Kabanata 26
Slow
Laking pasasalamat ko nang hindi ako dinapuan ng lagnat pagkatapos naming magpa ulan ni Zul kahapon. May importanteng meeting pa naman akong kailangan daluhan ngayon kasama ang iilang importanteng tao sa DA.
Wala sa sariling napatitig ako sa picture frame namin ni Raki. Umiling ako sabay pagak na natawa nang biglang sumagi sa isipan ko ang Mama ni Zul.
Totoo pala talagang generic people do exist. People like them think of you highly in things you cannot control. At kung hindi mo magawa ang bagay na hindi mo naman pamilyar at gamay ay ma di-disappoint sila sa 'yo that leads them to hate you. Parang responsibilidad mo pa kung ano ang mga iniisip nila tungkol sa 'yo at kung anong dapat mong gagawin sa buhay kahit wala naman silang magandang naidulot sa buhay mo.
In terms of religion, some religious people think what they did is right and what the others do doesn't. What kind of mindset is this? We are aware that in this world, people has different beliefs and religion. Not because you dress appropriately, doesn't mean you'll be saved. Not because you didn't drink, smoke, and party, doesn't mean you'll be saved.
It's about spiritually, humanity, respect, faith, and by believing in Him. As long as I have all of those then I am good.
Ganito lang kasi 'yan.
Just do your thing, and I'll do mine. Whatever my consequences in life is my business. Do not interfere. I don't need to sum up hyprocrisy and act like you care about my beliefs and faith because we know you'll judge about what I do and think you are an opposite and I must've follow you.
We are all sinners. Ang tanging magagawa natin ay mag repent nang mag repent sa Kan'ya tapos mag dasal.
Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok doon. Tumikhim ako sabay tayo. Pinasadahan ko na rin ng mga daliri ang buhok at inayos ang damit na sout.
"Come in," ani ko.
Kaagad namang bumukas ang pintuan. It's the secretary of the Chief.
"Na sa conference room na po lahat ang mga bisita from province, Ma'am," she said.
Tumango ako at sumunod na rin sa kan'ya. Pagkapasok ko sa conference room ay may iilang importanteng tao ang hindi pamilyar sa akin. I immediately shifted my eyes when I saw Zandra. Ang mga palakaibigan nitong mga mata ay naging malamig. She didn't even bother to greet me when I greeted all of them.
"I see that the Agricultural Economist of the DA is pretty, young, and intelligent, huh?" ani ng isang matandang lalaki sa nagagalak na boses.
"T-Thank you, Sir," sagot ko sabay ngiti.
"By the way, Ms. Andino I would like you to meet our dear Governor of the province," pakilala niya sa akin.
Kaagad tumayo ang babaeng katabi ng isa pang importanteng tao. She smiled at me. But because of the shockness that I felt, hindi kaagad ako naka responde sa kan'ya. Kung hindi pa siya kumaway sa akin ng bahagya sabay abot ng kan'yang kamay for handshake ay hindi pa ako mababalik sa katinuan.
"I am Aiferniza Karen Claramoza," she introduced.
"D-Dorothy Maeve Andino. It's so nice to meet you personally, Ma'am," medyo nahihiya kong sinabi.
She's now a grown up woman and aged beautifully. Her white suit and a minimal pin of a Philippine flag scream power and elegance. Naka pony tail ang napakahaba niyang kulay bronze na buhok just like what I always did on my long jet black hair back then.
"Nagagalak din akong makita ka. I heard so much about you," aniya sabay side eye kay Zandra.
I saw how Zandra rolled her eyes as if she was annoyed by what Ms. Claramoza said. Wow. I can't believed she's the Governor of the province. Hindi ko na lang pinansin ang ano mang bagay ang hindi ko na dapat pansinin at nag settle down nalang kaming lahat.
"May mga complain ang mga ( farmers) tao sa DA tungkol sa mga pinamigay na mga abono at mga seedlings. Mahal daw kasi ang benta sa kanila--" Chief's secretary started as he was presenting a power point infront.
Ms. Claramoza's brow creased and annoyance was written all over her face. Seryoso lamang nakikinig sa nag presenta at ganoon din ang lahat.
"Binenta ng DA ang mga abono at seedlings na dapat pinamigay na libre?" malamig na utas ng Gobernadora.
Kaagad akong kinabahan sa lamig ng kan'yang boses. "B-Binigay po namin ng libre ang mga abono at seedlings sa respective municipalities, Ma'am. Kung nagka aberya po sila tungkol doon ay ang mga pinamimigyan naming munisipyo ang mananagot. The Department of Agriculture already told them that what we gave are all free. Not for sale. May mga label din po 'yon na nakalagay na hindi bini-benta ang anumang galing sa DA."
Ang kaninang galit at ma autoridad niyang aura na naka plaster sa buong mukha niya ay unti-unting nawala. Nilingon niya ako sabay tango ng bahagya.
"Bigyan n'yo ako ng kopya sa mga munisipyong may mga complain tungkol dito at ang mga munisipyo na binigyan n'yo ng mga abono at seedlings," she govern.
Kaagad akong tumango. I sighed in relief. Sekreto naman akong binigyan ni Mafu ng thumb up sign sabay seryoso na ulit at ipinukol na ang tingin sa harapan.
"Heto po ang seedlings na galing sa isang farmer na pinuntahan ng DA, Gov." Nilapag ni Michelle ang packs kung saan nakalagay ang mga seeds.
Nakakapagtaka dahil iniba na nito ang packaging. Iyong packaging from DA ay may nakalagay na NOT FOR SALE samantalang ang mga 'to ay wala na. Pati ang sako ng mga abono ay iba na rin ang mga sako.
The Governor jaw clenched as she instructed her men na dalhin ang lahat nang 'yon pabalik sa province. She looks so silently mad.
"The province gave all of these for free. Budgeted na ang mga 'to before the release. Bakit pa nila ito benenta? Bago n'yo lang ba 'to nalaman?" kunot noo niyang baling sa amin.
"Yes, Ma'am. Kung hindi pa tumaas ang number of complainants ay hindi pa makararating sa DA. Nang malaman nga namin ay kaagad naming inaksyunan."
Tahimik ang lahat nang sinuri ni Aiferniza ang mga seedlings. The way she holds each packs ay may halong diin na tila na disgusto siya sa ginawang pag-iba ng mga packaging ng mga seedlings. Her siren eyes was like she's preying everything.
Nang matapos na ang meeting ay naiwan kami ng Gobernadora, Chief, Mafu, at Zandra. Kanina ko pa napapansin na tahimik si Zandra at parang wala ito sa mood. Maybe because Zul isn't here. I scoffed.
"We really need more people like her, Chief. Ingatan n'yo siya," ani ng Gobernadora. Nawala na ang anumang ka seryosohan niya at magaan na itong nakikipag-usap.
I shyly smiled on her. I still remember when we are both young. Hindi ito palakaibigan at parang palaging galit sa mundo. And if my memory was pretty functionable, bestfriend niya ang pinsan ni Zul.
"We really appreciate your presence here, Gov. Hindi namin ito inaasahan," si Chief sabay handshake kay Aiferniza.
"Nandito pala si Mrs. Rabbani," nakangiting baling ni Chief kay Zandra.
I cleared my throat and looked away. Why it always feel like I was stabbed multiple times every time I heard that. I scrunched my nose and looked again on them.
Nagulat ako nang makitang nakatingin sa akin si Aiferniza.
"Oh? May Rabbani pala tayong kasama rito? I thought she's an employee here?" si Aiferniza sabay baling kay Zandra.
Zandra gritted her teeth in secret I know. Ngumiti siya sa Gobernadora na puno ng sarkasmo.
"You know what I am really, Governor. I am a Rabbani---"
"Sorry, I was looking for a ring?" kulang nalang matawa si Aiferniza sa sinabi niya.
Namula ang pisngi ni Zandra sa sinabi ni Aiferniza. Galit na siya. But it seems like the Governor likes it more. Napatingin din ako sa pala singsingan niya nang sinabi iyon ni Aiferniza. Wala nga siyang singsing doon. Come on, what's happening? Malakas akong tumikhim kaya nawala ang anumang tensyon.
"There's so much more deserving that name to be honest, Zandra. Hindi kita nakikita sa picture," dagdag niya.
Laglag panga akong napatingin sa kanilang dalawa. Parang kilala nila ang isa't-isa kung mag-usap sila. Nagpaalam na ang Gobernadora at tinapik pa nito ang balikat ko bilang paalam sa akin 'tsaka ito tuluyang lumabas sa silid. Sumunod naman si Mafu at Chief para ihatid siya sa labas.
Akmang tatalikod na rin sana ako para makalabas na ng silid nang magsilita si Zandra.
"You are with him yesterday, right?"
Kunot noo ko siyang nilingon.
"Oo, dahil pinuntahan namin ang lupa---"
"Liar!" sigaw niya sa akin. Namumula na ang mga mata nito at may nagbabadyang luha na sa kanyang mga mata.
"Wait," natatawa kong sinabi sabay iling sa kan'ya. "Kayong dalawa ang sumang-ayon sa project--"
"I never agreed to this! Siya ang may gusto no'n dahil ayaw niyang tumanggap ng pera galing sa lupang katulad mo bilang bayad sa extended land na dapat gagawin niyang kampo!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.
Galit at kunot noo ko siyang tiningnan. What did she just said?
"If you are a wife, then why you wouldn't said anything to that meeting, huh? Mind you, ikaw pa itong nagpumilit. And now, you changed your fucking mind just because I am with him yesterday? Bakit, ano ba ang sinabi ng asawa mo sa 'yo kahapon na ginawa namin doon sa lupa nila?" I angrily snapped.
Parang baliw naman itong tumawa sa sinabi ko kahit nagsipatakan na ang kan'yang mga luha.
This is seriously ridicolous! Akala ko pa naman sincere siya sa pinapakita niya sa taga DA o sa akin. Iyon pala nasa kaloob-looban ang kulo.
"Layuan mo siya," galit niyang sinabi.
"Bobo ka pala? Kung ikaw naaaning at bobong-bobo na sa buhay, huwag mo akong idamay, Zandra. Si Zul ang kliyente namin dito tapos sasabihin mong lalayuan ko? Kung willing ka na ikaw ang sumama sa akin at i check ang lupa ng mga Rabbani...." Nagkibit balikat ako. "I won't mind if you are with me. I'll just bring a plastic bag incase I puke."
Taas-baba niya akong tiningnan habang ang galit sa kan'yang mga mata ay nanatili. Inirapan ko siya sabay dampot ng papers para maka alis na.
Hilot-hilot ko ang sentido habang nakatingin sa sasakyang nasa harapan. May checkpoint ngayon at sobrang tagal pa ng usad ng mga sasakyan. I sighed and checked my wrist watch. Pasado alas sais na at wala nang araw.
Nang umusad nang umusad na ang mga sasakyan at malapit na ako sa checkpoint ay napansin kong parang may kakaiba akong naramdaman sa sasakyan ko. Nag signal muna ako at pumunta sa gilid ng kalsada para roon mag stop over.
Kunot noo akong lumabas sa sasakyan at napatingin sa gulong na nasa harapan ko. Napamura ako nang makitang na flat ang gulong ng harapan. Hinilot ko ang sentido sabay linga-linga sa paligid.
Bumalik ako sa loob ng sasakyan para kunin ang cellphone. Mas lalo akong nairita at nagmura nang makitang walang signal dito. Sinirado ko ang sasakyan at nagtingin-tingin kung may talyer bang malapit dito.
"Excuse me, Ma'am. May problema po ba?"
Napalingon ako sa nagsalita. Isa itong sundalo. Parang ka edad ko lang ito at mukhang bata. Napakamot ako sa ulo sabay problemadong napatingin sa gulong kong flat.
"Na flat iyong isa kong gulong. Wala bang talyer dito?" ako.
Napakamot din ito sa ulo. "Naku, Ma'am nadaanan n'yo na po, e."
"What's hapenning here?" a cold and baritone voice spoke up.
Kaagad kong nababa ang maiksi kong pencil skirt dahil kaba. Bago pa makasagot ang isang sundalo ay lumapit na si Zul sa akin sabay tingin sa sasakyan kong may flat na gulong.
"Na f-flatan po si Ma'am, Commander."
Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin--didn't commenting about what shit I wore. Tumikhim ako at pinaypayan ang sarili kahit malamig naman din ang simoy ng hangin.
Tinanguhan niya ang kan'yang sundalo. "Dalhin mo dito ang motor ko, Sotto. Heto ang susi," he commanded.
Pagka alis ng tauhan niya para kunin ang motor ay bumaling siya sa akin. I pressed my lips as my heart started to race. Pinakalma ko ang sarili pero parang hindi ko ito basta-bastang mapa hupa.
"Galing ka DA?" casual niyang tanong.
I nodded. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago siya nag-iwas ng tingin. Minuto ang lumipas nang makarating ang tauhan niya dala ang motor niyang kasaing laki niya ata.
"Heto na po, Commander."
"Dalhin mo sa talyer ang sasakyan n'ya. Sabihin mo lang na ako na ang magbabayad," ma autoridad niya pang tugon.
"N-No. Ako na---"
"Just give him the damn key, Dorothy para maihatid na kita," kunot noo niyang baling sa akin.
Palipat-lipat ang tingin sa amin ng tauhan niya at tila'y-naguguluhan sa aming dalawa ni Zul. Napalunok ako sabay abot ng susi ko sa tauhan niya. Gusto kong umalma pero hahaba lamang ang usapan at baka pag-awayan na naman namin kaya mas maiging sundin ko nalang muna siya sa ngayon.
Nang kami nalang dalawa sa gilid ng kalsada ay tinananaw ko ang papalayong sasakyan.
"Riri..." tawag niya sa akin habang naka sampa na siya sa kanyang itim at mamahaling motor.
My heart warm and jumped when I heard that nickname of mine coming from him. Parang may bumara rin sa lalamunan ko kaya hindi ako naka imik kaagad. Tumango nalang ako at lumapit na sa kanya.
Pinagdikit ko ang mga labi at tumayo na malapit sa kanyang motor. I gulped when he took of his military bottom uniform and handed it to me. Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya.
"Put this on your lap."
Kaagad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Kapag sasakay ako sa motor niya ay mas aangat pa ang skirt ko roon and Zul will never like it. Nang makasakay na ako sa motor niya ay kagat labi akong napakapit sa matigas niyang mga balikat. Pagkatingin ko sa pencil skirt ko ay mas lalo nga iyong nahila.
And just like what he wanted, nilagay ko sa kandungan ko ang military bottom uniform niya para matabunan ang thighs ko. Nakapang babae ako ng sakay, of course.
"Ayos na?" aniya at nakalingon pa ito ng bahagya sa akin.
"O-Oo," kinakabahan kong sagot.
Mahigpit akong napakapit sa balikat niya habang ang isa kong kamay ay maingat na nakahawak sa uniform niya kung saan nakalagay sa kandungan ko. Napatingin ako sa apilyedo niya roon. I smiled as I didn't noticed the lone tear that instantly dropped on my cheeks.
You really loved him, don't you?
Mabuti nalang at nawala kaagad ang luha ko dahil sa hangin. Medyo mabilis ang pagpapatkabo ni Zul para kaagad makauwi na. Or maybe he's just a concerned soldier and wanted to home me early dahil uuwi pa siya sa kanila.
Mapait akong ngumiti nang ini-imagine ko si Zandra na ngumi-ngiti sabay hagkan si Zul para tanungin kung kamusta ang araw nito.
Lintik na mga luha. Sunod-sunod na itong nagsipatakan ngayon but I didn't bother to wipe it off. Kampante akong matutuyo rin ito ng hangin. Na miss ko itong ganito. Our wild rides, our teasing, our argue. Lahat, pinangungulilaan ko iyon.
"Why are you crying?" Zul asked. Medyo bumagal ang pagpapatakbo niya ngayon. Malapit na rin kami sa village namin.
"H-Huh? Crying my ass," I hissed.
"Mas malinaw pa sa signal light ang side mirror ko, Dorothy..."
Kinakabahan akong napatingin sa side mirror. Tumikhim ako sabay iwas ng tingin. He chuckled but I know it wasn't genuine. Para bang pinagtawanan niya ang anumang sitwasyon niya at ang panahon. And I don't know why I am concluding this way.
"Wala ka na roon..." ani ko at ipinako nalang ang tingin sa mga establishment na madadaanan namin.
Pagkarating namin sa labas ng gate ay kaagad na akong bumaba. Mabuti nalang at hindi ako natumba sa ginawa kong pagbaba lalo na at may kahabaan ang sout kong stileto. Inayos ko muna ang skirt bago ko ibinigay pabalik sa kanya ang uniform niya.
Tumikhim ako at hindi makatingin sa kanya samantalang siya parang kayang-kaya niya akong tiningnan ng malalim ng hindi na nahihirapan.
"Ako na ang magdala ng sasakyan mo sa DA bukas," aniya.
Para matapos ay tumango nalang din ako.
"S-Salamat..."
He sighed. Hindi na niya sinout ang uniform niya at nilagay na niya iyon sa harapan kung saan ang tanke.
"Babalik na ako sa checkpoint," paalam niya pa.
Tumango muli ako at tiningnan siya pabalik. Akala ko aalis na siya pero bumaba siya sa motor niya at naglakad siya malapit sa akin. Napaatras ako sa ginawa niyang paglapit kaya natapilok ako. But Zul immeditately coped me.
Parang tinambol ang puso ko nang maingat niyang pinulupot ang kanyang makikisig na mga braso sa baywang ko.
Pinatayo niya ako ng maayos. Tulala akong napatitig sa guwapo niyang mukha. When he smiled at me weakly on me, I realized he was still my Zul. That smile when I let him free ride, when I gave him his favorite ube ice cream, when I gave up my foods when I am with him, when we meet in our meeting place.
Gusto kong iiwas ang mga mata ko lalo na at may luhang tumulo na naman doon pero hindi ko magawa. Hinayaan kong magsidaluyan ang luha ko habang nakatitig sa kanya.
"Sa tuwing umiiyak ka, palagi kong iniisip na baka nanghihinayang ka sa atin....na baka gusto mo pa ako. Pero sinong inu-uto ko, hindi ba? You are now living with peace of the man you loved..." he painfullt murmured.
Umling ako. "I am living miserable, Zul. Because the man I loved was already married..." bulong ko.
His mouth went half open as he stared at me. Namumula ang mga mata niya as his hold lessen. Parang nanghina siya sa sinabi kong 'yon. Aatras na sana ako pero hinila niya ulit ako para mahagkan.
I painfully shut my eyes as I cried on his chest.
"Ashley told me everything...." he whispered.
Hindi ko alam kung anong sinabi ni Ashley sa kanya but his hug was like telling me something that really hard for him to accept. His hands went down to my both shoulders down to arms as he slowly kneel infront of me.
"Z-Zul" natataranta kong tawag sa kanya.
"B-Baby I am sorry....wala akong alam. Hindi ko alam. Sorry for my anger, sorry for my selfishness. P-Patawarin mo ako...patawarin mo ako," he begged as he hugged my waist tightly.
"Z-Zul," tawag ko ulit sa kanya kahit nahihirapan na akong huminga at magsalita.
"K-Kung alam ko lang lahat ang mga nangyari sa 'yo, sana umuwi kaagad ako....Sana nakauwi kaagad ako sa 'yo..."
"Z-Zul tumayo ka riyan, please," ako naman ngayon ang nagmamakaawa. I hate every time Zul being like this. Nanginginig ang boses ko nang tinawag ko siya as my tears flows like a river. I am not worthy of his kneeling, and everything including his begging and love.
Umiling siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Z-Zul, gabi na. Tapos na 'yon at wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang lahat ng 'yon. Kailangan mo nang bumalik doon at sa asawa mo--"
"Zandra isn't my wife and she knows it..." aniya sabay tingala sa akin. There's unshed tears in his eyes.
Nanlaki ang mga mata ko. Kaya ba ganoon nalang ang pasaring ng Gobernadora kay Zandra? And the ring?
Still, hindi porket sinabi niya ni Zul ito ay gagapang na ulit ako sa kanya.
"Z-Zul---"
"It's crazy I know...." naiiling niyang sinabi.
"T-Tumayo ka muna riyan, Zul..." Gosh! If his mother found out about this, she'll probably eat me alive!
Nanghihina itong tumayo. Nakahawak pa rin ito sa magkabila kong braso at parang wala itong plano na pakawalan ako.
"L-Lets take everything slow, Zul. We need to clear everything. W-We are in mess. Let me think as we take everything slow," sabi ko.
Saglit niya pa akong tinitigan bago siya dahan-dahang tumango. He pulled me again in hug. I smiled and sniffed. Niyakap ko rin siya ulit pabalik and equal his holds.
"Simula ngayon, ikaw lang ang paniniwalaan ko. Simula ngayon, makikinig na ako..." bulong niya.
"Mahal na mahal kita, Dorothy. Mahal na mahal...." he added as his voice was slightly shaking.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro