Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Smell

Pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak habang lutang na nakikinig sa Earth Science na subject. I yawned and checked the time on my wrist watch at inangat muli ang tingin sa wala pa ring tigil sa pagputak ng instructor namin.

"Next week will be your midterm exam for the first semester. The pointers will be posted on your portals," our instructor announced.

I sighed and picked my things. Nang dismissal na ay hindi na muna ako bumaba para sa recess. Ashley chatted me na maghihintay siya sa akin sa cafeteria kahit sinabi ko na sa kan'yang hindi ako sigurado kung bababa ba ako. Lintik kasi iyong nangyari no'ng nakaraan.

Inisa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa bag at bumuntong hininga kong ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. My brow creased when I saw criminology students having a formation on the quadrangle.

Hindi mahirap tanawin sila dahil malapit sa bintana ang upuan ko. Pinatong ko ang mukha sa palad ko at ipinatong ang siko sa arm chair. My hair fell on right side of my cheek kaya inipit ko ito sa likod ng tainga ko.

"Uy, grabe ka naman makatanaw riyan, Andino!" kantyaw ng mga kaklase ko.

"Gusto mo tawagin namin si Zul for you, Dorothy?" nakangising sinabi pa nila.

Umayos ako sa pagkaka-upo sabay irap sa kanila. Naghalakhakan naman sila at hindi pa rin ako tinatantanan.

"Tawagin n'yo...papansin kayo, e," malamig kong sagot sa kanila.

The news about Zul riding with me scattered like a wildfire. Nito ko lang din nalaman na criminology student pala si Zul. I wonder kung ano hitsura niya ngayon. Lahat kasing mga criminology students sa CKCM ay naka gupit na. And they are like human matches strolling around the campus.

"Noong umangkas ba sa 'yo si Zul ay nakakakapit siya sa baywang mo, Riri?" kinikilig na sambit ni Ashley.

Kulang nalang ay batuhin ko siya ng notebook dahil may iilang mga estudyante ang biglang nagsilingunan sa table namin. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang gaga hindi nagpapatinag.

"Ano?!" hagalpak niya pa.

"Wala!" I hissed.

Talak siya nang talak tungkol sa amin ni Zul samantalang ako naman ay walang ibang tugon kundi ang sinasamaan siya ng tingin at iniirapan. Nang tungkol na sa ibang bagay ang lumalabas sa bibig niya ay doon ko na siya pinapatulan.

"May mga drug addicts raw na hindi pa naibalik sa facility.." she paused and drink some lemonade.

Nagkibit balikat siya nang inangat ko ang tingin sa kan'ya. "Kaya, hatid-sundo na ako ngayon ng driver namin.."

Tinanguhan ko siya. "Oo, kaya huwag ka na ring mag-gagala at magpapa-gabi."

Pagkatapos ng last subject namin sa araw na 'to ay naglinis na rin ako at ang mga ka groupmates ko ng classroom. Schedule kasi namin kaya dapat talagang maglinis. Lima nalang kami sa room ng biglang nag c-chikahan ang apat kong kaklase.

"Bilisan natin dito maglinis. Ayoko pa naman ditong masyadong nahahapunan.." parang takot niyang sambit.

"Hoy, Cristal...'wag ka ngang manakot!" reklamo pa nila.

Nagpatuloy lang ako sa pagwalis ng sahig at hindi na sila pinansin. Nang natapos na ako sa pag walis ay in-arrange ko na rin ang lagayan ng mga walis, bunot, at mga floor wax.

"Totoo kasi talagang may madreng nagpaparamdam dito..." untag ng isa kong kaklase.

Kasalukuyan silang nag a-arrange sa mga upuan. Iyong dalawa naman ay kababalik lang galing sa labas dahil nagtapon ito ng mga basura.

"Kuwentong barbero!" natatawang sinabi ni Irene.

Umiling si Cristal. "Hindi! E, hindi ba sobrang tagal na ni manong Ed dito? Iyong janitor? Sabi raw niya, nakikita niya ang madre pero pinapabayaan lang daw niya!"

"Bakit, kung ma didisturbo ba ito ay magagalit ang madre?" they asked scaredly.

Hindi naman ako naniniwala sa mga ganito pero biglang kumabog nang napakabilis ang puso ko.

"Parang...tapos ikaw na ang susundan niya kahit saan ka magpunta.."

Nang marinig ko iyon ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko. Dali-dali kong tinapos ang parte ko at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan ko na si Ashley. Pagkaalis ko ay nagsi-alisan na rin sila.

Nauna nang nakauwi si Ashley dahil pagkalabas namin sa campus ay naka abang na sa kan'ya ang driver nila. The driver smiled at me nang makita niya ako. They known me for a very long time. Hindi lang dahil sa bestfriend ako ni Ashley kundi anak din ako ng kapitan ng baranggay namin.

Pagka-alis nila ay binalingan ko ng tingin ang motor ko. Kumunot ang noo ko nang makita si Zul na nakasandal doon. Parang may kung anong biglang nagsiliparan sa tiyan ko na agad ko ring sinaway.

Kabado akong naglakad palapit sa kan'ya habang higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko.

Napalunok ako nang malapit na ako sa kan'ya. Hindi pa ako nakakaabot ay inangat niya ang ulo niyang kaninang nakayuko habang tinitigan ang sapatos. He smiled widely nang makita akong nakabusangot sa harapan niya.

"Sasabay ako.." bungad niya sa akin.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at nakapamulsang tumingin sa akin. Naka tuck in na ito at nagpaka snappy pa sa harapan ko. Dumapo naman ang tingin ko sa ulo niya. Naka gupit na rin ito just like the other criminologist did.

Ngumuso ako. Naka buzz cut nga siya pero hindi naman siya mukhang posporo. Pero...takip ng suka, oo.

Tumikhim ako para iwasan ang pag hagalpak sa tawa. He looked at me ridiculously when he noticed I was thinking so bad at him.

"Ano?"

Umiling ako at pinanatili ang neutral kong tingin. "Hindi puwede.."

He crossed his arms and smirked at me. "Bakit?"

"Anong bakit? Ayokong palalain ang kung ano-anong tsismis tungkol sa pag aangkas mo sa motor ko!"

"Eh, ano naman? Nandiyan na ang tsismis, e. Anong pinagkaiba sa hindi mo na ako pa-angkasin?" rason niya pa.

Halos guluhin ko ang buhok ko sa kakulitan niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay at may kung anong multong namumungad na sa kan'yang labi.

"Uy, ano ito? LQ?" tukso ng kung sinong makapal ang mukha.

Kabado kong nilingon ang mga estudyanteng nagsilabasan na ng campus. Iyong iba suportado sa panunukso, iyong iba naman naiirita. Probably Zul's admirers.

Hinilamos ko magkabilang palad sa mukha ko bago ako lumapit ng tuluyan kay Zul para makasakay na sa motor ko. I cursed multiple times in my head when I can't find my damn keys.

May dala akong text books at isang kamay lang ang ginamit ko para kapain ang magkabila kong bulsa sa sout kong jeans kaya medyo nahihirapan ako.

"Akin na muna 'yan," Zul murmured as he pointed the text books.

Wala sa sariling inabot ko sa kan'ya ang text books at kinapa na muli ang mga bulsa ko. Nang hindi ko mahagilap ang susi ko sa mga bulsa ay ang bag ko na naman ang kinalkal ko.

Kinakabahan ako nang hindi ko ito mahanap. Chineck ko na rin ang ibang compartments ng bag ko para makaka siguro. Kinuha ko ang mga laman ng bag ko at ipinatong iyon sa upuan ng motor para mas ma check ko ng maigi ang bag pero wala talaga akong susi na mahanap!

"What's wrong?" nag-alalang tanong ni Zul.

"I can't find my keys..." pinagpapawisan kong sagot.

Napalunok akong bumaling ulit sa labasan ng campus. Ibinalik ko ulit ang mga gamit sa bag at nababalisang napatitig sa kawalan. Shit. Anong gagawin ko ngayon?

"Hanapin natin..." Zul suggested.

Sinipat ko ang relo na sout. Sobrang hapon na dahil malapit na mag a-alas singko. I bit my lower lip sabay tango kay Zul. Nauna na akong maglakad papasok sa campus habang ang mga mata ko ay nakasuyod sa daan papasok.

Sa room, at cafeteria lang naman ako kanina kaya roon lang ang mga routa na tatahakin namin. Sipat ako nang sipat sa relo ko nang napansin kong papalubog na ang araw. Nilingon ko si Zul na seryoso ring naka sunod sa akin habang masuring nakatingin sa posibleng nahulogan ng susi.

"We should part our ways para mas madali nating mahanap ang susi."

Nilingon ko si Zul at nakatayo na ito malapit sa wash area. Seryoso itong nakatingin sa akin at wala na ang kan'yang mga mapang-asar na mga titig.

"S-Sige.."

He nodded. "Sa cafeteria ka. Ako na sa itaas kung saan ang routa ng room mo."

Nauna na siyang naglakad papunta sa room namin. Napalunok akong inilibot ang tingin sa campus. May mga iilang estudyante pa naman sa campus pero wala na dito malapit sa akin. Naglalakad na ako papunta sa cafeteria habang hindi inalis ang tingin sa dinadaanan.

Gumamit na rin ako ng flashlight para mas makita ko ang paghahanapan. Halos wala na rin kasi ang araw kaya mas dinoble ko na ang pagtitingin at pagsuri.

Malapit na ako sa cafeteria nang may kung ano akong nakitang anino. Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa paglalakad. Sobrang tahimik ng cafeteria kaya mas lalo akong kinakabahan.

Umiling ako. Baka esudyante lang 'yon, Dorothy. Papasok na ako sa cafeteria ng biglang dumaan na naman iyong anino. Nanlamig ako sa kinatatayuan at parang may kung anong nagkakarerahan sa puso ko.

Nang dumaan na naman ang anino at tumigil ito mismo sa harapan ko ay doon na ako kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria habang nagsisigaw. Naiiyak ako sa takot at wala akong tigil sa pagtakbo.

Hindi na ako tumitingin sa dinadaanan ko. Ang gusto ko na lang ay makalayo ako roon. I was fighting for my life nang may bumunggo sa akin.

Napaupo ako sa damuhan dahil sa lakas ng pagka bunggo ko sa kan'ya. Takot kong tiningala ang taong nabunggo ko. Nang makita kong mukha ni Zul ang bumungad sa akin ay agad akong tumayo sabay yakap sa kan'ya ng mahigpit.

My body was trembling as my heart was pounded so darn fast. Taas-baba ang dibdib ko at mas isinisiksik ang sarili ko sa kan'ya. Wala akong pakialam kung aasarin niya ako pagkatapos nito. Sobra lang talaga akong natakot.

What the hell? Totoo pala talaga 'yon?

"Anong nangyari?" he asked, as his worried voice was evident.

"M-May nakita akong a-anino..."

Nananatili pa rin akong nakayakap sa kan'ya nang sinabi ko 'yon kaya hindi ko makita ang naging reaction niya.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at marahan niya akong inilayo sa kan'ya. Nag-iwas siya  ng tingin sa akin nang tiningala ko siya. His brow creased sabay tingin niya sa daan na pinagmulan ko kanina.

Ang tibok ng puso ko ay patuloy pa rin sa pahaharumentado.

"Anong anino? Saan?" kunot noong tanong niya.

I swallowed hard sabay turo sa daan pa cafeteria. "P-Pagpasok ko sa cafeteria may anino na daan nang daan...t-tapos noong hindi pa ako umalis ay bigla itong tumigil sa harapan ko...'yong anino."

He licked the bottom of his lips then scrunched his nose afterwards. Tumikhim siya sabay hila sa kamay ko. He opened my right palm then he handed me my keys.

"Let's just...go home," he uttered in a very serious tone.

Alas sais na ng nakauwi na kami sa bahay. Aniya, siya na raw magsabi kay papa kung bakit nagabihan kami. Siya na pala ang nag drive pauwi dahil ayaw niyang ako ang mag d-drive. I pouted when I remembered our little argument earlier.

Pagkabukas ko ng gate ay tumayo si mama mula sa pagkaka upo sa couch namin sa teresa. Si papa naman ay nakatayo sa likuran niya at mukhang hindi mapakali. Mama and papa stilled a seconds when they realized whom I bring.

Nang makita ako ni Raki ay bigla itong lumabas sa bahay at sinalubong ko na kaagad ng yakap. He barked at Zul at hindi na niya sinundan pa.

Zul just stared coldy at Raki at ibinalik ulit ang tingin sa mga magulang kong windang pa rin sa nasaksihan.

Nagmano na ako kay mama at papa habang ang mga mata nila ay nakatingin parin sa lalaking nakatayo sa likuran ko.

"Magandag gabi po sa inyo," Zul politely greeted my parents.

"M-Magandang gabi rin sa 'yo, Zul!" bawi ni mama.

"Napadalaw ka yata, Zul?" papa asked and glanced at me.

"I am just dropping Dorothy. Nawala niya kasi ang susi niya kaya hinanap muna namin kanina sa campus...Pasensya nga po pala kung nagabihan siya." Deretsong sagot niya kay papa.

I blinked and tilted my head to look at him. He answered my father with full of authority with a taint of so much politness and respect.

Papa slowly nodded. "Pasok ka muna at dito na rin tayo maghapunan."

"Oo, Zul. Kakatapos ko lang din magluto. Hinihintay lang namin itong si Riri na makauwi," mama agreed.

Zul smiled at my parents and shook his head. "Salamat po pero may pupuntahan pa kasi ako," aniya sabay baling sa akin.

"Oh..." si mama.

"Mauna na po ako.." Si Zul.

"Salamat sa paghatid mo sa anak ko, Zul," nakangiting sinabi ni papa.

Tinanguhan siya ni Zul at tumalikod na ito para maglakad na palabas ng gate. Papa gestured me na ihatid ko ito sa labas kaya dali-dali rin akong sumunod sa kan'ya.

"Ah, Zul..." tawag ko sa kan'ya.

Gulat itong napalingon sa gawi ko at lumipad ang tingin niya sa kinarooonan namin kanina. Pumasok na rin sila mama at papa sa loob kasama ang aso ko.

"I-Iyong tungkol kanina..." ani ko sabay pisil-pisil ng mga dailri ko.

He pursed his lips and waited what comes out next on my mouth. Kinakabahan naman akong napatingin sa kan'ya lalo at ang mga mata niya ngayon ay parang nanunuri.

The darkness of his eyes screamed danger. Sobrang itim, misteryoso, at malalim. Dagdagan pa ng kan'yang makakapal na kilay at depinang-depina na panga.

"Anong tungkol kanina?" litong tanong niya.

I gulped. I wasn't talking about how I lost the keys. It's about the hug. Shit.

"P-Pasensya kung nayakap kita kanina..." halos pabulong kong sinabi.

I know he is bit traditional and religious. Big deal sa kanila iyong mga intimate touch kahit sabihin mo pang wala lang iyon sa 'yo. I should be careful and mind what I was doing. Shit. Sobra lang talaga kasi akong natakot kanina kaya nagawa ko siyang yakapin.

"Why are you me telling this?" parang may nahimagan akong galit sa boses niyang 'yon. Or I was just being paranoid?

"B-Baka kasi hindi mo nagustuhan ang pagyakap ko ng walang pahintulot galing sa 'yo---"

"Edi tinulak kaagad kita kung...." hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin. Tumikhim siya sabay iwas ng tingin. "Wala lang 'yon. Sige, pumasok kana roon."

Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya. Still, I wasn't convinced. Guilty pa rin ako sa ginawa ko.

I thanked him again bago ulit nagpaalam. Nadaanan namin kanina ang daan papasok sa mansion ng mga Rabbani but he refused when I said I'd drop him off. Gusto niya raw sa bahay na kami dumeretso.

Pagkasarado ko ng gate ay may itim na SUV ang pumarada sa labas at kaagad na ring sumakay si Zul doon. Tulala akong napatitig sa kawalan. Totoo talaga iyong lintik na nag mumultong madre sa campus?

Napabuntong hininga ako at naglakad na papasok sa bahay. I stopped walking when I realized something just feel odd. Luminga-linga ako. Bakit parang naiwan ni Zul ang sarili niya rito?

His scent was still here. Yumuko ako para amuyin ang sarili. My face heated when I smelled exactly how Zul smell like. Napailing ako sabay hawak sa mukha. Gosh, nakakahiya ka talaga, Dorothy! Paanong hindi kakapit sa iyo ang pabango niya kung iyong yakap mo ay halos ipagkaisa mo ang mga katawan n'yo?

Dios ko! Magkakasala pa yata ako nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro