Kabanata 22
Galit
"Alam ko iyang mismong hotel pero ang address ang hindi." Si Ashley nang pinabasa ko sa kanya ang natanggap kong email galing sa sekretarya ni Mr. Yap kung saan nakalagay na roon ang oras ng meeting at ang address.
Maria Christina Hotel. Isa o dalawang oras ang biyahe nito mula rito sa Sultan Naga patungong Maria Christina. Hindi ko kabisado ang lugar kaya mas mabuting mag bus nalang muna ako kesa magdala ng sariling sasakyan. 'Tsaka na siguro ako magdala ng sasakyan kapag alam ko na kung saan mismo ang hotel at babalik kung may karagdagan pa kaming pag-usapan no'ng buyer.
"Puwede kitang samahan kung gusto mo," Ashley suggested.
Nilingon ko si Ashley na ngayo'y kinukulit na ni Raki. Kanina pa sila naglalarong dalawa at mukhang pagod na si Raki dahil na rin sa medyo may edad na. I sighed as I shook my head. Pansamantalang si Ashley ang humahawak sa Hacienda ng mga Bartolome at maigi naman niya itong napamahala kaya wala siyang pino-problema.
"Hindi na. Madali lang naman hanapin ang hotel na ito dahil mukhang kilala at malaki."
Friday. 10:00 am. Basa ko ulit sa email.
Kinubukasan ay biernes na kaya hinanda ko iyong mga dadalhin ko. I was searching my handy umbrella para dalhin din iyon in case na umulan nang mahagilap ko ang dalawang itim na paper bag sa pinaka ilalim ng closet ko.
Isang sulyap ko lang sa mga 'yon ay daan-daang memorya na kaagad ang dumaloy sa sistema ko. Simula no'ng gabing 'yon, I refused all things that reminds me of him. Even the bracelet---tinago ko 'yon. Kahit ang mga motor ay hindi ko pinalampas. I decided not to use them. Hangga't hindi ko masabi-sabi na hindi ko na siya mahal ay hinding-hindi ko sila gagamitin. Even the places where we spends our time. Lahat-lahat, iniiwasan ko.
Pero habang ginagawa ko ang lahat ng 'yon ay mas lalo akong naiipit at nadidiin dahil ang pusong hindi nakakalimot ay hinding-hindi ka tatantanan.
Out of my senses, I reached the paper bags. Nanginginig ang mga kamay ko habang binuksan ko iyon. I pressed my lips and shut my eyes with tears as an imagine of Zul that seriously but lovingly eyes darted on me as he handed the two ravishing black paper bags.
A small smile appeared on my lips when I opened it. Nakita ko na ang laman noong isang box which is mga hijab na may magkaibang kulay samantalang itong isang box ay hindi ko pa nabuksan. Nang makita ko ang box ay nanlaki ang mga mata ko. Laglag pa ang panga ko nang makita ang nakauit na brand sa box.
Dolce and Gabbana.
Zul Qurnain Freaking Rabbani, are you freaking kidding me?!
Parang lahat ng galaw ko ay nakalutang nang buksan ko ang box. Ilang taon na rin at kailanman hindi ko na ito hinawakan ko tiningnan. I just carefully hid all of them in the bottom of my closet and never touched them again.
"Girl, ang Haute Hijab set ay nagkakahalaga ng 384,000 USD! Oh my God?! Not to mention na tatlong hijab lang ang laman no'n, ah?!" Histeryang boses ang bumungad sa akin
Akala ko brand lang ang makakapaglaglag sa panga ko, pati na rin pala ang presyo. Lula akong napatitig sa dalawang eleganteng box na nasa harapan ko ngayon. Parang bigla akong nagsisi na tinambak ko lang ang mga 'to sa pinaka ilalim ng closet! Dios mio!
"Kinon-vert ko na into peso. Dios ko!" Mas lalong tumaas ang boses ni Ashley at parang anytime mahihimatay na. "20,848,320 pesos lang naman 'yan, girl!"
Mas lalo akong napatulala habang naka awang na ang labi. Sasabihin ko pa sa kanya na hindi lang yan ang bigay ni Zul kundi may isa pa pero huwag na at baka mas mauna pa akong himatayin kesa sa kanya. Dolce and Gabbana Abaya set is no joke! Minsanan ko na ring nakita sa Vouge magazine ang mga modelong sinout ang Abaya set and the price isn't imaginable!
"Tangina, Riri. Halaga ng tatlong hijab na 'yan ay puwede mo nang mabili ang hacienda namin!" Halakhak ni Ashley na nakapagbalik sa katinuan ko.
"Tse, magtigil ka nga!" Saway ko sa kaibigan.
Shit. Hindi ko alam na ganito pala ka mahal ang mga regalong binigay sa akin ni Zul. Kung box lang din kasi ang pagbabasihan ay marami rin namang mga brands na may mga magaganda ang packaging out of its cheap prices.
"Ewan ko lang bakit hindi mo kaagad na figure out na mahal ka na ni Zul before you figure out that you loved him already," Ashley uttered with a hint of regrettably.
Napatitig ako sa cellphone ko kung saan naka rehistro ang pangalan ni Ashley doon. I bowed my head and trailed the boxes that Zul gave on me. Kinuha ko ang kulay rose gold na Abaya roon at maingat na inangat.
May mga maliliit na sequins doon at iilang maliit na diamante. The flower design wasn't being printed but it was beautifully embroidered. May kasama rin itong isang hijab na ka kulay lang din ng Abaya.
I didn't noticed the brand itself of the gifts he gave me because I was too stunned, grateful, and happy the moment he handed me these gifts. Wala akong pakialam noon kung saan niya nabili ang mga 'to dahil para sa akin lahat ng bigay at ginagawa niya ay mahal at walang katumbas.
Pagka gising ko ay maaga akong bumangon. Pati ang sosoutin kong Stans Smith na sapatos ay nakahanda na rin. Casual at formal lang ang hinanda kong sosoutin dahil malayo pa naman iyong bi-biyahe ko lalo na at mag ba-bus pa ako.
Just a white botton down long sleeves and a faded maong fitted pants.
"Inday, huwag kalimutan ang bitamina ni Raki, ha?" Paalala ko sa isang kasambahay namin.
Hindi ako sanay na merong inuutusan o mga kasambahay lalo na at lumaki akong si mama at papa lang ang kasama sa bahay. Ngayon na parehas na kami ni Mama na may mga trabaho ay kailangan na namin ng kasambahay lalo na at may minamahal pa akong aso na naiiwan ko sa araw-araw.
"Opo, Ma'am."
Sinipat ko ang relong sout. Alas sais pa lang ng umaga. May panibago rin akong natanggap na mensahe galing sa sekretarya kanina no'ng pababa ako. Hihintayin niya raw ako sa mismong lobby ng hotel.
"Kumain ka ng marami, Hija at malayo-layo pa iyong biyahe mo." Naglapag ng panibagong sunny side up at hotdog si Manang Tesa sa dining.
Nginitian ko ang matanda sabay tango. Asawa ito ni Mang Tomas. Sayang nga at hindi ko na rin ito nakita pagkatapos kong mag kolehiyo dahil may uma narin daw itong binabantayan sa Sapad.
"Kailan ba ang uwi ng Mama mo, Riri?" Manang Tesa asked as she gave me a glass of water.
"Hindi pa po matatapos ang buwan siya makakauwi."
She nodded. "Sige na kumain ka na riyan at may iutos pa ako ni Inday."
I doubled checked the important things in my hand bag before I left the house. May mga legal papers din akong dala at ang sapat na pera para sa lupa kung sakaling need ng buyer ng agarang cash.
Pagkasakay ko sa bus ay wala pang ilang minuto akong naka puwesto nang lumarga na ito. Laking pasalamat ko nang makakita ako kanina ng spot na bakante at sa bintana mismo. Alas syete na nang lumarga ang bus and it's a relief for me. Sana hindi ako ma late sa meeting.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana buong biyahe at tulalang nakatingin sa mga kung anong mabilis na tanawin na nahahagilap ng mga mata ko. Naka sampak din sa magkabila kong tainga ang airpods nang tumigil ang bus. Napalingon-lingon ako. Nasiraan ba kami? Shit.
"Pasensya na po sa abala. May check point lang po tayong dapat sundin. Pababain muna raw ang mga pasahero sa mga bus. Isang linyahan lang po tayo patungong check point at ipapakita n'yo lang ang valid ID ninyo sa mga pulis o sundalo," anunsyo ng konduktor.
Kanya-kanya namang reklamo ang mga pasahero pagkasabi no'n ng konduktor. I sighed and stood up. Dinala ko na rin ang hand bag ko at bumaba na. Sinunod ko lang din ang mga pasahero na galing sa bus na pinagsakyan ko para hindi ako mawala.
Hindi na pamilyar sa akin ang lugar. Maraming mga puno na tila isang silungan ng mga malalaking kapre na pinagigitnaan nila ang mataas na kalsada. Dalawang checkpoints ang narito. Sa kaliwa at kanan. May mga nagkakalat naman na mga pulis at sundalo sa kalsada at nag kanya-kanyang nagmamasid sa paligid.
"ID, Ma'am."
I pressed my lips and observed the sorroundings. Sunod na ako nitong Ale sa harapan ko. Kinuha niya ang ID sabay pakita sa sundalong nakaupo sa harapan. Saglit akong napa-isip nang makita ang iba pang mga sundalo na nagkakalat dito.
Siguro kung pinili niyang dito ma distino ay nandito siya ngayon. Gusto kong matawa. As if namang papayag asawa niya kung ganoon? Tsk.
"Ano po bang meron Ser at maraming sundalo rito at checkpoint?" kuryosong tanong no'ng Ale sa sundalong nasa harapan. Naka upo kasi ito at na sa isang maliit na mesa siya at doon mo lang ilalapag ang ID mo sabay log book.
"Bagong ordinansa ng Gobernadora ng probinsya. May report kasi na ginawa na ng mga rebelde na daanan ang lugar kaya kailangan naming manigurado na walang maglabas-pasok na mga rebelde," malamig at mababang sagot no'ng sundalo.
Tumikhim ako. May posibilidad kaya na may rebelde akong kasabay sa bus na sinasakyan ko ngayon? Shit. Parang nanindig ang balahibo ko sa sinabi niyang 'yon. Pagkatapos mag log book no'ng Ale ay ako na ang sumunod.
"Captain, may kaunting disturbance sa kabilang checkpoint," ani ng isang pulis.
I was about to give my ID when our eyes met. Tumayo ito at medyo tumagal ang kanyang mga mata sa akin. My eyes widened in fraction as my heart pounded so darn much.
H-Hafza.
Nanlamig ang mga kamay ko at hindi kaagad nalahad ang ID kong hawak. Nakita ko ring bahagya itong nagulat nang makita ako pero agad ding nawala.
Nandito siya. Ibig bang sabihin ay nandito rin si Zul?
"Pagkatapos nito," sagot niya sa pulis na nakatayo sa gilid niya. Binalingan niya ako. "ID," tipid niyang utos sa akin.
I gulped and immediately handed him my ID. Kunot noo niyang binasa iyon at sandali akong tinapunan ng tingin. Iyong lisensya ko bilang licensed agriculturist ang binigay kong ID.
"May iba ka bang ID, Ma'am?" baling niya sa akin sabay balik sa naunang ID na binigay ko.
I blinked numerously. Ano? Hindi pa sapat ang lisensya ko bilang lisensyadong agriculturista?Gusto ko mang magreklamo ay hindi ko na lang ginawa. Gusto kong isipin na nang-aasar ito but come on we are not kids anymore. Para saan din ang pang-aasar niya kung ganoon?
I clutched my purse pero iyon lang ang ID kong dinala. Meron dito kaso ito iyong ID ko noong first year college pa lang ako. Maiksi ang buhok at batang-bata!
"I am sorry, Sir pero wala na akong dalang ibang ID. Student ID lang ang meron ako rito," puno ng depensa kong sinabi.
"Your school ID then."
Tikom bibig akong tumango sabay bigay sa kanya no'ng ID. I don't know if it's just my naive eyes but I saw a ghost smirk on his lips. Kinuha niya ang radio na nakasabit sa bullet proof vest niya at may kung ano-anong pinagsasabi roon.
"Proceed to the next bus stop, Ms. Agriculturist," he said humorly.
Damn this Rabbani.
Pagkabalik ko ng sakay sa bus ay hindi matanggal-tanggal sa utak ko ang pagkikita namin kanina ni Hafza. Malakas ang kutob ko na nandito ang magpinsan na 'yon. He's married or not, they will stay in Sultan Naga to continue their legacy as they are not just a family of influential soldiers that runs in their bloods.
Rabbanis are the landmark of Sultan Naga.
Ikiniling ko ang ulo. Huwag mo muna isipin 'yan, Dorothy. Isipin mo muna kung paano mo ma kumbinsi ang first buyer ng lupa. You should conviced him that you do really need and want that land for the sake of stray dogs you wanted to home.
Pagkababa ko sq bus ay kaagad kong sinipat ang relong sout. Shit alas nuwebe na. Mas mausok at maraming tao rito. May mga naglalakihan ding establishments na nakatirik dito malayong-malayo sa Sultan Naga.
Kaagad akong pumara ng taxi.
"Sa Maria Christina po," ani ko sa taxi driver pagkapasok ko.
"Sa falls po ba, Ma'am o sa hotel?" sagot ni Manong.
Wait? Naguguluhan akong napatingin kay manong sa review mirror. What does he mean?
"Ay, turista ka po ba, Ma'am? May hotel kasing Maria Christina at may falls din na Maria Christina ang pangalan," kaagad na paliwanag ni manong.
Suminghap ako sabay tango. "S-Sa hotel po, manong..."
May falls din pala rito. Hinilig ko ang sarili sa backrest ng upuan at tinapon ang tingin sa labas ng bintana. Wala talaga akong takas sa 'yo. I sighed and focused on things that really matters and reason why I am here in Iligan City.
Pagkababa ko sa taxi ay nagbayad na ako. Sinuyod ko ang kabuuan ng hotel. Para siyang makaluma ang dating kaya catchy at calming. Pagkapasok ko ay kaagad akong binati ng guard.
Hindi pa ako tuluyang nakalapit sa front desk para sana magtanong ay may narinig akong tumawag sa akin.
"Ms. Andino!"
Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin. Nasa mid thirties ito pero may hugis pa rin at potura lalo na sa sout nitong fitted na pencil skirt at puting blouse. She smiled greeted me so I did.
"By the way, I am Kara Santin. Secretary of the CEO."
Tinanggap ko ang kamay niya sabay ngiti.
"Kamusta po ang biyahe, Miss? Baka gusto mo nang makakain at ipapadala natin sa opisina. On the way pa kasi iyong isang kliyente," she offered. Gusto kong tumanggi kaso nagugutom na rin ako.
"A glass of lemonade and chicken sandwich salad is okay," I shyly uttered.
Ms. Kara chuckled and went to someone na sa tingin ko ay empleyado nitong hotel. Pagkatapos niya itong utusan ay nagmamadali itong bumalik sa akin.
Maganda ang hotel. The interior design was so calm and relaxing. Ang ilaw na parang gold and light at ang mga musikang parang simoy ng pang gabing hangin ay nakakalma sa kalamnan ko.
"Ihahatid mamaya ang order mo, Miss. Sa opisina na tayo dumeresto."
Pagkarating namin sa tamang floor ay iginiya na ako ni Kara sa opisina ng CEO. Isang mahinang tatlong katok ang ginawa ni Kara bago niya binuksan ang magarang pintuan.
Tumambad sa amin ang isang matandang lalaki na kakatayo lang galing sa swivel chair niya. He smiled and offered me a handshake pagkalapit ko. Tinanggap ko ang pakikipag kamayan ng matanda sabay ngiti.
"Kay gandang bata mo pala, Hija..." sabi niya sabay halakhak niya parang si Santa Claus.
Kaagad naman itong sinang-ayunan ni Kara.
"Salamat po!" Nahihiya kong tugon.
"Maupo ka, Hija," alok niya. Pagkaupo ko ay may tinawagan siya sandali 'tsaka ako muling hinarap.
"Bakit mo nga pala gustong bilhin 'yon, Hija? May gagawin ka bang shop?"
Nginitian ko ang matanda sabay iling. "Hindi po. Plano ko po kasing gawing shelter iyon ng mga galang aso."
The old man face lit up as he slowly nodded---parang hindi makapaniwala sa sinabi kong 'yon. Sadly nowadays that showing humanity towards animals shocked people. If this act was normalized, wala na sigurong mabibigla sa ganitong klaseng desisyon at plano.
"Wow. How amazing and beautiful you are, Hija! Hindi lang panlabas na anyo ang ganda mo at pati na rin sa kalooban!" Mr. Yap beamed.
Parehas kaming natigilan nang may narinig kaming katok mula sa labas. I innocently waited to opened the door and dart my eyes on the Mona Lisa painting near at the window.
"Commander Rabbani! You are just in time!" Nagagalak na boses ang narinig ko mula kay Mr. Yap.
I gulped as I felt my body completely stiffened. Ang mga mata ko ay parang ayaw nang maalis sa painting at ayokong lingunin ang panauhin. Ang puso ko ay parang milya-milya ang tinakbo dahil sa pintig nito.
I prayed that among of the Rabbanis I knew, sana si Hafiz ito. Impossible din kasing si Hafza dahil nasa checkpoints ito kanina.
"Kararating lang din ni Ms. Andino. Ms Andino?" tawag sa akin ni Mr. Yap.
Hilaw at kinakabahan akong napalingon sa kanila. Nang magtapo ang mga mata namin ay parang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko. I also held my breath like if I exhaled, all of the things I hold will be moved and my tears will never be an exemption of that I am sure.
His eyes that dark and ruthless than ever directly darted on me. Mas tumangkad siya at nadepina pa lalo lahat ang parte ng katawan niya. He became raggedly tanned and got stubble on his jaw. His shoulder is now broaded like ever. He is now a definition of perfection. He is now a tottaly grown up man. Parang wala na ang dating Zul ko. Parang hindi na siya 'to.
From his millitary uniform that perfectly hugged him. Finally, he got what he dreamed of. Ganitong Zul ang gusto kong makita pero bakit parang ayaw ko na? Dahil ba hindi na ito katulad ng dati?
"Maupo ka, Commander..." yaya ni Mr. Yap kay Zul.
"Hindi na at mukhang mabilis lang naman 'to gayong hindi naman ito importante," he said in a monotone and cold voice.
I gulped and gulped. Parang may nagbarang mga pako sa lalamunan ko at may kung anong humihiwa sa puso ko. Why he sounded so different? At bakit parang galit na galit siya sa akin?
He sound very different infront of me. Hindi na nga siya 'to. Gusto kong magwala at umiyak pero bago pa tumulo ang luha ko ay iniwas ko ang tingin sabay baling kay Mr. Yap.
"H-He's right, Sir. Hindi ko na itutuloy ang ano mang napag-usapan natin. Hahanap nalang po ako ng iba...."
Mas lalo akong nanginig nang marinig ko ang marahang paghalakhak ni Zul. I know it was a full of sarcasm.
"Maghahanap ng iba...Last resort mo ba talaga ang maghanap ng iba?" maybnahimigan akong galit sa sinabi niyang 'yon.
Matapang ko siyang hinarap pero lintik lang talaga itong luha at hindi pa nakisama. I used my last energy and bid my good bye to Mr. Yap. Hindi pala ito importante bakit sinipot niya pa? Tangina mo talaga, Rabbani!
Nasa hamba pa siya ng pintuan kaya matapang ko siyang tinulak para makalabas na. But before I could finally get out, he held my pulse strongly and pulled me sabay sara niya sa pintuan sa likuran.
Kami nalang dalawa rito sa labas ng opisina ni Mr. Yap. At kung may makakita man sa amin ngayon ay wala na akong pakialam!
"Fuck you! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" galit kong sigaw sa kanya at pilit binabawi ang palapulsuhan ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang kinaladkad niya ako papunta sa parang isa pang opisina. Ano siya rito, may-ari at basta-basta nalang pumasok sa mga silid dito?!
Para kaming nasa conference hall. Pagkapasok namin ay hindi niya parin binitawan ang palapulsuhan ko. I even felt a little sore on my pulse because his tight grip. Tanginamo talaga, Rabbani!
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" naiiyak ko nang sigaw sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin gamit ang mapanganib niyang mga titig. Inilingan ko siya sabay pahid sa mga luha ko sa pisngi.
"Hindi naman ito importante, 'di ba? Bitawan mo ako at uuwi na ako!"
He clenched his jaw and losen his grip. Kahit mas masakit ang ginawa niyang pagbitaw sa pala-pulsuhan ko ay tinalikuran ko na siya para makalabas na.
Bago ko pa mahawakan ang door handle ay isang mainit na yakap sa likuran ko ang naramdaman ko. My heart fell followed by my hot tears. I pressed my eyes shut as I held my sobs.
"B-Bitawan mo ako!" nanghihina ko nang asik sa kanya.
"You will never made me follow your orders again, Dorothy. Because the last time I followed you was like a death to me," napapaos niyang sinabi sabay subsob ng mukha niya sa leeg ko.
Napayuko ako sabay pako sa mga mata ko sa magkabila niyang braso na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Ngayon, hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Unti-unti ko nang pinakawalan iyon at tinuloy-tuloy ko na ang pag-iyak.
"Galit ako sa 'yo....galit na galit," dugtong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro