Kabanata 25
Lose
"Payag akong maging sekretarya mo, makasagip lang ng balita tungkol sa inyo ni Zul."
Isang nakakamatay na pukol na tingin ang ibinigay ko kay Ashley. Hindi man lang ito nagpatinag sa tinging ibinigay ko sa kanya. Mas lalo niya lang nilapad ang kanyang ngisi. Umikot-ikot siya sa swivel chair ko at prenteng umupo ro'n.
Sa tagal ko na, ngayon ko pa lang naisipang kumuha ng sekretarya. Mafutyr adviced me na kailanganin ko na iyon lalo na at malaking proyekto ang hawak ko kay Zul. I have responsibilities and obligations here in DA kaya need ko rin mag report at mag submit ng kung anong dapat. Para hindi masyadong mabigat sa akin ay kailangan ko na ng sekretarya.
And here's my bestfriend, offering herself to be my secretary para lang makasagap ng tsismis.
Inilingan ko nalang ang kaibigan at nagpatuloy sa paghanap no'ng files na itinago ko sa mini book shelf ko.
"Kukubain kita sa pagtatarbaho kung gano'n," sagot ko.
Humagalpak ito sa tawa. "Bahala na kaysa mahuli ako sa tsismis!"
"Hindi kita bibigyan ng twelve months pay at araw-araw kang may pasok kahit holiday," puno ng sarkasmo kong sagot.
Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Nababaliw na talaga ang babeng 'to. Grabe, buti natiis ko ang kabaliwan ng kaibigan kong 'to kundi ako na yata ang mauunang mailagay sa mental hospital dahil sa araw-araw kong naririnig ang kabaliwan niya sa buhay!
"Grabe ka naman, Madame. Nararamdaman ko na agad ang pressure ng magiging sekretarya mo!" si Ashley.
Napatigil ako sa ginagawa sabay lingon ko sa kanya. "Sa iyo ko lang gagawin ang lahat ng iyon kaya 'wag kang mag-alala!"
She burst into laughter.
Galing daw siyang salon at nagpa manicure and pedicure. Wala naman daw siyang gagawin sa Mansion nila kaya rito na siya sa opisina ko dumeretso. Kung hindi lang ito nagdala ng Dunkin Donuts ay baka kanina ko pa 'to pinatapon sa labas ng building dahil alam kong bu-bwesitin lang ako nito.
Mas lalong lumala ang pangungulit niya nang malaman niyang kinuha akong personal agriculturist ni Zul. Sinapo ko ang noo nang humirit na naman siya.
"Hindi ako naniniwalang wala siyang hidden agenda," hagikhik niya.
Binalewala ko ang sinabi niya. Nang makita ko na ang files na hinahanap ko ay naglakad na ako palapit sa table ko. "Alis, at may gagawin pa ako."
"Of course, Madame," natatawa niyang sagot sabay tayo.
Inirapan ko siya at umupo na sa swivel chair. I scanned the files that I probably needed. Mamayang hapon namin pupuntahan ang lupang sinasabi ni Zul na kailangang bigyan ng pansin. If I am not mistaken, iyon 'yong lupa nilang matagal na nilang inabanduna dahil napabayaan daw ito ng panganay ni Datu.
Napatulala ako nang maalala ko na malapit lang doon sa may Narra ang lupang 'yon. Napagitnaan lang ng Narra ang lupang nabili ko (na nasangla muna sa akin ng mga Tan bago ko napagdesisyunan na bilhin nalang lalo na at hindi na nila ito matutubos). In other half, its the Rabbani's land where I think they didn't gave another chance.
Malaki nga ang lupang iyon at kailanganin ng maiging eksaminasyon lalo na at hindi na iyon mataba at matagal ng napabayaan.
"Sabi mo may asawa na siya. Saan sila ikinasal kung ganoon?"
My eyes is still on the files that I patiently scanned. Namumuro na talaga ang babaeng 'to. Sa susunod ay sasabihin ko na sa guards ng DA na hindi na ito papapasukin dito.
"Hindi ko alam, Ashley. Kung gusto mong malaman, sa kanya ka magtanong hindi sa akin! Tangina," naiirita ko nang sagot sa kanya pero ang bruha tinawanan lang ako!
Bago ko pa siya kaladkarin palabas ay nagkusa na itong umalis at may urgent daw. I just wave my hand lazily as she bid her teasing bye on me. Nang sinarado na niya ang pintuan ng opisina ko ay doon ko lang inangat ang tingin.
Bumuntong hininga akong napatingin sa dalawang box ng Dunkin na dala ni Ash. Mabuti nalang at hindi namin naubos ni Zul ang mga bagay-bagay kaya may natitira pang mga bagay na puwede kong gawin at kainin nang hindi na siya maalala pa.
Iniiwasan ko pa noon kumain ng ice cream, ng ensaymada, at iba pa. Sa mga lugar naman ay ganoon din. Shit lang.
Alas tres pa lang ng hapon nang kinatok ako ng sekretarya ng Chief of DA. Naghihintay na raw sa akin si Zul sa baba. I wonder if Zandra is there? I cleared my throat. Masasanay ka rin sa ganito, Riri.
I wore a black terno jumpsuit kaya hindi na ako mababahalang sumulong sa pupuntahan namin. I bunned my hair and retouched myself to be look more well presented.
Pagkalabas ko sa building ay bumungad sa akin si Zul na seryosong nakahalukipkip sa tabi ng Wrangler niya. Hindi na ito naka uniporme at parang normal na taong naninirahan dito sa Sultan Naga. He's just wearing a black v neck type shirt and a maong pants. Naka bota rin ito at nakapamulsang nakatitig sa akin.
Mas lalong nadepina ang hitsura niya sa sout niya lalo na kapag lantarang siksik ang biceps niya sa sout nitong t shirt na animo'y nasasakal na. Iniwas ko ang tingin at neutral na lumapit sa kanya.
I smiled. "Are you alone?"
If he already moved on, you should, too Riri.
Hindi siya sumagot at riing titig lang ang kanyang isinagot sa akin. I cleared my throat again and looked away. Pinatunog ko ang sasakyan at umikot na para makasakay na sa driver seat.
"What are you doing?" Kunot noong baling niya sa akin.
Naguguluhan akong tumitig sa kanya. "Bakit, saan ba tayo?"
Iniisip niya bang sasabay ako sa kanya? Probably I am not wealthy as you but I can now buy whatever I want, Zul. I can now buy my own cars if hindi ka aware na sasakyan ko nga itong pinatunog ko.
Hindi niya ako sinagot at nauna na siyang pumasok sa sasakyan niya. I rolled my eyes and get in, too. Pinatunog na niya ang Wrangler niya pero hindi pa niya ito pina usad. Umirap akong muli at nauna na akong lumabas sa parking lot.
Nasa kalsada na ako at papunta na sa kung nasaan ang papatingnan niyang lupa. Sumulyap ako sa side mirror ko at nakabuntot nga siya sa likod ng sasakyan ko. I even gulped when I saw his free arm and elbow that lazily hang on his window as his right hand was manuevering his vehicle.
Nang makarating ako sa may crossing ay kaagad na akong bumaba. Sinuyod ko ng tingin ang mga punong Mahogany na nakahilera. Napangiti ako nang maalala na ako iyong nagtanim sa mga 'to kasama pa ang iilang mga mag-uuma rito sa bukid.
When I started my Agriculture journey ay hindi ako nag aksaya ng oras na i-apply ang mga natutunan ko even in my freshmen year of college. Iyong mga basic needs ng isang lupa at pananim ay ginagawa ko na. I even helped the other farmers about my techniques so that we can all grow greatly as one.
Mga ilang minuto rin ay dumating si Zul. Umihip ang preskong hangin na sa tingin ko kay tagal ko nang hindi nalalanghap. Nilingon ako ni Zul pagkatapos niyang sinirado ang kanyang sasakyan.
"Marami na palang mga puno rito," aniya sabay tingin sa kabuuan ng paligid.
Saglit akong napatitig sa kanya. Hanggang kailan ko ba 'to matitiis ang ganitong disposisyon naming dalawa? I can't just love him continously because he's already married, for God's sake! Babae rin ako. Ayokong masaktan ang asawa niya.
Bago pa ako maging emotional ay kaagad kong iniwas ang tingin at sinabayan ko nalang siya sa pag suyod ng tingin sa kabuuan ng bukid.
"You are rewarded by the Mayor because of this," he uttered out of nowhere like he was so sure about what he said.
Nilingon ko siya. Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa iba pang mga puno. Iyong iba hindi pa gaanong kalaki. May iilan ding mga baka at kambing na naka nakasilong sa ilalim ng mga puno at tahimik na nagsitinginan sa amin.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
He laughed with no humor. "I always wanted a news from you. About what you are doing....about all the things you do. Sa training, ikaw lang ang palagi kong iniisip. I don't want to miss everything you do," he whispered in the wind.
Nilingon niya ako. Nang magtama ang mga mata namin ay wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya. It's now full of regret, sadness, and pain.
"You are first year college that time taking Bachelor of Science in Agriculture, Major in Agroforestry. When the news reached the Department of Agriculture, they invited you for Abante Youth: Tree planting."
As I am staring at him, my tears abruptly fell from my eyes. Unti-unting naninikip ang dibdib ko habang nakatitig lang sa kanya. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko as his words was continue playing in my mind.
"Umuwi ako rito bago pa ang graduation mo dahil iyon lang ang puwedeng araw na binigay ng Senior ko. But seeing you happy with someone else made me realized na sana hinintay ko nalang ang mismong graduation mo para hindi ko kayo nakita," he chuckled regrettably.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sabay iling. Ayaw niya akong tingnan at patuloy niya lang iniiwasan ang mga mata ko. Gusto kong lumapit sa kanya at sabihing mahal na mahal ko siya hanggang ngayon pero hindi ko magawa.
"Gusto kong may nalalaman akong balita mula sa 'yo, Riri. Pero bakit ikaw...b-bakit ayaw mo nang makarinig ng balita mula sa akin? Am I that unimportant to you, huh?" puno ng sakit at panunumbat niyang sinabi sa akin.
"Kaya ako galit na galit sa 'yo. Pagkatapos kong sabihin---"
"H-Hindi totoo 'yan! Palagi akong naghihintay ng balita galing sa 'yo!"
Laglag ang panga ko nang umiling siya sa akin---it's like he didn't believed in me. Humakbang ako palapit sa kanya. And when he stepped back, parang nahulog lahat ng lamang loob ko. Parang lahat-lahat biglang nahulog at ang sakit-sakit no'n.
Who told him that? Is it her mother?
"Bakit ka naghihintay, huh?!" sigaw niya sa akin. Napapikit ako sa sigaw niyang may laman nang sakit at galit.
"Para saan, Dorothy? Naghihintay ka sa akin? Bakit?"
I bowed my head as Zandra's face appeared in my mind. I can't just said that three words to him, right? He's already married!
"Ayokong umalis ng gabing 'yon nang hindi tayo nagkaliwanagan. I wan't assurance pero...you didn't even admit that you loved me or not eventhough you fucking cut your hair! Ano 'yon, trippings?" he angrily said.
"Tapos kung makatulak ka sa akin para kang atat na atat na makawala ako sa buhay mo!"
"Z-Zul, naririnig mo ba ang sinasabi mo? I didn't pushed you for nothing! Pangarap mo iyong naghihintay sa 'yo no'ng gabing 'yon! Sinabi ko na sa 'yo na parehas tayong naiipit sa pangarap at mga responsibilidad!"
Tumango-tango siya sa sinabi ko. His blood shot eyes was now brushing me. Nilapit niya ang sarili sa akin na muntik ko pang ikatumba dahil kaagad akong umatras. I can even feel the tension of our bodies.
"Then why the hell did you just cut your hair and said it was just nothing, huh?! Pinag e-experimentohan mo lang din ba ako noon?"
I cried out because of frustration. I shook my head and badly wanted to slap him! Gusto kong sampalin siya para magising siya at tingnan ako ng buong-buo! I wouldn't fucking cry this hard kung wala lang siya sa akin.
"Sinabi ko sa 'yong mahal kita! I lose the deal and I did what's our deal! Napakadaya mo!" His voice thundered as a lone tear escaped from his eyes.
Kaagad niyang pinahiran ang luha niyang lunmandas sa pisngi niya. Tinalikuran niya ako at nagmura ng pa ulit-ulit sa hangin. Nanghihina akong sumandal sa sasakyan ko as I cried hardly.
Napatingin ako sa kalangitan nang unti-untimg bumagsak ang ulan.
"Get in, Dorothy," baling ni Zul sa akin.
Pa lakas na ng pa lakas ang ulan pero wala akong plano na kumibo sa kinatatayuan ko. Zul cursed again and marched towards me. Lumakas na ang ulan at kaagad niya akong hinawakan para makasilong na sana.
"I-I did wait for you, Z-Zul. Y-You can ask Tita Sittie..."
Pinikit niya ng mariin ang mga mata bago niya akong hinarap muli.
"Impossible..." iling niya sa akin.
I looked at him. Namumula na rin ang mga mata niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"K-Kapag nagagawi ako sa kanila ay palagi akong nakiki balita sa kan'ya kung...k-kumusta ka na roon."
"Stop making lies, Dorothy! Why are you telling me a lies like this?"
Binawi ko ang braso sa kanya. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Hindi ko na alam kung nakikita niya pa ba ang panibago kong luha dahil sa lalong pagbuhos ng ulan. Lies?
"What do you mean? Sinasabi ko ang totoo!"
"So you are telling me the truth while Tita Sittie was lying?" kunot noo niyang titig sa akin.
Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin? That everything I said to Tita Sittie was being tampered? By whom? By Tita Sittie?!
Mas gusto ko pang isipin ni Zul na hindi ko siya mahal kaysa isiping magagawa iyon ni Tita Sittie sa akin. I don't want to think bad about her. Hindi ko matatanggap. Not her.
"Hindi ko alam, Zul! Basta palagi akong nakikibalita sa kanya. The last time she told me you will be fucking married and pati siya walang ideya kung kailan, sino ang mapapangasawa mo, at kung anong konkretong plano! Bakit, lahat ba ng sinasabi niya sayo personal niyang sinabi?!" sigaw ko.
Sabay kong hinilamos ang tubig ulan at mga luha ko. If it was being tampered, I will trade everything na hindi si Tita Sittie iyon. In the very first, it was his mother who doesn't like me and my family. Bakit ko iisipan ng masama si Tita Sittie when it's clearly na ang Mama naman talaga niya ang inggrata rito!
"And you know what, para saan pa ba 'tong sumbatan natin. Kasal ka na. May asawa ka na..." natatawa kong sinabi sabay bukas sa pintuan ng sasakyan ko.
"We are not yet done," he said like his words was flickering him.
I laughed sarcastically. "Hindi pa nasimulan, Zul tapos na tayo."
His eyes narrowed as he clenched his jaw. "So you are now admitting that you are just experimenting me? Sa mga taon na kasama mo ako pinag eksperimentohan mo lang pala ako no'n? Tapos ano naman kasunod do'n? Iyong pagputol mo sa buhok mo para paniwalain ako---"
"I cut my hair because I lose the deal either!"
Putol ko sa kanya dahil hindi ko na kinaya ang mga lumalabas sa bibig niya. How can he think that all those moments we shared he thinks I was experementing him? Ganoon ba talaga ka bata ang tingin niya sa akin para pag-isipan niya ako ng ganoon?
Isang batang hayok sa determinasyong ma ekspirementohan ang isang Rabbani.
His eyes widened in fraction as his lips went half open. Naninimbang ang mga tingin niya sa akin pero ang dilim ng kanyang mga mata ay nananatiling naroon.
"I-I lose the deal, Zul. And if you think I loved you the moment you saw me with a short hair, then think again about our deal," mapait akong ngumiti sa kanya.
"We both lose the deal..."
And in the second time, I left him in the middle of the rain. But this time, I admit that I truly love him just like the thoughts I never told him in the past six years ago.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro