akong magawa kundi sa kanya tatabi dahil iyong katabing upuan nalang niya ang bakante. Kabado pa ako habang naglalakad palapit sa kanaya dahil ang mga tao rito sa conference ay hindi ako nilulubayan.

"Okay, let's proceed."

"Hello, ganda," bulong ni Zul pagkakaupo ko.

My face immediatalely turned red when he leaned closer just to whisper those. Nilingon ko siya sabay kurot sa hita niya. He chuckled at hinuli ang kamay ko. Damn, mas namula pa ang magkabila kong pisngi dahil parang nangurot ako ng semento!

Babawiin ko sana ang kamay pero pinagsiklop niya ang kamay niya at kamay ko. Shit ka talaga, Zul. Ang landi!

"The Governor wants us to keep an eye to those municipals who dared to sell what's free," seryosong diskusyo ni Key. May dalawa pang oldies na tingin nang tingin sa aming dalawa ni Zul.

"You smells so good, Ma'am," bulong ulit ni Zul sa akin.

Igting panga akong napatitig sa projector sa harapan. Halos hindi ko na makuha ang pinagsasabi ni Key sa harapan because of Zul's words!

"I love your earrings, too. Bagay pala sa 'yo ang silver," komento niya ulit.

Pati pa iyon napansin. I assumed tuloy na sa akin nakatuon ang pansin niya buong oras ng meeting.

"T-Thank you," halos mabilaukan kong sinabi. Hindi ko pa rin siya nilingon.

He chuckled and played my fingers as he hold it tightly.

"Your necklace, too. I love all of them. I love you," bulong niya ulit.

I pressed my lips and turned to him. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na si Mafu pala ang katabi ni Zul sa kabila. Mukha itong hindi humihinga habang paulit-ulit itong umiinom ng tubig.

"T-Thank you," ani ko sa napakaliit na boses.

Nagkatitigan kami ni Zul. Mas nanlaki ang mga mata ko nang mas lumapit siya sa akin and  sniffed my neck swiftly. Parang nanigas ako sa kinauupuan ko habang ang puso ko ay patuloy na kumakalabog.

I heard Mafu cleared his throat and looked at me. Para bang nagmamakaawang tigilan na namin ang paglalandian namin ni Zul. Iyong nandito rin sa conference room ay pilit binabalewala ang pinanggagawa ni Zul.

It's like they can't give Zul a words lalo na kung tungkol sa akin.

"I am sleepy," reklamo ni Zul sabay sandal niya sa balikat ko.

Tikom bibig kong tiningnan ang mga tao rito sa loob. Kahit si Key na nag diskusyo sa harapan ay tumitingin na sa gawi ko na para bang nagpipigil ng ngiti. Iyong iba naman ay na b-bother na.

Nilingon ko si Zul. Ngayon ko lang siya natitigan ng matagal. He looks so tired and sleepy again. I smiled at him.

"You can sleep later in my office," bulong ko rin sa kanya.

He smirked and squeezed my hand for a moment. Buti nalang at hanggang doon nalang ang paglalandian namin kung hindi mapipilitan siguro si Mafu na batuhin ako ng ballpen.

Seryoso na ngayon nakikinig si Zul sa harapan. Ngumuso akong napatingin sa kamay namin na nakapatong sa hita niya. Alam kong hindi ganoong klaseng tao si Zul katulad noong isinumbat sa akin ng Ina niya.

I know, I didn't love a wrong man.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro