Kabanata 3
Flatter
"Napapadalas na yata ang pagsasama n'yo ni Zul, Riri?" humahagikhik na sinabi ni Ashley.
P.E namin ngayon at nasa quadrangle kami; ang STEM din ay P.E din nila kaya nagtagpo kaming dalawa ni Ashley dito. Pagkakita niya sa akin kanina ay kaagad niya akong nilapitan.
"He's just friendly," irap ko sa kanya. "Kilala siya ni mama at papa at gusto rin nilang maging magkaibigan kami.." kibit balikat kong sinabi.
"Friendly? Kailan lang naging friendly si Zul sa mga babae?"
I shrugged again.
Pinanliitan naman niya ako ng mga mata na tila hindi kumbinsido sa naging sagot ko. Every class dismissal ay palagi nang naka abang si Zul sa akin sa labas ng campus kung saan naka park ang motor ko.
Palagi nalang nakiki-angkas sa akin. Kapag tinatanong ko naman kung bakit hindi siya nagpapa sundo sa mga driver nila ay tinatawanan lang niya ako.
Mabait naman siya kahit madalas siyang nakakairita dahil ang lakas niyang mang-asar sa akin. I even threatened na ibangga ko ang motor kapag ayaw niya akong tigilan pero ang siraulo mas inasar pa ako lalo.
We are doing stretching at kanina pa sinisita ng mga kaklase ko si Ashley na pabalikin na raw ito sa puwesto nila. Iniirapan lang niya ang mga ito at hindi na pinapansin. Mabuti nalang talaga at wala ang mga instructors namin kaya napabayaan nalang ang mga estudyante rito na mag kanya-kanya nalang.
Siniko ako ni Ashley sabay nguso sa kung saan. Kunot noo ko namang sinundan ang direksyon na inginuso niya. I saw Zul and and his classmates heading to the laboratory room. My brows slowly creasing because of what I saw.
Sa left side ng quadrangle malapit lang sa iilang benches kami nakatayo tapos may mga iilang naghilerang mga bulaklak tapos room na ng laboratory. Hindi mahirap tingnan ang mga estudyanteng labas-pasok sa lab. dahil glass ang kabuunan ng room.
Wala pang ilang minuto ng may pumasok din doon na mga Educ. students. Pagkapasok nila roon ay halatang nasisiyahan ang mga criminology students. I scoffed when I saw Zul friends tapped him when the queen of school entered.
Hindi ko siya kilala pero madalas siyang pantasya ng mga kalalakihan. Sa pagkakaalam ko, she is a half german kaya maganda. Her wavy hair bounced when she tilted her head as her friends teased her.
"Not bad, huh?" untag ni Ashley.
Tumikhim ako at inayos ang sintas ng sapatos ko. Maganda siya kasi marunong na siyang mag-ayos. Her body was very matured as her big boobs also gives her body more appeal. Matangkad din ito at sobrang puti.
Pa simple kong sinuri ang sarili. Madaming nagsabi na kamukha ko raw si Lily Collins. I have a deep set of eyes, arch and not so thick brows, long black hair, narrow nose, thin lips, rosy cheek and a paper white skin.
Baduy lang siguro ako manamit. I am a fitted jeans and t-shirt type of girl tapos palaging naka sneakers. Maliban nalang siguro kapag nakuha na namin ang uniform namin kasi pencil ang skirt namin tapos medyo fit pa ang blouse. In that way, I'll get a typa mature self...sort of...atleast.
At bakit ko naman iyon naisip?
"Kanina pa tayo nag s-stretching dito. Mamaya pa ba ang laro?"
Napabaling ang tingin ko sa class president namin. Hindi ko alam na may play kami. Ang alam ko lang ay mag p-perform kami ng mga basic stretching dito.
"Walang binilin si Sir, e. Baka hindi na matuloy? Ginamit kasi ang gym," sagot naman ng vice namin.
"Look..." siko ulit ni Ashely sa akin.
Nakita kong tinutukso na si Zul at ang babae ng mga kaibigan niya. Tumatawa na rin siya at iniilingan lang ang mga kaibigan. The girl looks so happy about their situation, huh?
May dala na silang beaker at may kung anong mga liquids solutions doon. Seryosong ginagawa ni Zul ang kan'ya kahit pa minsan-minsan ay umaangat ang sulok ng kanyang labi kapag tinutukso siya ng mga kaibigan niya.
Natigil sa pagtatawanan ang mga kaibigan niya nang nakangiting lumapit sa kanya ang babae. Inipit pa niya ang buhok sa magkabilang tainga as she spoke in a girly gesture to Zul.
Para siyang nagpapa turo kung anong tamang measurement ba ang dapat na ilalagay sa beakers. Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ko nang mabuti ang babae. Medyo nakayuko si Zul nang nilapitan siya ng babae.
Wow, ha? Halos imudmod niya pa si Zul sa hinaharap niya dahil mas dumikit pa siya para mas lalong maintindihan ang kung anong ini-instruct ni Zul sa kanya.
Nasaan ba ang instructor nila? Hindi ba ay dapat doon siya nagtatanong?
Tumawa si Ashley nang mapansin niya sigurong kanina pa ako nakatingin sa laboratory room. "Alam mo ba na nagpa picture sa kanya si Zul noong interhigh?"
I didn't move. Nanatili ang mata ko sa babae at kay Zul. I sighed at iniwas na ang tingin. Ano naman ngayon?
"Hindi. Bakit ko naman aalamin?"
Mas humagalpak na ito sa tawa at hindi na ako kinulit. Nang dumating na ang instructors namin ay bumalik na si Ashley sa kanila.
I can't blame those girls who admired Zul. He has everything. From looks, he is academically good, and wealthy. Lahat gagawin nila para lang mapansin ng isang Zul Qurnain Rabbani.
And that girl is not an exception eventhough she has everything too. Nagpapansin pa rin siya.
Naglakad na kami pabalik sa room habang hindi matanggal sa isipan ko ang nasaksihan kanina. Humahalukipkip ako habang nagpatuloy sa paglalakad. Pantasya ng mga lalaki ang babaeng 'yon, posible kayang gusto rin iyon ni Zul?
"What the fuck?" lutong na mura ang pumukaw sa akin nang may nabunggo ako.
Nalaglag ang iilan niyang dalang gamit at nabasag pa ang scientific calculator niyang dala. I hurriedly picked his things and handed it to him.
Kung hindi ako nagkakamali, mga taga Business Administration itong nasa harapan ko ngayon at iyong mas matangkad sa kanila ang nabunggo ko. He still looked at me angrily but there's something in his eyes that I can't tell.
"S-Sorry...medyo mainit kasi sa field at kakatapos lang ng P.E namin.." I tried to reasoned out.
Nakakunot pa rin ang noo niya at sinenyasan na niya ang mga kaklase na mauna na. Sa opposite nitong dinadaanan ko paakyat sa floor namin ay library kaya I assumed na sa library ang punta ng lalaking 'to.
"You broke my scientific calculator..." he said coldy.
Hindi niya tinanggap ang hawak-hawak kong scientific calculator niya. I gulped. Wala akong scientific calculator pero alam kong si Ashley meron dahil STEM student siya. Baka puwede muna akong makahiram.
"M-Meron ako...u-uhm.."
He cleared his throat. "Never mind. Umakyat ka na."
Kinuha niya ang calculator sa kamay ko at naglakad na ito papunta sa library. I pressed my lips and tilted my head to see him. Nakita kong nagbabagal siya sa paglalakad habang sinusuri niya ang basag na na calculator.
Bibili nalang siguro ako ng pamalit doon tapos hahanapin ko siya sa Business department.
Biernes ngayon at kakatapos lang ng exam namin. Nakahinga na ako ng maluwag at pumangalumbaba ako sa inuupuan ko. Iyong mga kaklase ko ay todo plano kung anong gagawin nila sa sabado as a reward kuno sa sarili nila. Kailangan daw nilang bumawi sa pag gala dahil sa exam naming nakaka drain.
"Kahapon daw may nakakita na naman sa madre!"
Napatuwid ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang mga kaklase kong nag-uusap tungkol doon. Nanindig na naman ang balahibo ko nang maalala ko na naman iyong nangyari sa akin. Hindi naman iyon nagpakita sa akin non pero I think iyon 'yong madre.
"Nakakatakot!" dugtong pa nila.
Sabado. Gusto ko sanang gumala sa bukid kasama si Raki kaso ayaw akong payagan ni papa. May mga addicts pa kasing hindi naibalik sa facility kaya hindi muna ako puwedeng gumala roon.
Ashley chatted me na mag hang out daw kami sa kanila kasama ang iilan niyang mga pinsan. Mga kaibigan ko naman sila kaya agad na rin akong nagpaalam kay mama at papa para magtungo sa bahay ng mga Bartolome.
Alas onse ako nakarating sa kanila. Pinagbuksan ako ng isang kasamabahay at iginiya ako sa isang side yard nila Ashely kung saan may nakita akong usok na sa tingin ko ay may nag-iihaw.
Pagkakita nila sa akin ay kaagad nila akong tinawag. I was just wearing my casual get up everytime gumagala ako rito kina Ashley. A white short and a peach racerback. Naka high pony rin ang buhok ko dahil CRF ni papa ang dala kong motor. Mabilis kasi ang takbo ng motor kaya I pony tailed my long black hair.
"Lily Collins ng pinas is here!" Khalil whistled.
Inilingan ko lang siya at umupo na sa bakanteng upuan malapit kay Daphne na tahimik na nagbabasa ng kan'yang libro. Nang naramdaman niyang may umupo sa tabi niya ay kunot noo itong bumaling sa akin. She smiled shyly when our eyes met.
"Ganda mo talaga, Riri..." Audrey said.
Ashley's cousins are like my fans. Isali mo pa ang kuya niya na kung makapuri sa akin ay parang wala nang bukas. Luminga-linga ako. Hindi ko nga ito nakita rito.
"Si Ashley?" tanong ko sa kanila nang mapansin kong wala ang kaibigan dito.
"Nasa loob sila ni Gwen para kunin pa ang mga kakailanganin dito."
Sobrang dami ko nang nakain pero heto pa rin si Ashley, bigay nang bigay sa akin ng mga kung ano-ano. May graham cake pa siyang pinakain sa akin kanina tapos ngayon naman ay apple pie na gawa raw ni Gwen.
"Siguro may boyfriend na itong si Riri," hagikhik ni Gwen.
Ashely shook her head as she's drinking an in can coke. Inilapag niya ang hawak na coke sabay baling sa akin tapos sa pinsan niya.
"Maraming may gusto nito na mga classmates ko pero ako na ang bumabasted!"
Natatawa akong bumaling sa kanya. Pinagsasabi ng bababeng 'to? Wala naman akong alam na may nagkakagusto sa akin personally.
Minsan kapag may nagsasabi iniiisip ko lang na trippings kasi kalaunan bigla nalang iba na naman ang gusto noong nagsabi na gusto nila ako. Sinong hindi mag-iisip na trippings lang mga confessions nila sa akin?
"Huh, bakit?" natatawang sinabi ni Audrey.
"Hindi sila bagay kay Riri, 'no! Mga dugyot!"
Naghagalpakan kami sa tawa pagkasabi no'n ni Ashley.
We are in the middle of our great time when I saw Ashton entered the house and he is not alone. He's with Zul and other two men. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong iniwas ang tingin.
Dinampot ko ang kakabukas ko pa lang na coke at kaagad uminom doon. Ashton saw me kaya kaagad siyang lumapit habang nakangisi na ito sa akin. Zul cooly walking at his back and didn't leave his eyes on me. What?
"May celebrity pala kayong kasama rito?" Ashton smirked.
Inirapan ko siya at nagsimula na naman silang mag-ingay.
"Hindi ba Khalil ay crush mo itong si Riri?" Ashton teased.
Khalil cursed him as his face slowly turned red. Alam ko 'yon dahil matagal na akong sinabihan noon ni Ashley. Pero hindi naman niya sinabi sa akin na crush niya ako kaya hindi ko pinaniwalaan ang kaibigan. But seeing his reaction because of what Ashton said made me realized that Ashley was telling the truth.
"Bata pa si Riri..." Daphne murmured.
"Anong bata? Riri will turned eighteen next school year. For sure mas marami pa ang maghahabol sa 'yo," ani Audrey na sinang-ayunan naman nila.
Maliban sa isa rito.
Inangat ko ang tingin sa kanya. Tahimik na itong nakaupo katabi ni Ashton at dalawa pang lalaki na hindi ko kilala. Nang magtagpo ang mga mata namin ay kaagad kong iniwas ang tingin.
Hindi ko alam pero naiirita talaga ako sa tuwing naaala ako ang moment nilang dalawa ni Tifanny sa laboratory room ( nalaman ko lang din ang pangalan no'ng babae dahil inin stalk ba naman ni Ashley).
Why Zul act so nice and gentle to that girl samantalang sa akin ay pulos pam b-bwesit at pang-aasar lang ang ginagawa sa akin? Is it because he likes that girl? Tinatanong pa ba 'yan, Dorothy?
Lunes na na naman at heto na naman ang araw na tamad na tamad akong kumilos. Nagising ako sa kahol ni Raki at kanina pa pala niya ako pinabangon. Nang nakabangon na ako ay binuksan ko ang pintuan para makalabas na si Raki.
Nakuha ko na pala ang uniform ko kahapon sa botique kaya mag u-uniform ako ngayon. Mabuti nalang at dalawa ang options ng uniform namin. Puwedeng pencil skirt at slacks. Kung pencil skirt kasi ay hindi ako makapag drive kaya mag s-slacks ako.
Pero sa ngayon ay mag p-pencil ako kasi hindi pa tapos iyong slacks na pinapatahi ko. Si Papa na pala ang maghahatid sa akin. Nauna na niyang naihatid si mama sa skwela at binalikan na lang niya ako rito.
"Bakit hindi na nadalaw sa atin si Zul, Rir?" tanong ni Papa pagkababa ko sa motor.
Kamot batok akong tumingin kay papa. Binigay ko sa kanya ang sinout ko na helmet pagka hubad ko.
"May pinagkaka abahalan lang yata siya..."
"Ganoon ba? Sabihin mo kung wala na siyang ginagawa ay puwede siyang bumisita sa atin."
Kung alam mo lang, pa. Nagkakamao kong isagot sana. I nodded and kissed his cheek as my good bye. Pagkapasok ko sa campus ay nagulat ako nang makita ko si Zul na parang may hinihintay.
I stunned when I saw him with his clean and complete uniform. A dark blue crim. top and super white pants. Mas lalo siyang gumwapo sa sout niyang 'to.
I cleared my throat and nodded a bit on him. Nilagpasan ko na siya at nagpatuloy na sa paglalakad habang ang puso ko ay unti-unti ring nagwawala.
"Nagdala ka ba ng motor?" untag niya sa likuran ko.
Parang bumigat ang mga hakbang ko nang maramdaman ko siyang nakasunod sa likuran ko. I shook my head without looking at him.
"Nag commute ka?" mas malapit na sa akin ang boses niya.
Umiling ulit ako. Haharapin ko na sana siya nang makita ko si Tiffany na dali-daling naglakad sa direksyon namin. Hindi pa nakaligtas sa akin ang bahagya niyang pag irap sa akin bago dinapo ang mga mata sa lalaking nasa likuran ko.
"Good morning! Sabay na tayo?" malambing na sinabi ni Tiffany kay Zul.
I gulped at mas lalong nilakihan ang mga hakbang papunta sa room. Dala ko na rin pala ang calculator na binili ko kahapon para doon sa lalaking natag BA.
Pagkarating ko sa room ay kaagad kong nilapag ang bag at umupo na sa upuan ko. Shit this. Dati naman parang wala lang sa akin ang presensya niya, a? Wala nga akong pakialam kung palagi nalang kaming mag-aasaran. But why the hell I am acting weird here?
Nang recess na ay kinuha ko na ang scientific calculator. Sinuklay ko na rin ang medyo gulo kong buhok at naglagay na rin ng kaunting pulbo sa mukha. When I was satisfied to my own looks ay bumaba na ako para pumunta sa BA building.
Kabado akong naglalakad sa hallway. Inayos ko ang blouse at skirt ko at pa minsan-minsang yumu-yuko kapag may tumitingin sa akin na mga college student.
Napamura pa ako nang napagtanto ko na madadaanan ko ang building ng criminilogy bago ako makarating sa BA. Ang tahip ng dibdib ko nang may dalawang blocks na akong nadaanan na mga crim. students ay parang aabot na sa tuhod ko.
Mabuti nalang at itim na pump shoes lang ang sout ko hindi at may heels kundi kanina pa ako natalisod dito dahil sa kaba.
Mas lalo akong kinabahan ng makita ako ng isa sa mga kaibigan ni Zul. Pumasok ito sa room pagkakita sa akin. Nang madaanan ko na ito ay halos mapa atras ako nang biglang lumabas si Zul sa pintuan.
He raised his brows and twitched his lips for a light smirk. Bumaba ang tingin niya sa hawak-hawak kong scientific calculator.
"Saan ka pupunta?"
"Sa BA..." sagot ko sabay sulyap sa mga kaibigan niyang grabe kung makatitig sa akin.
"Anong gagawin mo doon?" humahalukipkip niyang tanong.
"Ibibigay ko lang 'to," sabay pakita ko calculator.
Kunot noo niya akong tiningnan. Binaba niya ang mga kamay at nakapamulsang naglakad palapit sa akin.
"Kanino?"
"Wala ka na roon," irap ko sa kan'ya at nilagpasan na siya.
I heard his friends violent reactions. Pababa na ako sa hagdanan para makapunta na sa kabilang building ng naramdaman kong may presensyang sumunod sa akin.
"Saan ka, pre?" natatawang tanong ng kung sino.
"Dito...may babakuran lang," halakhak niya.
Uminit ang buong mukha ko sa sinabi niyang 'yon. You have your ways to flatter girls, huh Zul Qurnain Rabbani? And I am your really target? Umiling ako. Hindi ako magpapadala sa 'yo, playboy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro