Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Buyer

"Meron ka bang gustong ipapabili, anak?"

Pinagmamasdan ko si Mama habang nag iimpake ito. May semminar daw siyang dadaluhan kasama ang ibang principal ng schools. Three years of recovering from that downfall, binuhos ni Mama ang sarili sa pagtuturo and it paid off. Na promote siya at ginawang principal of elementary department.

Ngumuso ako at tinulungan ko siyang ilagay ang ibang gamit niya sa maleta. Mahigit isang buwan din daw sila sa Iligan City. Getaway Summer na rin daw ng schools aniya pa.

"Kahit ano nalang, Mama. Mag enjoy po kayo roon.."

Nilingon niya ako at binaba ang tinupi niyang towel. "Anak, alam kong may sarili kang pera at sumasahod ka nang maganda. Pero ikaw pa rin ang baby ko at gusto pa rin kitang i spoil, 'no..."

I chuckled and hugged her tightly. Looking back, hindi ko kailanman sinabi kay Mama ang tungkol sa nararamdaman ko kay Zul. If she saw me crying, spaces out, and sad ay palagi niyang iniisip na dahil iyon kay Papa. Ayokong mag-alala siya sa akin lalo na at hindi maganda ang trato sa akin ng Mama niya.

It's been six years....

Noong sinabi ni Mama na mawawala rin ang posibilidad na mararamdaman ko kay Zul dahil bata pa naman ako noong minahal ko siya ay parang hindi nangyari sa akin. Hindi nangyari sa akin dahil hindi ko gustong makalimutan siya. We didn't clear things properly dahil parehas kaming naiipit sa mga responsilidad namin.

Parehas kaming hindi sigurado kaya ayaw naming mag desisyon. O, ako lang? Napalunok ako nang maalala ko ang ginawa kong pag-iwan kay Zul noon.

And that night also. I was still searching for my justice. Hindi ako titigil hangga't hindi ko mahuhuli ang lalaking 'yon. If he think I didn't searched for him at makakatulog parin siya ng mahimbing ay nagkakamali siya.

"Oo na nga. Kami ni Raki!" I happily requested.

Sinundo na si Mama ng school bus kasama ang mga kasamahan niya pa. I waved my hand as Raki barked too. I giggled his face and went back to our new big house. Pina renovate namin ito ni Mama after years. When I graduated and got a job, mas naging madali ang buhay namin ni Mama kahit may mga araw at gabi pa rin akong hinahanap-hanap si Papa.

Papa, proud ka ba sa akin? I know you are. And you always will.

"Bakit hindi mo pa sinasagot si Andrew?" Natatawang usal ni Ashley habang pinagmamasdan namin itong lumabas sa restaurant.

We are having lunch earlier nang tumawag si Andrew. He asked if we can go lunch but I answered that I am with Ashley and we are having lunch. Nagulat ako nang bigla nalang itong dumating kanina para makita ako.

Nagkibit balikat ako sa kaibigan sabay buntong hininga. I am glad that she's free on that scandal. Nagulat nalang ako na tumawag si Ashley sa akin noon para magpaalam dahil lalabas daw sila ng bansa. I can still remember her scaredy voice as she's trembling also. Hindi niya sinabi sa akin ang rason pero sa tingin ko ay nasangkot siya sa isang iskandalo dahil sa ex niya.

Mabilis kumalat ang balita lalo na at parehas na malalaking pamilya ang nagka problema. Back then, may mga tao pang hindi dapat nadadamay kaya mas lalong nagkakagulo.

"Hindi pa ako handang makikipag relasyon, Ash.."

Andrew is my college schoolmate. Nagkakilala kami no'ng parehas kaming na cut-off-an ng admin. He's a from a BSBA department. Naging magkaibigan kami hanggang sa naging ka close. I thought it will be awkward to have a male friend pero nasanay ako noon kay Zul. He did things that Zul did to me. And a thing that he can't make is to make me fall in love with him.

Mananatiling si Zul...at si Zul lang.

Kaya noong nanhingi siya ng permiso sa akin kung puwede ba siyang manligaw ay kaagad ko siyang binasted. He's not bad. Every girls of our campus dear and admire him. He's a top genius in their department. Matangkad, guwapo, at hindi nalalayo ang hitsura kay Zul. But still, my heart aches and beat for him.

"Siya pa rin ba?" Nilingon ko si Ashley nang sumeryoso na ang kanyang boses.

I pressed my lips together. Anim na taon na ang lumipas at hindi ko inakalang iyon parin ang tingin ni Ashley na rason kung bakit hindi pa kami ni Andrew. Sa mga taon na lumipas, sinabi ko sa kaibigan ang lahat tungkol sa amin ni Zul. Simula sa umpisa hanggang sa huli. Hindi ko rin siguro siya masisi.

Umiling ako at sumimsim sa strawberry milkshake. "Ayoko munang may kahati sa oras ko."

"Hindi naman iyan ang itinanong ko?" Ashley sarcatiscally raised her brow on me.

Pinagdikit ko ang mga labi sabay buntong hininga. Napatitig ako sa baso ng milkshake ko at inaalala ko ang lahat pagkatapos kong bisitahin si Tita Sittie no'ng gabing 'yon.

"Congratulations, Ariya!" Tita Sittie beamed at me as she hugged me tigtly. Malaki na ang tiyan nito at malapit nang manganak kaya hindi ito nakapunta sa bahay no'ng inimbitahan namin siya ni Mama.

I graduated Bachelor of Science in Agriculture Major in Agroforestry, Magna Cumlaude. Ito naman talaga ang hilig ko. Magtatanim at ginagawang pahinga ang bukid.

Pero may mga tao pa ring naghahangad sa akin na mamomolitika ba raw ako. Hindi ko alam kung papasok ba ako sa politika but it feels like it's not for me. Politics is just too dirty for me.

Hindi rin mawawala ang side comments why I choose agriculture. Often, people overlook the significance of agriculture, thinking it's for the uneducated. Mga ganitong klaseng tao amg dapat iwasan as they fail to appreciate the life-sustaining essence of farming.

"Heto po ang tinolang buong bisayang manok po, Tita." Nilapag ko sa center table ang dala kong tote bag kung saan nandoon ang mga pinadalang pagkain ni Mama.

Her eyes widened because of excitement. Kaagad niyang tinawag ang isang kasambahay para ikuha siya ng mangkok. I chuckled and sat besides her. Ang ganda talaga ni Tita Sittie.

"Naku, grabe talaga ang pag crave ko ng tinolang manok. Masarap magluto ang Tito mo pero ayoko na sa luto niya. Gusto ko iyong luto ng Mama mo. Hay naku! Mabuti nalang at naiiintindihan niyang naglilihi lang ako," aniya sabay nguso.

I chuckled and helped her to get the foods. Sabi ni Mama ilang araw na raw itong naglalambing sa tawag si Tita Sittie sa kanya na ipagluto sa mga cravings niya at kahit siya na bahala bumili sa mga rekados. Of course, Mama granted all her hopings. Sino bang tatanggi kay Tita Sittie.

"Gusto ko talagang magmana sa iyo ang anak ko, Ariya." Titig na titig sa akin si Tita Sittie habang sinabi niya 'yon.

Umiling ako sabay ngiti sa kanya. "Sa 'yo po, Tita. You are kind, humble, and naturally beautiful inside and out..."

Siya naman itong umiling sa akin. She held my hand and squeezed it a little. "What I mean is being independent and resilient."

"Hindi kasi ako ganoon, Dorothy. Araw-araw akong takot, nangangamba, at nangangalap." She let a heavy sigh. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya at pino-proseso ang lahat. Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi ka naman siguro pinabayaan ni Tito?" I whispered.

Maagap niya akong inilingan sabay pakawala ng mababang tawa. "Hindi...hindi. He always assured me everything, Ariya. May mga bagay lang akong dapat pagtuonan ng pansin. May dapat pa akong kumpunihin na hindi na umaasa sa iba. But I always end up seeking help to your Tito at ayoko no'n." She smiled bitterly.

"Lumaki akong meron lahat. Lumaki akong maraming ka agapay kaya kapag ako nalang mag-isa, palagi nalang akong natatakot at nangangamba. Ayokong magiging ganoon ang anak ko..." she paused and stared at me lovingly.

"I want my baby to be strong, independent, loving, grateful, and resilient. I want my baby to be like you.."

Tita Sittie pulled me for a hug. I smiled and hugged her back. Palagi kong iniisip na isa lang akong batang uhugin at walang alam sa buhay. But it's heart warming that there's a person who look at you the things that you didn't see on yourself.

It's just in life, expect that anyone will look at you like a piece of incurable disease. Meron namang mga taong nakikita ka bilang isang gamot at kailangang pahalagahan. We just need to choose our people wisely to avoid toxins in our lives.

Nagpaalam na rin ako kay Tita Sittie at gabi na rin. Palabas na ako sa gate nang makasalubong ko ang Mama ni Zul. My heart started to pound fast as she stares at me coldly and in disgusted way. Hindi naman iyon bago sa akin pero palagi pa rin akong kinakabahan sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Taas kilay niyang tanong. Hindi pa nakatakas sa akin ang mapang insulto niyang pag hagod sa kabuoan ko.

Hindi naman niya bahay 'to, a? Bakit kung makatanong siya sa akin ay parang pag-aari niya 'to?

"M-May hinatid lang po---"

She laughed saracstically. "Oh really, Hija?  May hinatid ka o nangangalap ka ng balita kay Zul? At anong hinatid mo kay Sittie? Pagkain? Pagkaing luto ng isang...." she winced and fastly wiped off her disgusted eyes on me.

My brow creased of what she said. I always viewed muslims being soft spoken, word-caring, and respectful. Sa tingin ko na sobrahan lang ako sa pag tingala sa kanila. I almost think they aren't imperfect. Like us Christians, wala rin pala silang kaibahan sa mga aspetong meron ang mga kristyano. Or they can be the worst.

"M-Mauna na po ako..."

"Ako nalang ang magbibigay sa iyo ng balita, Hija. Mukha kasing wala kang nakuha kay Sittie?"

Napatigil ako sa paglalakad nang sinabi niyang 'yon. I badly want a news from her, too. Sa pagkakaalam ko hindi sila puwedeng gumamit ng gadgets doon hanggang hindi pa sila tapos mag training. Walang ibang makakapag bigay ng balita galing kay Zul kundi itong nanay niya. But....

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kung balitang galing din naman  sa Nanay niyang inggrata ay huwag nalang. I will rather wait Tita Sittie. Wala akong pakialam kung matagal.

"Nakauwi siya sa Mansion noong nakaraang buwan. I bet hindi mo alam 'yon?"

I gritted my teeth. Walang tono ng kanyang pananalita na walang sarkasmo at pang-iinsulto. Pero umuwi ba talaga siya? Bakit hindi niya ako pinuntahan? Napalunok ako nang naramdamah kong uminit ang magkabila kong mga mata.

"May importante kaming pinag-uusapan. To cut the story short. He will get married after his graduation," she continued as if she's expecting me to cry infront of her.

Aminin ko, parang tinapunan ng asido ang puso ko nang marinig ko 'yon. Ayokong maniwala pero baka wala ring masabi sa akin si Tita Sittie dahil alam niyang masasaktan ako sa ibabalita niya kung sakali.

I already know what really happened between her and Datu and my parents. Kinompronta ko si Mama at sinabi sa kanya iyong ginawang pagyakap sa akin ni Datu.

Datu Aqil first love was Mama. Actually, Mama, too. Naghiwalay sila noong ina-arrange marriage sila ni Farrah. My mother was too heart broken kaya lumipad siya pa Maynila. And there she met Papa.

I wonder if Zul knows about the history of our parents.

"Arrange marriage po ba?" Kunot noo kong harap kay Farrah. "Is that girl begged to her parents to talk to you because she badly want marry Zul just like how you begged to your parents to marry Datu?"

Umawang ang labi niya sa sinabi kong 'yon. I don't want to bring things up pero sumusobra na ang matandang 'to. Umaapoy sa galit ang mga mata niya at halatang isang kablit ko nalang sa kaya ay susugurin niya ako.

Grabeng kontra at pagdadamot niya sa anak niya. If she want Zul to hid from me, edi itago niya sa saya niya.

But as I am in my room and alone. I slowly accepted the fact that Zul will never be mine even I badly want to be his. I cried my heart out. The hope that we hold crashed like it should be. Hindi sapat ang mahal ninyo ang isa't-isa para may kasiguraduhan sa lahat. May pagmamahal na pinapaubaya sa tadhana. May pagmamahal naman na kinokontra ang tadhana. Ayoko mang tanggapin...but I think Zul chose the first one.

"Ikaw na rin nagsabi na ikakasal si Zul pagkatapos nitong gumraduate. Anim na taon na rin ang nakalipas, Riri."

Napakurap-kurap akong napatingin sa kaibigan. I cleared my throat and threw my glance once again on my milkshake. Tunaw na tunaw na ang yellow roon at nawalan na rin ako ng ganang inumin 'yon.

Ayokong paniwalaan iyon pero noong sinabi ni Tita Sittie sa akin na totoo iyon ay talagang nawalan na ako ng pag-asa. Ang alam lang niya ay may ganoong plano pero wala pa naman daw siyang natanggap na imbitasyon. Pero kahit na...

I thought he loves me? Akala ko ba mahal niya ako at babalik siya sa akin?

I refrain myself to hope on us when I always find myself doubted and crying. Tatanggapin ko nalang siguro na hindi talaga kami puwede para sa isa't-isa. Alam ko naman 'yon. Pero nagbabakasakali parin ako kasi mahal namin pareho ang isa't-isa at baka puwede kami at papahintulutan.

"Literal na hindi talaga siya umuwi, huh? Hindi kaya ay kasal na talaga siya roon sa Manila? At sino naman ang babae? Iyong sinasabi mo bang close ni Farrah?"

Hindi ko rin alam, Ash. Can we just please drop this topic.

Natigilan kaming pareho ni Ashley nang may tumawag sa cellphone ko. Kaagad ko itong sinagot. Hindi ito naka rehistro sa cellphone ko, ah?

"Hello?"

"Hi, good afternoon. Is this Dorothy Maeve Andino?" sagot ng isang lalaki na may ka edaran na.

"Speaking..." sinulyapan ko ang kaibigan na kunot noo ring nakatingin sa akin.

"I just wanted to ask if you are the one who inquired about extented land?"

"Yes, po. Sino po sila?"

"Ako iyong may-ari ng lupa. My secretary answered your inquiries and it says you will pay good."

Nanlaki ang mga mata ko. Finally! May plano ako sa lupang 'yon na gawing shelter ng mga stray dogs. I've been planning to do this in my entire life. Marami na kaming nabili ni Mama na lupain at pinalago namin ang palayan at maisan. We are having a good crops and I enjoyed what me and Mama do over these years.

May mga nag ha-hire rin sa aking mga haciendera at haciendero para gawing personal checker ng kanilang mga pananim at lupa. At ang mga perang galing sa pagtatarbaho ko sa kanila at sa DOA ay nakatulong sa amin ni Mama para makapag ipon at makabili ng mga extended areas malapit sa maliit na lupa namin noon.

"Gusto ko sanang sa iyo ipagbili iyon kaso may nakapag bayad na. Late ko na nalaman sa sekretarya ko na may interesado pa pala bukod sa personal na taong kumausap sa akin na interesado sa lupa."

Bagsak balikat kong nilingon ang kaibigan. Ashley mouthed, "What happened?" pero inilingan ko nalang siya. Bakit siya nagkaka interes doon, e malayo na iyon sa maraming tao kung gagawin niya man iyong tindahan. Hindi rin naman kalakihan ang lupa at sapat lang doon sa gagawin kong shelter para sa mga aso.

Pero sayang talaga. Gusto ko talaga ang extended land doon dahi malayo sa mga tao. Mas  mapapanatag akong i-uwi ang mga aso roon at mag ha-hire nalang ng mga tao na puwede kong gawing mga tao ko para sa kanila.

"But if you badly want that extended land, you can talk to the first buyer. Pag-usapan n'yo rito sa opisina ko. Just tell me when you are free para makapag appoint ako ng meeting."

I pressed my lips at ngumisi ng malapad. Naguguluhan naman si Ashley sa biglaang expression ko.

"Sige po. This friday..."

"Okay, friday. My secretary will send you the address."

Pagkababa ng tawag ay ngiti-ngiti akong bumaling kay Ashley. Finally. Maiuwi ko na ang mga asong palagi kong binibisita sa Cathedrall Falls at Centennial. Raki's Home. Maipapagawa rin kita soon. I just needed to convince that buyer. Sana maiintindihan niya kung bakit gustong-gusto kong mabili ang lupang 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro