Kabanata 31
Dream
Parang lahat ng mga sinasabi ni Tita Sittie ay pa lutang-lutang lang sa saang parte ng utak ko. Habang nakikinig ako sa mga kuwento niya ay mas lalo akong naniwala na wala siyang kinalaman sa issue.
"Oh, you should meet my mother. Nandito na siya!" Aniya sabay hawak sa braso ko para sabay kaming tumayo.
Kaagad kong pinalis ang luha. Tumayo ako at humarap na rin. Dumapo ang tingin ko sa matandang elegante. She's wearing a Hijab. A Hijab that there's a bit diamonds on it. Hindi pa kasama ang iilang alahas na nakasabit sa magkabila niyang tainga.
Katabi nito ay si Farah and besides Farah was Zandra. Zandra's aura was sweet and friendly as she was greeted also the other visitors. Pero nang magtama ang mga mata namin ay kaagad iyong naglaho.
Ganoon din ang Mama ni Zul. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang tingin niya sa akin.
Nang makalapit kami ni Tita Sittie sa kanila ay tatlong pares na mga mata ang kaagad ang sumalubong sa akin na puno ng pang mamaliit at pang-iinsulto.
"Ina, meet Dorothy. Iyong anak---" Masaya sanang pakilala ni Tita Sittie sa Mama niya ngunit pinutol siya nito.
"Zul's mistress?" taas kilay nitong sinabi na may halong pandidiri.
Parang tumakas kaagad ang kaluluwa ko sa narinig. Inawang ko ang labi nang naramdaman kong nanikip ang dibdib ko. Tita Sittie frozed when she looked at me. Kaagad siyang umiling.
"Ina, ano po bang pinagsasabi mo? She's---"
"I know how you dear this woman, Sittie. You don't have to defend her dahil iyon ang totoo," malamig niyang putol sa anak.
Nang ibinaling niya ang tingin sa akin ay kulang nalang umatras ako. I saw Zandra's smirked with Zul's mother evil and insulting stares.
"Hija, baka inakala mo na puwede kang maging second wife ni Zul just because Muslim men allowed to marry one to four wives. Mind you, Hija. 'Tsaka lang kapag pumayag ang first wife which is si Zandra."
"Ina---" Tita Sittie tried to defend me.
"Hindi po ako pumapayag, Ina," Zandra proudly uttered.
I gritted my teeth as I felt my eyes was watering. No, Dorothy. You can't just fucking cry. Trust Zul. Siya iyong nagsasabi ng totoo dito. Damn it!
"See? You are seeing my grandchild, Hija. Ano ba ang puwede kong itawag sa 'yo? Hindi ba ay kabit?" The old hag added.
Napalunok ako. Shit. Gusto ko nang umuwi.
"Hindi ka talaga nadala?" Farah butt in.
"Stop ruining my night, please. Huwag ninyong bastusin si Dorothy," may diing sinabi ni Tita Sittie.
"Sinong binabastos?" Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko sa narinig.
"Z-Zul, anak!" Kaagad nilapitan ni Farah ang anak.
"Let's go, Dorothy." Hinawakan ni Zul ang kamay ko sabay hila at hindi pinansin ang Mama niya.
"Zul Qurnain Rabbani!" ani ng isang matandang lalaking parang kulog ang boses.
Natahimik ang kabuuan ng Mansion as the visitors attention went to us. Parang gusto ko na lang tumakbo nang tumakbo paalis sa lugar na ito. Pero ayoko rin namang iwan si Zul dito at mag-isang ayusin at harapin ang gulong sangkot ako.
"This is not how you should act infront of your wife," galit na bungad sa amin ng lalaking matanda. I assumed this is Tita Sittie's father. Zul's grandfather.
"My wife is the one I am holding right now, Ama," Zul coldly uttered and tightened his hold on me.
"This is not how Islam works, Zul! Kung gusto mong mag-asawa ulit, let your first wife know! Hindi itong nambibigla ka at umaastang bastos!"
"Z-Zul...." nanginginig kong tingala sa kanya.
Galit na tiningnan ni Zul si Zandra. Umiiyak na ito ngayon at wala na ang tapang niya kaninang pinagmamalaki.
"Anong sinabi mo sa pamilya ko, Zandra?" may bahid na galit nang ibaling ni Zul ang tingin kay Zandra.
Napatingin ang lahat sa kanya. Nakayuko na ito at hindi na alam ang gagawin.
"We already agreed to this, Zandra. Ang sabi mo sa akin you will help me to get Dorothy back. I listened to every advices you gave! You said fake marriage will work to make her jealous so I agreed!" Zul voice thundered.
His Ina's eyes widened as her jaw dropped. Nang nilingon niya si Zandra ay puno na ito ng dismasya sa mukha.
"Before Mama and Papa arranged me, you rescued me and I thanked you for that. Alam mo una pa lang, Zandra. I trusted you!" Sigaw ni Zul sabay turo kay Zandra.
My eyes widened also. Humahagulhol na sa iyak si Zandra.
"I listened because you are my best friend. We are best friends. Hindi ko alam may hidden agenda ka pala..." Zul said mericilessly.
"Zandra, totoo ba 'to?!" Their Ina interrupted. Kulang nalang sampalin niya si Zandra dahil sa galit ngayon sa kanyang mga mata.
"I-Ina..." Farah defended.
"Alam mo 'to, Mama? You played along with Zandra?" hindi makapaniwalang baling ni Zul sa Mama niya.
Napalunok si Farah sa sinabi ng anak. Naramdaman kong namamahid na ang kamay ko pero sa tingin ko ito lang ang natatangi kong magawa para sa sitwasyon namin ngayon.
"Z-Zul, I just loved you. Not just a friend but as a man I wanted to be with. Nagawa ko lang naman iyon dahil mahal kita! Mahal na mahal kita!" Zandra said desperately.
Zul shooked his head na lalong ikinabuhos naman ng iyak ni Zandra.
"Ikaw, Tita Sittie paano mo nagawa sa akin ang magsinungaling?" pagod at galit na baling ni Zul kay Tita.
"Watch whom you are talking, Zul," banta ni Tito Fawaz.
Laglag pangang napatingin si Tita Sittie sa aming dalawa. Pumatak ang mga luha ko nang makitang umiiyak si Tita Sittie. I shook my head. Gusto ko siyang yakapin.
"Zul? What do you mean!?" Paos na singhal ni Tita Sittie kay Zul.
"P-Please, Zul," nanginginig kong tawag sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang galit ngayon sa kanya. Parang mababali na ang mga daliri ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ah, iyan ba iyong mga sulat?" sabat ng isang babaeng nakapamulsang naglakad pababa sa engrandeng hagdanan.
Sabay kaming napatingin sa kanya. It's her! Iyong babaeng kasama ni Raki noong araw na nasagasaan ito!
"Shut up!" galit na singhal ni Farah sa babae.
"Zul, it's Jahara's hand written. Alam kasi ng nanay mo na parehas ng sulat kamay si Jahara at Tita Sittie kaya inutusan niya ang walang muwang kong kapatid. Or should I say, she blackmailed her?" she said nonchalantly.
"A-Ano?" galit na ring utas ni Tita Sittie sa Mama ni Zul.
Fuck. I can't just imagine na nagkakagulo na kami rito ngayon dahil sa aming dalawa. Nang tiningala ko si Zul ay isa-isa na niyang tinitingnan ang pamilya niya. His eyes was burning of anger because of anger and disappointment. His stares says it all.
"A-Ate Farah, I can't believed you played us! Dahil ba 'to kay Kuya Aqil na mahal pa hanggang ngayon ang nanay ng minamahal ni Zul!?" Tita Sittie said hysterically.
"W-What? No! I just can't accept that Zul will be hers! I want Zandra to be his!" Depensa niya pa.
"Let's go, Dorothy. Umalis na tayo rito." Zul dragged me softly as we walked out. Narinig ko pa ang pagtatalo niya at ang iilang bulungan ng mga bisita.
"You are also using Zandra for your own good! Gusto mong gawing miserable ang batang 'yon tulad noong ginawa mo sa nanay niya!" Tita Sittie.
"Don't come back here without marrying Dorothy, Zul!" sigaw ni Tita Sittie bago kami tuluyang makabalas ng bahay.
Tahimik kaming na sa biyahe habang si Zul naman ay seryosong nagmamaneho. Tinatahak namin ang daan pauwi sa amin and I am not complaining. Hindi ko alam kung mas mainam ngang umuwi na kami ng ganito ka aga dahil alam kong magtataka si Mama o magpapalipas nalang muna sa kung saan.
Nang na sa harapan na kami ng gate namin ay kaagad bumaba si Zul para pagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya. Napalunok ako nang makitang galit pa rin siya hanggang ngayon.
"Magpahinga ka na. I'll call you," aniya. Hinawakan niya ang kamay ko at siya na mismo ang nag akay sa akin palapit sa gate. He pressed the door bell as we both waited to open it.
"I-Ikaw?" I asked worriedly.
"Ako na ang bahala sa lahat. Leave this alone on me," he assured and kissed my forehead.
Nang bumukas ang gate ay lumagpas ang tingin ni Zul. He greeted Manang politely and get back on me. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nakatingala pa rin ako sa kaya habang maigi ko siyang tinitigan.
"Hahanapin ko muna si Jahara para kausapin," seryosong sambit niya. "I need to talk all of them so that I can marry you in peace. Leave this on me, Commander. Are we clear?" he said breathily.
I bowed my head as I nodded.
"Good. Now get in," he whispered and kissed my forehead again.
Hindi naman nagtataka si Mama nang makita niya akong maagang umuwi. Bago pa lang nag nine pm. I just told her that the celebration ends early kaya maaga rin akong nauwi.
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko at naghihintay sa tawag ni Zul. Ang sabi niya kasi ay tatawagan niya ako pero pasado alas dose na pero wala pa rin itong tawag hanggang ngayon.
Nang tumunog ang cellphone ko ay kaagad ko iyong pinulot. Nanlamig ako nang makitang may mensahe na naman galing sa numerong palaging nagpapadala sa akin ng mga kritikal na mensahe.
Unknown number:
You think you won? I am not yet done.
"Good morning, Ma'am. May bisita po kayo." Nakadungaw si Key sa pintuan ko habang naghihintay ito sa magiging sagot ko.
Marahan kong ikiniling ang ulo para mawala ang antok. "P-Papasukin mo," sagot ko sabay hilot sa sentido.
"Dorothy!" Tili ni Ashley pagkapasok niya.
Sinapo ko ang mukha at nagbuntong hiningang isinandal muli ang sarili sa swivel chair. I hope this girl will help me not to sleep. Pero parang mas pa sasakitin yata ang ulo ko.
"Kakauwi ko lang kahapon. Gusto kitang sorpresahin!"
"Na sorpresa nga ako," inaantok kong sagot.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka high waisted shorts ito at cami black top. Ang buhok nito ay blonde na ani mo'y sinong amerikana na nasulsulang bumisita sa Pilipinas!
"Ayokong papa huli sa balita, ano! Ano itong kumakakalat na kayo raw ni Zul? At what the fuck, kinabit ka raw?!"
Ngayon dalawang kamay ko na ang ginamit sa magkabila kong sentido. Parang mas mabuti yata iyong sinabi ko sa kanya ng pa unti-unti noon kaysa itong naiipon ang lahat ang sasabihin ko sa kan'ya.
"Hindi. And yes, he is my boyfriend," sagot ko sa maliit na boses.
Nanlaki ang mga mata niya. May pa tutop pa siya sa bibig niya gamit ang isang kamay. Nang maka recover siya sa ka artehan niya ay tumili na naman siya.
"Ano? Bakit? Bakit nila nasabi na kinabit ka raw?"
Wala akong choice kung 'di sabihin sa kanya ang lahat. Maliban nalang sa ako mismo ang nag initiate na halikan si Zul.
"Gara! Naku, mas malala pa pala ang saltik ng Zandrang 'yon kaysa kay Tiffany! Dios ko, siraulo ang bobo!" Naiiritang sambit ni Ashley.
"Siya itong nag-alok na tutulungan niya si Zul sa 'yo tapos may binabalak pala. Nagpapabango ba naman sa mga Rabbani at Suldaha. Bobo talaga."
Hindi na ma tapos-tapos ang mga side comments ni Ashley tungkol sa relasyon namin ni Zul. Kung hindi pa dumating si Maia at Mafu ay hindi pa natigil. Kaagad na rin itong nagpaalam nang may tumawag sa kanya pero hindi nakaligtas sa akin ang diing irap na pinakawalan niya kay Mafu.
"Ate, na finalize na po namin ang lahat. Tuloy na tuloy na po ang construction. Hindi ba, Kuya?" baling ni Maia sa kapatid na ngayon ay tulala na.
"H-Huh?" lutang na sagot sa amin ni Mafu.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Nang makuha niya ang ibig kong sabihin ay kaagad niya akong sinamaan ng tingin. Ayaw niyang malaman kapatid niyang may gusto siya sa kaibigan ko, huh?
"Iyong sa extended land. Naging sabaw ka yata?" walang ka ide-ideyang tanong ng kapatid.
Inilingan niya lang ito. "Wala. About the construction, tuloy-tuloy na 'yon. Malaki ang naipong donations. Hindi na magkaka shortage sa mga materyales at tao. Tulad ng gusto mo, gusto mong matapos na kaagad kaya dinagdagan ko pa ng mga tao," kaagad niyang bawi.
I nodded. Biglang sumagi sa isipan ko ang tawag kanina ni Andrew. Kababalik lang daw niya galing Dubai. We haven't talk and communicate that much dahil parehas kaming busy. And I don't think it's necessary to tell him that I am now with Zul dahil I already cut him off since that night.
He talked to me in a very friendly but casual way. Gusto niya raw bumawi. I wonder kung saan? Sa pag disrespect and invalidate niya ba sa akin noon? I shook my head. Ngayon niya pa talagang naisipang mang gulo kung kailan gulo na ako.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na tawag o text galing kay Zul. Alalang-alala na ako sa kanya. Napadpad ako sa mensaheng hindi ko magawang i block.
It's saturday. Dapat nag m-me ato ngayon at mag relax pero hindi ko magawa. I'ven been thinking and worried to Zul. Na sa sun lounger ako kaharap ang mid size na pool area namin. Pasado alas otso pa lang ng umaga pero sobrang taas na ng araw.
Tumayo ako at inayos ang payong nang tumatakbo palapit sa akin si Inday.
"Ma'am, may bisita po kayo," namumula ang pisngi nitong sinabi. Kunot noo naman akong napatitig sa kanya.
"Huh? Sino?" Kahit may ideya na ako kung sino ay ayokong paasahin ang sarili.
"Missed me?" a low baritone spoke behind me.
Inday squealed and pushed me to Zul. Nilingon ko siya sabay sama ng tingin sa kanya pero nag peace sign lang ito sa akin.
Nang ibinalik ko ulit kay Zul ay naka angat na ang sulok ng labi nitong nakatitig sa akin. His masculinity and huge physical attribute were the reason why Inday looks like a tomato earlier. Back off, Inday.
I pressed my lips together nang napansin kong may dala pala siyang isang boqouet ng white tulips. Kaagad kong tinakbo ang distansya namin at niyakap siya ng mahigpit.
"I missed you so much," naiiyak kong sambit.
He closed his arms as his embraces bring so much comfort on me. "I haven't sleep much thinking of you. Nagtitiis muna ano sa mga oras na 'yon para nandito ako ngayon sa iyo at mahagkan ka," he said in a croaked voice.
Umupo kaming dalawa sa sun lounger at tahimik namang umalis si Inday. Mabuti naman. Nilingon ko si Zul. He looks so tired but his strict and handsomeness still the one you'll noticed.
Nilapag ko sa table ang white tulips katabi sa orange juice ko.
Gusto ko man siyang tanungin kung kamusta na ba iyong nangyari pero parang hindi ito ang tamang oras para tanungin siya. Mukha itong puyat na puyat at pagod.
"Gusto mo bang matulog?" I asked him.
Medyo na ba-bothered pa ako sa sinosout ko dahil naka mint green racer back lang ako at puting shorts.
Hindi siya umiling pero hindi naman siya tumango. Ngumuso ako.
"Malaki ang sun lounger. Tatabihan kita matulog. Mukhang pagod ka at walang sapat na tulog," I added.
A ghost smile appeared on his lips. Dahan-dahan naman siyang tumango. Namula ang magkabila kong pisngi as my heart pounded so fast when he snaked his arms around my waist as we both fell to lie down.
Malambot ang sun lounger ko rito dahil nilagyan ko ng mattress at isang malaking unan sa uluhan. Nakaharap ako sa kanya habang siya naman ay pinikit na ang mga mata.
"Hindi ba ako ipapatapon ni Tita kapag nakita niya tayo na nasa ganitong ayos?" he murmured sleepily.
Tumawa ako. I was right. He's tired and sleepy. "Baka nga pero hihintayin ka muna niyang magising," nakangisi kong sagot.
He groaned and chuckled as he tightened his hugs on me. "Mahal na mahal kita. Matutulog akong mahal ka at gigising akong mahal ka at mamahalin ka. I wanted to tell you that you are a dream that I never mind repeteadly played in every naps and sleeps I take, baby..." bulong niya bago siya tuluyang nakatulog.
Parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko as I lovingly stared at him.
"A-And you are a nightmare I bravely want to be repeated in my dreams as long as we are there---together," I shakily reponse. Hindi ko alam kung narinig niya pa ba ako pero naramdaman kong mas hinigpitan niya ang mga hawak niya sa akin.
Habang nasa ganoon kaming kalagayan ay unti-unti na rin akong nahila ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro